Share

Chapter 5.1 Seeing Him cont.

"Huwag ka na sumimangot diyan, Serene. May tsismis ako sa’yo at tiyak ko na matutuwa ka at magugustuhan mo na mamalagi sa Marketing."

Naparolyo na lamang ng kanyang mga mata si Serenity. Ginawa pa siya na tsismosa ng serkretarya ng ama niya. "Linda, si Maritess ka ba talaga? Huwag mo nga ako na igaya sa’yo dahil ayaw ko ng tsismis."

"Sigurado ako na magugustuhan mo ang tsismis ko. At puwede ka pa na mamili dahil dalawa iyon."

"Wala akong oras para riyan, Linda. Mabuti pa sumunod ka na lang sa amo mo at bahala na lamang ako sa sarili ko na mag-isa."

"Naku! Hindi puwede, Serene. Narinig mo ang utos ni CEO at malalagot ako kapag hindi tayo sumunod. Halika na at isasama kita sa opisina mo sa Marketing. May dalawang bagong guwapo na empleyado roon."

"Wala akong paki, Linda. Kahit na sino pa na guwapo ang naroon, I don't care. Nakita ko na ang Mr. Right ko at kasalukuyan ko na siya na pinapahanap dahil magpapakasal na kami."

"Nyek! Nakita mo na pero pinapahanap mo pa? Hindi connect ang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status