Share

Chapter 36

Author: Moanah
last update Last Updated: 2025-04-18 00:01:33

“Hi, napatawag ka?”, may pag-aalinlangang turan ni Anna kay Yael. Kahit napag-usapan nilang mananatili silang magkaibigan ng dating kasintahan ay hindi pa rin niya inaasahan ang biglaang pagtawag nito.

“Yeah, kumusta?”, saad ni Yael sa kabila at hindi niya napigilang mangiti. Para namang antagal nilang hindi nagkita kung mangumusta ang lalaki. Kung hindi siya nagkakamali ay nakita lamang niya ito noong binisita ni Ezekiel ang mga project sites kabilang ang ginagawa nitong proyekto.

“Sa awa ng Panginoon mabuti naman kaming lahat.”, biro niya sa dating kasintahan at narinig niyang tumawa ito.

“Anna are you in a relationship with Ezekiel?”, maya maya ay turan ni Yael. Hindi niya inaasahan ang biglaang katanungan nito at hindi siya nakapagsalita.

“Sorry kung sa tingin mo ay pangingialam ito sa buhay mo pero mahalaga ka saakin bilang kaibigan. Sigurado ka ba diyan sa pinapasok mo?”, patuloy pa ni Yael nang hindi marinig ang kanyang kasagutan. Naghahalo halo tuloy ang pumasok sa kanyang isi
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Entangled With My Entitled Boss   Chapter 70

    Pagkakita ni Anna kay Ezekiel ay parang nahigop pabalik ang kanyang diwa sa oras kung saan tuluyang pinutol ng binata ang kanilang ugnayan. Sa oras na sobra siyang nasaktan at linunod ang sarili sa kanyang mga luha. Yung tipong hindi niya alam ang gagawin kung paano pahupain ang sakit na nararamdaman dahil sa pagkawala nito. Nagpasalamat siyang napabilis ang kanyang pag-alis at sa mahigit isang buwan niyang pamamalagi dito sa Australia ay sumandaling nakalimutan niya ang tungkol sa binata. Ngunit sa pagpapakita nito ay tila nagbabalik ang lahat sa kanyang ala-ala at unti unti ay nararamdaman niya ang paninikip ng dibdib.“Mommy, kasama ko si kuya Kiel.”, turan ni Carl habang yinugyog ang kanyang kamay kung kayat biglang nagising ang kanyang diwa. Tinignan niya ang kapatid at nginitian ng bahagya pagkatapos ay wala sa sariling ibinalik ang paningin sa kinaroroonan ng binata. This time ay palapit na si Ezekiel sa kinatatayuan nila ni Carl at bigla ay hindi niya mawari ang nararamdaman.

  • Entangled With My Entitled Boss   Chapter 69

    Tirik na ang haring araw pagkagising ni Anna kinabukasan. Hindi niya naibaba ang kurtina sa bintana kagabi at direchong tumama sa kanyang mukha ang nakakasilaw na sinag ng araw. Pinilit niyang binuksan ang kanyang mata ngunit agad niyang nasapo ang ulo sapagkat tila ito mabibiyak sa matinding sakit. Napaungol siyang bumiling sa kabilang side upang tumayo at magtungo sa banyo. Tnanggal niya ang kumot na nakapulupot sa kanyang katawan ngunit agad din niyang ibinalik iyon ng mapagtantong wala siyang kahit na anong saplot sa katawan. Sa pagkakataong iyon ay pumasok sa kanyang balintataw ang nangyari sa kanila ni Ezekiel kagabi. Naalala niyang magkayakap silang natulog kagabi pagkatapos ng mainit nilang pagniniig, bakit nawala na ito ng siya’y magising? Sabagay tanghali na, bukod sa hindi ito bed lover ay busy na tao ang binata at palaging may ginagawa. Baka may early appointment kaya hindi na niya ito nagisnan sa kanyang tabi. Medyo guminhawa naman ang pananakit ng kanyang ulo pagkatapos

  • Entangled With My Entitled Boss   Chapter 68

    Halos mapatalon si Anna ng biglang magsalita sa kanyang tabi. Sa Lalim nga ng kanyang iniisip hindi niya namalayang ang paglapit ni Brent.“Grave ka! Muntik na akong atakehin sa puso, ah?”, napahawak siya sa kanyang dibdib ngunit dahil sa matinding pagkabigla ay nabigwasan din niya ito sa balikat. Sa ginawa niya ay natawa ng malakas si Brent na tuwang tuwa sa kanyang pagkagulat.„Bakit kasi nag-iisa ka dito? Para namang may hinihintay kang engkanto.”, nakatawang turan ni Brent at napalo niya ulit ito sa braso.„Ikaw talaga, kaaalis lang naman nina Arabella. Sinamahan niya si Tyron para magbihis.”, saad niya at napangiti ito.„Ganon pala talaga kapag may -asawa na kailangan kasama pati sa pagbibihis.”, si Brent at siya naman ang natawa dito.„Ganon talaga, nagsumpaan ba namang magsasama sa hirap at ginhawa.”, pahayag niya dito.„Oh, okay. I’m not ready for that yet.”, parang biglang allergic na turan ni Brent at nailing siya dito. Sa itchura nito ay malabong magpapatali."Let's go insi

  • Entangled With My Entitled Boss   Chapter 67

    At dahil nakatingin sina Brent at Ezekiel sa direksiyon niya ay hindi na siya pwedeng magback-out na kagaya ng iniisip niya kanina. Parang gusto na lamang kasi niyang bumalik sa taas kaninang makita niyang nag-uusapang dalawa. Hanggat maaari sana ay ayaw niyang makaharap at makasama si Ezekiel. Hanggang ngayon ay nanggigigil pa rin siya sa lalaki. Saan naman kaya nito nakuha ang notion na sinundan niya ito sa Singapore? Ni wala nga siyang kaalam alam kung saan lupalop ng lupa ito napadpad matapos nitong hindi magparamdam. Kung noon ay namimiss niya ng sobra ang lalaki, ngayon naman ay tila ayaw niyang makita kahit anino nito. Pinagsisihan niyang iniiyakan niya ito gabi-gabi at sa tuwing naaalala niya ito. Gosh! Wala na talagang natitirang matinong lalaki.Bago lumapit sa dalawa ay kinompos niya ang sarili. Wala namang kinalaman si Brent sa inis niya kay Ezekiel kaya sinikap niyang ngumiti ng maganda habang palapit sa mga ito. Pero siyempre kay Brent nakatuon ang kanyang mga mata haban

  • Entangled With My Entitled Boss   Chapter 66

    Pagbalik ni Anna sa silid ay agad siyang nagbihis. Pinalitan niya ang damit niyang pang-upisina at isinuot ang dinala na extra casual clothes. Para kasing nagparamdam sa kanya noong nag-iimpake siya na makapamasyal siya sa Singapore bago man lamang sila bumalik sa Pilipinas. Simpleng white shirt na pinaresan ng lagpas tuhod na denim skirt na may slit sa gitna at white sneakers. Naglagay din siya ng kaunting make-up at inilugay lamang ang hanggang balikat niyang buhok. Natuwa siya sa sarili ng tignan ang kabuuan sa full length mirror na nakakabit sa kanyang kuwarto. Para siyang bumalik sa pagiging college student, hindi niya alam kung epekto lamang ito ng once in a blue moon niyang pagsusuot ng ganitong damit or dahil nasanay lamang siya sa everday niyang suot na formal attire. Back in her earlier years ay nakasunod din siya sa uso when it comes sa pananamit. Palagi nga siyang isinasali sa mga fashion show sa school nila noon dahil maganda siyang manamit at bagay na bagay ang lahat ng

  • Entangled With My Entitled Boss   Chapter 65

    Halos kutosan ni Anna ang sarili dahil sa kinalabasan ng pagyakap niya kay Yael. Sa kabila ng paghingi niya ng paumanhin ay may pagdududang tumingin si Abby sa kanilang dalawa ni Yael. Gusto niyang magpaliwanag dito subalit bigla itong tumalikod at halos patakbong lumayo. Labis tuloy siyang nag-alala kay Yael, baka awayin ito ni Abby o di naman kaya maging sanhi pa ng hindi nila pagkakaunawaan. Akmang susundan ni Yael ang kasintahan subalit pinigilan niya ito.“Ako na.”, saad niya kasabay ng paghawak sa kamay ni Yael. Kahit tumaas ang dalawang kilay nito ay wala naman siyang nakitang kahit na anong pagkainis sa mukha nito.“Ako ang may kasalanan kung bakit siya nagtampo kaya dapat lang na ako ang magsettle dito. Pasensiya ka na.”, wika niya dito.“Sigurado ka?”, paninigurado naman ni Yael at tumango siya dito.“Okey. Pero ano nga pala ang dahilan kung bakit napayakap ka saakin?”, si Yael na may gana pa yatang makipagchismisan sa kanya.„Yun nga, ibabalita ko sana na approved na yung s

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status