Home / Romance / Engaged to My Worst Enemy / One Dinner, Two Fiancés

Share

One Dinner, Two Fiancés

Author: Boss Chef
last update Petsa ng paglalathala: 2026-10-19 08:02:06

Chapter 5

“Hindi ako pupunta.”

Iyon ang una kong sinabi nang ipaalala ni Mama ang family dinner sa Sunday. Nasa harap ako ng salamin, hawak ang dalawang damit na hindi ko mapili.

“Belle, napag-usapan na natin ito,” sagot niya. “Mahalaga ang dinner na iyon.”

“Ma, family dinner lang naman. Bakit kailangan kong magbihis na parang may royal wedding?” Napangiti siya. “Malay mo.” Napatingin ako sa kaniya. “Ma!”

Tumawa siya at inayos ang kuwelyo ng suot kong blouse. “Anak, gusto lang naming maging maayos ang pagsasama ng dalawang pamilya. Alam kong hindi mo pa gusto ang arrangement, pero sana bigyan mo ng pagkakataon ang sarili mong kilalanin si Adrian sa ibang paraan.”

“Kilalang-kilala ko na siya, Ma. Mula pagkabata, lagi niya akong inaasar.”

“Baka iyon ang paraan niya para makuha ang atensiyon mo.”

“Then he should find another hobby.”

Natawa si Mama. Wala siyang ideya kung gaano ako kaseryoso.

Kinahapunan, dumating ako sa bahay ng mga Montenegro kasama ang mga magulang ko. Sinalubong kami ng pamilya ni Adrian at gaya ng dati, magiliw silang lahat. Ang problema lang, ang lalaking kailangan kong pakisamahan ay nakatayo sa may hagdan, nakangiting parang may binabalak na kalokohan.

“Looking good, future wife,” bulong niya nang makalapit ako.

“Kapag tinawag mo ulit ako niyan sa harap nila, sisiguraduhin kong hindi ka na makakapagsalita.”

“That's the spirit.”

Inabot niya ang kamay niya para tulungan akong umakyat sa isang maliit na hakbang sa entrance. Tiningnan ko muna ang kamay niya bago ko tinanggap. Hindi ko kailangan ng tulong, pero ayokong gumawa ng eksena sa harap ng mga magulang namin.

“See? We can be civil,” bulong niya.

“Don't push your luck.”

Sa dining room, pinaupo kami ng mga magulang namin sa magkatabing upuan. Siyempre, sa tabi ko ang pinakamalaking istorbo sa buhay ko.

“Adrian, tulungan mong kumuha ng pagkain si Belle,” sabi ng mama niya.

“Of course, Mom.”

Bago ako makatanggi, kinuha na niya ang plato ko at nilagyan ng pagkain.

“Hindi ko kailangan ng personal waiter,” bulong ko.

“I'm practicing. Baka kailanganin mo sa future.”

“Mas kailangan mong mag-practice manahimik.”

Ngumiti siya at inilapag ang plato ko. “You're welcome.”

Nang magsimula ang dinner, pinag-usapan ng mga magulang namin ang negosyo, mga plano para sa susunod na taon, at ang engagement namin. Pinilit kong ngumiti kahit gusto kong magtago sa ilalim ng mesa.

“Ang importante,” sabi ni Papa, “matapos ninyo ang pag-aaral ninyo. Ayaw naming maapektuhan ang education ninyo.”

Tumango si Adrian. “We understand, Uncle.”

Napatingin ako sa kaniya. Nakakagulat na kaya pala niyang maging seryoso kapag kailangan.

“Pero gusto naming mas makilala ninyo ang isa't isa,” dagdag ng mama niya. “Hindi sapat na pumayag lang kayo dahil gusto namin.”

“Paano kung hindi talaga kami magkasundo?” tanong ko.

Sandaling natahimik ang mesa.

“Then learn to communicate,” sagot ni Mama. “Hindi naman kailangang maging magkasintahan agad kayo. Ang hinihingi lang namin ay bigyan ninyo ng pagkakataon ang arrangement.”

Hindi ako nakasagot. Mas madali sanang tanggihan ang lahat kung hindi sila ganoon kabait at kaseryoso sa kagustuhan nilang ito.

Pagkatapos ng dinner, lumabas ako sa garden para makahinga. Ilang minuto lang, sumunod si Adrian na may dalang dalawang baso ng juice.

“Peace offering ulit?” tanong ko.

“Actually, juice offering.”

Tinanggap ko ang baso. “Salamat.”

Tumabi siya sa akin at saglit kaming nanahimik habang pinagmamasdan ang mga ilaw sa garden.

“Hindi naman masama ang parents natin,” sabi niya. “They're just convinced we're a perfect match.”

“That's the problem. Hindi nila tayo ang tinatanong kung gusto natin.”

“True.”

Napatingin ako sa kaniya. Wala siyang ngiti o pang-aasar sa pagkakataong iyon.

“Adrian, seryoso ka bang susubukang sundin ito?”

“Hindi ko alam. Pero ayokong masira ang relasyon ng pamilya natin dahil sa atin.”

“Ako rin naman.”

Tumango siya. “Then let's take it one day at a time. We don't have to fall in love just because they want us to.”

Napahinga ako nang maluwag. “Finally, something sensible from you.”

“Don't sound too surprised.”

Natawa ako, at sa unang pagkakataon ngayong gabi, hindi iyon pilit.

Biglang lumabas ang mga magulang namin sa garden.

“Perfect!” masayang sabi ng mama ni Adrian. “Dito pala kayo. Halika, mag-picture tayo.”

Bago kami makatanggi, pinatayo niya kami sa tabi ng isa't isa. Inakbayan ako ni Adrian at inilapit nang kaunti ang sarili niya para magkasya kami sa frame.

“Smile,” bulong niya.

“I'm going to step on your foot.”sabi ko.

“Romantic.”

Kinuha ng papa niya ang larawan. Pagkatapos, ipinakita niya iyon sa amin. Sa litrato, magkatabi kaming nakangiti na para bang masaya kaming magkasintahan.

“Ang ganda ninyo tingnan!” sabi ni Mama.

Nang makaalis ang mga magulang namin para kausapin ang mga bisita, mabilis kong inilayo ang sarili ko kay Adrian.

“Never again.”

“Come on, Belle. Admit it. We look good together.”

“Sa litrato lang.”

“That's a start.”

Bago ako makasagot, tumunog ang cellphone niya. Tiningnan niya ang screen at ngumiti.

“Chloe,” sabi niya.

Ang girlfriend niya.

Agad kong naalala si Lucas. Pareho kaming may taong ayaw naming masaktan, pero narito kami, nakangiti sa litrato na para bang wala kaming ibang relasyon.

“Sabihin mo sa kaniya na busy ka,” sabi ko.

Tumingin si Adrian sa akin. “Hindi ko puwedeng patuloy na iwasan ang girlfriend ko nang walang paliwanag.”

Wala akong naisagot. Tama siya. Hindi namin puwedeng itago ang engagement magpakailanman nang hindi naaapektuhan sina Lucas at Chloe.

Nang magpaalam na kami sa mga magulang niya, inihatid ako ni Adrian sa kotse ng pamilya namin.

“Belle,” tawag niya bago ako sumakay.

Lumingon ako. “Ano?”

“May project meeting tayo bukas. Don't forget.”

“Oo na hindi ko kakalimutan. Ikaw ang pinakamahirap kalimutang problema.”

Tumawa siya. “Good night, future wife.”

Umirap ako at sumakay sa kotse. Pero bago pa kami makaalis, nag-message si Mia.

Girl! May nakita akong picture ninyo ni Adrian sa post ng mama niya. Bakit ang sweet ninyo tingnan? May hindi ka ba sinasabi sa akin?

Nanlaki ang mga mata ko habang binubuksan ang larawan. Public post iyon, at kitang-kita ang braso ni Adrian sa balikat ko. May ilang comments na rin mula sa mga kaibigan ng pamilya namin.

You two look perfect together!

When is the wedding?

Napahawak ako sa noo ko. Hindi pa nga namin sinasabi sa kahit sino ang engagement, pero mukhang nagsisimula nang magtanong ang mga tao.

Nag-type ako ng reply kay Mia, pero ilang beses kong binura. Hindi ko puwedeng sabihin ang totoo sa chat. Hindi rin ako makapagsinungaling nang maayos.

Maya-maya, tumawag si Adrian.

“ nakita mo na ang post?” tanong niya.

“Oo! Bakit pinost ng mama mo iyon?”

“Hindi ko alam. Baka masaya lang siya.”

“Masaya? Adrian, tinatanong na ng mga tao kung kailan ang wedding!”

“Relax. Hindi pa naman nila alam ang tungkol sa engagement.”

“Pero paano kung may maghinala?”

Saglit siyang natahimik. “Then we'll deal with it together.”

Hindi ko alam kung bakit nakatulong ang simpleng sagot niya para kumalma ako.

“Fine,” sabi ko. “Pero kailangan nating mag-ingat.”

“Agreed. Good night, Belle.”

“Good night.”

Pagkababa ko ng tawag, dumating ang panibagong message mula kay Mia.

Hindi mo man sabihin sa akin ngayon, malalaman ko rin ang totoo. At kapag nalaman kong may tinatago ka sa akin, ikaw mismo ang kakausapin ko.

Napahiga ako sa kama at napatingin sa kisame.

Ang plano namin ay panatilihing sikreto ang engagement hanggang graduation. Pero sa bilis ng mga pangyayari, parang hindi na ako sigurado kung aabot kami ng isang buwan nang walang nakakaalam.

At ang mas nakakatakot, hindi ko na alam kung alin ang mas mahirap itago—ang engagement namin o ang kakaibang saya na nararamdaman ko tuwing inaasar ako ni Adrian.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Engaged to My Worst Enemy    If I Weren't Engaged

    Chapter 10I stared at Adrian's message for almost five minutes.**Adrian:** You don't have to answer tonight. I just wanted to know if I'm the only one who looks forward to seeing you every day.“Bakit mo ba ako tinatanong ng ganito?” bulong ko sa sarili ko.I wanted to reply with a joke. Something sarcastic enough to put us back in our usual routine of teasing and arguing. Pero sa pagkakataong iyon, hindi ko kayang gawing biro ang tanong niya.**Me:** You're not the only one who enjoys our project meetings.**Adrian:** That's not exactly an answer, sweetheart.**Me:** That's the only answer you're getting tonight.**Adrian:** Fine. I'll accept that tiny victory.**Me:** Good night, Adrian.**Adrian:** Good night, Belle. Don't forget that you're allowed to smile tomorrow.Napangiti ako sa huling message niya. Ang problema, hindi ko na alam kung paano ko pipigilan ang sarili kong ngumiti sa tuwing pangalan niya ang lumilitaw sa screen

  • Engaged to My Worst Enemy    Stop Making My Heart Flutter

    Chapter 9“Is that Belle?”Napahinto ako nang marinig ang boses ni Chloe sa kabilang linya. Si Adrian ang kausap ko, at mukhang katabi niya ang girlfriend niya.“Yeah,” sagot ni Adrian. “We were just talking.”“About your project?” tanong ni Chloe.“Mostly.”Muntik akong mapapikit sa sagot niya. *Mostly?* Ano pa ba ang puwedeng pag-usapan ng dalawang taong engaged pero may kanya-kanyang karelasyon?“Adrian,” bulong ko sa cellphone, “talk to your girlfriend. We'll discuss the project tomorrow.”“Belle, wait—”Pinatay ko ang tawag bago pa siya makapagtanong. Hindi dahil nagseselos ako. Siyempre hindi. Gusto ko lang matulog nang maayos nang hindi naiisip ang boses niyang malambing kapag kausap si Chloe.Makalipas ang ilang segundo, nag-message siya.**Adrian:** You hung up on me.**Me:** Congratulations. Marunong ka nang makapansin.**Adrian:** Are you mad?**Me:** No.**Adrian:** That's a very convincing no.**Me:** Good night, Adrian.**Adrian:** Good night, Belle. Don't dream about me

  • Engaged to My Worst Enemy    Just The Two of Us

    Chapter 8“About us?”Ilang beses kong binasa ang huling message ni Adrian, umaasang magbabago ang mga salita kapag tumingin ako ulit. Pero hindi. Nandoon pa rin ang pangalan niya sa screen, kasama ang mensaheng hindi ko alam kung paano sasagutin.Adrian: And Belle? Please don't bring Lucas.“Ang kapal talaga ng mukha mo,” bulong ko sa sarili ko.Nag-type ako ng reply.Me: Don't make this weird. If this is about our project, we can talk in the library.Adrian: It's not about the project.Me: Then what is it about?Adrian: I'll tell you tomorrow. Please, Belle.Napahinto ako. Walang pang-aasar. Walang future wife. Walang sarcastic comment na puwede kong sagutin ng mas matalas na insulto. Tatlong simpleng salita lang ang pinakahuli niyang ipinadala: Please, Belle.At mas mahirap iyong tanggihan kaysa sa lahat ng pang-aasar niya.Me: Fine. After class. One hour only.Adrian: Deal.Me: And if you call me future wife, I'm leaving.Adrian: Good night, future—Me: ADRIAN!Adrian: Good night,

  • Engaged to My Worst Enemy    The Date That Made Him Jealous

    Chapter 7“Belle, I'm waiting.”Napapikit ako habang hawak ang cellphone ko. Nasa kabilang linya si Mia, at halatang hindi siya matutuwa hangga't hindi niya nakukuha ang sagot na gusto niya.“Girl, it's a family picture,” sabi ko. “Alam mo naman kung gaano ka-close ang mga magulang namin.”“Then explain the comment about making it official.”“Baka joke lang.”“Belle Reyes, I know you. Kapag nagsisinungaling ka, ang dami mong paliwanag.”“Wow. Best friend ba kita o police investigator?”“Both. Now answer me.”Napatingin ako sa drawer kung saan ko itinago ang engagement ring. Gusto kong sabihin ang totoo. Gusto kong ipaliwanag kung paano kami pinili ng mga magulang namin para sa isang kasal na hindi naman namin hinihingi. Pero sa tuwing naiisip kong sabihin iyon, bumabalik sa isip ko ang pangakong ginawa namin ni Adrian.Walang makakaalam sa university.At lalong hindi dapat malaman ni Mia sa pamamagitan lang ng isang tawag.“Promise, kapag kaya ko nang sabihin, ikaw ang unang makakaala

  • Engaged to My Worst Enemy    The Boy Who Remembered My Favorite Things

    Chapter 6“Belle, please tell me you have a reasonable explanation.”Nakatitig si Mia sa akin habang hawak ang cellphone niya. Nasa screen pa rin ang litrato namin ni Adrian sa public post ng mama nito.“Good morning din sa iyo,” sagot ko habang kinakagat ang sandwich ko.“Don't change the subject! Bakit parang couple kayo sa picture? At bakit may nagtatanong kung kailan ang wedding ninyo?”“Because people have too much free time.”“Belle!”Napabuntong-hininga ako. Alam kong hindi titigil si Mia hangga't hindi siya nakakakuha ng sagot. Ang problema, hindi ko puwedeng sabihin ang totoo. Hindi dahil ayaw kong magtiwala sa kaniya, kundi dahil hindi pa ako handang harapin ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang engaged ako sa lalaking lagi kong inaaway.“Family friends ang mga magulang namin,” paliwanag ko. “Matagal na silang magkakilala. Siguro natuwa lang sila sa picture.”“That's not a convincing answer.”“It's the only answer I have.”Matagal niya akong tinitigan bago ibinaba

  • Engaged to My Worst Enemy    One Dinner, Two Fiancés

    Chapter 5“Hindi ako pupunta.”Iyon ang una kong sinabi nang ipaalala ni Mama ang family dinner sa Sunday. Nasa harap ako ng salamin, hawak ang dalawang damit na hindi ko mapili.“Belle, napag-usapan na natin ito,” sagot niya. “Mahalaga ang dinner na iyon.”“Ma, family dinner lang naman. Bakit kailangan kong magbihis na parang may royal wedding?” Napangiti siya. “Malay mo.” Napatingin ako sa kaniya. “Ma!”Tumawa siya at inayos ang kuwelyo ng suot kong blouse. “Anak, gusto lang naming maging maayos ang pagsasama ng dalawang pamilya. Alam kong hindi mo pa gusto ang arrangement, pero sana bigyan mo ng pagkakataon ang sarili mong kilalanin si Adrian sa ibang paraan.”“Kilalang-kilala ko na siya, Ma. Mula pagkabata, lagi niya akong inaasar.”“Baka iyon ang paraan niya para makuha ang atensiyon mo.”“Then he should find another hobby.”Natawa si Mama. Wala siyang ideya kung gaano ako kaseryoso.Kinahapunan, dumating ako sa bahay ng mga Montenegro kasama ang mga magulang ko. Sinalubong kami

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status