Masuk‘Plus points talaga ang ginagawa niya sa akin ngayon. As in, isang malaking plus points!’ isip pa ni Lianne habang pinipigilan ang pagngiti.Pinagmamasdan lang niya si Rozen na balatan pa ang ibang hipon, ngunit nagulat siya nang bigla siyang subuan ng lalaki.“Kumusta? Masarap?” tanong ng binata habang nakangiti, tila sobrang proud sa kan’yang sarili. “Ako na boyfriend mo ang nagbalat niyan.”Doon ay mas lumawak pa nga ang pagkakangiti ni Lianne. Tahimik lang siyang ngumunguya kahit na gusto na nga niyang humalakhak.‘Ang cute lang kasi talagang sinasabi niya pa ‘yon, eh magkaharap naman kaming dalawa kaya siyempre, nakikita ko ang ginagawa niya,’ isip ng dalaga.Sa pagnguya niya, hindi niya napansing kumalat pala ang katas ng hipon sa gilid ng kan’yang bibig.“Hmm. Masarap,” wika ng dalaga nang matapos na siya sa pagnguya. “Sa bagay, kailangan talaga na maging masarap. Bukod sa ikaw ang nagbalat, mahal din dito sa lugar na ‘to…”Panibagong mamahaling restaurant na naman kasi ang pin
Kung kanina ay humahaplos lang ang isang kamay ni Rozen, ngayon ay niyakap niya na si Lianne gamit ang magkabila niyang kamay.Maya maya rin ay muli niyang hinaplos ang buhok ng dalaga, at mas hinila pa ito papalapit sa kan’ya para mas mayakap niya pa ito nang mahigpit.Nang maramdaman naman ni Lianne ang kamay ni Rozen, na para bang kino-comfort siya nito, unti-unti siyang nakaramdam ng kapayapaan.“Lianne… bakit?” muling tanong sa kan’ya ng binata. Mahina ang boses nito pero sapat na para marinig niya. “May umaway ba sa ‘yo? Sino?”“W-Wala…” Huminga nang malalim si Lianne habang pilit pinapakalma ang sarili. “Gusto ko lang hawakan ka at yakapin nang ganito…”Nang marinig niya ang boses ni Rozen kanina noong nakatalikod siya, bigla na lang siyang nawala sa kontrol.Bago pa nga niya tuluyang mapag-isipan ang susunod niyang gagawin, sinunggaban niya ang lalaki at niyakap ito.Kahit sa ganitong paraan lang ay kumakalma na kaagad ang pakiramdam ni Lianne. Isa ito sa mga skill na kinailan
Hindi sumagot si Lianne. Imbes ay dumako ang tingin niya sa kan’yang balikat bago kumunot ang kan’yang noo.‘Si Rain ang nakahawak sa akin… Pero bakit sa paningin niya, ako pa rin ang mali?’ isip ng dalaga habang masama ang kan’yang loob.‘Hanggang ngayon ba, hindi niya nakikitang ako ang dehado rito?’Ngunit imbes na magreklamo at ipagtanggol pa ang sarili, sinulat na lang ni Lianne ang oportunidad na ‘yon upang alisin ang pagkakahawak sa kan’ya ni Rain.Kumunot naman ang noo ng lalaki dahil doon. Bumaling ang atensiyon niya kay Roxanne at pinagsabihan ito.“Tumigil ka na nga, Roxanne!”Biglang namutla ang babae sa narinig. Halata ang takot sa ekspresiyon ng kan’yang mukha habang nakatingin kay Rain, tila hindi makapaniwala sa ginawa nito.“Ayan ka na naman, kuya! Sinisigawan mo na naman ako!” sigaw niya sa medyo nanginginig na boses. “Ginaganyan mo ulit ako dahil sa babae na ‘yan? Ako ang kapatid mo, kuya! Ako!”Sa limang taon na nawala si Lianne sa kanilang buhay, pakiramdam ni Rox
Hindi kaagad nakasagot si Roxanne. Nanubig ang kan’yang mga mata habang nakatitig sa kapatid. Natakot kasi siya sa tono ng boses ni Rain kaya naiyak siya kaagad.“P-Pati ba naman ikaw ay kampi rin sa babaeng ‘yan?!” hindi makapaniwalang tanong ng babae bago dinuro-duro si Liane. “Sige! Magkampihan kayong lahat at iwan n’yo ako mag-isa!”“Tutal, diyan ka naman magaling, eh! Palagi naman akong masama sa paningin mo kaya sige, panindigan na natin! Ako na ang masama! Ako na!”Humahagulgol si Roxanne nang umalis, kaya naman naiwan na si Lianne at Rain doon sa may eskinita.Noong tuluyan nang makahinga ang babae ay bumigay na nang tuluyan ang mga tuhod niya. Napaupo siya sa sahig, at kaagad namang umalalay sa kan’ya si Rain.“Ayos na ang lahat… Nandito na ako.” Puno ng sinseridad ang boses ng lalaki. “Hangga’t nandito ako, wala silang masamang gagawin sa ‘yo.”Inangat ni Lianne ang ulo, at tila ba nagniningning si Rain sa kan’yang paningin ngayon. Sa mga oras na ‘yon, nakangiti ang lalaki
Hindi pa man din nagsasalita ulit si Roxanne, ngunit ramdam ni Lianne ang mabigat na presensiya nito.Gusto man niyang alisin ang pagkakahawak ng kamay ni Rain, pero mas tumindi lang ang kapit ng lalaki sa kan’ya.Kumunot ang noo ni Roxanne dahil magkasama si Lianne at ang kapatid niya, pero mas dumilim ang ekspresiyon ng kan’yang mukha nang makita ang kamay ni Rain na nakakapit sa dalaga.“Kuya, sino siya?” tanong ni Roxanne sa malalim at tila nanghahamak na tono. “At bakit hawak-hawak mo ang babaeng ‘yan?”Sa paraan pa lang ng pananalita ng babae, alam na kaagad ni Lianne na wala man lang pinagbago si Roxanne kahit ilang taon na silang hindi nagkikita.O kung mayroon man, malamang ay mas naging maporma, at mas maldita ito.Sa totoo lang, hindi alam ng dalaga kung ano ang kan’yang mararamdaman ngayon. Napakurap siya nang mabilis bago ibinaba ng tingin.Ayaw niya man maalala ang nakaraan, pero tila nag-flashback sa kan’ya kung paano siya b-in-ully ni Roxanne noong junior high, at hang
Bahagyang kumunot ang noo ni Lianne sa narinig, pero nanatili lang siyang tahimik.Hindi kasi totoo na susunduin siya ni Rozen ngayon sa kumpanya. Dahil humingi siya ng pabor sa lalaki kanina tungkol kay Cherry at Chocolate, alam niyang baka matagalan bago ito makapunta sa Pristine Corporation.Nang makita ang katahimikan ni Lianne, hindi mapigilan ni Rain ang mapangisi. Dahil kasi roon, mas nanaig lang ang iniisip niya kanina na nagsisinungaling lang ang dalaga.‘Sinasabi ko na nga ba. Peke lang ang boyfriend na binabanggit niya dahil wala talaga siya no’n,’ wika niya sa isip. ‘Dahil kahit anong mangyari, ako pa rin ang gusto niya.’Nagmuni-muni si Lianne saglit bago muling tiningnan ang kan’yang phone at nag-send ng mensahe kay Rozen.[Ayos lang ba sa ‘yo na sunduin ako ngayong gabi?]Mas mabilis pa sa alas kuwatro na nag-reply ang lalaki.[Of course. I’m your boyfriend.][I’m on my way. Hintayin mo ako riyan.]Nang marinig ‘yon ay tila nakahinga nang maluwag si Lianne. Ayaw niya
Totoo naman ang sinabi ni Lianne. May plano talaga siya ngayong gabi.Niyaya siya ni Eunice sa isang dinner para makapag-catch up sa isa’t-isa. Matagal na rin kasi noong huli silang magkita.Nagkita sila sa isang restaurant.Habang kumakain, kinuwento ni Lianne ang pangha-harass sa kan’ya ng manage
Tumigil ang kotse sa harap ng isang mumurahing apartment.Hindi na hinayaan ni Lianne na ipag-drive pa siya ni Rozen hanggang sa parking lot. Baka kasi may makakita sa kanila na kakilala niya.“Okay na ako rito. Dito na ako bababa,” aniya.Pinagmasdan ni Rozen ang paligid. Kumunot ang noo niya. “Di
Nanlaki ang mga mata ni Lianne dahil sa narinig.“Saglit… bakit naging ikaw ‘yong agrabyado rito? First time ko iyon…”“At ako rin,” sagot naman ng binata sa malalim na boses. “Sa babae lang ba mahalaga ang first time nila? Sa tingin mo ay agrabyado ka, pero ako, hindi?”Nakakunot ang noo ni Rozen,
Pagkatapos bumili ng mga gamot, umalis na si Lianne sa clinic.Maganda naman ang panahon. Maaraw at maaliwalas ang hangin, pero bakit parang hinahabol siya ng kamalasan?Hindi lang niya nakasalubong ulit ang lalaki. Nagpanggap pa itong doktor at pinahubad pa ang pantalon niya para sa examination!K







