Share

CHAPTER SIX

Aвтор: Em N. Cee
last update Последнее обновление: 2022-01-03 19:07:34

   "May sakit? Nagkita pa kami noong isang araw at mukhang maayos naman ang pakiramdam niya." Halata ang pagtataka sa boses ni Mr. Chan nang tawagan ko siya para sabihin na postponed ang meeting nila ngayong araw ni Sir Frank.

   "A-ang totoo po Sir, bago po siya umuwi kahapon ay nabanggit niya po iyon sa akin." Gumawa na lang ako ng kuwento. Sana lang hindi halatado dahil dito talaga ako mahina - sa pagsisinungaling.

   "Sinabi niya rin po kahapon na susubukan niya pa rin daw pong pumasok ngayon," sabi ko pa. "Kaya lang po, nag-advice siya ngayong umaga na hindi na nga po siya makakarating."

   Ang ending, ni-reschedule ko na lang ang meeting sa ibang date. Ganoon din ang ginawa ko sa nauna kong naka-usap na si Mr. Cordero na dapat ay ka-meeting din ni Sir Frank ngayong araw na ito.

   Tinuruan ako ni Miss Celine kanina kung paano makipag-usap professionally sa mga ka-deal ni Sir Frank. Dapat daw assertive ako at confident, pero alam ko, paminsan-minsan ay bumabalik ako sa shy at timid self ko, nadadala ko kasi iyon kahit sa pagsasalita.

   Balang-araw ay matututunan ko rin ang tamang tono. Kapag araw-araw nang ginagawa ay masasanay din.

   Pagdating ng lunch time ay lumabas ulit ang mga kasama ko. As usual, hindi ako sumama dahil may baon ulit ako. Bababa na lang ako sa 22nd floor para maki-sabay sa mga dati kong kasama sa Accounting.

   Nang mapadaan ako sa pantry, naalala ko na lang bigla si Sir Frank. Kahapon lang, kasabay ko siyang kumain dito, tapos ngayon, absent agad siya. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng emptiness nang masulyapan ko iyong mga upuan na inokupahan namin kahapon.

   Napa-iling ako. Ano ba itong iniisip ko?

   Dumiretso na ako sa pinto at lumabas ng opisina.

***

   Maaga akong nakauwi ngayon dahil wala si Sir Frank. Nakasabay pa nga kami ni Kimverly sa schedule ng company shuttle service. Kaya nagka-time ako para mag-bake ng matcha cookies at caramel bars. Naalala ko rin kasi bigla iyong sinabi ni Nadine noon na gusto niyang matikman iyong matcha cookies ko.

   Isa pa, ganado ako at masaya dahil may close encounter kami ni Sir Maui ngayong araw. Kanina pa nga nagre-rewind sa isip ko nang paulit-ulit iyong tinapik niya ang balikat ko. Malala na yata itong tama ko kay Sir Maui.

   Mas inagahan ko ang pasok kinabukasan para makadaan muna sa Accounting. Si Eya ang naabutan ko na naroon na.

   "Ay, tinotoo mo nga 'yong promise mo kahapon, mamsh!" masayang sabi niya nang iabot ko sa kanya ang tig-dalawang boxes ng caramel bars at matcha cookies. "Thank you! Miss na namin 'to."

   "Wala 'yon. Bahala na kayo mag-share-share diyan, ha," bilin ko naman, "Pasensiya na din, 'di na ako naka-bake nang madami."

   "Okay lang 'yon, ito naman!" Natawa siya nang bahagya. "Ikaw pa talaga humingi ng pasensiya."

   Natawa na rin tuloy ako. "O siya, aakyat na 'ko."

   "Eh 'di hindi ka na naman makakasabay sa 'min sa lunch mamaya?" tanong niya.

   "'Di ko pa alam. Darating na ngayon si Sir Frank," sagot ko. "Depende kung wala naman siyang kailangan o anuman."

   "Ano ba 'yan. Miss ka na namin, eh," naglalambing na sabi niya sabay hilig sa balikat ko, "Balik ka na dito, mamsh."

   Natawa na naman ako. "'Di na puwede. May na-hire na yata doon sa dati kong post, eh."

   "'Yong friend mo ba?" Umalis siya sa pagkakahilig sa balikat ko at humarap sa akin.

   "Hindi, eh." Umiling ako. "Hindi siya 'yong natanggap."

   "Sayang naman," aniya. "Wala talagang palakasan kay HR kahit may kilala na dito sa loob 'yong applicant."

   Nag-usap pa kami ng konti ni Eya bago ako nagpaalam ulit na aakyat na ako sa opisina namin. Parang ayaw pa namin matapos sa paghuhuntahan pero kailangan.

   Sana maging ka-close ko rin ng ganito iyong mga bago kong officemates. Looking forward na mangyari iyon.

   Gumawa rin ako ng isang box ng matcha cookies para kay Sir Maui. Gusto ko sana siyang pasalamatan para sa.. sa pagtapik niya sa balikat ko? Char! Sa words of encouragement na ibinigay niya sa akin. Na hindi ako basta staff lang. Hindi ako basta empleyado lang.

   Kaso noong nasa tapat na ako ng office niya, naunahan ako ng hiya! Una, para maibigay ko iyong matcha cookies sa kanya, malalaman pa ng mga staff niya, siyempre hindi naman ako makaka-direkta sa kanya. Pangalawa, napag-isip-isip ko na parang ang awkward din kasi na out-of-nowhere ay magbigay ako ng something sa kanya, eh ni hindi niya nga natatandaan na matagal na akong empleyado.

   Parang huwag na lang.

   Umatras ako.

   Pumunta na ako sa opisina namin. Itatabi ko na lang muna iyong para kay Sir Maui. Bahala na, baka ibigay ko na lang iyon sa iba.

   Pagdating ko sa office ay naroon na halos lahat ng kasama ko. Si Kimverly na lang ang wala. Na-realize ko na napasarap yata ang kuwentuhan namin ni Eya dahil usually, kami ni Miss Celine ang nauunang pumasok.

   "Guys, may dala ako," sabi ko sa kanila. "Kaso kayo na bahala mag-share-share, ha."

   "Matcha cookies na ba 'yan?" excited na tanong ni Kathryn.

   Nakangiting tumango ako.

   "'Yan 'yong sinasabi mo na masarap, sis!" sabi ni Nadine sa kanya.

   "Oo, naiuuwi pa ni jowa 'to minsan sa bahay, eh!" sagot naman ni Kathryn. Kinuha ko mula sa loob ng paper bag ang tig-isang box ng caramel bars at matcha cookies.

   "Ay, ano 'tong isa?" tanong ni Miss Celine.

   "Caramel bars po," sagot ko habang inaayos ang nag-iisang box na natira sa paper bag. Iyon nga dapat iyong para kay Sir Maui.

   "Parang ang sasarap nga," komento pa ni Miss Celine. "Buksan na natin."

   "Sige po, go lang," sabi ko, "Magsi-CR lang po ako. Kayo na po bahala."

   "Sure, sure," tugon ni Kathryn.

   Inilapag ko muna ang mga gamit ko sa upuan ko bago ako dumiretso sa restroom na nasa loob din nitong office namin.

   Papalabas na ako ng CR nang marinig ko ang baritonong boses ni Sir Frank. "Ano 'yang pinagkakaguluhan niyo?"

   Dumating na pala siya. May sumagot pero hindi ko masyadong narinig.

   "Ang sarap, ah." Malapit na ako sa desk ko nang marinig kong nagsalita ulit si Sir Frank. "Sinong nag-bake nito? Liligawan ko na."

   Natawa silang lahat. Habang ako napahinto ako sa paglalakad.

   Si Kathryn ang nakakita sa akin. Itinuro niya ako. "Si Florence po, Sir."

   Hindi ko alam kung paano magre-react sa biro niya tungkol sa ligaw. Ngumiti na lang ako. Buti na lang at wala na rin naman siyang sinabi.

   "Pahingi pa ng isa," sabi niya sa mga kasama ko. Gusto kong matawa. Parang hindi kasi boss iyong pagkakasabi niya. Parang hindi VP.

   "Ah, me'ron pa po dito, Sir," bigla kong naisip sabihin. "S-sa inyo na po."

   "Talaga? Matcha rin 'yan?" tanong niya.

   Tumango ako.

   Lumapit siya sa akin habang kinukuha ko sa paper bag iyong natitirang isang box ng matcha cookies, na para sana kay Sir Maui.

   Iniabot ko iyon kay Sir Frank. "Ito po."

   "Isang box!" Natuwa naman siya nang makita iyon. "Akin talaga lahat 'to?"

    Tumango ako at ngumiti. Nakakahawa kasi iyong kasiyahan niya. Pakiramdam ko tuloy blessing in disguise na hindi ko naibigay kay Sir Maui iyong cookies dahil may napasaya naman akong ibang tao sa pamamagitan noon - Si Sir Frank.

   "Baka 'di na lang kita ligawan nito,” nakangiti ring sabi niya. "Pakasalan na kita."

   Namilog ang mga mata ko.

"Biro lang," tatawa-tawa niyang sabi nang makita niya sigurong nabigla ako. "Thank you, ah."

   Iniwan niya na ako at pumasok na sa opisina niya dala-dala iyong isang box ng matcha cookies.

***

   "Gumawa ka ng speech ko para Anniv sa Friday. Tapos, mag-call back ka kay Mr. Torres, sabihin mo available na ako.” Sunod-sunod ang utos ni Sir Frank. Tinandaan ko lahat, sana lang wala akong ma-skip. "Nasaan pala 'yong draft ng sulat para sa Ebarle Enterprises?"

   "Nandiyan po, Sir, sa folder na "for review"." Itinuro ko iyong blue na folder sa harap niya.

   "Okay, thanks. I'll look at it." Tumingin siya sa akin. "Tawagan mo rin pala si Charlene. Gusto ko siyang maka-usap."

   "Okay po." Si Miss Charlene ay ang Department Head ng Marketing.

   Tinanong ko siya, "May kailangan pa po kayo, Sir?"

   "Hmmm.." Saglit siyang napa-isip. "Mag-set ka ng meeting anytime next week, hanapan mo ng schedule, ako, si Charlene, si Deborah, isama mo na si Eric at si Dawson."

   "Sige po," tugon ko. "Ah, Sir, kapag nagtanong po sila kung about saan, ano pong sasabihin ko?"

   "Sabihin mo 'yong tungkol sa request na meeting 'to ni Charlene. Alam na nila 'yon, okay?" wika niya.

   "O-okay po," sagot ko na lang kahit medyo ang labo ng sinabi niya. Diskartehan ko na lang kung paano sasabihin kapag nag-set ako. Kilala ko naman iyong mga nabanggit niya, mga Department Heads iyon maliban kay Sir Dawson.

   Lumabas na ako nang sabihin ni Sir na iyon na lang daw muna. Paglabas ko ay tinawagan ko na agad si Mr. Torres para habang nag-uusap sila ay gawin ko na iyong speech ni Sir. Sa isang araw na ang anibersaryo ng kumpanya na idaraos online.

   Kaso, hindi ko pa man na-contact si Mr. Torres ay may dumating sa opisina.

   "Ah, Florence, may visitor si Sir Frank." Inihatid ni Kimverly papunta sa table ko ang isang lalaki na parang ka-age din ni Sir, maputi, at chinito. Parang pamliyar ang mukha niya sa akin, hindi ko lang matandaan kung saan ko siya nakita.

   "Sir, good afternoon," pagbati ko. "Upo muna po kayo. Tawagin ko lang si Sir Frank. Ano po palang name niyo para mabanggit ko rin po sa kanya?"

   "Sabihin mo na lang si Dan Sanchez," sagot niya habang titig na titig sa akin. Ako na lang ang nag-iwas ng tingin. Nagpasalamat ako sa kanya at tumalikod na para tawagan si Sir Frank sa intercon.

   "Sir, may bisita po kayo. Si Mr. Dan Sanchez po," sabi ko nang sagutin niya ang tawag ko.

   "Ako na lang ang lalabas diyan," aniya. Buti na lang at kilala niya pala talaga.

   Pagkatapos ng tawag ay lumapit ako sa bisita. "Sir, papalabas na po si Sir Frank, pakihintay na lang po."

   "Thanks," sagot niya. "Ano palang pangalan mo?"

   "Huh? Ah.." Ayoko sana ibigay kasi nakaka-ilang talaga siyang tumitig, kaso no choice na ako. "Florence po."

   Magsasalita pa sana siya kaso narinig kong bumukas na ang pinto ng opisina ni Sir Frank. Paglingon ko, nakita kong papalabas na nga siya. "Ah, Mr. Sanchez, ito na po pala si Sir. Maiwan ko na po kayo."

   "Thanks. Saka Dan na lang." Ngumiti siya ng nakakaloko. "Puwede rin namang "babe"."

   "Spare her, Dan," nagsalita si Sir Frank sa likod ko. "Sige na, Florence."

   Bahagya ko silang tinanguan bago ako bumalik sa desk ko.

   "Shit, pare. Executive na executive, ah." Narinig kong biro ng bisita niya habang naglalakad sila papunta sa opisina ni Sir.

   "Fuck you," sagot lang ni Sir Frank sa kanya pero nakatawa. Palamura talaga itong bago kong boss. Sa iilang araw na kasama ko siya sa trabaho, naging normal nang maringgan ko siya ng "fuck" "shit" at "damn", bagamat hindi naman partikular na naka-direkta sa akin.

   "Pero secretary mo 'yon, pare?" tanong ulit noong Dan. "Ang ganda, ah."

   "Tigilan mo. Hindi siya katulad ng.." Hindi ko na narinig iyong karugtong ng sinabi ni Sir Frank dahil sumara na ang pinto.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Entangled (The Ledesma Legacy Series 1)   EPILOGUE

    (This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) "Ayos ka lang bang bata ka?" tanong ni Mama kay Florence. "Okay lang, 'ma. Nahilo lang po yata ako sa biyahe," I heard her answer. "Siguro nga dahil hindi na 'ko nagta-trabaho kaya 'di na rin sanay." We visited her family one Sunday to have lunch with them. This is a routine we do at least every other week because I know she misses everyone at home. Like today, after a sumptuous lunch we all shared, we're all just chilling in the living room, exchanging stories. She used the amount she got from Bermudez Builders to buy the house and lot situated beside their home. This is for her aunt and cousin, so they could live close to Mama, my mother-in-law. I'm suggesting that we could buy a bigger property, but she refused. She says that the house they live in has a sentimental value for her. Kapag sinasabi niya nga sa akin, sipag at tiyaga daw ang puhunan niya para lang ma-fully paid iyon. And I do

  • Entangled (The Ledesma Legacy Series 1)   CHAPTER SEVENTY-THREE

    "Condolence." "Nakikiramay kami sa nangyari." "Maraming salamat," wika ni Maui. "Salamat sa pagpunta." Nagtungo kami ni Frank sa lamay ng pumanaw na ama ni Maui. Halata pa ang pamumugto ng kanyang mga mata. "By the way, this is Jazbel, my wife." Ipinakilala niya sa amin ang asawa niya na noon ko lang din nakita ng personal. Ang ganda niya! Pang-artista talaga. Inimbitahan naman namin sila sa kasal namin ni Frank noon, pero nagkataong nasa America sila noong mga panahong iyon. Inaasikaso ang kalagayan ng noo'y may sakit nang si Sir Tony, ang ama ni Maui. "Finally. Nice meeting you!" Lalo akong na-starstruck nang yakapin niya ako. Nagulat ako kasi tila kilalang-kilala na niya ako. Naiku-kuwento kaya ako ni Maui sa kanya? Sana naman maayos iyong kuwento niya, hindi iyong mga pagkakataon na lagi ako nakakatulog sa kotse nang naka-nganga. "N-nice meeting you din," wika ko habang magkayakap kami. "I have a lot of things to share to you, pero saka na lang, hindi fi

  • Entangled (The Ledesma Legacy Series 1)   CHAPTER SEVENTY-TWO (Special Chapter)

    (This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) Florence gently caressed my jawline. I noticed that it seems to be her love language as she does that to me most of the time. And I'm lovin' it. I want the feel of her warm and soft palm against my skin. "So you've been in-love with me too all this time?" I was over the moon with that idea. "Eh...ganito kasi." And she went on telling me the exact reason why she left LDC before. Now, I understand why her decision was so sudden. And I admire her even more for being protective of her relationship with Maui before. One thing I need to work on is to not feel insecure whenever she talks about him. It's all in the past and I am his husband now, but sometimes, I can't help but feel that way. Maybe it's because I saw how in-love she is with him back then. "No'ng nagkita tayo sa Dubai no'n, no'ng unang beses kang pumunta. Naramdaman ko ulit 'yon, pero hindi pa ako sigurado," paliwanag pa niya.

  • Entangled (The Ledesma Legacy Series 1)   CHAPTER SEVENTY-ONE (Special Chapter)

    (This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) "Wifey." Florence stopped from mixing the batter and looked at me. "Uhmmm...bakit?" "I love you." I gave her a smack on the cheek. "Hala siya. I love you too." She gently caressed my face before returning to what she is doing. Alam ko naman na busy siya, gusto ko lang talagang mangulit. I want to be around her all the time. Na-obsess na yata ako dito sa asawa ko. Pinanood ko lang siya sa ginagawa niya habang nakatayo sa tabi niya at nakasandal ako sa kitchen counter. "Ang sarap mo namang bumatí." "Hoy, hala!" Napahinto siya sa ginagawa niya at nanlalaki ang mga matang tumingin sa akin. "Na-gets na. 'Di ka na inosente, baby girl." Tumatawang panunukso ko. "Doon ka na nga, baby," pagtataboy niya sa akin. "Wala akong matatapos niyan sa kaka-kulit mo sa akin." "Para saan ba kasi 'yan? You're doing what?" I asked. "Magbe-bake akong cupcakes," masayang sagot niya. "Firs

  • Entangled (The Ledesma Legacy Series 1)   CHAPTER SEVENTY (Special Chapter)

    (This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) "Baby, I have another vow that I can't say inside the church earlier." I gently sucked Florence's earlobe. "But let me tell it to you now." "A-ano 'yon?" She tried to turned to me so I kissed her cheek. "I promise, that from this day onwards, my soldier will never salute to any other woman, but you," I whispered on her ear. "Soldier?" she repeated. I chuckled. Mukhang hindi na naman niya na-gets. My innocent wife. I walked towards where she is facing. Tumingala siya para tignan ako, at halatang umiiwas din siya na mapatingin sa bakat na halos nakatapat na sa mukha niya. I grabbed her hand and slowly glided it to my abdomen, down to my navel, without losing my eye contact with her. And down to my manhood where I stopped and pinned her hand. "My soldier will always be loyal to you, wifey. He's all yours," I said. "And you can take him all in." I saw her doll eyes widen,

  • Entangled (The Ledesma Legacy Series 1)   CHAPTER SIXTY-NINE (Special Chapter)

    (This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) I smiled upon seeing my beautiful wife...I mean, not yet but in a few moments. Actually, beautiful is an understatement. She looks regal like a queen, and immaculate like an angel, and charming like a kid. I don't know the exact description, but she's just a breathtaking combination of everything. She's walking down the aisle in her elegant wedding dress, which is a statement of how conservative and pure she is. Of all the dresses presented to her, she picked the one with the least details and with long sheer sleeves. Up until now, I'm still in awe that she accepeted my wedding proposal three months ago in Siargao. I thought she'll propose too, for us to be in a relationship first, like for a year or two maybe. I'm willing to oblige if in case she will. But no, she didn't. Right after that day, we started preparing for the wedding - that's how excited I am. And she willingly participated with

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status