Share

Enchanted: Chapter 5

OH, WOW. I'M STILL ALIVE?

-

Nagising ako nang maramdaman ko na may tumatamang liwanag sa nakapikit kong

mata. Marahan ko itong idinilat saka sumalubong ang nakakasilaw na liwanag. Umaga

na pala?

Teka nga . . . nasaan ba ako? Puro puti ang nakikita ko pagkadilat ko. 'Wag mong

sabihing patay na 'ko? Aba naman talaga. Hindi ko tatantanan ang katawang-lupa ng

mga 'yon.

Biglang bumukas ang pintuan sa gilid ko, niluwa noon ang isang tao na pumasok sa

loob ng kinalalagyan ko. Isang babae na naka-all white. Empleyado ba 'to ni San

Pedro? May hawak siyang stainless basin. Nakapaskil sa mukha niya ang isang

matamis na ngiti. Mukhang nabigla pa nga siya na gising ako.

"Hi, Arya. Mabuti at gising na po kayo. Ito na pala ang gamot na kailangan niyong

inumin at maaari na po kayong pumasok sa klase," sabi niya habang naglalakad

papalapit sa 'kin.

Pagkalapit ay binaba niya sa gilid ko ang dala niyang basin saka ako giniya paupo.

Pakiramdam ko nga ay nanghihina pa ako habang pinanonood ko siyang asikasuhin

ang mga burns sa katawan ko. Mostly sa braso at binti.

"So . . . I'm still alive . . . ?" paniniguro ko habang nasa part na kami na nilalagyan niya

ng gauze ang ibang parte ng katawan ko.

Natawa naman ito. "Ah, yes po," tumikhim ito bago magsalitang muli, "Pinapasabi rin po

pala ni Mr. Arucis na mamayang dinner ay sa office po kayo kakain. Para raw po hindi

na maulit ang nangyari,"

Hindi ko pinansin ang sinasabi niya. Ang aga-aga pa lang. Dinner agad? Ikinumpas ko ang kamay at may isang orasan na lumitaw sa aking harapan.

9:45 AM

May oras pa ako para makapag-ayos. Nakita ko na inabutan niya ako ng dalawang

gamot na magkaiba ang kulay. Kinuha ko sa kaniya ang mga ito at saka ininom agad.

"Maraming salamat," sabi ko sa kaniya. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama

saka nakaramdam ng panginginig. Pakiramdam ko ay nagiging Jell-O ang tuhod ko

dahil hindi ako makatayo nang maayos.

Eugh, kaasar!

"Wala 'yon. Mag-iingat kayo,"

Tinanguan ko lang siya at lumabas na ng clinic. Tinitingnan ko ang katawan ko habang

naglalakad. Iniinspeksyon ko kasi ito upang tignan kung may mga sugat pa akong hindi

naghilom bukod sa mga may gauze. Malay mo may malala pa pala, 'di ba?

Napaupo ako nang biglang may malakas na puwersa akong nabangga.

"Aray, ha!" d***g ko. Napatingin ako sa nakabangga sa 'kin. Agad na nag-init ang ulo ko

nang makita ko siya.

Isang matangkad na lalaki at may manly built na katawan ang bumungad sa 'kin.

Tumaas ang tingin ko sa mukha. Ang matang seryoso, pointed nose at pinkish lips. Ang

makapal na kilay nito ay nagsasalubong pa na parang galit.

One word. ZACH.

Tiningnan niya lang ako na parang hindi ako kilala at nilagpasan. Tumayo ako at binato

siya ng sapatos. Napatigil siya sa paglalakad nang tamaan siya sa ulo. Buti nga.

"Sorry, ha. Sorry talaga. May masakit ba sa 'yo?" bakas ang sarkasmo na sabi ko.

Humarap naman siya habang nakapaskil ang nakapanggigigil niyang ngisi. "Apology

accepted. And don't worry, bukod sa tainga ko wala ng ibang masakit. Ang lakas kasi ng boses mo kaya naiirita, e." Tinapik niya ang tainga niya, dahilan kung bakit mas lalo

akong nainis.

Aba't talaga namang! -- argh! Calm Arya. C-A-L-M. Baka mamaya magwala ka pa rito

eh. May bago ka na namang masisira.

"Fine. Minsan naman kasi tumingin-tingin ka rin sa daan. Para naman malaman mo

kung may mababangga ka na," sabi ko at inirapan siya. Tumaas ang kilay niya saka tumawa nang mahina.

"Wow, just wow. Eh sino kaya 'tong tatanga-tanga na hindi nakatingin sa daanan?" balik

tanong niya pa. Umiling-iling pa 'to. "Clown." Dagdag pa niya.

WTF?

"Wow lang din, ha. Coming from you? Eh ikaw 'tong hindi tumitingin sa dinaraanan eh.

Stupid. "

"Wala kang kuwenta kausap," ang huli niyang sinabi bago maglakad palayo, opposite sa direksyon ko.

Tang - na mango ka. Argh! Bwisit kang Zach ka! Madapa ka sana at nang mangudngod

'yang nakakainis mong mukha.

Pagkatapos ng encounter namin ni Zach ay pumunta na ako sa dormitory building.

Hindi ko pinansin ang tingin ng mga estudyante na nakakasalubong ko.

Jusme, naii-stress ako sa ka-monggoloid-an niya. Pakiramdam ko tuloy ay sobrang lukot na lukot ang pagmumukha ko.

Pumunta ako sa dorm namin at padabog kong ibinagsak ang pinto. Kapag ako nabanas kay Zach tutustahin ko siya ng wala sa oras.

"Oh, Arya. Nandito ka na pala. Anong mayroon? Bakit parang galit na galit ka?" tanong

ni Brina na kalalabas lang ng C. R. Nakasuot ito ng roba at for sure ay katatapos lang maligo.

"Eh paano kasi 'yang Zach na 'yan. Nakakapikon ang ugali. Argh!"

"Dapat nga magpasalamat ka, e," sabi niya habang nagbo-blower ng buhok. Tinaasan

ko siya ng kilay.

Seriously? Anong ipagpapasalamat ko sa lalaking 'yon?

"At bakit? Kasi binangga niya ako at hindi man lang nag-sorry?" sarkastikong sabi ko.

Lumapit ako sa isang gamit ko na hanggang ngayon ay hindi ko pa naaayos. Inilabas

ko mula roon ang mga gagamitin ko.

"Ay, hindi mo ba naaalala 'yong nangyari kahapon?" namula ako sa sinabi niya.

Kahapon? Anong nangyari kahapon? Bukod sa near death experience? Paano ko

malilimutan ang kahihiyan na 'yon?

"Saan ba exactly, Brina?"

"'Yong sa Dining Hall 'di ba? 'Yon lang naman eh,"

"I don't know what happened yesterday. Ang naalala ko lang naman ay malapit na

akong mamatay,"

Pagkasabi ko noon ay pumasok na ako sa loob ng C. R. at naligo. Hindi rin naman ako

nagtagal sa loob. Mga isang oras lang, choz.

"Brina, puwede ba ako makahiram ng blower?" tanong ko habang nagsusuot ng sapatos.

"Sure,"

Pumunta ako sa harap ng vanity table at nagsimulang i-blower ang buhok ko.

Pagkatapos ay tinanggal ko ito sa pagkakasaksak. Ikinumpas ko ang kamay ko at

nakita kong 11:00 AM pa lang. Inayos ko ang buhok ko para hindi siya sumagabal sa

mukha ko. I put it in a simple braid. Medyo nakakairita kasi kapag nakaharang ang

buhok sa mukha.

Kaya lang kita ang marks and burns ko sa mukha.

"Tapos ka na mag-ayos? Tara na alis na tayo," aya ni Brina habang tinitignan ang sarili

niya sa human-sized mirror. Mukha siyang bata kasi nakadalawang ponytail pa siya.

Tapos backpack pa ang gamit niyang bag.

"Teka, maaga pa ah," sabi ko sa kaniya habang nakaupo sa kama ko. 12:00 ang pasok

namin eh.

"I-tour kita. Ayaw mo ba? Para hindi ka na rin maligaw,"

Uy, astig! Medyo eng-eng kasi ako sa paggamit ng mapa nila. Ni hindi ko man lang

maintindihan 'yong mga nakalagay.

May C, may S. 'Di ko ma-gets kung ano 'yon. 'Yong legend naman na nakalagay sa

taas medyo hindi ko mabasa 'yong sulat.

"Ay, gusto ko 'yan! Basta libre, ha?" tinawanan niya ang sinabi ko saka naglakad na

palabas. Tumayo na ako at sumunod sa kaniya. Ingay ng sapatos ang naririnig ko

pagkalabas ng kuwarto, pati na rin ang mga tawanan ng mga estudyante. Maganda rin

pala rito kasi parang normal lang na paaralan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status