LOGINNang marinig ni Lianne ang mga salitang iyon ay nakahinga siya nang mahimbing. Hindi niya rin mapigilan ang mapangiti.
“Dapat kanina mo pa sinabi sa akin. Kanina pa ako nangangatal sa kaba rito…” pagmamaktol niya sa mahinang boses.
“Pero thank you sa libre, Rozen. Hindi na ako tatanggi rito.”
Kumunot ang noo ni Lianne nang marinig ang tanong na ‘yon. ‘Bakit ba siya curious? Ano naman sa kan’ya kung saan man ako nagpunta kanina?’ ‘May kalayaan ako para gawin ang gusto ko. Wala namang kami, kaya kailangan ko bang i-report ang lahat sa kan’ya? Kung saan ako nagpunta at kung ano pa man?’ Iyon ang mga tumatakbo sa isip ni Lianne ngayon. Ganoon pa man, hindi niya ‘yon masabi nang malakas kay Rozen. Nasa harapan niya ito, at kino-korner siya. Bigla siyang nakaramdam ng takot. Dahil kapag ginalit niya si Rozen, baka ay kung ano ang gawin nito sa kan’ya. “Ah, diyan lang sa tabi-tabi…” wika ng dalaga sa mahinang boses. “Naglakad-lakad lang ako para makapag-relax…” Hindi niya sinabi na nanggaling siya sa unit ni Flynn, lalo na at alam niyang pinagwalan siya nitong mapalapit nang husto sa binata noong huli silang nagkita. Kaya naman inilihim na lang iyon ni Lianne, para makaiwas
“Hindi na, promise… Ayos lang…” Mabilis na sumagot si Lianne at umiling. “Mababayaran ko rin naman ‘yon kaagad. Malapit na rin.”Dagdag niya pa, “Kaya salamat, kuya Flynn, kasi tinanggap mo ako sa part-time job na ‘to. Malaking tulong ito para maging debt-free na ako.”“Hmm…”Tumango-tango si Flynn habang nagda-drive. May bigla kasi siyang naalala.“Kaya pala sabi ni Eunice, nagmamadali ka raw makahanap ng part-time job,” wika ng lalaki sa mahinang boses. “Iyon pala, may pinagkakautangan ka at gusto mo na siyang mabayaran kaagad…”“Opo…”Iyon na lang ang nasagot ni Lianne bago muling ibinalik ang tingin sa binata. Bigla siyang nailang. Hindi naman siya nagsisinungaling, pero mas gusto niya sanang sa kanila na lang ni Rozen ang tungkol sa bagay na ‘yon.‘Buwisit kasing Rozen ito. Napakuwento pa tuloy ako ng bagay na hindi ko naman dapat sinasabi sa iba…’“Kapag nahirapan ka magbayad pabalik doon sa pina
[Nasaan ka?]Simpleng tanong lang ‘yon, pero biglang nagsitaasan ang mga buhok ni Lianne sa katawan.May tawag din kasi si Rozen sa kan’ya, pero hindi niya iyon narinig kanina dahil naka-do not disturb mode ang phone niya kanina.At nang alisin niya ‘yon kaninang palabas na sila ni Flynn sa apartment, hindi niya rin ‘yon napansin. Hindi naman kasi siya nagtingin ng notifications.[Tumawag ako kasi hindi ka sumasagot sa messages kanina, pero hindi ka rin nasagot. Ayos ka lang ba?]Kahit text lang ito, tila naririnig ni Lianne ang pagiging ma-awtoridad ng boses ng lalaki.Pakiramdam tuloy ni Lianne, mag-iinterogate si Rozen sa oras na magkita silang dalawa.‘Wait… Bakit ko naman iniisip na magkikita kaming dalawa?’ isip ni Lianne habang nakakunot ang noo. ‘At bakit niya tinatanong ngayon kung nasaan ako?’‘Hindi kaya…’Napakagat si Lianne ng labi bago nagtipa ng reply sa binata.[Nasaan ka ngayon
“Wala siya rito kapag nasa panganib ka. Wala siyang pakialam kahit may sakit ka. Wala siyang kuwentang tao.”Kinukurot-kurot ni Rozen ang ilong ng stuff toy habang patuloy na nagsasalita.“At dahil wala siyang pakialam sa ‘yo, dapat ay wala rin siyang karapatan sa ‘yo. Dapat ay makipaghiwalay ka na sa kan’ya, at ako na ang pumalit bilang boyfriend mo…”Ngayon ay ang mga tainga naman ng rabbit ang pinagdidiskitahan ng lalaki.“Ayaw kong tawagin na kabit, alam mo ba ‘yon, huh?” tanong pa ulit ni Rozen. “Kaya pumayag ka na. Ano payag ka? Kasi kung hindi, hihilahin ko itong tainga mo! Kukurutin ko na naman ang ilong mo!”Dahil stuff toy lang naman ang kausap ni Rozen, malamang ay hindi talaga iyon makakasagot. Nakatingin lang ang rabbit sa kan’ya nang may cute na ekspresiyon.Nainis tuloy si Rozen. Pakiramdam niya kasi, maging ang stuff toy ay hinihusgahan na rin ang mga pinaggagagawa niya sa buhay.Iniisip niyang si Lianne ang stuff toy na nasa harapan niya ngayon, at pinapakiusapan pa i
“Hoy, mga p’re, may ikukuwento ako sa inyo tungkol sa kaibigan ko. Nakakatawa lang,” saad ng isang lalaki sa kan’yang mga kausap.Nasa tabi lang si Rozen at Julian, kaya kahit ayaw nila ay naririnig nila iyon.“‘Yong kaibigan kong lalaki, na-inlove sa babaeng may asawa na. Tapos ang nakakatawa pa roon, para siyang kabute na sulpot nang sulpot kung nasaan man ‘yong babaeng ‘yon.”“Huh? Married woman ang gusto niya?” tanong naman ng isang babae habang nakakunot ang noo. “Sa dinami-rami ng babae sa paligid, bakit doon pa sa may sabit?”“Kaya nga. Gusto niya ang maging kabit?” pag-agree ng isa pang babae. “Nakakahiya ‘yon kapag nakita sila ng iba, at nakakasira sila ng maayos na relasyon.”“Tama sila, pare,” sagot naman ng isang lalaki. Apat kasi silang nasa iisang table. “Sabihin mo sa kaibigan mo, marami pang babae riyan. Hindi siya mauubusan, kaya bakit doon pa siya sa kasal na?”“Kaya nga!”“Well… Sinubukan ko naman siyang pagsabihan, pero ayaw makinig ng loko,” ani ng lalaking nagkuk
Samantala, may pumunta ulit na dalawang babae kay Felix, ang kaibigan na kausap ni Julian kanina. Hawak niya ang mga ito sa magkabila niyang kamay.“Kung hindi para sa’yo ‘yong stuff toy… Baka para sa babae niya ibibigay?” tanong ni Felix at ngumisi. “Lakas! May girlfriend si Rozen?”Kung pag-usapan nila si Rozen ngayon ay parang wala ito sa kanilang tabi. Pero hindi sila pinansin ng lalaki. Habang hawak ang stuff toy ay naghanap lang ito ng upuan at hindi na nagsalita pa.Hindi mapigilan ng iba ang ma-curious. Pasimpleng tumitingin kay Rozen ang mga ito.‘Ireregalo niya ba talaga ang rabbit stuff toy na ‘yon sa isang babae?’ tanong ng iilan sa kanila sa isipan nila. ‘Who’s the lucky girl?’Sakto namang dumako ang tingin ng ilang babae sa labi ni Rozen. Napansin ng mga ito ang sugat doon.“Uh… Sir Rozen,” wika ng isang babae at itinuro ang sariling labi. “Bakit parang may sugat sa labi mo? Anong nangyari? Sino ang gumawa niyan sa ‘yo?”May pag-aalala sa tono ng boses ng babae.Nang ma
Pagkabalik sa inuupahang kuwarto, kaagad kumuha si Lianne ng tubig upang inumin ang pills na binili niya kanina.Pagkatapos ay nag-shower siya at hinugasan nang sobra ang sarili, mula ulo hanggang paa.Napansin niya ang balat na punong-puno ng marka galing sa lalaki. Maging ang hita niya ay hindi p
Sa isang presidential suite, nakakalat ang damit ng isang lalaki at babae sa sahig, kasabay ng lumalagablab na init sa loob ng kuwartong iyon.Lumalangitngit ang kama sa bawat paggalaw ng lalaki, dahilan upang mapaungol nang malakas ang babae sa ilalim niya.Ilang oras na rin nang may mangyari sa k
Totoo naman ang sinabi ni Lianne. May plano talaga siya ngayong gabi.Niyaya siya ni Eunice sa isang dinner para makapag-catch up sa isa’t-isa. Matagal na rin kasi noong huli silang magkita.Nagkita sila sa isang restaurant.Habang kumakain, kinuwento ni Lianne ang pangha-harass sa kan’ya ng manage
Tumigil ang kotse sa harap ng isang mumurahing apartment.Hindi na hinayaan ni Lianne na ipag-drive pa siya ni Rozen hanggang sa parking lot. Baka kasi may makakita sa kanila na kakilala niya.“Okay na ako rito. Dito na ako bababa,” aniya.Pinagmasdan ni Rozen ang paligid. Kumunot ang noo niya. “Di







