Share

Chapter One: As Usual

"Class dismissed," saad ng guro bago siya lumabas ng classroom.

Nang masigurado ng mga kaklase ko na wala na ang teacher namin sa labas, kaagad na tumayo ang iba upang pumunta sa cafeteria para bumili at kumain. Ang iba naman y nagsilipatan sa mga upuan malapit sa mga kaibigan nila. Break time namin noon kaya malayang gawin ng mga kaklase ko ang gusto nila. Meron yung mga nagkukuwentuhan tungkol sa mga buhay nila, may naglalaro, may kumakain at may mga nagbabasa lang ng tahimik. Samantalang ako, as usual, nakatingin lang sa bintana habang kumakain ng tuna sandwich na gawa ng Lola Mi ko. Habang pinagmamasdan ang mga puno at halaman na sumasayaw sa ritmo ng hangin. I could see them clearly because my seat was next to the window and I was almost in the middle of a

straight wall. Parang mga paaralan sa Japan ang school na pinapasukan ko. Malalaki at malalawak ang mga bintana kaya naman kitang-kita ko ang lahat ng nasa labas.

"Hoy Cas, malapit na ang school retreat natin. Ilang araw na lang, sino ang napili mong seatmate?" tanong ng isa naming kaklase.

"Sino pa ba girl? Boyfriend niya syempre." sagot naman ng isa.

"Sino sa kanila? Hahaha."

"Baliw ka, hahaha!" Sabi ni Cas bago tumawa.

Rinig na rinig ko ang usapan at tawanan ng grupo ng mga babae sa harapan ko. Itinuon ko ang aking mata sa kanilang lugar. Sila ang tinaguriang pretty ladies sa aming klase or maybe sa buong campus. Oo!

Kilala ko sila sa reputasyon at hitsura pero hindi ako pamilyar sa mga pangalan nila. Pero isa lang ang masasabi ko, mahaharot!

'We're just finishing high school but they're already counting their boyfriends, I won't be

surprised when it comes to college.' usal ko na lang sa aking isip. Pinapakiramdaman ko ang mga tao sa likod ng upuan ko. Ang nakakapagtaka, kabaligtaran ng ingay sa harapan ko ang nasa likuran ko, sobrang tahimik. Napatingin ako sa likod ng upuan ko, nakita ko ang grupo ng mga lalaki

seryosong nakatingin sa cellphone na nakalagay sa ibabaw ng nakasabit na backpack. Dali-dali akong tumingin ulit sa harap para hindi nila ako mapansin pero mukhang hindi naman talaga nila ako napansin sa sobrang busy sa panonood. Umupo ako at nagsimulang makinig kung merong anumang tunog ang kanilang pinapanood. Pero wala akong marinig, kaya medyo sumandal ako sa likod ng

upuan ko. Lumipas ang dalawang minuto ngunit wala pa rin akong naririnig na kahit anong tunog, tanging mabibigat na buntong-hininga. Mga walangya! Baliw talaga sila.

'For sure, ang mga kavliáris na ito ay sabay-sabay na pupunta sa banyo mamaya,' mahinang bulong ko sa hangin.

Napa-facepalm ako habang pinagmamasdan ang mga kaklase ko sa section na kinabibilangan ko. Bumuntong-hininga ako pagkatapos sinundan ko pa ng isa habang pinapanood ko ang iba kong kaklase nakikipag-usap sa mga kaibigan nila tungkol sa kanilang mga buhay, may mga taong tahimik rin sa isang tabi

pero inaasar ng mga kaibigan at mga seryosong grupo nila tulad ng nasa likod ko.

Hays! Walang bago, ang mga eksenang ito sa loob ng silid-aralan ay paulit-ulit na nagyayari. Ganito at ganito lang ang mga kaganapansa loob ng klase, pero napapansin ko na ako lang ang hindi nakakaranas ng nakikita ko.

"Haaaay!" bumuntong hininga ulit ako.

Tumingin na lang ulit ako sa bintana, itinuon ko ang oras ko sa pagmamasid sa kapaligiran. Ang mga kulay sa mga halaman ay kapansin-pansin, nakakatuwa din kung paano sila sumasabay sa agos ng hangin. Base on the internet, ang mga katulad ko ay tinatawag na nature lovers. Ang mga taong nakakahanap ng kasiyahan, nakakahanap ng kapayapaan at kaginhawaan sa tuwing nakikita nila ang kapaligiran o kapag napapaligiran sila nito.

Oo, masaya ako kapag nakikita ko ito. Nakakita ako ng kapayapaan at kaginhawaan ngunit may isang bagay na hindi ko magawa

ipaliwanag. Masaya ako at the same time I felt sadness in my heart. I don’t know, it’s so chaotic.

Siguro hindi ako totally nature lover, I guess it is my only escape. Well, ito lang ang magagawa ko sa apat na sulok ng silid na ito hangga't walang gurong darating para magturo. Wala akong kaibigan kausap habang nag-aaksaya ng oras sa paghihintay. Kaya napapaisip ako habang nakatingin sa bintana. Kalahating oras akong nanonood at tulala sa harap ng bintana pero tumigil lang ito nang may biglang sumigaw.

"Parating na siya, Parating na si Sir!"

"Shit! Andito na daw si Sir!"

"Alam namin, malinaw ang narinig namin dahil sa malakas na sigaw ng bibig ni CJ." sigaw ng isa kong kaklase.

Mabilis na nagsitayuan ang mga kaklase ko para bumalik sa kani-kanilang upuan, ang iba naman ay agad na tumalikod at tinago ang mga cellphone na hawak nila, at ang ibang estudyante ay agad na ipinasok ang mga pagkain na kinakain nila hanggang sa sila ay halos mabulunan na.

'Hays, yung mga kaklase ko as usual. Kung wala lang yung kaklase kong pinanganak na may megaphone kunga makasigaw.Their doomed!'

Umupo na lang ako at hinintay ang pagdating ng terror teacher namin sa Araling Panlipunan, na sa kasamaang palad raw ay amin pang class adviser.

Halos tumigil ang paghinga ng mga kaklase ko nang pumasok ang teacher namin, samantalang ako, tamang chill lang. Naiintindihan ko kung bakit sila natatakot sa kanya. Mga matatalim na titig pa lamang niya ay sapat na upang manginig ka sa takot. Paano pa ang ugali niya!

Pero para sa akin, hindi naman siya nakakatakot. Feeling ko nga kakilala ko siya e. But I find it weird kasi wala akong maalala na nakatagpo na ako ng isang katulad niya. Well, lahat naman ay naging kakaiba para sa akin mula noong ako'y

nagising sa pagkakahimatay. The last thing I remember is I cried that time because I found out my parents died until my eyes darkened.And its really weird because I feel like there is something

wrong.

"May kulang pero hindi ko alam kung ano. Di bale, makikinig na lang ako sa teacher namin." usal ko sa aking sarili.

Hindi na nagkaklase si Sir, pero nagpaliwanag lang siya tungkol sa school retreat ng mga graduating student. Kung ano ang mga dadalhin at ilang paalala. One day from now, the event will happen so he said that we don't have school tomorrow .We just set aside that day to prepare. After the teacher explained, he immediately sent us home as well, but before I could go home I looked out

to the window again.

"Sa wakas, ilang araw na lang at matatapos na rin ang kadalasang ginagawa ko sa paaralang ito." bulong ko sa hangin

habang nakatayo sa harap ng bintana ng kwarto, suot ang bag ko.

"Sana maging maayos ang college life ko and as usual pa din," dagdag ko pa bago tuluyang lumabas ng classroom at magpasyang umuwi.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status