Share

Chapter 14

Fear

Isang malamyos at malamig na tugtugin ang gumising sa aking himbing na diwa. Namulatan ko agad ang nakaawang na pinto ng silid namin ni Alex. Ngunit nagtataka ako sa sobrang dilim ng buong paligid—pati na ang labas ng silid ay madilim rin.

Bigla akong kinabahan at sumigid din agad ang takot sa aking buong sistema. Napabalikwas ako ng bangon.

Darkness is my greatest fear. I hate darkness, lalo na ang tipong walang-wala akong naaaninag. Okay lang sana kung may katabi ako sa mga ganito kadilim na paligid. May ilaw naman ngunit bahagya lang at nagmumula iyon sa labas ng silid namin ni Alex.

Tuluyan na akong nagising, nagmamadaling bumangon at naglakad patungong pinto.

"A-Alex? Alex? W-where are you? A-Alex?" malakas na tawag ko sa pangalan nito, ngunit walang Alex ang lumitaw sa harapan ko.

Paglabas ko ng pinto ay may nakita akong mga candle glasses sa may hagdan hanggang sa pababa ng hagdan. Mas sumidhi ang takot ko at nagsitayuan na ang lahat ng mga balahibo ko sa braso at sa buong
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status