Home / Romance / Engaged to My Worst Enemy / The Boy Who Remembered My Favorite Things

Share

The Boy Who Remembered My Favorite Things

Author: Boss Chef
last update Petsa ng paglalathala: 2026-10-22 05:29:07

Chapter 6

“Belle, please tell me you have a reasonable explanation.”

Nakatitig si Mia sa akin habang hawak ang cellphone niya. Nasa screen pa rin ang litrato namin ni Adrian sa public post ng mama nito.

“Good morning din sa iyo,” sagot ko habang kinakagat ang sandwich ko.

“Don't change the subject! Bakit parang couple kayo sa picture? At bakit may nagtatanong kung kailan ang wedding ninyo?”

“Because people have too much free time.”

“Belle!”

Napabuntong-hininga ako. Alam kong hindi titigil si Mia hangga't hindi siya nakakakuha ng sagot. Ang problema, hindi ko puwedeng sabihin ang totoo. Hindi dahil ayaw kong magtiwala sa kaniya, kundi dahil hindi pa ako handang harapin ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang engaged ako sa lalaking lagi kong inaaway.

“Family friends ang mga magulang namin,” paliwanag ko. “Matagal na silang magkakilala. Siguro natuwa lang sila sa picture.”

“That's not a convincing answer.”

“It's the only answer I have.”

Matagal niya akong tinitigan bago ibinaba ang cellphone niya. “Fine. Hindi muna kita pipilitin. Pero kapag nalaman kong may tinatago ka sa akin, ikaw mismo ang kakausapin ko.”

“Noted, detective.”

Tumayo ako nang mag-vibrate ang cellphone ko. Isang message mula kay Adrian ang bumungad sa screen.

Adrian: Library. Ten minutes. Bring the revised proposal.

Me: Say please.

Adrian: Please, future wife.

Me: I hate you.

Adrian: See you in ten minutes, sweetheart.

Napapikit ako. Paano nakakayanan ng isang tao na maging sobrang nakakainis bago pa man mag-alas nuwebe?

“Si Adrian na naman?” tanong ni Mia.

“Project partner.”

“Sure. Project partner na nagpapangiti sa iyo habang binabasa mo ang messages niya.”

“Hindi ako nakangiti!”

“Your face is betraying you.”

Kinuha ko ang bag ko at mabilis na umalis bago pa niya ako mas lalo pang asarin.

Pagdating ko sa library, naroon na si Adrian sa isang sulok na mesa. Naka-white shirt siya, nakatiklop ang manggas hanggang siko, at nakatutok sa laptop ang atensiyon niya. May dalawang notebook at isang paper bag sa tabi niya.

“Late ka ng two minutes,” sabi niya nang makaupo ako.

“Congratulations. Marunong ka nang magbasa ng oras.”

Ini-slide niya sa akin ang paper bag.

“Ano 'to?”

“Food.”

“May pangalan ba ang food na 'yan?”

“Strawberry sandwich. At iced coffee. Your usual order.”

Napatigil ako. Binuksan ko ang bag at nakita ang paborito kong sandwich at eksaktong flavor ng kape na lagi kong binibili.

“Paano mo nalaman na ito ang gusto ko?”

Nagpatuloy siya sa pag-aayos ng documents na para bang wala siyang ginawang kakaiba.

“You order the same thing every time we pass that café.”

“Napapansin mo pala?”

Tumingin siya sa akin. “I notice a lot of things, Belle.”

Biglang parang uminit ang paligid ko.

“Don't make it weird.”

“I'm not the one making it weird. Ikaw ang namumula.”

“Mainit dito!”

“May air-conditioning.”

“Adrian!”

Tumawa siya, at napailing na lang ako. Delikado talaga ang lalaking ito. Kaya niyang sirain ang pasensya ko sa loob ng ilang segundo, pero kaya rin niyang gumawa ng maliliit na bagay na hindi ko naman hinihingi—at mas nakakainis dahil natutuwa ako.

Sinimulan namin ang business proposal. Siya ang bahala sa financial projections, habang ako naman ang gumagawa ng concept design at presentation flow. Kailangan naming magkasundo sa bawat detalye dahil pareho kaming haharap sa panel sa susunod na buwan.

“Green Haven Center,” mungkahi ko habang ipinapakita ang proposed name sa laptop.

“Sounds like a place where rich people pretend they care about the environment.”

“Fine. Ikaw na lang mag-isip.”

“Montenegro Eco Plaza.”

“Sounds like a place where rich people charge you for breathing.”

Napahalakhak siya. Mabilis kaming napayuko nang tumingin sa amin ang librarian.

“See?” bulong niya. “We're a great team.”

“Don't get used to it.”

“Too late.”

Maya-maya, may tumawag sa pangalan ko.

“Belle!”

Lumingon ako at nakita si Lucas na papalapit sa mesa. Agad akong ngumiti at tumayo para salubungin siya.

“Hi! What are you doing here?”

“May free time ako, so I thought I'd see you.” Hinalikan niya ako sa noo at iniabot ang maliit na paper bag. “Your favorite cookies. Alam kong busy ka sa project.”

“Thank you!” Masaya ko siyang niyakap.

Sa likod ko, narinig ko ang pagsara ng laptop ni Adrian.

“Hey, Lucas,” bati niya.

“Adrian.” Ngumiti si Lucas. “Working on the proposal?”

“Yeah. Belle's doing most of the creative work.”

Napalingon ako sa kaniya. “Most? Ikaw ang may pinakamakapal na financial report!”

“I'm giving you credit. Don't look so shocked.”

Natawa si Lucas. “Good to know you're getting along. Dati, parang gusto ninyong magpatayan kapag nag-uusap kayo.”

“That's still an option,” sabi ko.

“I'm touched,” sagot ni Adrian.

Nagtagal si Lucas nang ilang minuto bago kinailangan niyang bumalik sa susunod niyang class. Bago siya umalis, muli niya akong hinalikan sa noo at nangakong tatawag mamayang gabi.

Pagbalik ko sa mesa, tahimik na nag-aayos ng papers si Adrian.

“What's wrong?” tanong ko.

“Nothing.”

“Your face says otherwise.”

“My face is naturally handsome. You're probably confused.”

Umirap ako. “You were fine a while ago.”

“I'm still fine.”

“Then why are you arranging those papers like they personally offended you?”

Huminto siya at tumingin sa akin.

“Some people get cookies delivered to their table. Others have to settle for being a responsible project partner.”

Napakurap ako bago napangiti.

“Are you jealous?”

“Of Lucas? Don't flatter yourself.”

“Hindi ko naman sinabing kay Lucas ka nagseselos. Baka sa cookies.”

Tumingin siya sa paper bag na iniwan ni Lucas. “Actually, they do look good.”

Napatawa ako at itinulak ang bag sa kaniya. “Take one, drama king.”

Kumuha siya ng cookie at kumagat. “Not bad.”

“Don't finish them. Para kay Lucas 'yan.”

“Of course. Wouldn't want to steal your boyfriend's cookies and cause a scandal.”

“Adrian!”

Tumawa siya, pero nang tumingin ako sa kaniya, napansin kong may kakaibang lungkot sa likod ng ngiti niya. Mabilis din iyong nawala, kaya inisip kong baka namamalikmata lang ako.

Pagkatapos ng meeting, sabay kaming lumabas ng library. Papalubog na ang araw at malamig ang hangin sa campus. Napansin ni Adrian ang folder na halos dumudulas na sa aking mga kamay.

“Give it here.”

“Kaya ko.”

“I know. I'm offering.”

Kinuha niya ang pinakamabigat na folder at siya ang nagdala nito.

“Hindi mo kailangang gawin lahat ng ganito,” sabi ko.

“Like what?”

“Remember my coffee. Buy me food. Carry my things.”

Huminto siya at hinarap ako.

“Would you prefer I forget your favorite things?”

Hindi ako agad nakasagot.

“Hindi,” mahina kong sagot.

Ngumiti siya. “Then let me be nice sometimes.”

Nagpatuloy kami sa paglalakad. Hindi niya ako inasar, at hindi rin niya sinubukang punan ang katahimikan. Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, mas nakakakilig iyon kaysa sa lahat ng jokes niya.

Sa gate, nag-vibrate ang cellphone niya. Si Chloe ang tumatawag.

“Hey, beautiful,” sagot niya, at biglang lumambot ang boses niya. “Of course I'll be there on Saturday. I wouldn't miss our date.”

Nang matapos ang tawag, tumingin siya sa akin.

“Everything okay?”

“Of course. Why wouldn't it be?”

“Your smile disappeared.”

“Baka pagod lang ako.”

Hindi na siya nagtanong. Inabot niya sa akin ang folder at ngumiti nang bahagya.

“See you tomorrow, partner.”

“See you.”

Naglakad ako palayo, pero tinawag niya ako ulit.

“Belle!”

Lumingon ako.

“Don't forget to eat dinner. You skipped lunch.”

Napatitig ako sa kaniya. “Paano mo alam?”

“I notice a lot of things.”

Umuwi akong hindi mapigilang alalahanin ang mga salitang iyon. Pero bago pa ako makapag-isip nang mas malalim, nag-message si Mia.

Mia: Girl, may itatanong ako. At kailangan mong sagutin nang totoo.

Me: Ano na naman?

Mia: May nakita akong comment sa post ng mama ni Adrian. Galing sa relative ninyo.

Sumunod ang screenshot.

“Can't wait to see our favorite couple finally make it official!”

Nanlamig ang mga daliri ko. Pero ang mas nakakatakot ay ang reply ng mama ni Adrian sa ilalim nito.

“Soon enough. Just wait for the right time.”

Kasunod nito ang tawag ni Mia.

“Belle,” sabi niya sa sandaling sagutin ko ang tawag, “may alam ka bang hindi ko alam?”

Hindi ako nakapagsalita.

“Dahil kung may something sa inyong dalawa ni Adrian, gusto kong manggaling sa iyo ang totoo.”

Napatingin ako sa engagement ring na nakatago sa drawer ko.

At sa unang pagkakataon, hindi ko alam kung kaya ko pang magsinungaling sa best friend ko

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Engaged to My Worst Enemy    If I Weren't Engaged

    Chapter 10I stared at Adrian's message for almost five minutes.**Adrian:** You don't have to answer tonight. I just wanted to know if I'm the only one who looks forward to seeing you every day.“Bakit mo ba ako tinatanong ng ganito?” bulong ko sa sarili ko.I wanted to reply with a joke. Something sarcastic enough to put us back in our usual routine of teasing and arguing. Pero sa pagkakataong iyon, hindi ko kayang gawing biro ang tanong niya.**Me:** You're not the only one who enjoys our project meetings.**Adrian:** That's not exactly an answer, sweetheart.**Me:** That's the only answer you're getting tonight.**Adrian:** Fine. I'll accept that tiny victory.**Me:** Good night, Adrian.**Adrian:** Good night, Belle. Don't forget that you're allowed to smile tomorrow.Napangiti ako sa huling message niya. Ang problema, hindi ko na alam kung paano ko pipigilan ang sarili kong ngumiti sa tuwing pangalan niya ang lumilitaw sa screen

  • Engaged to My Worst Enemy    Stop Making My Heart Flutter

    Chapter 9“Is that Belle?”Napahinto ako nang marinig ang boses ni Chloe sa kabilang linya. Si Adrian ang kausap ko, at mukhang katabi niya ang girlfriend niya.“Yeah,” sagot ni Adrian. “We were just talking.”“About your project?” tanong ni Chloe.“Mostly.”Muntik akong mapapikit sa sagot niya. *Mostly?* Ano pa ba ang puwedeng pag-usapan ng dalawang taong engaged pero may kanya-kanyang karelasyon?“Adrian,” bulong ko sa cellphone, “talk to your girlfriend. We'll discuss the project tomorrow.”“Belle, wait—”Pinatay ko ang tawag bago pa siya makapagtanong. Hindi dahil nagseselos ako. Siyempre hindi. Gusto ko lang matulog nang maayos nang hindi naiisip ang boses niyang malambing kapag kausap si Chloe.Makalipas ang ilang segundo, nag-message siya.**Adrian:** You hung up on me.**Me:** Congratulations. Marunong ka nang makapansin.**Adrian:** Are you mad?**Me:** No.**Adrian:** That's a very convincing no.**Me:** Good night, Adrian.**Adrian:** Good night, Belle. Don't dream about me

  • Engaged to My Worst Enemy    Just The Two of Us

    Chapter 8“About us?”Ilang beses kong binasa ang huling message ni Adrian, umaasang magbabago ang mga salita kapag tumingin ako ulit. Pero hindi. Nandoon pa rin ang pangalan niya sa screen, kasama ang mensaheng hindi ko alam kung paano sasagutin.Adrian: And Belle? Please don't bring Lucas.“Ang kapal talaga ng mukha mo,” bulong ko sa sarili ko.Nag-type ako ng reply.Me: Don't make this weird. If this is about our project, we can talk in the library.Adrian: It's not about the project.Me: Then what is it about?Adrian: I'll tell you tomorrow. Please, Belle.Napahinto ako. Walang pang-aasar. Walang future wife. Walang sarcastic comment na puwede kong sagutin ng mas matalas na insulto. Tatlong simpleng salita lang ang pinakahuli niyang ipinadala: Please, Belle.At mas mahirap iyong tanggihan kaysa sa lahat ng pang-aasar niya.Me: Fine. After class. One hour only.Adrian: Deal.Me: And if you call me future wife, I'm leaving.Adrian: Good night, future—Me: ADRIAN!Adrian: Good night,

  • Engaged to My Worst Enemy    The Date That Made Him Jealous

    Chapter 7“Belle, I'm waiting.”Napapikit ako habang hawak ang cellphone ko. Nasa kabilang linya si Mia, at halatang hindi siya matutuwa hangga't hindi niya nakukuha ang sagot na gusto niya.“Girl, it's a family picture,” sabi ko. “Alam mo naman kung gaano ka-close ang mga magulang namin.”“Then explain the comment about making it official.”“Baka joke lang.”“Belle Reyes, I know you. Kapag nagsisinungaling ka, ang dami mong paliwanag.”“Wow. Best friend ba kita o police investigator?”“Both. Now answer me.”Napatingin ako sa drawer kung saan ko itinago ang engagement ring. Gusto kong sabihin ang totoo. Gusto kong ipaliwanag kung paano kami pinili ng mga magulang namin para sa isang kasal na hindi naman namin hinihingi. Pero sa tuwing naiisip kong sabihin iyon, bumabalik sa isip ko ang pangakong ginawa namin ni Adrian.Walang makakaalam sa university.At lalong hindi dapat malaman ni Mia sa pamamagitan lang ng isang tawag.“Promise, kapag kaya ko nang sabihin, ikaw ang unang makakaala

  • Engaged to My Worst Enemy    The Boy Who Remembered My Favorite Things

    Chapter 6“Belle, please tell me you have a reasonable explanation.”Nakatitig si Mia sa akin habang hawak ang cellphone niya. Nasa screen pa rin ang litrato namin ni Adrian sa public post ng mama nito.“Good morning din sa iyo,” sagot ko habang kinakagat ang sandwich ko.“Don't change the subject! Bakit parang couple kayo sa picture? At bakit may nagtatanong kung kailan ang wedding ninyo?”“Because people have too much free time.”“Belle!”Napabuntong-hininga ako. Alam kong hindi titigil si Mia hangga't hindi siya nakakakuha ng sagot. Ang problema, hindi ko puwedeng sabihin ang totoo. Hindi dahil ayaw kong magtiwala sa kaniya, kundi dahil hindi pa ako handang harapin ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang engaged ako sa lalaking lagi kong inaaway.“Family friends ang mga magulang namin,” paliwanag ko. “Matagal na silang magkakilala. Siguro natuwa lang sila sa picture.”“That's not a convincing answer.”“It's the only answer I have.”Matagal niya akong tinitigan bago ibinaba

  • Engaged to My Worst Enemy    One Dinner, Two Fiancés

    Chapter 5“Hindi ako pupunta.”Iyon ang una kong sinabi nang ipaalala ni Mama ang family dinner sa Sunday. Nasa harap ako ng salamin, hawak ang dalawang damit na hindi ko mapili.“Belle, napag-usapan na natin ito,” sagot niya. “Mahalaga ang dinner na iyon.”“Ma, family dinner lang naman. Bakit kailangan kong magbihis na parang may royal wedding?” Napangiti siya. “Malay mo.” Napatingin ako sa kaniya. “Ma!”Tumawa siya at inayos ang kuwelyo ng suot kong blouse. “Anak, gusto lang naming maging maayos ang pagsasama ng dalawang pamilya. Alam kong hindi mo pa gusto ang arrangement, pero sana bigyan mo ng pagkakataon ang sarili mong kilalanin si Adrian sa ibang paraan.”“Kilalang-kilala ko na siya, Ma. Mula pagkabata, lagi niya akong inaasar.”“Baka iyon ang paraan niya para makuha ang atensiyon mo.”“Then he should find another hobby.”Natawa si Mama. Wala siyang ideya kung gaano ako kaseryoso.Kinahapunan, dumating ako sa bahay ng mga Montenegro kasama ang mga magulang ko. Sinalubong kami

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status