Chapter 5“Hindi ako pupunta.”Iyon ang una kong sinabi nang ipaalala ni Mama ang family dinner sa Sunday. Nasa harap ako ng salamin, hawak ang dalawang damit na hindi ko mapili.“Belle, napag-usapan na natin ito,” sagot niya. “Mahalaga ang dinner na iyon.”“Ma, family dinner lang naman. Bakit kailangan kong magbihis na parang may royal wedding?” Napangiti siya. “Malay mo.” Napatingin ako sa kaniya. “Ma!”Tumawa siya at inayos ang kuwelyo ng suot kong blouse. “Anak, gusto lang naming maging maayos ang pagsasama ng dalawang pamilya. Alam kong hindi mo pa gusto ang arrangement, pero sana bigyan mo ng pagkakataon ang sarili mong kilalanin si Adrian sa ibang paraan.”“Kilalang-kilala ko na siya, Ma. Mula pagkabata, lagi niya akong inaasar.”“Baka iyon ang paraan niya para makuha ang atensiyon mo.”“Then he should find another hobby.”Natawa si Mama. Wala siyang ideya kung gaano ako kaseryoso.Kinahapunan, dumating ako sa bahay ng mga Montenegro kasama ang mga magulang ko. Sinalubong kami
Huling Na-update : 2026-10-19 Magbasa pa