Share

KABANATA 2

Author: Yenoh Smile
last update Huling Na-update: 2023-02-24 18:15:49

After two years

"Worth it kang hintayin, Sylvaine."

Agad na sumilay ang kanyang ngiti sa sinabi ni Tim. Sumaya pati ang puso niya lalo pa't balak na niyang ibigay ang matamis niyang "oo" rito.

Four months na yata siyang nililigawan ni Tim, pero ngayon niya lang napagtanto ang halaga nito. At ang sagutin ito sa mamahaling restaurant ay perpekto para sa kanya. Umaalingawngaw ang mabining musika mula sa piano, ni hindi maririnig ang ingay sa labas.

"Sigurado ka ba, Tim?" Tinaas niya ang isang kilay at pinagmasdan itong mabuti.

Ayaw na niyang magkamali sa bawat desisyong gagawin, gusto niya lahat ay tama at nasa plano. Twenty-eight years old na siya at ang gusto niya na lang ay makarelasyon ang lalaking kaya siyang tanggapin nang buo.

Tama na ang mga nangyari sa nakaraan niya, ayaw na niyang balikan ni isang katiting na alaala mula roon.

Sinubukan niyang lambingan ang ngiti para ipakita kay Tim na interesado siya. Kita niyang napangiti ito nang totoo habang ang mga mata ay kuminang sa saya. Walang duda na cute talaga ang lalaking kaharap lalo na sa aura nito, pero ayaw niyang magpakasal sa gwapo lang.

"I'm confident beyond a shadow of a doubt. I want to see you in that stunning white gown while walking down the aisle," pag-amin nito.

Mula sa malambing na ngiti, naging maasim bigla ang itsura niya. Nagtataka siya kung paanong naiisip na nito ang kasal gayong ang gusto lang naman niya ay boyfriend.

Kasi naman, allergic na yata siya sa mga usapang kasal na iyan. Noong nangarap siya ng ganoon ay two years ago na.

"Hindi na tayo bumabata. Hindi ako naghintay ng four months para lang sa wala. Gusto kong bumuo ng pamilya kasama ka—"

"Anong gusto mo? Gusto mo ng pamilya?" Nagsalubong ang mga kilay niya lalo pa't puro pula na ang nakikita niya.

"Of course. Gusto ko ng anak—mali, gusto ko ng maraming anak mula sa'yo at—"

Hindi nito natapos ang sasabihin matapos niyang tumayo at hablutin ang bag niya.

"Mr. Tim, balak na sana kitang sagutin ngayon pero tingin ko hindi ako ang tamang tao para sa'yo. Ito na sana ang huling pagkikita natin. Have a great day!" pormal niyang bigkas at wala ni katiting na sigla.

Kita niyang parang binuhusan ng malamig na tubig si Tim. Hindi ito nakapagsalita, mukhang nagulat na ang date nila ay iba sa inasahan nito.

Tinaas niya ang noo at diretsong umalis, pumara pa siya ng taxi. Ayaw na niyang lumingon pa muli, alam niyang nakabasag na naman siya ng puso ng isang lalaki. Gayunpaman, mas basag naman ang puso niya. Palpak na naman ang pagbabalak niyang makipagrelasyon. Wala naman sanang mali kay Tim bukod sa mga gusto nitong mangyari. Alam niyang hindi niya kayang ibigay ang mga iyon. Hindi siya ang tamang babae para kay rito, o kahit sa lahat ng naka-date niya.

Imbis na umuwi na sawi at masakit ang ulo, pumara siya sa clinic at binayaran ang driver. Mabigat ang bawat hakbang niya katulad kung gaano kabigat ang nararamdaman niya ngayon. Ni hindi niya pinilit ang sariling ngumiti sa kanyang assisstant, naningkit tuloy ang tingin nito.

"Huwag mo kong tingnan ng ganyan, Madonna. Huli na 'to. Hindi na ako makikipag-date sa kahit sinong lalaki!" sigaw niya habang papasok sa opisina niya.

"Maniniwala na ba ako, Doktora Sylvaine? Sinabi mo na rin iyan noon pero ano? Hayan, pang-tatlumpung lalaki mo na yata iyan pagkatapos noong una," sarkastikong paalala nito.

Umirap siya at nagdadabog na umupo sa kanyang swivel chair, "Tatlumpu? Sigurado ka? Akala ko panlima pa lang!"

Si Madonna naman ngayon ang umirap sa kanya, "Mali ka ng bilang, Doktora. Gusto mo bang bigyan kita ng listahan?"

"Hindi na kailangan. Hindi ko naman kailangan ng lalaki—"

Mabigat na huminga nang malalim si Madonna, "Pang-tatlumpung beses mo na ring sinabi iyan. Ano bang nangyari kay Tim? Inalok ka ng kasal?"

Mariin siyang pumikit, hindi pinansin si Madonna na umupo na sa harap ng mesa niya.

"Iyon nga, tsaka humingi ng mga anak. Mga anak, Madonna. Take note of that! I'm so allergic of children!" protesta niya.

Humalakhak bigla si Madonna kaya't nangunot ang noo niya. Matalim niya rin itong tiningnan.

"Walang nakakatawa, Madonna. Napaka-insensitive niya di ba? Ni hindi man lang ako tinanong kung gusto ko bang magka-anak!"

Imbis na tumigil, lalo pang humalakhak si Madonna. Naguluhan siya kaya't nagtaas siya ng isang kilay.

"Malamang, lahat ng lalaki iisipin na gusto mo ng baby lalo pa't Ob-Gyn ka, Doctor Sylvaine," pagdadahilan nito.

"Hindi naman ako pediatrician. Sabihin na nating gusto ko nga ng mga baby pero hindi ko naman sila makakasama habang buhay," walang emosyon niyang bigkas, nalalasahan ang pait ng buhay niya.

Kumibit balikat ang assistant niya bago tumayo. Alam nitong hindi ito mananalo sa kanya at wala itong karapatan na salungatin siya. Alam nito ang nakaraan niya, at alam niyang ayaw nitong ibalik ang nakaka-trauma na pangyayaring iyon.

"Tingnan ko lang kung may bagong pasyente. Mend your broken heart here, Dear," tukso nito dahilan upang samaan niya ito ng tingin.

"I am not broken hearted!" sigaw niya at kunwaring okay lang siya pero tinawanan lang siya ni Madonna.

Pero noong wala na si Madonna at maiwan siyang mag-isa, nanghina siya bigla. Minasahe niya ang sentido at muling pinikit ang mga mata. Katulad ng dati, ramdam na naman niya ang lungkot at kawalan ng pag-asa. Hindi talaga siya pwedeng magpakasal. Alam niya ang mga posibleng kahinatnan kapag ginawa niya iyon. Ngayon pa lang, isasalba na niya ang sarili sa mas malaking sugat sa puso.

Iyon nga lang, agad siyang napamulat ng mga mata matapos marinig ang malakas na pagbukas ng pinto, maging ang mabibigat na yabag papasok sa clinic niya. Kinabahan siya at natakot matapos marinig ang kawawang sigaw ni Madonna.

Nanginig ang mga tuhod niya, at maging mga kamay ay nagsisimula na ring manginig. Namamawis na rin maging ang noo niya. Ilang beses siyang huminga nang malalim at sinubukan lahat mawala lang ang takot niya at hindi mabaliw. Ramdam niya ang kaparehong takot na naranasan niya two years ago.

Tumayo siya at balak na lumabas ng opisina ngunit may malamig na bakal ang dumantay sa noo niya, pag-angat niya ng tingin ay isa iyong baril.

Sinundan niya ng tingin ang matipunong kamay na may hawak ng baril. Napatigil siya. Umawang ang mga labi, at namilog ang mga mata matapos makita ng harap-harapan ang lalaking may galit na galit na kayumangging mga mata. Ang tingin nito sa kanya ay tila ba siya ang kaaway at main target nito. Ang ilang hibla ng buhok nito ay bumagsak sa sarili nitong noo, habang ang labi ay nanatili sa isang linya.

Sinubukan niyang magsalita, ngunit noong idiin nito ang baril sa noo niya ay nanlamig siya bigla at napaatras. Sa kabila ng sobrang takot, nahanap niya pa rin ang sariling boses matapos makita ang sampong men in black na halos lahat ng baril ay nakatutok kay Madonna.

"W-hat d-o y-ou want?" imbis na itaboy ito ay iyon ang naitanong niya sa kabila ng takot.

Kita niya kung paano umangat ang isang gilid ng labi nito para sa isang mapanganib na ngisi. Hindi ito kumurap. Noong tumingin ito ng diretso sa mga mata niya, pakiramdam niya kita nito pati ang kaluluwa niya.

"I want you to bear my child, Doctor,"

Malamig na malamig na bigkas nito bago hinila ang siko niya at madiing pinadaan ang baril mula sa kanyang noo patungo sa kanyang sentido.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Alixsandra Haveyear
wow beautiful story I love it
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Entangled with Mr. Ruthless   WAKAS

    After a few months...Mabigay siyang nakatitig sa puntod sa harap niya. Kasing itim ng bestidang suot niya ang kanyang nararamdaman sa tuwing tinititigan ang puntod. Hindi pa rin niya lubos maisip na hahantong sa ganoon ang lahat."I'm sorry, but I have to do that."Bumuntong hininga siya at maingat na tumayo mula sa pagkakaupo. Pinagpag niya ang kanyang itim na bestida bago muling sulyapan ang puntod."You scared the hell out of me," malamig niyang sagot dito.Napapikit siya noong umikot ang mga matipuno nitong braso sa kanyang bewang at marahang hinaplos ang kanyang baby bump."Hindi kasi titigil ang ama mo kung hindi ako magpapanggap na patay na," bulong na sagot nito.Napanguso siya at muling tinitigan ang puntod na pinasadya pa nito. Nagluksa pa naman siya ng ilang araw dahil doon. Ngayon nga ay ni-request na niyang paalisin iyon."Kasabwat mo si Gustavo?" Tumikwas ang kilay niya kahit hindi nito nakikita."Gustavo is my friend," tipid na sagot nito na tila sapat na iyong paliwan

  • Entangled with Mr. Ruthless   KABANATA 99

    SYLVAINE'S POV"Baliw," mahinang sambit niya kay Dimitri na ngumisi lang."Yeah~ I'm crazy. Baliw rin si Gray at pinagkatiwala ka niya sa akin. Isn't it exciting?"Nagtagis ang mga bagang niya sa sinabi nito. Niyakap niyang mabuti si Gabriel. Gusto niyang manghina dahil alam niyang wala siyang ligtas dito ngunit gusto niya ring umasa na manalo si Gray at iligtas sila nito.Nangilid ang luha niya. Gusto niyang bumalik sa bahay at tingnan ang sitwasyon doon."Huwag ka ng umasang bubuhayin pa ni Don Manuel si Gray. Kating-kati pa naman iyon na tapusin—""Shut up!" mahina ngunit gigil niyang sambit.Sinulyapan siya nito. Pinaglandas nito ang dila sa sariling labi bago kinagat ang ibabang labi."Fierce. Gusto ko iyan. Palaban... sa kama," mayabang na bigkas nito.Mas lalo siyang nainis dahil doon lalo pa't naroon lang din si Gabriel. Gusto niya itong suntukin sa mukha ngunit napasigaw siya noong bigla itong pumreno sa kalagitnaan ng daan."F*ck!" pagmumura nito.Hindi niya ito pinansin bag

  • Entangled with Mr. Ruthless   KABANATA 98

    GRAY'S POV"Are you crazy, Gray?! Bakit mo hinayaan si Sylvaine kay Dimitri?" may gigil na kumpronta sa kanya ni Gustavo.Malamig niyang nilingon ang kaibigan. Hanggang ngayon ay nagseselos siya na may gusto ito sa asawa niya pero hindi iyon ang isinaalang-alang niya kanina. He has a plan."You know Dimitri very well," malamig niyang sagot."And you know him too! F*ck! He killed Lea, Gray. Tingin mo ay bubuhayin niya si Sylvaine at Gabriel?" frustrated na tanong ni Gustavo kahit pa parehas silang abala sa paglalagay ng bala sa baril."Ako na lang sana ang pinasama mo sa kanila," hinanakit nito bago nagtago sa likod ng sofa.Pumikit siya nang mariin at bumuntong hininga. Dinig na niya ang palitan ng putukan ng baril sa labas ngunit hindi siya nangangamba."Kung hinayaan ko si Dimitri na manatili dito at pinaalis kita. Tingin mo ba ay tutulungan niya ako?" pagpapa-intindi niya kay Gustavo bago pumwesto sa likod ng pinto."Pagtutulungan nila ako at mas malabong mailigtas ko ang mag-ina k

  • Entangled with Mr. Ruthless   KABANATA 97

    "Seriously, Gray? Hindi mo ko papakinggan?" hinanakit niya rito.Ayaw niyang umalis sa tabi nito. Ayaw niyang mawala ito sa paningin niya sa takot na baka huli na iyon. Ni hindi siya lumapit kay Dimitri sa pag-aakalang magbabago pa ang isip ni Gray. Ngunit sinenyasan nito si Enzo upang kuhanin si Gabriel sa itaas."We don't have enough time. Wait for Gabriel, then go with Dimitri," malamig na utos nito.Napapikit siya nang mariin sa inis. Kinuyom niya ang kamao ngunit hindi siya nakatiis. Pagmulat ng mga mata niya ay agad niyang inagaw ang isang baril mula sa malapit na tauhan na kinagulat nilang lahat."What the f*ck, Sylvaine?!" may galit na ang tono ni Gray matapos siya nitong makitang itutok ang baril sa sariling sentido niya.Walang takot niyang tinapatan ang matalim nitong titig. Mas diniin niya rin sa kanyang sentido ang baril. Kung ito lang ang paraan para magbago ang isip nito ay gagawin niya."Gusto mong harapin ang ama ko at mamatay di ba? Sige, uunahan na kita para naman h

  • Entangled with Mr. Ruthless   KABANATA 96

    SYLVAINE'S POV"Lea is dead."Napatayo siya sa kinauupuan matapos marinig ang binalita ni Dimitri na kararating lang. Nanlamig siya."What?" nalilitong tanong ni Gray sa kaibigan.Naibaba nito ang hawak na wine glass at mariing tinitigan si Dimitri."Narinig ko lang sa iba. Patay na si Lea pero hindi no'n ibig sabihin ay titigil si Don Manuel. Sa narinig ko, ikaw ang pinagbibintangan niyang pumatay sa asawa niya," seryosong dagdag ni Dimitri."F*ck! I didn't kill her!" hindi mapigilang sigaw ni Gray at mapatayo mula rin mula sa pagkakaupo.Lalong namilog ang mga mata niya. Malabong si Gray ang gumawa dahil kasama niya ito. Abala ito sa kung paanong maayos ang grupo.Kumibit balikat si Dimitri, "Hindi palalagpasin ni Don Manuel ang nangyari lalo pa't suot yata ni Lea ang kuwintas bago siya mamatay."Muling napamura si Gray habang siya ay napakurap."Paano mo nalaman Dimitri?" hindi niya mapigilang tanong dito.Lumiit ang mga mata nito. Akmang sasagot na ngunit bumukas ang pinto at nilu

  • Entangled with Mr. Ruthless   KABANATA 95

    LEA'S POVNakangisi niyang tiningnan ang sarili sa salamin ng elevator. Bagay na bagay talaga sa kanya ang kuwintas noon pa man. Kaya naman pala niyang masikmura ang ugali at itsura ni Don Manuel. Alam niyang kaunti na lang ay babalik na sa kanya ang lahat lalo pa't lahat ng nasa grupo ay nasa panig na nila.Muling umangat ang gilid ng labi niya noong makarating sa tamang palapag. Hindi pa naman niya nakalilimutan ang lalaking kasama niya sa planong ito. Kapag natalo na si Gray, madali na lang din itapon si Don Manuel. Mas pipiliin niyang gawing hari ang lalaking ito kaysa sa matandang hukluban na iyon.Inayos niya ang kanyang buhok at ang kuwintas sa kanyang leeg bago tinipa ang passcode ng condominium nito. Ngunit nangunot ang noo niya matapos mag-error niyon."Did he change his passcode?" wala sa sarili niyang tanong.Napairap siya at walang pagpipilian kun'di pindutin ang doorbell. Ilang beses pa niyang pinatunog iyon bago bumukas ang pinto. Niluwa noon ang lalaking pawis na pawis

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status