Share

359

Author: RIDA Writes
last update Last Updated: 2025-07-27 06:38:48

NASA Batangas muli sina Zander, Vanna at si Len para dalawin ang pamilya Hughes.

"Oh, kumusta ang preparation ng kasal ninyong dalawa?" untag ni Velora habang ibinababa ang dalang tray. Karga ni Vanna ang pangalawang anak ni Velora na babae.

"Okay naman po, Ate. Pero, bakit ganoon po ka-engrande? Puwede na po kami ni Zander sa simple lang."

Napaayos ng tayo si Velora at seryosong tinignan ang bunsong kapatid.

"Hindi naman magarbo. Ang sa akin lang gusto kong ibigay sa'yo ang nararapat. Ikaw na lang ang hindi naikakasal sa atin. Si Ate Marilyn kasal na rin siya. Saka, 'wag kang mag-alala sa gastos," sagot ni Velora.

"Velora, hindi naman puwede na aakuin n'yo ni Mr. Hughes ang buong gastos sa kasal. Kahit na mahirap lang kami ay kaya ko naman ibigay sa asawa ko ang isang magandang kasal. Mahal ko siya kaya nararapat lang na maghanda rin ako para sa araw na 'yon," sabi ni Zander, sabay hawak sa kamay ni Vanna. "Hindi lang ito tungkol sa engrandeng selebrasyon, kundi sa pangako namin
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   359

    NASA Batangas muli sina Zander, Vanna at si Len para dalawin ang pamilya Hughes. "Oh, kumusta ang preparation ng kasal ninyong dalawa?" untag ni Velora habang ibinababa ang dalang tray. Karga ni Vanna ang pangalawang anak ni Velora na babae. "Okay naman po, Ate. Pero, bakit ganoon po ka-engrande? Puwede na po kami ni Zander sa simple lang." Napaayos ng tayo si Velora at seryosong tinignan ang bunsong kapatid. "Hindi naman magarbo. Ang sa akin lang gusto kong ibigay sa'yo ang nararapat. Ikaw na lang ang hindi naikakasal sa atin. Si Ate Marilyn kasal na rin siya. Saka, 'wag kang mag-alala sa gastos," sagot ni Velora. "Velora, hindi naman puwede na aakuin n'yo ni Mr. Hughes ang buong gastos sa kasal. Kahit na mahirap lang kami ay kaya ko naman ibigay sa asawa ko ang isang magandang kasal. Mahal ko siya kaya nararapat lang na maghanda rin ako para sa araw na 'yon," sabi ni Zander, sabay hawak sa kamay ni Vanna. "Hindi lang ito tungkol sa engrandeng selebrasyon, kundi sa pangako namin

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   358

    "LOVE, andito na ang wedding coordinator natin. Ipinadala nina Velora at Mr. Dewei Hughes," anunsyo ni Zander habang papasok sa kusina. Napatigil si Vanna sa paghalo ng niluluto. Nilingon niya ang asawa at kunot-noong nagtanong, "Ha? Bakit kailangan pa ng wedding coordinator? Okay na sa atin ang simpleng kasal..." Naghugas siya ng kamay, nagpupunas habang patuloy na nagsasalita. "Saka akala ko ba intimate lang, 'yung tayong dalawa lang talaga at ang mga bisita ay malalapit lamang sa atin." "Alam mo naman ang mga kapatid mo, mas excited pa sila sa kasal natin kaysa sa atin," natatawang sabi ni Zander. Lumapit siya at hinawakan sa magkabilang balikat ang asawa, saka marahang inilabas sa kusina patungong sala. Natawa na rin si Vanna. "Sabagay. Lalo na si Ate Velora, parang siya ang ikakasal, eh." Tinabihan siya ni Zander at agad ipinulupot ang braso sa beywang ni Vanna, saka bumulong, "Basta ako, ang mahalaga sa akin ay ikaw ang mapapangasawa ko." Namula si Vanna at bahagyang tinam

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   357

    TUWANG-TUWA si Lyca nang malaman na ikakasal muli sina Vanna at Zander, at sa simbahan na sa susunod. Parang kailan lang na takot na takot pa si Vanna sa matandang nanggugulo sa kanya. Pero ngayon nagproposed na si Zander at matutuloy ang kasal ng mga ito. Maraming makakaalam, hindi na lihim at hindi na isang kasunduan. "Kaya maghanda ka na dahil ikaw ang magiging Maid of honor ko. Wala naman akong ibang kilalang puwedeng ilagay sa puwestong 'yon, kundi ikaw. Ikaw lang kaya ang kaibigan ko at palaging kasama ko sa hirap at ginhawa..." Naluluhang napangiti si Lyca. Kinabig niya ng yakap si Vanna. Nang bumitaw si Lyca ay agad niyang pinunasan ang kanyang mga luha sa mata sa sobrang kagalakan. "Maraming salamat. Sana magtuloy-tuloy na itong katahimikan sa pagsasama n'yo ni Zander. Gusto ko na rin na makita kang hindi natatakot, e. Natitiyak ko na hindi ka na guguluhin ni Mayor Oscar." Magkakaroon na ng katahimik ang kanyang kaibigan at hindi mabubuhay sa takot. Isang tao lang naman a

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   356

    NAKADAPA si Vanna sa kama, balot ng kumot ang kanyang katawan. Gising na si Zander at nakangiting pinaglalaruan ang ilang hibla ng buhok ng asawa. Pinaglandas niya ang mga daliri sa nakalantad na likod ni Vanna. "Sht!"* napamura siya sa isip nang kumislot ang kanyang pagkalalaki. Napailing siya, pero napangiti rin. Para bang hindi siya napagod, mas lalo pa siyang nagkaroon ng lakas dahil sa asawa. Simula kahapon, mula nang tanggapin siya ng buong pamilya nito, parang nagkaroon siya ng bagong sigla. Pero kailangan niyang pigilan ang sarili. Baka mabuntis niya si Vanna sa hindi pa tamang panahon. Nangako siyang magtatapos muna ito ng pag-aaral at tutuparin niya iyon. Susubukan niyang kontrolin ang sarili kapag magkalapit sila ni Vanna. Umaga, habang inilalagay ni Zander ang kanyang gamit sa loob ng sasakyan para pumasok sa trabaho. "Mag-iingat ka sa pagda-drive. Dahan-dahan lang at dapat ang mga mata mo nasa daan lang," paalala ni Vanna sa asawa. "Yes po. 'Wag kang mag-alala, love.

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   355

    PARANG musika sa pandinig ni Zander ang bawat salitang iyon. Ngayon lang niya naringgan ang asawa na gusto nitong maramdamdan siya. "You’re not getting any sleep tonight, love," babalang niya habang hinuhub*d ang polo. Mabilis ang tibok ng dibdib niya sa tindi ng pagnanasa. Ang mga mata niya'y nanunuot sa bawat galaw ng mata ni Vanna, na tahimik lang na nakatitig sa katawan niya. Lumapit si Zander sa nakahigang asawa habang magkahinang ang kanilang mga mata. Walang kumukurap, walang gustong bumitaw. At hinub*d ang natitirang saplot. At maingat na pinatungan si Vanna. Saka, madiin at sobrang mapusok niyang hinalikan sa labi ito. Parang may kuryente silang naramdaman habang magkalapat ang mga labi nila. Gumanti naman si Vanna ng halik, sabay sabunot sa buhok ni Zander habang hinahatak ito palapit sa katawan niya. Ramdam na ramdam niya ang pagkalal*ki nito na kumikisk*s sa kanyang pagkab*bae. Hinila ni Zander pataas ang white dress ni Vanna. Kusang itinaas niya ang mga kamay para tul

  • EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)   354

    NAPUNO ng kaligayahan ang buong gabi ng mag-asawa. Pabalik na sila sa Manila, sa kanilang tirahan. Ipinaubaya na si Vanna ng kanyang pamilya kay Zander at labis ang tuwa ng mga magulang nito para sa kanya. Hawak ni Zander ang kamay ng kanyang asawa habang ang isang kamay niya ay nasa manibela. Gusto niyang haplusin ang daliri ni Vanna na suot ang engagement ring na ibinigay niya. “Ito ang pinakamasayang sandali sa buhay ko,” bulong ni Zander, hindi inaalis ang tingin sa kalsada. “Alam mo ba, Vanna? Para akong nananaginip. Tanggap na ako ng pamilya mo at ikaw, asawa na talaga kita para sa kanila.” Ngumiti si Vanna at marahang pinisil ang kamay ng asawa. “Kung panaginip man ‘to, ayokong magising. Zander, salamat kasi hindi mo ako sinukuan… at minahal mo ako nang ganito.” Napatingin sandali si Zander sa kanya at ngumiti. “Ikaw ang pinakamagandang regalo na natanggap ko sa buhay ko. At hindi na kita bibitawan, kahit kailan.” Napahilig si Vanna sa balikat ng asawa. “Hindi mo rin naman

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status