Mag-log inChapter 15Exell POV'sNapayakap ako sa kanya ng makita ko siya, hindi ko alam sinong nagtulak sakin bakit ko ginawa iyon, pero bigla na lamang ako nakaramdam ng takot, takot na baka hindi ko na siya makita pang muli.Dahil sa likod na ng makapal na sweater ay ang pagkirot ng mga sugat, ang pakiramdam na para akong nauubusan, sumasabay sa lamig ng hangin at ang pagsisimula ng pag-ulan ng nyebe na parang kanina lang ay maganda ang langit at kita pa ang mga bituin.Nagpaubaya ako sa takot na madamay si Jhaxien sa gulo na ito, sa wakas ay nabanggit ko ang pangalan niya kahit sa isip ko lang. Ngayon lamang ako nakaramdam ng ganoong takot, lalo pa ng masilayan ko ang kinang ng singsing sa aking daliri.Inisip ko na may tao pang naghihintay sa akin.Napuruhan 'man nila ako ay hinding hindi ako magpapatalo. Maliban na lang sa lider ng grupo na umalis na at sumalisi.“Ayos ka lang ba?” Nakapikit ang mata ko habang nakadantay sa balikat niya ang baba ko, roon sa leeg niya ay ramdam ko ang in
Chapter 14Jhaxien POV'sSugat sa buo niyang katawan ang nakatawag pansin sa akin ng hubarin niya ang mga suot niyang damit sa opisina niya,hindi ko sukat akalain na ganun pala iyon kagrabe, kung alam ko lang ay hindi sana hindi ko siya iniwan roon. Na sana ay hindi ako nagpasindak sa baril na tinutok niya.Kahit pa wala hindi ko maintindihan ang rason kung bakit nagawa ito sa kanya. Sa maikli kong paglalagi rito ay hindi naman niya ako pinakitaan ng masama, kahit paano rin ay mabait siya. Bumalabag ang pinto kasabay nito ang humahangos na si Zerania, para akong hangin ng hawiin niya.Napasubsob ako sa gilid, walang kahit anong lumabas sa bibig kona salita na kahit gusto ko umalma. Sinundan ko lang siya ng tingin na papunta kay Exell na umuungol sa sakit, na kahit ako ay hindi ko kayang lapitan at titigan, ngayon lamang ako nakakita sa buong buhay ko ng ganung mga sugat. Halos gulanit ang damit niya sa mga hiwa na natamo niya sa katawan at ang dugo ay parang animo tubig na bumaba
Chapter 13Jhaxien Pov’sKasunod ko si Boss X sa pinto, habang taranta ako at nangangamba ay siya namang palagay ang mukha, parang natutuwa siya sa itsura ko.“Paano kung dito na siya titira? Wala ka bang plano ha?” Hindi ko na alam kung ano ang itsura ko ang alam ko lang ay aligaga ako nangangamba.“Why you so anxious? Natatakot ka ba na maagaw niya ako sayo?” Buyo niya na ikinatirik ng mata ko. “No! Kahit magsama pa kayo!” ismid ko sa kanya sabay naupo ako sa paanan ng kama Lumakad naman siya papalapit sa akin at naupo rin. “O bakitNatatakot ka mastock rito? Tama ba ako?” Napatikhim ako ng marinig ang sinabi niya, sa kabilang banda ay isa rin iyon sa dahilan kung bakit nagmamaktol ako dahil ayoko maiwan rito. Ayokong manatili sa lugar na ito. Marami akong plano, ayokong manatili sa magulo at hindi tahimik na lugar, gusto ko ng payapa at payak na buhay kasama ang bubuuin kong pamilya. “H-hindi no!” Iling ko pa, “A-alam kong tutupad ka hindi ba?” Unti-unti siyang lumapit sa akin
Chapter 12Jhaxien Pov’sGinabi na kami ng uwi sa kakahintay sa Papa niya na hindi dumating, bakas sa mukha niya ang pagkadismaya, marahil ay talagang kailangan na kailangan na niyang mapakilala ako bilang asawa niya.Ilang araw na lang ang nalalabi at matatapos na ang kontrata, matatapos na ang pagtira ko dito, at makukuha ko na ang perang pinangako niya.Mag-isa akong bumalik sa couple namin na kwarto, magmula rin naman ng patulugin niya ako rito ay hindi naman siya nagtatagal.Madalas siyang matulog sa opisina niya na nasa ibaba sa dulo ng pasilyo, minsan iniisip ko na kasama niya roon si Hera at ginagawa ang nakita ko noon.Bakit nga ba ako mag-aalala hindi ko naman siya tunay na asawa.Kakalabas ko lang din ng banyo ng maabutan ko siya sa loob ng kwarto, may hawak siyang bote ng wine na may laman.Nag-alinlangan akong lapitan siya sa kinaroroonan niya, ngunit hindi ko naman matiis ang usisain siya.“Gusto mo bang uminom kasama ko?” Biglang tanong niya.“Sure!” Pilit kong ngiti, k
Chapter 11Exell Pov’s“Talaga bang kailangan mong isama si Mr. Suwain dito sa HQ?”I know the truths behind Gloyds question, his tone like he care about the Girl, humihit ako ng makailang beses sa sigarilyo. Bakit nga ba hindi? I don’t know Mr. Suwain, pero may mga naririnig ako tungkol sa kanya alam ko kung gaano siya ka halang sa tawag ng laman. Para siyang likido na laging mainit at umuusok, but I don’t care mahalaga sa akin ang business.“Work first before anything else!” Nakita ko sa mukha in Gloyd na parang nag-aalala siya, malapit ko na isipin na he fell in love with her.“Paano kung makita niya si….!” Nag-aalala pa rin niyang sambit.“Edi nakita niya, she’s not my business! Darating na si Mr. Suwain, kaya i-set aside mo muna ang alalahanin mo!” pinutol ko na kaagad ang pagsasalita niya, hindi dahil sa ayaw ko siyang pakinggan pero may kung anong lungkot sa pakiramdam ko, alam ko darating kami sa punto na magkakaroon ng pamilya at bubukod, ngunit hindi ko maiwasan na magala
Chapter 10Jhaxien Pov’sGetting to know ba ito?Tanong ko kaagad sa sarili ng makita ko sa ibabaw ng kama ang isang card, binasa ko kaagad ang nilalaman, iniimbita ako ni Boss X para sa isang high class dinner date ngayong gabi, sa Casa Inocencio, narinig ko na kailan lang ang isang Resto na iyon, nakilala sa pagiging world class at pawang mayayaman lang ang may afford na makapasok roon.Nag-alinlangan ako, ano naman ang karapatan kong pasukin ang lugar na iyon, hindi ako lumaki sa maluho, o marangyang buhay, bukod pa roon ay hindi rin akong galawang world class at sosyal, isa lamang akong ordinaryong babae at simpleng tao, tiyak akong hindi ako nababagay sa ganoong lugar.Napabaling ako sa bintana ng mapansin ko ang paghahanda ng ilang kasambahay na parang may magaganap na salo-salo.Bumaba ako para makiusosyo sa ginagawa nila.Naisip ko na baka nagbago na ang isip ni Boss X at rito na lang ganapin ang dinner date namin.Maya maya pa’y may mga nagsidatingan na mga sasakyan, sa ram







