Nauna nang umuwi ang mga kasama ko sa opisina. Ako na lang ang naiwan dahil hindi pa lumalabas si Sir at iyong bisita niya. Sa paraan ng pag-uusap nila, para namang friends sila ni Sir. Sana nag-set na lang sila ng weekend, hindi iyong ganitong office hours. Pasado alas sais na ng hapon.Wala na rin naman akong ginagawa dahil natapos ko na lahat ng tasks ko for today. Nakaligpit na nga lahat ng gamit ko at uwing-uwi na rin ako talaga.
"O, Florence, nandito ka pa?" Nag-angat ako ng tingin nang magsalita si Sir Frank. May inilagay kasi akong file sa ilalim ng table ko.
"Hatid na kita pauwi," sabi ni Mr. Sanchez sa akin. Ito na naman 'yong ngisi niyang nakakaloko. Medyo nakakainis na.
"Hindi. Sa akin siya sasabay."
Napatitig ako kay Sir Frank nang sabihin niya iyon.
***
Nag-commute ako pauwi.
Mas okay na ito kaysa sumabay sa kahit sinuman kina Mr. Sanchez o Sir Frank. Hindi naman sa pagmamaganda pero hinding-hindi ako magpapahatid sa Mr. Sanchez na iyon. Sobrang presko. Tingin niya yata sa sarili niya ay regalo ng Diyos sa mga kababaihan. Sana kung kamukha niya si Jungkook ng BTS baka puwede pa.
Ay, wait, parang kamukha niya nga si Jungkook - noong pagod na.
Ayoko rin namang tanggapin iyong offer ni Sir Frank na para bang knight-in-shining armour ko siya laban kay "Jungkook na pagod". Hindi ako damsel in distress na kailangan ng tagapagligtas. Kaya ko ang sarili ko.
"Ginabi ka yata ngayon, anak," puna ni Mama pagdating ko ng bahay. Hindi niya na nga ako nahintay, nauna na siyang kumain.
"Ang dami po kasing trabaho ngayon sa office, 'ma," sabi ko na lang. Ayoko nang ikuwento iyong pagkahaba-habang pagtambay ni Mr. Sanchez sa opisina ni Sir.
Sa totoo lang, ang usapan lang namin ni Sir Frank ay mauuna akong pumasok sa kanya. Sa pag-uwi, hindi ko alam kung dapat ba akong mauna na kapag ganoon ang sitwasyon, pero feeling ko, para kasing unwritten rule na iyon. Kumbaga, habang nasa opisina ang boss, dapat naroon din ako bilang EA at baka may kailanganin siya sa akin.
Florence, di mo tinawagan si Mr. Torres.
Text message iyon ni Sir Frank sa akin ng mga 9:30 P.M. Nasapo ko ang ulo ko. Oo nga pala. Sabi nya kanina i-call back ko. Kasi, bigla namang dumating si Mr. Sanchez.
Pero may mali pa rin ako.
Good PM po Sir. Sorry, dumating po kasi si Mr. Sanchez. Pero sorry kasi di ko po nabanggit sa inyo bago umuwi kanina na kung puwede po bukas tawagan.
Nakakanibago ang ganitong trabaho.
Sige bukas na lang. First thing in the morning.
Reply ni Sir Frank iyon. Puwede naman pala bukas. Balak ko rin naman ipaalala iyon bukas, naunahan niya lang ako ngayon. Pero, huwag na kasi ako umalma, mali talaga ako.
Ok po Sir. Thank you po.
***
Company anniversary na!
Pero hindi gaya ng mga nakalipas na taon na talagang nakakapagtipun-tipon kaming lahat nang masaya, ngayon ay virtual na muna ang magiging celebration.
Ngayon din pormal na ipapakilala sa lahat ng empleyado si Sir Frank bilang bagong Vice President for External Affairs.
Puwede naman sanang recorded na lang iyong speech niya, pero gusto niyang mag-live. Nagpatulong na lang ako kay Kimverly na gumawa ng prompter ni Sir Frank para doon na lang niya basahin iyong script na ipinagawa niya sa akin.
"'Wag ka nang lumabas, Florence," sabi sa akin ni Sir Frank matapos namin mag-set-up ni Kimverly.
"Kailangan kita," dugtong niya.
Nagkatinginan pa kami ni Kimverly.
"S-sige po," sagot ko na medyo nagulat pa sa huling sinabi niya. Napalunok ako. Tumuro ako sa table set na nasa gilid ng glass window. "Doon na lang po ako, Sir. Kukunin ko lang po 'yung laptop ko sa labas."
"Okay," sagot niyang hindi tumitingin sa akin at nakatutok lang sa monitor ng laptop niya. Hindi ko nga alam kung nakita ba niya iyong puwesto na itinuro ko.
Sabay na kaming lumabas ni Kimverly. Pagkasarang-pagkasara ng pinto ay siniko niya ako. "Kailangan ka daw niya."
"Para mag-assist sa kanya," dugtong ko agad. May malisya kasi iyong pagkasabi niya.
"Guwapo ni Sir Frank, 'no?" pabulong niyang sabi.
"Huh?" Kita nang ka-busy-han tapos itong si Kimverly, ganito ang sinasabi.
"Sige na, pumasok ka na du'n. Kasi nga.." Sinadya niya pang bitinin ang sinasabi kaya naman napatingin ako sa kanya matapos kong kunin ang laptop ko.
"Kasi ano?" tanong ko.
"Kailangan ka niya," parang kinikilig pa siya nang sabihin 'yon.
"Ewan ko sa 'yo, Kimverly." Napa-iling na lang ako bago buksan ang pinto ng opisina ni Sir Frank.
Pagpasok ko at pagsara ng pinto ay nagpaalam pa ako, "Sir, pupuwesto na po ako doon, ha."
"Iusog mo. Dito ka sa tabi ko," utos niya sa akin.
"Huh?" Natigilan ako.
"May mga itatanong kasi ako sa 'yo," paglilinaw niya.
"Okay po." Kumilos na ako at iniusog ko sa tabi ng mesa niya iyong set na malapit sa bintana. Pang-isang tao at maliit lang iyon. Siguro kaya naka-puwesto iyon doon kasi kung trip ni Sir mag-kape at tumanaw lang sa bintana. Noong naka-puwesto na ako sa tabi niya ay nag-set-up na ako.
Sa kalagitnaan ng pagse-set-up ko ay nagtanong siya sa 'kin, "Sino 'to, Florence?" May itinuturo siya sa screen.
Lumapit ako para tignan kung sino ang sinasabi niya. Ang nasa monitor ni Sir ay iyong maliliit na screens ng mga employees na nag-attend ng virtual anniv. Pero sa isang babae siya nakaturo.
Binasa ko 'yong pangalan, "Clarissa Ocampo. Taga-Sales po yata 'yan, Sir."
"Ah." Tumango siya. "'Di ba, under nitong opisina natin ang Sales?"
Sumagot ako, "Opo."
"Ganito ba talaga kayo dito?" tanong niya. Naka-mute siya kaya hindi naman naririnig ang usapan namin online.
"Anong ibig niyo pong sabihin?" tanong ko rin pabalik. Hindi ko na-gets iyon.
"Hindi magkakakilala," sagot naman niya.
"Ah, yung magkakasama sa department eh magkakakilala po, Sir," paliwanag ko. "Pero siguro sa sobrang dami na rin po natin, hindi na magkakila-kilala kapag outside the department na po."
"Sige, bukas, mag-lunch tayong lahat," bigla-biglang deklara niya. Hindi na tuloy ako maka-focus sa virtual anniversary celebration sa dami ng sinasabi niya sa akin. At para makapag-usap kami kahit habang nasa program, 'yong isang tenga niya ay walang headphone. Ginaya ko na lang tuloy siya.
"Eh, Sir, Sabado po bukas," paalala ko.
"Damn. Oo nga pala." Napa-iling siya. "Sige, sa Lunes."
Agad-agad, Sir?
"Sir, lahat po? Marketing? Sales? Corporate Affairs?" tanong ko na binanggit lahat ng departamento na hawak ng opisina namin.
"Oo." Tumango siya. "I-arrange mo."
Hala ka Sir. Ang daming tao no'n.
"Pero, Sir, may pina-set na po kayo sa akin na virtual meetings for each department din," naalala kong sabihin. "Next week po iyon. Sa Monday ay Marketing at Sales, at sa Tuesday po ang Corporate Affairs."
"Cancel mo na. Mas gusto kong face-to-face," sabi niya na para bang balewala iyong na-set ko na.
"Okay po." Wala namang magagawa kundi ang sumunod.
Umaandar na sa isip ko kung paano iyong diskrarte. Iyong mga secretary siguro ng mga departments na iyon ang sasabihan ko para sabihan naman nila iyong mga staff sa kani-kanilang departments. At babawiin ko iyong una kong na-sched na mga virtual meetings.
"Sa function hall na lang po ba tayo, Sir?" tanong ko ulit sa kanya. "Baka 'di po tayo kasya lahat kung sa conference room."
"Kung saan sa palagay mo kasya tayo na may social distancing," aniya sabay turo na naman sa screen. "O ito, saan 'tong si.." Binasa niya iyong pangalan, "Rizalyn Pascua?"
"Pagkaalam ko po Sir, sa I.T. siya." Hindi ako sigurado. Pero nahalata ko na iyong mga may hitsurang empleyado ang itinuturo ni Sir. Si Clarissa Ocampo na nauna niyang ituro ay maganda rin tulad ni Rizalyn.
"Sir, pagkatapos niyang pagsasalita ni President, kayo na po," paalala ko sa kanya. "Siya po ang magpapakilala sa inyo."
"Alright." Nagkibit-balikat siya na para bang sinasabi na "sisiw lang 'yan". Pero ako, naghanda na. Baka kasi sumablay ako sa pag-broadcast na itinuro sa akin ni Kimverly kanina. 'Di pa naman ako techie na tao.
"Let us all welcome, our new Vice President for External Affairs, Mr. Franco Luis Miguel C. Ledesma."
Pagkatapos ng recorded speech ng company president, umere si Sir Frank.
"Good morning, everyone. I'm Frank Ledesma," kaswal niyang pakilala bago nagpatuloy sa pagsasalita. Halos wala naman siyang binasa sa script na ginawa ko. Nag-freestyle lang siya. Samantalang ch-in-eck pa niya iyong ginawa ko kahapon at naglagay pa ng konting corrections. Tapos hindi rin naman pala babasahin.
Sayang effort.
Siguro, kailangan ko rin talagang tanggapin na ganito ang boss ko. Noon kasi, wala naman akong masyadong close interaction kay Ma'am Vivian, iyong department head namin sa Accounting.
Ngayon, kung anong trip ni Sir Frank, kailangan kong sakyan. Parang ang bilis pa naman magpabagu-bago ng isip niya. Baka ganito nga talaga ang mga bossing.
Natapos na ang speech ni Sir Frank. Pagkatapos noon ay may iba pang bahagi iyong program pero hindi ko na rin ma-enjoy. Ang dami ko na rin kasing na-skip sa earlier part saka siguro nga dahil virtual iyong celebration.
Hanggang sa natapos na lang iyong programa ay ang dami pa ring tanong sa akin ni Sir Frank. Tungkol lang sa kung anu-ano. Mula sa pangalan ng mga empeleyado hanggang sa mga company rules and regulations. Nauunawaan ko naman, bago lang siya sa kumpanya. Kaya sinasagot ko lahat ng tanong niya sa abot ng makakaya ko.
Nagliligpit na ako ng mga set-up nang magsalita siya, "I'll go on half-day today."
Tumingin ako sa kanya habang nagro-rolyo ng wire ng laptop charger. "Okay po, Sir."
Maya-maya ay nagsalita ulit ako, hindi ko kasi matiis, "Ah, Sir, 'yong tungkol po sa lunch."
"What about?" tanong niyang hindi man lang tumitingin sa akin. Basta, abala siya sa harap ng laptop niya.
Lumapit ako sa kanya ng konti. "Sir, may.. may suggestion po sana ako, kung okay lang po."
Saka lang siya nag-angat ng ulo. "Ano?"
"Kasi Sir, parang mas okay po sana kung per department na lang po ang pa-lunch niyo," pahayag ko. "Una po, mas intimate 'yon, mas makikilala niyo po ang bawat isa. Kung ang goal niyo po ay makilala ang bawat employee under our wing, p-parang mas okay po 'yon, Sir."
Nagpatuloy ako, "Pangalawa po, baka hindi rin preferred ng iba ang malalaking gatherings. Alam niyo na po, COVID."
"Araw-araw kang magpapa-lunch?" Nagsalubong ang kilay niya sa pagkakatingin sa akin.
"Ah, eh..." Tumango ako. "Suggestion lang naman po ang akin."
"Pero, may point ka naman," sa sinabi niyang iyon ay nakahinga ako nang maluwag. Akala ko babatuhin niya na ako ng paperweight, eh.
Hinila niya ang drawer sa harap niya at kumuha ng wallet, at mula sa wallet ay humugot ng card. Iniaabot niya iyon sa akin.
"Ano po 'to?" Wala akong ideya.
"Credit card. Gamitin mo pag-order." Nag-de-kuwatro siya ng upo. "Ikaw na bahala kung anong pagkain."
"Po?" Nagulat ako na ipinagkakatiwala niya sa akin ang card niya nang ganoon lang.
"Kunin mo na, bilis." Nagmadali tuloy ako sa pagkuha. Ang tagal na kasing naka-extend ng kamay niya na hawak iyong credit card. "Sige po," sabi ko. "Puwede naman po i-reimburse ito." "Bahala ka na rin diyan." Aniya na para bang balewala ang pera. Ibinaba niya na iyong screen ng laptop niya. "Wala naman na 'kong meeting 'di ba?" Umiling ako. "Wala na po." "Alright. I'm going." Tumayo na siya mula sa kinauupuan niya. "Bye, Florence." "Bye po." Lumabas na siya ng opisina. *** "Don't you have a nickname?" tanong sa akin ni Sir Frank pagkatapos ng lunch meeting with the Sales Department. Isa-isa nang nag-aalisan ang mga inimbitahan namin at katatapos ko lang din tumawag sa maintenance personnel para makapagligpit at linis na dito sa conference room. "Po?" Napalingon ako sa kanya at inulit ang sinabi niya, "Nickname?" "Oo. Ang haba kaya ng Florence." Petiks na petiks lang siyang naka-upo sa swivel chair. Ako, nag-iimis na ng mga kalat sa mahabang
Bumaling na sa kanya sila Luna at Patti, pero ako, parang nanigas sa kinauupuan ko. "Hi, Florence. I know it's you." Narinig ko ulit ang baritonong tinig na iyon. Nai-imagine ko iyong hitsura niya habang sinasabi iyon kaya lalong hindi ako makalingon. "Hi daw, baks!" Siniko ako ni Patti. Napilitan akong ipa-ikot ang kinauupuan kong high swivel chair para harapin siya. Wala na akong magagawa. At tama nga ako, isang pang-asar na ngiti ang nasa mga labi niya ng mga oras na iyon. "Sir Frank..." Iyon lang ang tanging nasabi ko. Kung puwede lang akong kunin ng mga alien ngayon, sasama na talaga ako. Sobrang nakakahiya! Kailan pa kaya siya nakatayo sa likuran namin? Anu-ano pa kaya iyong mga narinig niya? Pakiramdam ko, ang init ng mga pisngi ko, at kahit hindi ko nakikita ang sarili ko, alam kong namumula ang mga iyon. Napansin kong may dalang cup of coffee si Sir Frank, at ang suot niya ay iyong coat and slacks na suot niya rin kanina sa opisina. "Don't worry, I won'
Tumalikod na siya sa akin pero parang hindi ako makagalaw. Nang tignan ko ang mga staff niya na nakatayo lang malapit sa amin, sila mismo ay may tanong din sa kanilang mga mata na para bang first time ginawa iyon ng boss nila. Tinanguan ko na lang sila bago ako lumabas ng pintuan. Pagkasarang-pagkasara ko noon ay kinagat ko ang ibabang labi ko para 'di ako mapa-tili. Mukhang tama si Luna - malala na itong tama ko. Kaso habang naglalakad ako pabalik sa opisina namin ay biglang sumilip sa diwa ko si Sir Frank. Ang nakakaloko niyang ngiti at nang-aasar niyang mga banat. Pero mas okay kung ikaw magbigay sa kanya para magka-moment naman kayo. Napa-iling na lang ako. Thank you na rin po, Sir Frank.*** "Is Frank inside?" Isang magandang babae ang lumapit sa mesa ko at nagtanong. Sa ilang linggo kong pagta-trabaho dito sa OVPEA ay nasanay na akong iba-ibang babae ang dumadalaw kay Sir Frank - na hindi naka-schedule o walang appointment. Buti nga hindi sila nagkakasabay
"Oo." Tumango siya. "Free diving ba ibig mo sabihin?" "Opo," sabi ko naman. "Or scuba po, mga underwater activities." "Yeah, I do those." Naroon pa rin sa labi niya iyong mapaglarong ngiti na para bang may nais ipakahulugan. Tumangu-tango na lang ako. Hindi ko na alam kung ano ang isasagot, saka iyong pagkakangiti niya sa akin, hindi ko maintindihan kung bakit ganoon. Tinanong ko lang naman siya kung sumisisid siya. So, baby take me home Come on and take me home Don't take me baby for a one night stand Just love me baby Love me all you can... Ibang kanta na iyong tumutugtog, hindi ko rin alam kung anong kanta iyon. Pero parang iisa lang ang tema mula doon sa una. Tumanaw ulit ako sa labas ng bintana nang magsalita na naman si Sir Frank, "Nandoon na raw si Maui." Napilitan tuloy akong lumingon sa kanya. "Sa airport po?" "Oo." Ibinalik niya ang hawak na cellphone sa bulsa niya. "Ang aga niya." Tinanaw ko mula sa bintana kung nasaang lugar na kami. "
"When are we going to meet Mr. Cabrera, Florence?" tanong sa akin ni Sir Frank habang nanananghalian kami kasama si Sir Maui. "Bukas po ng umaga niya tayo inaasahang darating," tugon ko habang hinihiwa ang napaka-juicy na grilled tuna belly sa plato ko. "Mula po dito sa La Luna ay kailangan po nating bumiyahe ng mga thirty minutes para marating ang property ni Mr. Cabrera." "What are our activities this afternoon, then?" si Sir Maui naman ang nag-usisa sa akin. "Nag-set po ako kay Manager kung puwede po tayong dalhin sa Cloud 9 ngayong hapon," pahayag ko. "Mga ilang minuto lang po iyon mula dito. Baka gusto niyo rin pong makita if may potential land area doon for the resort that LDC is planning to put up. Since, mas accessible po sa mga turista ang lugar na iyon." "That's the famous surfing spot, right?" tanong ulit ni Sir Maui. "Opo," sagot ko habang kumukuha ng pork barbeque mula sa platter. "See, Florence got everything covered," tila nagmamalaking sabi ni Sir Fr
"Siguradong mas maraming magiging turista dito pagkatapos ng pandemic," saad ni Sir Frank habang nagsasalo kaming tatlo nila Sir Maui sa hapunan. Ayoko sana munang harapin si Sir Frank gawa ng naramdaman ko kanina na hindi ko maipaliwanag. Pero wala akong magagawa dahil ako ang nakikipag-coordinate sa resort ng lahat ng bagay na kailangan namin katulad nitong pagsisilbi ng pagkain para sa dinner. "If this plan will push through, then maybe we could start with the construction towards the latter part of next year." Seryoso si Sir Maui na tila ba iniisip ang mga magiging proseso sa pagpapagawa ng resort. "Then a soft opening on 2023. How's that?" "That's also the target year I have in mind." Tumangu-tango si Sir Frank. "I think, by that time, travel restrictions are not so tight anymore." Negosyo at trabaho pa rin ang pinag-uusapan ng mag-pinsang ito kahit nasa hapag-kainan. Bahala sila. Basta ako tahimik na lumalantak ng buttered seafoods. Iniiwasan kong mapatingin kay Sir F
"Nag-iwan pa nga ako sa 'yo ng calling card no'n," nakangiting sabi niya. "Tama, 'di ba?" "Ikaw nga po, Sir!" Hindi ako makapaniwala. Hindi ko akalain na makikita ko ulit ang lalaking iyon sa car show noon - at boss ko pa ngayon. Natawa siya sa pagkabigla ko. "But of course, I couldn't call you "baby girl" anymore. That would be inappropriate." "Eh...opo," sabi kong napa-iwas ng tingin. Nakaramdam ako ng hiya ng banggitin niya ulit ang endearment na iyon. "Mukha ka lang kasi talagang menor de edad no'n. Parang baby girl nga." Ngumisi siya. "Though, up until now you don't look like your age." "Salamat po." Bahagya akong tumango. Maka-ilang beses niya nang sinabi sa akin iyon, na hindi nga ako mukhang twenty-six. "But actually, hindi na kita namumukhaan," pagtatapat niya. "But when you brought it up, it rang a bell and I suddenly remembered that particular day." "Okay lang po. Hindi ko na rin po natatandaan 'yong hitsura niyo." Ngumiti ako. "Pero 'yong sinabi niyo po
Nagsabay pa silang magtanong sa akin. English nga lang iyong kay Sir Maui, at tagalog si Sir Frank. "Ah...naglakad-lakad lang po diyan sa labas. Sorry po." Bahagya akong yumukod. "It's okay kahit 'di ka nagyayaya." Tumawa si Sir Frank. Akala ko pa naman, galit siya dahil umalis ako nang walang paalam. "Take your seat." Magiliw na inilahad pa ni Sir Maui ang kamay niya patungo sa bakanteng upuan sa tapat nila. "Thank you po." Naupo na ako at nginitian silang dalawa. "Good morning po." "Good morning." Si Sir Maui ang sumagot sa akin. Tinanguan lang ako ni Sir Frank pero nakangiti naman siya. Saglit na yumuko ako at pumikit para magdasal bago kumain. Pagdilat ko ay nakapikit din sila at nakayuko. Si Sir Maui nga magkasiklop pa ang mga kamay. Nag-sign-of-the-cross pa si Sir Maui pagkatapos niya, si Sir Frank ay hindi na. "Kain na po," masayang anyaya ko sa kanila. "Sa susunod, Florence, sabihan mo naman kami," pabirong sabi ni Sir Frank. "Pakuha na ako ng omelett