Share

Chapter 26

Elijah's P.O.V.

Kinabukasan ay pinuntahan ko si Amelia sa kanilang bahay. Hindi naman kasi imposibleng tauhan niya ang sumusunod sa akin dahil minsan na niya akong pinasundan. Malakas na katok ang ginawa ko sa gate niya.

"Hoy babae! Ano bang problema mo? Talagang hindi mo ako titigilan?" Galit na sigaw ko sa kaniya.

Nagtataka naman siyang lumabas ng kaniyang bahay. "Ha? Anong pinagsasabi mo, Elijah?"

Asar akong tumawa. "Huwag ka na ngang magmaang-maangan diyan! Bakit mo ako pinapasundan sa tauhan mo? Talaga bang baliw ka na?"

Nagsalubong ang kilay niya. "Ano? Pinapasundan? Saan mo naman nakuha 'yan? Hindi kita pinapasunda sa tauhan ko! Maniwala ka. Hindi na nga kita pinakikialaman dahil alam ko naman na hindi ka na babalik pa sa akin. Maniwala ka, Elijah. Hindi ko tauhan ang sumusunod sa iyo."

Matalim ko siyang tinitigan. Nagsasabi kaya ng totoo ang babaeng 'to? Pero kasi ang hirap maniwala. Minsan na kasi niyang ginawa sa akin 'yon. At isa pa, baliw na baliw siya sa akin kaya talaga
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status