Chapter 4
Jhaxien Pov’s Nagising ako na nasa ibang lugar, hindi pamilyar, hindi ko alam kung saan eksakto ngunit ramdam ko na nakakatakot . Hindi ko magalaw ang katawan ko, ramdam ang bigat sa ulo ko, mistulang nakatali sa malamig na bagay na kinahihigaan ko, nanakit narin ang batok ko sa matigas na bagay na inuunanan ko. Maya-maya ay may mga taong nagsilapit at dinungaw ako, hindi ko maaninaw ang mukha nila dahil sa ilaw na sumisilae sa mata ko. Pero nakakaramdam ako ng kaba at takot, nakatitig ang mga taong may mask sakin! “Ngayon sumagot ka, sino ka?” Tinig iyon ng lalaki, hindi ko alam kung sino sa kanila ang nagsalita, dahil sa hilo parin na nararamdaman ko. “Teka ano ba ito interrogation?” Bulalas ko. “Hindi, Pero kapag hindi ka sumagot may mangyayaring masama sayo!” Nakaramdam muli ako ng takot dahil sa pagbabanta ng boses nito. na parang may nilabas na bagay ang lalaki nakakasilaw at mukhang matalim. Saka ko ginala ang paningin sa magkabilang gilid, napagtanto ko na parang itsura ng morgue ang paligid! Hindi pa naman ako patay para tanggalan nila ng dugo at laman loob, sambit na lang ng isip ko. Saka ko kumilos at nagpumilit na makaalis, pero sa higpit ng mga tali ay walang silbi ang lakas ko. Sino ba sila, parang kanina lang ay gusto akong gahasain ni Mr. Suwain ngayon ay gusto naman niya ako katayin, ani ulit ng isip ko. “P-pakawalan ninyo ako! Porket ba hindi natuloy ng boss mo ang balak niya sa akin ay papatayin ninyo ako?” Bulyaw ko sa kanila. Takot, pangamba, pagkabalisa ano bang laban ko sa mga taong hindi baba sa bente ang nakapalibot sa akin ano bang magagawa ng isang mahinang babae na katulad ko? “Anong balak ikaw ang may balak sa Boss namin!” Balik na bulyaw sa akin ng lalaki. Sumagi sa isip ko ang mukha ni Mr. Suwain, na parang gusto ng magpataob sa sikmura ko. “Kadiri ang boss ninyo, matandang amoy lupa at maniac, gusto niya pa akong gahasain!” pakiramdam ko ay mapuputok na litid ng ugat ko sa lakas ng boses ko, umaasa ako na may makarinig na civilian, o police o kung sino ‘man na may puso, at iligtas ako. “Anong sabi mo? Bakit naman kita pagtatangkaan?” Nanahimik ang paligid, lahat sila ay nagbago ng akto, para silang kurtinang hinawi sa gilid ng magkapuwang sa gitna at makapasok ang hangin at liwanag, ngunit hindi lamang lamang liwanag ang nakita ko, isang tao na palapit sa kinaroroonan ko, ang yabag niya ang mistulang ingay sa kapaligiran, ang usok ng sigarilyo niya ang nanahan na amoy. — “Wala ka ba talagang balak? Pero pumasok ka sa kwarto ko?” Pinakatitigan ko ang nagmamay – ari ng boses, at malayo nga sa boses ni Mr. Suwain kanina. — “For your information ay babae pa ang humihiling na makasama ako!” Nang makalapit siya at masinagan ng ilaw ay saka ko lang napagtanto na totoo ang sinasabi niya, makisig, malamlam ang mata na parang nangungusap, matikas ang pangangatawan, may matangos na ilong at katamtamang kapal ng kilay! Bagamat hindi ko makita ang buhok niya dahil sa sumbrero na suot niya. “Sinabi ko na, may gustong gumahasa sa akin, ngayon kung hindi kayo naniniwala, sige patayin na ninyo ako!” Lumakas ang loob ko, dahil kung bubuhayin naman nila ako ay saan naman ako pupunta? Baka nga si Tiya Veron pa ang pumatay sa akin dahil sa ginawa ko. Nakailang hithit at buga ito, bago siya muling tumitig ng matalim sa akin. “Sige bubuhayin kita! Pero hindi kana makakalis rito!” Sa tinuran niya ay hindi ko alam kung matutuwa ba ako, dahil may kumupkop sa akin, ng pansamantala,at kahit pa hindi nila ako paalisin ay gagawa pa rin naman ako ng paraan para makaalis rito, ayokong maging sunod sunuran sa lalaking iyon. Pagkasabi nito ay agad din itong tumalikod, nakatitig lang ako sa kanya na papalayo, iniisip ko kung siya naba abg guardian angel ko o si Kamatayan. Marami ang hindi gusto ang desisyon ng boss nila pero sa huli ay tinanggal na nila ako sa pagkakagapos! At magsipag-alisan, may isang lalaki na nakasalamin ang nanatili roon na parang hindi nalalayo sa Boss na tinutukoy nila kanina. “Talaga bang hindi na ninyo ako papatayin?” Tanong ko bago ako bumaba sa stainless na kinahihigaan ko kanina. “Depende kay Boss! Pero sa ngayon ay mag-enjoy ka muna rito!” pagkatapos ng maiksi naming pag-uusap ay tumalikod na ito. Binigyan naman ako ng kwarto na matutulugan ng gabing iyon. Ngunit naging mailap sa akin ang antok, maraming agam agam ang pumapasok sa isipan ko, wala akong ideya sa mangyayari sa akin, iniisip ko na baka bukas ay patayin na nila ako. Kaya napabangon ako,bigla ko na lang naisipan na umalis na rito, ang nangyari kanina ay trauma na sa akin, maingat kong binuksan ang pinto, madilim ang lahat ng pasilyo na parang nagtitipid ng ilaw sakto sa pasya ko, siguradong walang makakakita sa akin kapag umalis, maingat ang lakad ko hanggang magawi ang mata ko sa pintong may siwang, hindi ko alam, bakit ako napahinto at naintriga. Dinaanan ng mata ko ang loob may nakita akong lalaki at babae, kapwa silang walang suot mainit ang kanilang palitan ng halik. Nang ang lalaki ay magawi ng tingin sa pinto, habang patuloy sa kanyang ginagawa. Aatras na sana ako ng maramdaman ko na mainit na dumampi sa likuran ko, napalingon ako, lalaking may hawak ng baril, bumukas rin ang pinto ng boss, lumabas ito na walang saplot, kaya napaatras ako at napatakip. “Espiya boss!” Kabig sa akin ng lalaki. “Ahh! Hindi boss, naghahanap lang talaga ako banyo!” Tarantang sabi ko, ngunit lumapit pa sa akin ang boss, hindi ko alam kung titingin ba ako sa mata niya o tutungo pero kapag tumungo ako ay iba naman ang makikita ko. “Ituro ninyo sa kanya ang banyo, pagkatapos ihatid ninyo sa kwarto niya!” Pagkatapos noon ay nagbalik ang lalaki at isinarado ang pinto, hindi man lang siya nagalit sa akin dahil nanilip ako. “Sa susunod babae umayos ka, pinagbibigyan ka lang ni Boss pero kapag ginalit mo siya nakaready na hukay sayo!” Pagbabanta muli ng lalaki bago niya ako pinapasok sa banyo. Sa banyo ay napapaisip pa rin ako, ano bang plano sa akin? Kelan ba nila ako papatayin? Gagawin ba nila ako prostitute at pasapasahan? Ganun ang napanuod ko noon sa movie hanggang sa mamatay na lang ang babae. Natigil ang pag-iisip ko ng kumatok na ang lalaki ay minamadali na niya ako lumabas. “Ito na palabas na!” Binalik na niya ako sa kwarto at pinapatulog na dahil may binilin sa kanya ang boss para sa akin. Kaya’t ng gabing iyon ay hindi akl nakatulog nasa isip ko ang sinabi ng tauhan niya. Ano bang binilin sa kanya?Chapter 9Exell pov’sHumakbang ang mga paa ko papunta sa isang espasyo ng HQ, madilim at matarik ang mga hagdan may lalim na ilang kilometro na kami lang ni Gloyd ang nakakaalam. Sa mahabang paglalakad ay natunton namin ang malahiganteng pintuan, naglalamaan ng 36 pattern code para sa password na sa haba ay hindi kaagad makakabisa.Hinanap ko ang button upang lumabas ang mga numero at letra, saka ko isa isang inilagay ang passcode na nakamemorya sa akin utak, walang kahulugan at hindi ko inuugnay kung kaninuman, ng matapos ay agad tumunog ito at nagbukas. Lumuwa agad sa akin ang sandamakmak na ginto, pilak at limpak limpak na pera.Nahagod ko ang baba ko, pinag-iisipan kung magkano ang magagastos sa nalalapit kong kasal, batid kong sa una o ikalawang araw ay darating si Papa upang maklaro ng kasal ko at sino ang napangasawa.“Magkano ang ibabayad mo doon sa babae?” Usisa sa akin ni Gloyd habang malalim ang pag-iisip ko. Dahil sa totoo lang ay hindi ko alam, hindi ko siya mabigyan ng
Chapter 8 ***Jhaxien POV’s*** Pansin ko na hindi sila sabay dumating inaalala ko na baka nakita nila ako at isipin na pinaghihinalaan ko sila. Pabalik na sana ako muli sa kwarto ng masalubong ko muli ang gwardiyang nakulong sa akin, gusto ko siyang iwasan tignan dahil may kaunti akong takot sa kanya. “Sumama ka sa akin! Pinapatawag ka ni Boss X!” “B-bakit naman ako pinapatawag?” “Dami mong tanong sumama ka na lang!” Iritang sabi sa akin ng lalaki, wala ako magawa kundi ang sumama sa kanya, naglakad kami sa pasilyo ng may marami ng bantay ng kumagat ang dilim, hindi ako kabado pero pinatili ko ang ulo sa tinatapakan kong daanan, hanggang sa mapahinto na siya, sa pintong minsan nakita ko noon at mga alaalang patuloy na nagbabalik. Binuksan niya ang pinto, dalawang tao ang sumalubong ng tingin sa akin, si Gloyd at ang Boss X na rinutukoy ng lalaki kanina. Wala akong ideya ngunit nakatitig sila sa aking dalawa. Hanggang sa magsara na ang pinto at maiwanan kaming tatlo sa loob. “M
Chapter 7****Exell Pov’s****Tila nabunutan ako ng tinik ng mapagtanto ko na kung sino ang tinutukoy ni Gloyd, pilit kong pinag-aaralan ang kanyang mukha sa isipan ko, hindi typical na babae,hindi ko ‘man lang nakitaan ng malisya, samantalang ang mga babaing nakikita ko at nakasalamuha ay ibang iba sa kanya.Kinuha ko kagad ang phone at dinial ang numero ni Gloyd, inaalala ko kung ano ang sabihin niya at hindi mapapayag ang babae na iyon.Nang matapos ang tawag ay ilang saglit pa ay nasa harapan ko na si gloyd, basang basa sa pawis at namumula pa.Hinihingal na parang hinahabol ng mga naglalakihang lion sa labas, napangiti lang ako habang nakatingin sa kanya.“Mukang kang ewan ah?” Kantyaw ko sa kanya.“Sabi mo kasi ay may sasabihin ka, kaya nagmadali ako, iniiwan ko tuloy yung babae.” Mabilis niyang sambit habang nabubuhol buhol pa ang boses sa pagsasalita.“Bakit mo iniwan? – Sakto siya din pala ang dahilan kaya kita tinawagan, ayusin muna ang kontrata.”“Konrata?” Kunot noo niya
Jhaxien POV'sNabagot at namuti na ang mata ko sa kakahintay na palabasin sa masikip na kwarto na ito, nakakaramdam na ako ng uhaw, gutom at pagkatuliro, tila yata wala na silang balak na pakainin ako, at hayaan na lang na malagutan ng hininga rito, hindi ko na alam ang oras pero kita ko sa labas ng bintana na patanghali na. Mukhang ito na nga ang huling pagkakataon na masisilayan ko si Haring araw, na kahit pa nakakasilaw ay gusto kong titigan, napabuntong hininga na lang ako at nanatili sa sandalan ng kama.Ninais ko ng makaalis rito, kung bakit ba naman huminto pa ako at usisain ang Boss na iyon, sana ay nakatakas na ako, kahit pa, walang kasiguraduhan kung may mapupuntahan ako, basta walang Mr. Suwain Ganavo sa lugar na mapupuntahan ko.Bumangon ako at tumayo, tinunton ko ang pinto at inumpisahan sipain at paingayin ito, gusto ko ng lumabas, ngunit habang tumatagal ay nanghihina na ako at nawawalan ng lakas.Maya maya ay bumukas ang pinto, ang lupaypay kung katawan ay biglang su
Exel POV’sTwo weeks ago ng umuwi ako sa Fabillos Manor, hating gabi na iyon at pawang tulog na ang lahat, tanging ilaw na lang sa sala ang naabutan kong bukas.Pagkapasok ko ay sumalampak agad ako sa sofa, hinawakan ko ang remote saka nagbukas ng T.V kahit hindi ko alam ang palabas.Hindi ko na inabala pa si Gloyd na ipagdala at ipagsalin pa ako ng alak, dahil may nakaiwan na ng alak sa gitna ng lamesita at mukhang kakabukas lang, no idea kung kanino.Kumuha ako ng kopita saka nagbuhos, inamoy amoy, at pinaikot ikot ko muna bago ko nilagok, nalasahan ko ang pait at tamis ng alak na gumuguhit sa lalamunan ko, pagkatapos noon ay sinunod sunod ko at inubos, at makaramdam ng tama, okay na din para mabilis akong makatulog.Hanggang sa may marinig akong tinig ng babae, malinaw pa ang paningin ko ng makita siya, kaya binigyan ko siya ng ngiti.Lumapit naman siya sa akin at naupo sa kinasasandalan kong sofa.Titig na titig siya sa akin at ang kanyang mga pisngi ay namumula, na sapalagay ko s
Chapter 4Jhaxien Pov’sNagising ako na nasa ibang lugar, hindi pamilyar, hindi ko alam kung saan eksakto ngunit ramdam ko na nakakatakot . Hindi ko magalaw ang katawan ko, ramdam ang bigat sa ulo ko, mistulang nakatali sa malamig na bagay na kinahihigaan ko, nanakit narin ang batok ko sa matigas na bagay na inuunanan ko.Maya-maya ay may mga taong nagsilapit at dinungaw ako, hindi ko maaninaw ang mukha nila dahil sa ilaw na sumisilae sa mata ko. Pero nakakaramdam ako ng kaba at takot, nakatitig ang mga taong may mask sakin!“Ngayon sumagot ka, sino ka?” Tinig iyon ng lalaki, hindi ko alam kung sino sa kanila ang nagsalita, dahil sa hilo parin na nararamdaman ko.“Teka ano ba ito interrogation?” Bulalas ko.“Hindi, Pero kapag hindi ka sumagot may mangyayaring masama sayo!” Nakaramdam muli ako ng takot dahil sa pagbabanta ng boses nito. na parang may nilabas na bagay ang lalaki nakakasilaw at mukhang matalim.Saka ko ginala ang paningin sa magkabilang gilid, napagtanto ko na parang its