"Luh. Totoo?" Nagulat ako. "Paano mo nalaman?"
"Eh kaya nga sila nagkagalit ni Sir Maui!" pag-iinsist niya.
"Magkasama lang sa sasakyan, may relasyon na?" Pagtataka ko.
"Malamang! Anong ginagawa nila at ba't sila magkasama, aber?" Sure na sure naman itong si Kimverly. "Ano, naki-hitch lang? Galing pa nga sila sa isang five-star hotel bago nangyari 'yon, 'no."
"Nandoon ka?" tanong ko.
"Gaga! Siyempre, wala!" Natawa siya nang malakas at hindi ko alam kung bakit, nagtanong lang naman ako. "Pero 'yan ang kumakalat na usap-usapan sa opisina noon pa."
"Ah, akala ko nandoon ka mismo sa hotel na pinanggalingan nila," sabi ko naman.
"Tange, hindi." Tumatawa-tawa pa rin siya bago siya sumeryoso. "Kaya nga 'di agad naka-upo 'yan si Sir Frank as VP ng External Affairs, kasi iniiwasan niya talaga si Sir Maui."
"Hindi ba dahil nasa puwesto pa rin naman kasi 'yong tatay niya, si Sir Freddie?" tanong ko.
"Ano ka ba, dapat nga matagal nang nag-retire 'yon. Eh, kaso nga wala namang papalit sa kanya dahil hindi pa napag-isipan ni Sir Frank kung uupo ba siya o hindi," paliwanag ni Kimverly.
"Eh siguro, naawa na lang itong si junakis kay pudra dahil jonda na nga, no choice na siya kaya.." Naputol ang pagsasalita niya. "Ay, chosko, Florence! Dito na pala ako."
Tumayo na siya at nagtitili, "Manong, Manong, wait, Manong! Dito na po ako! Para po!"
Huminto ang bus at nagpaalam na siya sa akin, "See you tomorrow!"
"See you!"
***
"Kumusta sa bago mong opisina, anak?" tanong ni Mama sa akin habang pinagsasaluhan namin para sa hapunan ang niluto niyang sinigang.
"Okay lang naman po. Mukhang mababait naman po ang mga tao doon." Kumuha pa ulit ako ng kanin, ang sarap kasi ng sinigang ni Mama, tamang-tama lang ang asim at alat, sabayan pa ng sawsawang patis na may sili.
"Eh 'yong bago mong boss?" tanong niya. Alam ni Mama ang lahat ng nangyayari sa buhay ko dahil close talaga kami. Bukod sa kaming dalawa lang talaga ang magkasama mula pa noon, itinuturing ko rin siyang "bestest friend" ko.
"Feeling ko mabait din naman po. Walang ere, kasabay ko nga po mag-lunch kanina." Kaso naalala ko bigla iyong mga kuwento ni Kimverly saka kung paano siya nagmumura paminsan-minsan. "Pero 'di ko pa rin po masabi."
Pagkatapos kumain ay si Mama na ang naghugas ng mga pinggan. Ako naman ang naglinis ng lamesa at nag-mop na rin ng konti sa kusina.
Dahil medyo maaga pa naman at hindi pa ako inaantok, binalikan ko iyong ginagawa kong oil pastel drawing. Scenery iyon sa probinsya namin na matagal na naming hindi nauuwian ni Mama - dalampasigan na may naka-daong na mga makukulay na bangkang pangisda.
Bukod sa wala kaming pera noon para maka-uwi sa amin, alam kong iniiwasan talaga ni Mama. Kasi hanggang ngayon, dinadala pa rin niya iyong mga naging panghuhusga sa kanya noong ipinagbuntis niya ako sa edad niyang labing-walo. Ang masaklap, hindi naman siya pinanagutan ng Papa ko, na hindi ko na nga nakilala.
Habang ginagawa ko ang drawing ay mahina kong pinatutugtog ang playlist ko ng BTS sa phone.
"'Cause I-I-I'm in the stars tonight.." napapakanta na nga, "So watch me bring the fire and set the night alight.."
Ganadung-ganado na ako nang biglang mapalitan ang tumutugtog na "Dynamite" ng ring tone ko. May tumatawag pala.
Unregistered number. Sino kaya ito?
Tinanggap ko ang tawag. "Good evening. Sino po sila?"
Isang baritonong boses ang sumagot sa akin, "Hi. Ako 'yong ka-chat mo sa Tinder."
"Huh?" gulat na sabi ko. "W-wala po akong Tinder. Wrong number po kayo."
Tatapusin ko na sana ang tawag nang tumawa iyong nasa kabilang linya. Pamilyar sa akin ang tunog ng pagtawa niya.
"Joke lang," natatawa pa rin niyang sabi. "Si Frank 'to."
"Sir Frank?" paniniyak ko. Baka kasi kung sinong Frank at ma-prank ako.
"Uh-huh," sumagot siya. "Listen up, I have something to tell you."
"Ano po 'yon, Sir?" tanong ko. Gusto ko sana siyang usisain kung saan niya nakuha ang cellphone number ko, pero siyempre, siya ang boss kaya marami siyang means.
Pero loko rin talaga itong bossing ko. Naisip pa niyang magbiro ng ganoon patungkol sa Tinder. Baka gumagamit talaga siya ng dating app na iyon? Ewan ko dito.
"Ayokong pumasok bukas," deklara niya. "Bahala ka na sa opisina."
Ganoon lang iyon? Ayaw niyang pumasok so hindi siya papasok? Kasisimula lang niya sa trabaho kanina tapos absent agad siya bukas?
Ano namang paki mo kung ayaw niyang pumasok? sabi naman ng isang bahagi ng utak ko. Oo nga naman.
"Florence..." tawag niya sa akin sa malamyos na boses. Wala sa loob na napalunok ako.
"N-nandito pa ako, Sir." Nagpalusot na lang ako sa hindi ko agad pagsagot. "M-medyo mahina lang po ang.. ang signal ko."
May naalala ako bigla. "Sir, paano po pala 'yong mga meeting niyo bukas?"
"Just call them early morning tomorrow and inform them I couldn't come to work because I'm sick." Sa tono ng pagsasalita niya ay mukha namang hindi totoo ang sinasabi niya.
Pero baka nga tunay naman kaya nagtanong pa rin ako, "Masama po ang pakiramdam niyo?"
Narinig kong tumawa siya bago nagsalita nang seryoso, "Don't worry, it's not true. But don't tell anyone, okay?"
Idadamay mo pa talaga ako sa pagsisinungaling, Sir.
"May kailangan lang kasi akong asikasuhin outside of the Metro. Pero ayokong ipaalam kahit kanino," nagpaliwanag siya. "But then I'll be back the next day, okay."
"Sir, 'pag nagtanong po sila Miss Celine o kahit sino sa office, at sinabi ko po na may sakit kayo, eh baka mag-alala din po sila," nagpaliwanag din ako. "Alam niyo na po, COVID. Baka isipin nila na me'ron kayo at mahawa sila."
"Damn." Pumalatak siya "Alright, I'm gonna get a swab before I return to work and show everyone."
"Okay po," sabi ko na lang kasi parang galit pa siya, nagpaalala lang naman ako. Hindi ko na rin alam kung anong isasagot doon.
"Alright. Bye," paalam niya sabay putol ng tawag. Hindi na niya ako hinintay na makasagot.
Tinignan ko pa ang screen ng cellphone ko pagkatapos. "Badtrip ka, Sir?"
Nasa ganoon akong eksena nang may mag-message, galing sa number na iyon.
BTW, thanks. Save my number. – Frank
Okay. Eh 'di i-save.
***
Maaga pa rin akong pumasok kahit alam kong hindi papasok si Sir Frank ngayong araw. Ayos din, magagamit ko ang oras na wala siya para mas magamay ko pa ang trabaho ko sa bagong opisina.
Sumakay ako ng elevator at pasara na sana ang pinto pero nakita kong may paparating. Mabilis kong pinindot ang "open door" button para makahabol kung sino man itong sasakay.
Kaso, natulala ako nang makita ko na siya sa malapitan.
Si Sir Maui!
Pakiramdam ko nag-slow mo ang lahat ng kilos at galaw sa kapaligiran, at sa gitna ng katahimikan naming dalawa, para bang naririnig ko na ang tibok ng sarili kong puso.
"Are we still waiting for someone else?" tila bagot na tanong niya. Nasa loob na kasi siya ng elevator pero hindi ko pa rin pala naiaalis ang daliri ko na naka-pindot lang sa buton.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa tono ng pananalita niyang kasing-lamig ng yelo.
Pero kahit ganoon ay sinikap ko pa ring maging magalang. "G-good morning po, Sir."
Tumango lang siya, pero hindi siya sumagot - ni hindi man lang ngumiti.
Pero kahit ganoon, guwapo pa rin siya sa paningin ko. Ang mga mata niya, kulay brown pero malamlam. Akala ko sadyang ganoon lang, pero nang malaman ko ang kuwento tungkol sa namatay niyang GF dahil sa aksidente, naisip ko na baka iyon ang dahilan kung bakit para bang laging may lungkot sa kanyang mga mata.
Pinindot ko ang 23rd sa buttons bago pa niya ako masita ulit, baka masigawan na nga ako nito dahil mukha na akong eengot-engot. Hindi ko na siya tinanong at alam ko namang katabi lang ng opisina niya ang opisina namin.
Sa totoo lang, parehas lang naman sila ni Sir Frank na Kastilain ang hitsura pero mas maamo kasi ang mukha ni Sir Maui. Si Sir Frank kasi iyong tipo na akala mo laging may namumuong kalokohan sa utak, hindi tulad ni Sir Maui na mukhang mabait at matino.
Matangos din ang ilong ni Sir Maui. Perpekto ang hugis ng mga labi. Malinis tignan - walang kahit anong balbas o bigote sa mukha, clean cut ang buhok. Minsan ko na rin siyang nakitang ngumiti sa isang meeting, at na-retain na iyon sa utak ko habambuhay. Ang guwapo niya lalo! May dimple din siya sa magkabilang-pisngi.
"Saang office ka?" biglang tanong niya sa akin.
Parang tumugtog sa isip ko iyong Bibingka ng Ben and Ben.
Nagsi-awit ang mga anghel sa langit..
Mali. Pang-Christmas pala iyon.
"Sa OVPEA po," binanggit ko iyon kung paano banggitin ng mga ka-opisina ko - O-V-Peya.
Ito ang unang beses na kinausap niya ako sa loob ng ilang taong pagta-trabaho ko sa kumpanyang ito. Parang gusto kong magpa-ice cream sa mga ka-opisina ko mamaya.
"Bago ka?" tanong niya ulit.
Hindi niya siguro natatandaan na dati akong tiga-Accounting Department - hawak pa naman ng opisina niya ang departamento namin. Pero sino ba ako para magdamdam? Isang hamak na empleyado lang naman ako.
Ipinaliwanag ko na lang, "Bago po ako sa OVPEA pero galing po ako ng Accounting Department."
"Talaga?" Tumingin siya sa akin at nakita ko sa mukha niya na napapa-isip siya. "Parang hindi kita natatandaan."
Awit! Hindi na awit ng anghel 'to, Florence.. aww sakit na 'to!
"Ah, eh, Accounting Clerk lang po kasi ako noon, Sir," iyon na sa palagay ko ang pinaka-puwede kong isagot sa kanya. "K-kaya po wala po sigurong chance na magkita o magkausap po tayo."
Tumigil ang elevator at bumukas. 23rd floor na. Tumabi ako para paunahin na sana siyang lumabas, pero sumenyas siya na ako na ang mauna. Lumabas ako at naglakad nang mabagal para sana maka-una na siya sa akin, pero naramdaman ko na nakasunod lang siya sa likuran ko.
"Hindi ka Accounting Clerk lang," bigla siyang nagsalita na ikinagulat ko. In-emphasize niya pa iyong salitang "lang". "Everybody in this organization is important, so I don't want to hear you belittle yourself the next time, okay?"
Marahang tinapik pa niya ang balikat ko bago siya naglakad at nilagpasan ako.
Naiwan akong tulala habang nakatingin sa bulto niyang papalayo sa akin.
"May sakit? Nagkita pa kami noong isang araw at mukhang maayos naman ang pakiramdam niya." Halata ang pagtataka sa boses ni Mr. Chan nang tawagan ko siya para sabihin na postponed ang meeting nila ngayong araw ni Sir Frank. "A-ang totoo po Sir, bago po siya umuwi kahapon ay nabanggit niya po iyon sa akin." Gumawa na lang ako ng kuwento. Sana lang hindi halatado dahil dito talaga ako mahina - sa pagsisinungaling. "Sinabi niya rin po kahapon na susubukan niya pa rin daw pong pumasok ngayon," sabi ko pa. "Kaya lang po, nag-advice siya ngayong umaga na hindi na nga po siya makakarating." Ang ending, ni-reschedule ko na lang ang meeting sa ibang date. Ganoon din ang ginawa ko sa nauna kong naka-usap na si Mr. Cordero na dapat ay ka-meeting din ni Sir Frank ngayong araw na ito. Tinuruan ako ni Miss Celine kanina kung paano makipag-usap professionally sa mga ka-deal ni Sir Frank. Dapat daw assertive ako at confident, pero alam ko, paminsan-minsan ay bumabalik ako sa shy at tim
Nauna nang umuwi ang mga kasama ko sa opisina. Ako na lang ang naiwan dahil hindi pa lumalabas si Sir at iyong bisita niya. Sa paraan ng pag-uusap nila, para namang friends sila ni Sir. Sana nag-set na lang sila ng weekend, hindi iyong ganitong office hours. Pasado alas sais na ng hapon.Wala na rin naman akong ginagawa dahil natapos ko na lahat ng tasks ko for today. Nakaligpit na nga lahat ng gamit ko at uwing-uwi na rin ako talaga. "O, Florence, nandito ka pa?" Nag-angat ako ng tingin nang magsalita si Sir Frank. May inilagay kasi akong file sa ilalim ng table ko. "Hatid na kita pauwi," sabi ni Mr. Sanchez sa akin. Ito na naman 'yong ngisi niyang nakakaloko. Medyo nakakainis na. "Hindi. Sa akin siya sasabay." Napatitig ako kay Sir Frank nang sabihin niya iyon. *** Nag-commute ako pauwi. Mas okay na ito kaysa sumabay sa kahit sinuman kina Mr. Sanchez o Sir Frank. Hindi naman sa pagmamaganda pero hinding-hindi ako magpapahatid sa Mr. Sanchez na iyon. Sobrang pr
"Kunin mo na, bilis." Nagmadali tuloy ako sa pagkuha. Ang tagal na kasing naka-extend ng kamay niya na hawak iyong credit card. "Sige po," sabi ko. "Puwede naman po i-reimburse ito." "Bahala ka na rin diyan." Aniya na para bang balewala ang pera. Ibinaba niya na iyong screen ng laptop niya. "Wala naman na 'kong meeting 'di ba?" Umiling ako. "Wala na po." "Alright. I'm going." Tumayo na siya mula sa kinauupuan niya. "Bye, Florence." "Bye po." Lumabas na siya ng opisina. *** "Don't you have a nickname?" tanong sa akin ni Sir Frank pagkatapos ng lunch meeting with the Sales Department. Isa-isa nang nag-aalisan ang mga inimbitahan namin at katatapos ko lang din tumawag sa maintenance personnel para makapagligpit at linis na dito sa conference room. "Po?" Napalingon ako sa kanya at inulit ang sinabi niya, "Nickname?" "Oo. Ang haba kaya ng Florence." Petiks na petiks lang siyang naka-upo sa swivel chair. Ako, nag-iimis na ng mga kalat sa mahabang
Bumaling na sa kanya sila Luna at Patti, pero ako, parang nanigas sa kinauupuan ko. "Hi, Florence. I know it's you." Narinig ko ulit ang baritonong tinig na iyon. Nai-imagine ko iyong hitsura niya habang sinasabi iyon kaya lalong hindi ako makalingon. "Hi daw, baks!" Siniko ako ni Patti. Napilitan akong ipa-ikot ang kinauupuan kong high swivel chair para harapin siya. Wala na akong magagawa. At tama nga ako, isang pang-asar na ngiti ang nasa mga labi niya ng mga oras na iyon. "Sir Frank..." Iyon lang ang tanging nasabi ko. Kung puwede lang akong kunin ng mga alien ngayon, sasama na talaga ako. Sobrang nakakahiya! Kailan pa kaya siya nakatayo sa likuran namin? Anu-ano pa kaya iyong mga narinig niya? Pakiramdam ko, ang init ng mga pisngi ko, at kahit hindi ko nakikita ang sarili ko, alam kong namumula ang mga iyon. Napansin kong may dalang cup of coffee si Sir Frank, at ang suot niya ay iyong coat and slacks na suot niya rin kanina sa opisina. "Don't worry, I won'
Tumalikod na siya sa akin pero parang hindi ako makagalaw. Nang tignan ko ang mga staff niya na nakatayo lang malapit sa amin, sila mismo ay may tanong din sa kanilang mga mata na para bang first time ginawa iyon ng boss nila. Tinanguan ko na lang sila bago ako lumabas ng pintuan. Pagkasarang-pagkasara ko noon ay kinagat ko ang ibabang labi ko para 'di ako mapa-tili. Mukhang tama si Luna - malala na itong tama ko. Kaso habang naglalakad ako pabalik sa opisina namin ay biglang sumilip sa diwa ko si Sir Frank. Ang nakakaloko niyang ngiti at nang-aasar niyang mga banat. Pero mas okay kung ikaw magbigay sa kanya para magka-moment naman kayo. Napa-iling na lang ako. Thank you na rin po, Sir Frank.*** "Is Frank inside?" Isang magandang babae ang lumapit sa mesa ko at nagtanong. Sa ilang linggo kong pagta-trabaho dito sa OVPEA ay nasanay na akong iba-ibang babae ang dumadalaw kay Sir Frank - na hindi naka-schedule o walang appointment. Buti nga hindi sila nagkakasabay
"Oo." Tumango siya. "Free diving ba ibig mo sabihin?" "Opo," sabi ko naman. "Or scuba po, mga underwater activities." "Yeah, I do those." Naroon pa rin sa labi niya iyong mapaglarong ngiti na para bang may nais ipakahulugan. Tumangu-tango na lang ako. Hindi ko na alam kung ano ang isasagot, saka iyong pagkakangiti niya sa akin, hindi ko maintindihan kung bakit ganoon. Tinanong ko lang naman siya kung sumisisid siya. So, baby take me home Come on and take me home Don't take me baby for a one night stand Just love me baby Love me all you can... Ibang kanta na iyong tumutugtog, hindi ko rin alam kung anong kanta iyon. Pero parang iisa lang ang tema mula doon sa una. Tumanaw ulit ako sa labas ng bintana nang magsalita na naman si Sir Frank, "Nandoon na raw si Maui." Napilitan tuloy akong lumingon sa kanya. "Sa airport po?" "Oo." Ibinalik niya ang hawak na cellphone sa bulsa niya. "Ang aga niya." Tinanaw ko mula sa bintana kung nasaang lugar na kami. "
"When are we going to meet Mr. Cabrera, Florence?" tanong sa akin ni Sir Frank habang nanananghalian kami kasama si Sir Maui. "Bukas po ng umaga niya tayo inaasahang darating," tugon ko habang hinihiwa ang napaka-juicy na grilled tuna belly sa plato ko. "Mula po dito sa La Luna ay kailangan po nating bumiyahe ng mga thirty minutes para marating ang property ni Mr. Cabrera." "What are our activities this afternoon, then?" si Sir Maui naman ang nag-usisa sa akin. "Nag-set po ako kay Manager kung puwede po tayong dalhin sa Cloud 9 ngayong hapon," pahayag ko. "Mga ilang minuto lang po iyon mula dito. Baka gusto niyo rin pong makita if may potential land area doon for the resort that LDC is planning to put up. Since, mas accessible po sa mga turista ang lugar na iyon." "That's the famous surfing spot, right?" tanong ulit ni Sir Maui. "Opo," sagot ko habang kumukuha ng pork barbeque mula sa platter. "See, Florence got everything covered," tila nagmamalaking sabi ni Sir Fr
"Siguradong mas maraming magiging turista dito pagkatapos ng pandemic," saad ni Sir Frank habang nagsasalo kaming tatlo nila Sir Maui sa hapunan. Ayoko sana munang harapin si Sir Frank gawa ng naramdaman ko kanina na hindi ko maipaliwanag. Pero wala akong magagawa dahil ako ang nakikipag-coordinate sa resort ng lahat ng bagay na kailangan namin katulad nitong pagsisilbi ng pagkain para sa dinner. "If this plan will push through, then maybe we could start with the construction towards the latter part of next year." Seryoso si Sir Maui na tila ba iniisip ang mga magiging proseso sa pagpapagawa ng resort. "Then a soft opening on 2023. How's that?" "That's also the target year I have in mind." Tumangu-tango si Sir Frank. "I think, by that time, travel restrictions are not so tight anymore." Negosyo at trabaho pa rin ang pinag-uusapan ng mag-pinsang ito kahit nasa hapag-kainan. Bahala sila. Basta ako tahimik na lumalantak ng buttered seafoods. Iniiwasan kong mapatingin kay Sir F