NAPAKAPIT ng mahigpit si Vanna sa braso ng asawa. Tila may bumalot na takot sa kanyang mukha nang makita ang matandang kinakatakutan. "Andito lang ako, Vanna. Po-protektahan kita," sabi ni Zander sa asawa na nakikitaan niya ng takot sa mga mata. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay nito. Napatingin si Dewei sa mag-asawang sina Zander at Vanna, bago siya lumingon kay Jai na tahimik lang sa gilid. “Jai,” mahinang tawag niya. “That man is terrorizing my sister-in-law.” Napalingon si Jai mula sa kape niyang hawak. Tumango ito matapos makita kung sino ang tinutukoy. “Mayor Oscar,” bulong ni Jai. “You sure he’s here to stir trouble?” “I don’t trust him,” mariing sagot ni Dewei. “Not around Vanna.” “Then you know what to do,” sabi ni Jai, bago muling tumingin sa matandang lalaki. Hindi na nag-aksaya ng oras si Dewei. Lumakad siya palapit sa mag-asawa para magsilbing harang mula sa paparating na hindi inaasahang bisita. “Magandang gabi,” kaswal na bati ni Mayor Oscar saka ng
PANAY ang lakad ni Zander pabalik-balik. Naghihintay sa pagdating ng kanyang pinakamamahal na bride. "Kabado ka bang hindi sisipot ang kapatid ko, Zander?" untag ni Velora nang nilapitan ang asawa ng bunsong kapatid. Napatunghay si Zander kay Velora at payak na ngumiti. "Sa totoo lang, hindi. Alam ko kasi na darating ang asawa ko sa kasal namin. Hindi niya ako iiwan na nag-iisang naghihintay sa altar." Siguradong-sigurado na sagot niya. "Malaki ang tiwala mo sa kapatid ko. Ano?" Mabilis na tumango-tango si Zander. "Siya lang ang babaeng minahal ko kaya ganoon na lang ang tiwala ko sa kanya na hindi niya ako tatalikuran. Kinakabahan lang ako na baka hindi ko kayang ibigay sa kanya ang mga bagay na nakasanayan niya. Iyong mga nakukuha niya sa inyo noong dalaga pa siya. Natatakot ako sa expectation n'ya." Napahinga nang malalim si Velora. Tiningnan niya si Zander na parang binabasa ang laman ng loob nito. "Zander..." malumanay niyang wika. "Ang kapatid ko, hindi 'yan nagpakas
"HAYAAN mo na kung ayaw. May nakuha naman na kayong bagong best man ni Zander. Di ba?" sabi ni Lyca. Magksama sila sa hotel room at naghahanda para sa kasal ni Vanna maya-maya lang. Alas siyete pa lang ng umaga at pareho sila ni Vanna na maagang nagising. Excited lang sila sa magaganap na kasal mamaya. Malungkot na tumingin si Vanna sa kaibigan at umiling. "Hindi kami kumuha ng papalit na best man. Umaasa pa rin ako na darating si Tony." "E, bakit? Ayaw na nga nung tao. Dapat hindi mo na pinilit..." "Maghihintay pa rin kami ni Zander at aasa. Kung hindi man dumating si Tony, ikaw na lang ang aming nag-iisang maid of honor at best man. Puwede naman siguro 'yon?" Giit ni Vanna na ngumiti kay Lyca. Napangiti rin si Lyca at hinawakan ang kamay ng kaibigan niya. "Dapat masaya tayo. Kasal mo na kaya. Darating na rin ang magmake-up sa atin. Yes, this is it! Sobrang maligaya ako para sa inyo ni Zander." "Ako rin. Hindi ko nga akalain na darating kami sa ganitong pagkakataon na maikakasa
HUMUGOT muna ng malalm na paghinga si Vanna habang nakatayo sa harapan ng mansyon ng mga Bautista. Napatingin siya sa kanyang tabi nang hawakan ni Zander ang kanyang kamay. "Huwag kang kabahan. At saka, alam ko naman na hindi siya galit sa'yo. Andito rin ako, kasama mo," pagpapalakas ng loob ni Zander kay Vanna. "Hindi ko alam kung tatanggapin niya na maging best man sa kasal natin. Baka kasi masama ang loob ni Tony sa akin." Hinaplos ni Zander ang likod ng kamay niya at bahagyang ngumiti. "Kung ako nga napatawad mo, si Tony pa kaya? Alam kong nasaktan siya, pero hindi ibig sabihin nun ay hindi ka na niya mahal bilang kaibigan." Tumango si Vanna, bagamat bakas pa rin sa kanyang mukha ang pag-aalala. "Siguro... siguro kailangan ko lang talagang humingi ng tawad. Hindi dahil kasal na tayo kundi dahil gusto ko lang mapawi ang bigat sa pagitan namin." "Sige na, tayo na. Bago ka pa umatras," biro ni Zander sabay bahagyang hila sa kanya papasok sa gate. Habang papalapit sila sa pint
NASA Batangas muli sina Zander, Vanna at si Len para dalawin ang pamilya Hughes. "Oh, kumusta ang preparation ng kasal ninyong dalawa?" untag ni Velora habang ibinababa ang dalang tray. Karga ni Vanna ang pangalawang anak ni Velora na babae. "Okay naman po, Ate. Pero, bakit ganoon po ka-engrande? Puwede na po kami ni Zander sa simple lang." Napaayos ng tayo si Velora at seryosong tinignan ang bunsong kapatid. "Hindi naman magarbo. Ang sa akin lang gusto kong ibigay sa'yo ang nararapat. Ikaw na lang ang hindi naikakasal sa atin. Si Ate Marilyn kasal na rin siya. Saka, 'wag kang mag-alala sa gastos," sagot ni Velora. "Velora, hindi naman puwede na aakuin n'yo ni Mr. Hughes ang buong gastos sa kasal. Kahit na mahirap lang kami ay kaya ko naman ibigay sa asawa ko ang isang magandang kasal. Mahal ko siya kaya nararapat lang na maghanda rin ako para sa araw na 'yon," sabi ni Zander, sabay hawak sa kamay ni Vanna. "Hindi lang ito tungkol sa engrandeng selebrasyon, kundi sa pangako namin
"LOVE, andito na ang wedding coordinator natin. Ipinadala nina Velora at Mr. Dewei Hughes," anunsyo ni Zander habang papasok sa kusina. Napatigil si Vanna sa paghalo ng niluluto. Nilingon niya ang asawa at kunot-noong nagtanong, "Ha? Bakit kailangan pa ng wedding coordinator? Okay na sa atin ang simpleng kasal..." Naghugas siya ng kamay, nagpupunas habang patuloy na nagsasalita. "Saka akala ko ba intimate lang, 'yung tayong dalawa lang talaga at ang mga bisita ay malalapit lamang sa atin." "Alam mo naman ang mga kapatid mo, mas excited pa sila sa kasal natin kaysa sa atin," natatawang sabi ni Zander. Lumapit siya at hinawakan sa magkabilang balikat ang asawa, saka marahang inilabas sa kusina patungong sala. Natawa na rin si Vanna. "Sabagay. Lalo na si Ate Velora, parang siya ang ikakasal, eh." Tinabihan siya ni Zander at agad ipinulupot ang braso sa beywang ni Vanna, saka bumulong, "Basta ako, ang mahalaga sa akin ay ikaw ang mapapangasawa ko." Namula si Vanna at bahagyang tinam