LOGINExel POV’s
Two weeks ago ng umuwi ako sa Fabillos Manor, hating gabi na iyon at pawang tulog na ang lahat, tanging ilaw na lang sa sala ang naabutan kong bukas. Pagkapasok ko ay sumalampak agad ako sa sofa, hinawakan ko ang remote saka nagbukas ng T.V kahit hindi ko alam ang palabas. Hindi ko na inabala pa si Gloyd na ipagdala at ipagsalin pa ako ng alak, dahil may nakaiwan na ng alak sa gitna ng lamesita at mukhang kakabukas lang, no idea kung kanino. Kumuha ako ng kopita saka nagbuhos, inamoy amoy, at pinaikot ikot ko muna bago ko nilagok, nalasahan ko ang pait at tamis ng alak na gumuguhit sa lalamunan ko, pagkatapos noon ay sinunod sunod ko at inubos, at makaramdam ng tama, okay na din para mabilis akong makatulog. Hanggang sa may marinig akong tinig ng babae, malinaw pa ang paningin ko ng makita siya, kaya binigyan ko siya ng ngiti. Lumapit naman siya sa akin at naupo sa kinasasandalan kong sofa. Titig na titig siya sa akin at ang kanyang mga pisngi ay namumula, na sapalagay ko siya ang nakaiwan at uminom ng alak. Napaalis ako sa pagkakasandal sa sofa at sa kanya tumuon. Mahigpit ang bilin ko noon sa kanya na huwag titikim ng mga inuming nakakalasing dahil mapanganib iyon sa kanya bilang isang babae. Pero sa tagal kong nakauwi, ay marahil nakalimutan na niya. She ask me some random question na pang matured, halos nakalimutan ko na kung ilan taon na ba siya. Hindi ko na mawari dahil malayo layo na ang ayos niya ngayon. “Kuya! Do you think I’m attractive?” simula niya, I feel nervous, nakakatitig siya sa mata ko na parang nangungusap ang mga kamay niyang paulit ulit na kinakaskas ang hita ko papunta at paroon sa bandang tuhod ko, na nagpapatindig sa balahibo ko! Kaya pinalis ko ang kamay niya. May pinapahiwatig siya na hindi ko mawari, kaya kunot noo ko lang siyang tinitignan. “Bakit may nagugustuhan ka na ba?” Inalis ko ang timgin sa kanya sabay pinagtuunan ko ng pansin ang kaha ng tabako na nasiksik sa bulsa ko. “Oo kuya matagal ko na siya gusto.” Tumayo siya, bakas sa mukha niya ang malalim na pag-iisip at paghanga para siyang prinsesang nagpapaikot ikot sa saya at sa huli ay napabuntong hininga pa. “Sino naman yan? Baka iyan na lang ang inaatupag mo?” Sambit ko ng madukot ang lighter at magsindi. “Matagal ko na siyang gusto kuya,” naupo siya sa tabi ko at napahawak pa sa braso ko, sa mga niya ay kita ko ang ningning na parang bituin, hindi mapagkakailang nagmamahal na siya. — “At ito na ang oras at pagkakataon. Ngayon sasabihin ko na sa kanya ang nararamdaman ko! Dahil pakiramdam ko ay siya na ang mundo ko.” Natigil ako sa pagbuga ng usok ng matuun ang atensyon ko sa kanya. “Mundo? Sobrang espesyal naman niya!” Natatawa ko pang sambit.— “Matulog kana!” Bilin ko pa sa kanya, tumayo na ako, balak ko ng talikuran siya ng harangan niya ako. “Kuya satingin mo ba hindi niya ako magugustuhan? Pakatitigan mo ako!” Nakikiusap ang tinig niya kaya sinunod ko siya. Sa isip isip ko ay hindi na siya ang batang babaing nakilala ko noon, hubog na hubog na ang katawan niya sa manipis na pantulog na suot niya, almost five years din akong nawala kaya marami na ngang nagbago sa kanya. Ngunit napailing na lamang ako, hindi ko dapat pinag-iisipan ng kung ano ano si Zerania kapatid ko pa rin siya kahit na hindi kami magkadugo. Anak siya ng asawa ni Papa kay Rosella Lucero, kaya kahit na hindi kami magkaano ano ay tinuring ko siyang nakakabatang kapatid. “Hmmm..matulog kana! Inaantok na din ako!” Dampi ng mga palad ko sa tuktok ng ulo niya. Hindi pa rin ako nakaalis sa kinatatayuan ko ng mahigpit niya akong yakapin, close kami simula pagkabata kaya hindi na ako naiilang na yakapin niya, at sapalagay ko ay namiss nya rin ako ng sobra, kung hindi nga lang magrerenew ng vow ang mga magulang namin ay hindi talaga ako babalik rito. Dahil sa totoo lang ay ayaw ko kay Rosella, isa siya sa dahilan kung bakit nawala si Mama. Ngunit kahit ganunpaman ay hindi ko binuhos kay Zerania ang galit ko. “Hindi mo ba itatanong kung sino ang gusto ko?” Bulong niya sa likuran ko. “Kahit naman sabihin mo hindi ko kilala!” Alis ko ng kamay niya na nakayapos sa bewang ko saka siya hinarap. “Iharap mo siya sa akin kung karapat dapat siya!” Nagbago ang kanyang kilos, ang mga mata niya ay pumikit at unti unting lumalapit sa akin ang mukha niya, at ng dumilat siya ay bigla niya akong hinila pabalik ng sofa at mapaibabaw sa kanya, inipit niya ang dalawang hita ko at kinulong sa bisig niya, namimilog lang ang mata ko at hindi makapaniwala. “Kuya I like you!” Hindi na ako nakasagot ng sunggapan na niya ang labi ko, mapusok ito na hindi ko alam saan niya natutunan. Kaya itinulak ko siya para mahiwalay sa akin. “Z-zerania alam mo ba ginagawa mo? Lasing ka na ba? Tara ihahatid na kita sa kwarto mo!” Ngunit parang wala siyang narinig, inulit ulit niya muli! Ang mga kamay niya ay kung saan saan ko natatagpuan.—“N-nasisiraan ka na ba? Huwag mo nga ako pagpraktisan ng kabaliwan mo!” Sa mga oras na iyon ay parang hindi si Zerania ang kaharap ko, hindi ko mabakas sa kanya ang dati kong kapatid. “Hindi mo pa rin ba naiintindihan, Mahal kita Exellerio!” Hindi ako makapaniwala na tinawag niya ako sa pangalan ko, ni minsan ay hindi niya ginawa! — “Hindi ako papayag na mapunta ka sa iba!”, nilislis niya ang pa v-shape niyang makintab na bestida, wala siyang kahit na anong pandoble kaya nakita ko kaagad ang tinatago niya. Napapikit ako at pilit itinataas ang suot niya. Naramdaman ko na kinuha niya ang mga palad ko saka nilapat niya nila sa naglalakihan niyang dibdib, tila nabato lang ako nangyari. Tila inubos niya ang lakas ko para pigilan siya sa ginagawa niya. Ngunit ayokong madungisan ang nabuo naming samahan, nagising ako sa ulirat. ngunit katulad ko ay malakas rin siya hindi ako makaalis sa higpit ng pagkakayapos niya hanggang magbukas ang ilaw, Kita ko sa mga mata nila ang pagtataka, lalo pa ng biglang umakto si Zerania na may ginagawa akong masama sa kanya. “Teka maniwala kayo, wala akong ginagawa sa kanya!” Pilit kong paliwanag kahit pa kita ko sa mukha nila na hindi sila naniniwala. Hindi ko alam bakit umiiyak si Zerania samantalang ito ang gusto niyang palabasin. Masama ang titig ni Papa at ni Rosella. “Panagutan mo ang ginawa mo sa anak ko!” “Wala nga akong ginawa. Umayos ka nga Zerania!” Naiinis kong sambit kay Zerania pero nakatungo pa rin siya at umiiyak. “Si Kuya pinilit niya ako, sabi niya gusto niya ako!” Napamaang ako sa sinabi niya, hindi ko alam ang gusto niyang palabasin. “Minsan kana nga lang umuwi ay gagawan mo pa ng hindi maganda si Zerania!” “Si Zerania ang nang-akit sa akin!” Pero hindi ko pa rin mabakas na sumasang ayon siya sa akin, lalo la at nagsumiksik si Zerania sa kanya at naghahanap ng kakampi. Napasapo na lang ako sa noo ko, hindi ko inaasaban na ganito ang mangyayari. “Kung ganun, wag na natin patagalin ito, kailangan mo siyang pakasalan Exell!” Tukoy sa akin ni Papa. “T- teka anung papakasalan siya nga itong gustong may mangyari sa amin!” Tila mababaliw ako ng nga oras na iyon. Wala sa ideya ko ang magpakasal sa kahit kaninong babae, kaya sa inis ko ay nagapaputok ako ng baril sa sasakyan ako nagpunta, ngunit humarang ang mga bodyguard at ayaw ako paalisin. Tinawagan ko si Gloyd sa nangyari. Hindi ko na nagawa pang tumagal sa Manor, kahit mga bodyguard ni Papa ay walang nagawa para pigilan ako, hindi ko inaasahan na mangyayari ito sa pag-uwi ko, sa rare mirror ng sasakyan ay napatingin ako, nakikita ko si Zerania, hindi ko maiwasan mapailing sa twing maalala ko na muntikan ng may mangyari samin. Pinaharurot ko ang sasakyan dala ang kaisipan na dapat pa nga ba ako na bumalik at makita uli sila. Halos bulagta akong naupo hithit ang tobacco cigarette ng maabutan uli ni Gloyd sa opisina ko sa HQ, Ilan araw narin magulo ang isipan ko bago ko nakameet si Mr. Solivar, para sa kidney transplant. Dahil nga sa nangyari ay hindi ako makapagconcentrate at nababaling sa kasal na isasabay sa wedding Vow nila. “Nagset na ng engagement ang papa mo!”Nilapag ni Gloyd ang isang envelope na may magandang selyo ng bulaklak na sa hula ko ay ideya ni Zerania, nag alangan akong damputin at basahin dahil alam ko na rin naman ang nakapaloob. “Kainis, talagang ipapakasal ako sa kapatid ko!” Sapo ko muli sa noo ko at haplos sa buhok ko. “Bakit hindi mo ipakilala si Hera?” suwestiyon ni Gloys sa akin. “Hindi wife material si Hera at isa pa kilala nila si Hera!” Hindi ko pwedeng gamitin si Hera dahil kilala nila ito na tauhan ko, kaya kailangan ng ibang tao. Nabalot ng katahimikan saglit ang opisina, nag- iisip ng bagong plano, hanggang may masambit si Gloyd. “Yung bagong babae, hindi pa sya nakikita ng Papa mo!” napaisip ako kung sinong babae ang tinutukoy niya, dahil wala naman siyang tinukoy na pangalan. “Sino ba?” Usisa ko. “Hindi ko alam pangalan niya pero ipapatawag ko na lang!” Si Gloyd na lumabas ng opisina naiwan ako mag-isa habang iniisip ang mga susunod na plano.Exellerio Fabillos Romano Point of View. “May message sayo kuya!” bungad ni Zerania ng makapasok siya sa loob ng opisina ko. Abala ang mga mata ko sa pagtingin sa bintana, habang umiinom ng alak, hindi ko siya pinagtuunan ng pansin, at nanatili lamang ako sa kinatatayuan ko. Ilang linggo na din ng makalabas ako sa ospital, tuyo na ang sugat, kahit may kaunti pang kirot. Halos araw araw at hindi nawala sa isip ko si Jhaxien. Hindi ko ‘man lang siya nagawang mabawi sa Lexford Folleir na yun. Nag-iinit ang panga ko sa tuwing naalala ko na napalayo sa akin si Jhaxien. Hindi din mawala sa pakiramdam ko ang kalagayan niya, lagi kong iniisip kung ano pakikitungo sa kanya ng taong iyon. Mabuti ba siya o masama. Bumibigat ang pakiramdam ko;Ayoko siyang magaya sa mga nababalita ko kay Lexford Folleir. Mga babaing pinagsasawaan niya at tinatapon.Pinakamalupit lalo na sa kababaihan. hindi ko matanggal sa isip ko kung ano na ngayon ang kalagayan niya. Kumusta na ba siya? Pinapahir
Jhaxien Pov's It was a party not a working office ang bumungad sakin. Kaya pala kailangan ko mag-ayos, hindi pala basta basta ang naroroon.Ginala ko ang paningin, mukhang mayayaman, para silang kabilang bahagi ng Segovia. Pero para saan ba ang mga taong nandito. Napaisip ako kung empleyado ba talaga sila rito o bisita, o recruitment agency. Isang babae ang agad lumapit sa amin. While wearing formal female coat and skirt attire na parang walang kagusot gusot, at may ngiting hindi nakalampas sa akin. Her eyes focused on Lexford, malagkit nanunukso. “Hello Sir!” May flirt and excitement sa boses nito, hindi ko alam if normal ba o sinasadya niya lang ba yun.Hindi naman ako apektado kung maglandian pa sila. “Iiwan muna kita rito, titignan ko lang saan ang bakante para sayo!” si Lexford na naglakad kasama ang babaing kausap niya kanina. Naiwan ako at hindi sigurado kung ano ang gagawin. Matama lamang ako nakatitig sa mga tao. Maboboring lang ako kung tatayo lang ako rito.
Jhaxien Pov's Oo gusto ko malaman, ito ang nais ng isip ko, pero sa sulok ng utak ko ay bakit parang may kung anong bagay ang nagpapabagabag sa akin, na habang tinititigan ko siya ay parang ay mali. Hindi ko matukoy. Ang mata niya kapag tumitig ay hindi ko mahulaan, nakatago roon ang mga salitang dapat ay sinasabi niya sa akin. Nag- ikot ikot siya sa may sala, may kung anong hinahanap, hangang mabaling ang tingin niya sa isang mamahaling alak, 20 years, saka niya ito dinampot; binuksan at ninamnam ang amoy. “Ano ba? Bakit hindi mo pa sabihin?” “Okay! Relax ka lang mahal kong binibini sasabihin ko naman sayo!” Ang mata niya ay nakatuon sa basong sinasalinan niya ng alak bago siya nagbalik ng tingin sa akin.—“I have a goodnews!” napakunot ang noo ko, kailan pa niya natutunan ang good news? Sa unang pagkakataon ay maririnig ko iyon sa kanya. “A-ano bang good news iyan?” garalgal kong sabi, pero hindi ko na nga dapat tinanong iyon, dahil alam ko naman na lahat ng bagay ay may k
Jhaxien Pov'sBalagbag niyang binuksan ang pinto, hindi ko inaasahan na nakasunod pala siya.Agad akong humarang sa pinto ng sa gayon ay isara muli ito. Ngunit naging matatag ang mga braso niya upang mabuwal ang pinto, nagtagpo ang mga mata namin kagaya ng kanina ay may matatalim itong titig. “Ano bang kailangan mo at balak mo pang sirain ang pinto!” Wala siyang tugon, inalis niya ang kamay niyang nakaharang sa pinto at tumindig sa harap ko, pagkaraan ay sinipa niya ang ito, hanggang sa magsara ng malakas ang pintuan. Na parang halos gusto niyang marinig sa buong paligid, at ipaalam sa lahat na narito siya sa silid ko. Naupo siya sa kama, bakas sa mukha niya ang pag-aalala na hindi ko maintindihan, pero kahit pa nakikita ko iyon ay gusto ko itong balewalain. Dahil una pa lang ay ayokong narito siya, ayoko na muling maulit ang namagitan sa amin noon, o kung ano ‘man ang balak niya ngayon, sisiguraduhin kong hindi ko iyon mapapayagan na mangyari. “Nabitin ako sa pag-uusap natin,
Jhaxien Pov'sTinatanong ng isip ko nasaan ang asawa niya? Bakit siya mag-isa at tinutuon ang atensyon niya sa akin at patuloy na ginugulo ako. Minabuti ko ng lisanin ang silid niya, dahil kung magtatagal pa ako at magpang abot kami ay ano naman ang maisipan niyang gawin. Napadaan ako sa theater room, sa unang pagkakataon ay tahimik ito, pero nanatiling nakabukas ang pinto, na parang nang-iingganyo na pasukin ko.Maliit lang ang theater room na kasya ang 15 katao, malaki ang screen na mas taas na 55 inches, mga speaker sa magkabilang dulo, na kapag nagsimulang tumugtog ay dumadagundong, na parang aabot pa ng kalapit bahay ang ingay. Madilim pa rin doondoon, ngunit may nakatawag pansin sa akinakin, nagliliwanag sa isang sulok.tinignan ko ang liwanag, nagmumula ito sa likod ng mataas at malapad na screen. Inawang ko ang pinto kahit nag-aalangan ako, hindi ako sigurado kung mayroong tao o wala.Masyado akong nacurious, xahil kahit papaano ay gusto kong malaman anv meron dito, bakit n
Jhaxien Pov'sNang magising ako ay madilim ang paligid, at pakiramdam ko ay hilong hilo pa rin ako, hindi ko alam kung bakit.Ano bang meron sa pagkain at ganun na lang ang impact sa akin. Madilim ang paningin ko, hindi dahil walang ilaw, kundi may isang bagay na ang nakaharang sa mga mata ko, at ang bibig ko ay hindi ko matikom merong nakabara na kahit boses ko at salita ay ayaw lumabas, ni hindi ako makahingi ng tulong o makasigaw. Sinubukan kong galawin ang mga kamay ko, ngunit nakatali ito papunta sa gawing likuran ko, masakit ito at mahirap kalagan, kunakalanseng ang bakal na kadena. Sinubukan ko rin na galawin ang paa ko para tumayo, ngunit kagaya sa kamay kong may kadenang tali ay natumba lang ako at nasubsob sa sementadong sahig, malamig at nangangamoy putik. Lalong nadagdagan ang hilo ko at mas sumakit ang ulo ko at katawan, na dagdagan pa ng pwesto ko, hindi ko ‘man lang maibangon ang sarili ko, mula sa pagkakatihayang higa. Hindi lang tunog na metal o kadena ang naririn
Chapter 10Jhaxien Pov’sGetting to know ba ito?Tanong ko kaagad sa sarili ng makita ko sa ibabaw ng kama ang isang card, binasa ko kaagad ang nilalaman, iniimbita ako ni Boss X para sa isang high class dinner date ngayong gabi, sa Casa Inocencio, narinig ko na kailan lang ang isang Resto na iyon
Chapter 4Jhaxien Pov’sNagising ako na nasa ibang lugar, hindi pamilyar, hindi ko alam kung saan eksakto ngunit ramdam ko na nakakatakot . Hindi ko magalaw ang katawan ko, ramdam ang bigat sa ulo ko, mistulang nakatali sa malamig na bagay na kinahihigaan ko, nanakit narin ang batok ko sa matigas n
Chapter 3 ***Exell Pov’s*** Room 1805 ako pumasok, rito ay makikipagkita kay Mr. Solivar bagong Client para sa maduming negosyo, si Mr. Solivar ay mayaman na tao ngunit nangangailangan ng tulong ko, kayang magbayad gaanoman kalaki kapalit ng isang bagay. Karamihan sa kliyente namin ay mayayama
Chapter 2 ***Jhaxien Pov’s*** Napilitan muli ako makipagkita kay Mr. Suwain, sa isang class na hotel sa West Ofeten, na sikat dayuhin lalo na ng mga taong may malaking kinikita at mapera. Sinundo niya ako ng mercedes benz niya, kasama ang ilan niyang tauhan, wala akong palag, lalo na at nakabant







