Home / Romance / Entered The Wrong Room, Claimed By The Billionaire / Chapter 3: Sorry, Dadahan-Dahanin Ko

Share

Chapter 3: Sorry, Dadahan-Dahanin Ko

Author: Starstellar
last update publish date: 2026-04-09 13:24:35

Napanganga si Lianne. “Kailangan ko ba talagang hubarin ang pantalon ko?”

“Paano ko mache-check ang kondisyon mo kung hindi ko makikita?”

Napatango ang dalaga.

‘May point siya roon, pero…’

Hindi pa rin siya gumagalaw. Nag-aalangan siya. Paano niya iyon magagawa sa harap ng isang lalaki.

At hindi lang ito basta isang lalaki…

“Bilisan mo.”

Dahil sa malamig na tingin ng lalaki, napilitan na rin siyang gumalaw.

Tumayo na si Lianne at dahan-dahang humiga sa hospital bed.

‘Doktor siya. Wala lang sa kan’ya ‘to…’ paulit-ulit na saad ni Lianne sa sarili. ‘Marami siyang chine-check na babae, hindi lang ako. Sanay na siya rito…’

Trabaho ito ng doktor. Walang dahilan para ma-awkward-an siya.

Pero sa kalagitnaan ng pagmumuni-muni niya, bigla na lang sumulpot si Rozen sa kan’yang harap.

“Hubarin mo ang pantalon mo at ibuka mo ang legs mo.”

Bumilis ang tibok ng puso ni Lianne. Napatitig siya sa lalaki. Sobrang guwapo nito at nakakapanghina ang tingin.

Pakiramdam tuloy ni Lianne ay isa siyang isda sa isang chopping board, at kay Rozen nakasalalay ang buhay niya.

Napailing siya nang paulit-ulit. ‘Bakit naman ganito ang tumatakbo sa isip ko?’

“Hubarin mo na ang pantalon mo.”

“P-Puwedeng tumalikod ka muna?”

Pero hindi gumalaw ang lalaki. “Take them off.”

“Doc…”

“Ngayon na.”

Napalunok na lang ng laway si Lianne. 

Tiniis niya ang nag-aalab na tingin ng binata bago dahan-dahang hinubad ang kan’yang pants, hanggang sa ang puti nitong underwear na lang ang natira.

Kitang-kita ni Rozen kung gaano kaputi at kakinis ang balat ng dalaga. At sa sobrang inosente nitong tingnan, gusto na naman niya itong angkinin.

“Tanggalin mo na rin ang panty mo,” utos pa ni Rozen, at mas malalim na ang boses nito kaysa kanina.

Sobrang kahihiyan na ang nararamdaman ni Lianne, at hindi na siya makagalaw.

Mas lalong dumilim ang paningin ng binata.

“Huhubarin mo ba, o ako na ang magtatanggal para sa ‘yo?”

“Hindi… A-Ako na…”

Dahan-dahang ibinaba ni Lianne ang kan’yang underwear. Namumula na nang husto ang mukha, maging ang leeg nito.

‘Anong klaseng doktor ang mag-o-offer ng tulong para hubarin ng pasyente ang underwear nila?’ sa isip-isip niya ay nagrereklamo na siya.

Mamaya, sisiguraduhin niyang magfi-file siya ng complain. Lalo na sa pangit na trato nito sa mga pasiyente!

‘Pero hindi ko pala alam ang pangalan niya. Mamaya, malalaman ko rin iyon.’

Samantala, muling dumako ang tingin ni Rozen sa legs ng dalaga nang mahubad na ang pang-ibaba nito.

Ang una niyang napansin ay ang mga markang iniwan niya sa balat nito.

‘Mukha ngang naging harsh ako noong gabing iyon. Hindi pa rin pala humuhupa ang mga markang ginawa ko.’

Napalunok si Rozen. Lumapit siya sa dalaga habang sinusuot ang gloves sa mga kamay nito.

‘Lord, sana matapos na kaagad ito…’ Napapikit na lang si Lianne nang maramdaman ang presensiya ng lalaki.

Noong dumako ang kamay ni Rozen sa kan’yang pagkababae, hindi niya napigilang mapasigaw.

“Ah!”

Nakakaakit ang tunog na iyon para kay Rozen. May namumuo na ring luha sa gilid ng mga mata ng dalaga, pero sobrang ganda pa rin nito sa kan’yang paningin.

Para bang nang-aakit ang dalaga na may gawin siyang masama rito…

Biglang nanigas ang katawan ni Rozen bago nito dahan-dahang hinila ang daliri.

“Nasaktan ba kita?”

Napahawak si Lianne nang mahigpit sa bedsheet, kasabay ng pagbilis ng paghinga nito. “Mmm…”

“Sorry. Dadahan-dahanin ko.”

Hindi na namalayan ni Lianne kung ilang oras na ang lumipas. Basta ay seryoso lang si Rozen habang ine-examine siya.

“Doc… Malala ba ang sakit ko?” tanong ng dalaga bago napakagat sa labi.

“Hindi.”

Tuluyan nang inalis ni Rozen ang kamay sa pagkababae ng dalaga, pati na rin ang gloves nito. Pagkatapos ay nagtungo ito sa sink para maghugas ng kamay.

“Reresetahan kita ng anti-inflammatory ointment. Lagyan mo araw-araw hanggang sa humupa ang pamamaga.”

Pagkatapos ay nilingon siya si Lianne at pinaalalahanan ito. “Bawal kang makipag-sex sa iba hangga’t hindi nawawala ang pamamaga.”

Hindi kaagad nakasagot ang dalaga.

Kumunot tuloy ang noo ni Rozen at muling nagtanong. “Naiintindihan mo ba?”

“Oo… Naiintindihan ko,” sagot ni Lianne habang namumula ang pisngi.

Ngumisi ang binata. “Isuot mo na ulit ang pantalon mo at tumayo ka na riyan.”

“O-Okay…”

Sinunod niya ang utos ng binata. Sinuot na niya ang underwear at pants, inangat ang kurtina, at aalis na sana.

Pero laking gulat niya nang makita ang isang white coat sa kuwarto.

‘Jillian Montemayor…’

Doon siya may may appointment sa doktor na iyon!

At sa harap ni Rozen, nakatayo ang isang babaeng nakapameywang. Nakakunot din ang noo nito.

“Ikaw na bata ka, sinong nagsabi sa ‘yo na puwede mong i-check ang pasiyente ko habang wala ako?”

Napatingin si Jillian sa dalagang kaaalis lang sa hospital bed.

“Sorry, iha. Anak ko ‘yan,” paghingi nito ng paumanhin. “Nagbanyo lang ako, at ang sabi ko, bantayan ka niya, pero hindi ko inakalang i-che-check up ka na rin niya.”

Dagdag nito habang hinihilot ang sentido, “Hindi valid ang examination niya. Halika at che-check up-in kita ulit.”

“P-Po?!”

Napanganga na lang si Lianne. ‘Anong nangyayari?!’

Nang makita ang reaksyon ng dalaga ay napangisi na lang si Rozen. Pulang-pula na rin kasi ang mukha nito.

“Mom, hindi na kailangan. Sabi ko naman sa ‘yo, in-examine ko na siya. Matagal na kitang kasama kaya kahit papaano, natutuhan ko na rin ang basics sa field mo.”

Napakurap si Jillian at hindi makapaniwala.

Kung tutuusin ay grabe makaiwas sa babae ang anak. Ni isang babaeng kaibigan ay wala ito.

Tapos ay nag-offer itong i-check up ang isang babaeng pasiyente? Sobrang nakakapanibago.

Ganoon pa man, hindi na iyon inisip pa nang husto ni Jillian. Imbes ay kinuha niya ang diagnosis report na gawa ni Rozen. Binasa niya iyon.

Nang matapos sa pagbabasa, napasulyap siya kay Lianne. Mukha itong inosente at fragile, dahilan para mapakunot ang noo nito.

“Sinong h*******k ang gagawa ng ganito sa isang magandang babaeng katulad mo? Mas masahol pa siya sa hayop!”

Namula ang mukha ni Lianne, kasabay ng pagsulyap niya kay Rozen.

Nagbibiro lang naman si Jillian, pero hindi niya inaakalang ang hayop na tinutukoy niya pala ay ang sariling anak.

Ang iniisip lang niya, nasobrahan ang dalaga sa p********k nila ng kan’yang boyfriend.

“Pero seryoso, iha. Sumosobra naman ang boyfriend mo. Paanong umabot sa ganitong… pamamaga?” tanong niya. “Sabihin mo sa kan’ya na maging maingat sa susunod, at huwag masyadong rough.”

Mas lalong namula ang pisngi ng dalaga bago sinamaan ng tingin si Rozen.

‘Oo, sumosobra na talaga siya!’

Samantala, tumikhim si Rozen, at hindi niya matingnan pabalik ang dalaga.

“Mom, tama na ‘yon. Nahihiya na siya.”

“Pinaaalalahanan ko lang siya na mas maging maingat,” depensa nito. “Anong klaseng boyfriend siya? Iniisip niya lang ang sarili, ni hindi niya alam na nasasaktan ang girlfriend niya. Halimaw talaga siya!”

Pagkatapos ay muli siyang tumingin kay Lianne. “Kapag ganito ulit ang ginawa sa ‘yo ng lalaking ‘yon, makipaghiwalay ka na kaagad sa kan’ya!”

Hindi nakakibo si Rozen.

Napakagat naman sa labi si Lianne bago pinaglaruan ang mga daliri. “Doc… Puwede n’yo po ba akong bigyan ng gamot?”

‘Talaga bang mag-ina ang dalawang ito? Nakakahiya!’

Gusto niya na lang umalis o kaya naman ay lamunin ng lupa!

Napansin ni Jillian na tama nga ang anak. Nahihiya na nga ang dalaga kaya iniba na rin niya ang topic.

“Sige. Magrereseta ako ng anti-inflammatory medicines, pati na rin ointment,” aniya. “At hindi ka puwede makipag-sex, at least isang linggo. Kasi kung hindi, baka magka-infection ka at lumala rin ang pamamaga.”

Tumango si Lianne. “Okay po, naiintindihan ko.”

Pagkatapos ibigay ni Jillian ang reseta ay kaagad umalis si Lianne, na para bang may multong humahabol sa kan’ya.

Napabuntonghininga na lang ang matanda. “Ang ganda at ang bata pa niya… Paano niya nakayang ganunin ng isang lalaki?”

“Naku, kung anak ko lang talaga siya, nakatikim na sa akin ang lalaking ‘yon!”

Hindi sumagot si Rozen. Nakatingin lang ito sa pinto kung saan lumabas si Lianne kanina.

“Mom, aalis na rin ako.”

“Ha? Bakit ka aalis?” Kumunot ang noo ni Jillian. “Pinapunta nga kita rito para makilala mo si Doktora Irene sa surgery department. Kakabalik lang niya rito pagkatapos mag-abroad.”

“Maganda siya, matalino, at competent. Siya ang pinakamaganda sa department nila. At single siya. Try mo kitain. Malay mo, mag-click kayo.”

“Sige. Kapag may oras ako,” sagot ni Rozen bago naglakad paalis.

“Ikaw na bata ka. Nag-aalala na ako sa ‘yo kung makakapag-asawa ka pa ba o hindi na,” asik ng ina habang nakakunot ang noo. “Puwede bang makinig ka sa akin, kahit ngayon lang?”

“Mabait si Irene. Sinasabi ko sa ‘yo, magugustuhan mo siya!”

Pero masyado nang malayo ang nalakad ni Rozen kaya hindi na siya naririnig nito.

Napabuntonghininga na lang si Jillian at napailing. Naiinis siya.

‘Kung sana magkakaroon lang ng girlfriend itong anak ko, hindi ko na kailangan mag-set up ng blind date para sa kan’ya.’

Pero sa dami ng blind dates, walang nagustuhan si Rozen, kahit isa.

Hindi niya na tuloy alam kung anong klase ng babae ba ang magugustuhan ng anak niya. 

Ni hindi ito nagsasabi kahit ilang beses pa siyang magtanong.

‘Sakit talaga sa ulo!’

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Entered The Wrong Room, Claimed By The Billionaire   Chapter 246: Mula Ngayon Ay Akin Ka Na Talaga

    Gusto mang itago ni Rozen ang nararamdamang kaba, pero nahihirapan siyang gawin ito ngayon.Ito kasi ang unang beses na nagbigay siya ng regalo sa isang babae.Pinag-isipan niya pa iyon nang mabuti, dahil kahit matagal na silang magkasama noon, hindi niya mawari kung ano talaga ang gusto ng dalaga.At naisip niya rin na kung magco-confess siya kay Lianne, dapat kahit papaano ay mayroon siyang ibigay, at mas maglaan pa siya ng effort.Katulad na lang ng ninety-nine flowers na ibinigay niya sa dalaga noon. Nagkataon lang na naunahan siya ni Flynn noong mga panahong ‘yon, pero balak niya rin talaga ‘yon gawin.Nakita ni Rozen ang diamond necklace habang nasa business trip siya.Hindi siya ‘yong tipo ng tao na mahilig tumingin ng accessories, pero nang makita niya ‘yon, kaagad niyang naalala si Lianne.‘It will suit her perfectly,’ isip niya pa at ngumiti. Kaya naman wala siyang pag-aalinlangan nang bilhin iyon. ‘Sa pamamagitan nito, sana ay maramdaman niya kung gaano ko siya kamahal.’

  • Entered The Wrong Room, Claimed By The Billionaire   Chapter 245: Nagustuhan Mo Ba Ang Regalo Ko?

    Bigla na lang naubo si Lianne sa sarili niyang laway nang marinig iyon. Pumasok kasi sa utak niya ang pangyayari kagabi, habang nakahiga siya sa kama at nasa ibabaw naman niya si Rozen, at paulit-ulit siyang inaangkin.“Will you be my girlfriend?” tanong ni Rozen sa pagitan ng nangyayari sa kanila, nanggigigil na hawak ang beywang ng dalaga. “Say it. Say that you want to be my girlfriend.”“A-Ahhhh…” tanging ungol lang ni Lianne habang umaarko ang likod dahil sa sarap na nararamdaman. “Please, Rozen… B-Bilisan mo pa…”Bigla na lang kasing bumagal ang paggalaw ni Rozen noong malapit na siyang laba.san, na para bang pinahihirapan siya nito.“Call me husband first,” muling pang-uudyok ng binataNasa loob pa rin ni Lianne ang kan’yang pagka.lalaki, ngunit hindi siya gumagalaw nang maayos. Halos maiyak na lang ang dalaga dahil sa pinaghalong sarap at frustration dahil sa kan’yang ginagawa.“P-Please, Rozen…” muli niyang pakiusap, pero hindi pa rin binibilisan ng lalaki ang paggalaw. “Oo n

  • Entered The Wrong Room, Claimed By The Billionaire   Chapter 244: Gusto Kong Halikan Si Rozen

    Dahil na rin sa sobrang pagod ng dalaga sa araw na ‘to ay mabilis din siyang nakatulog. Naging mahimbing pa nga iyon dahil yakap siya ni Rozen, at ramdam niya ang init ng katawan nito. Ganoon din naman ang lalaki dahil ilang segundo pa lang ang nakalilipas, humihilik na kaagad siya.Umaga na nang magising si Lianne. Tumatama na kasi ang sikat ng araw sa kan’yang mukha kaya napadilat siya.Muli pa siyang pumikit dahil masakit sa mata ang biglaang sinag ng liwanag, pero maya maya ay naka-adjust din naman siya roon.‘Napasarap pala ang tulog ko…’ isip ng dalaga habang pumupungay ang mga mata.Tatayo na sana niya nang dumako ang tingin niya kay Rozen, na mahimbing ang tulog sa tabi niya ngayon. Tinitigan niya ito.‘Gising man o natutulog, ang guwapo niya pa rin.’Pinagmasdan niya ang features ng lalaki—isang bagay na ngayon niya lang kayang gawin dahil madalas ay nauunang magising si Rozen kaysa sa akn’ya.‘Grabe n

  • Entered The Wrong Room, Claimed By The Billionaire   Chapter 243: Sorry, Pero Kailangan Kita Ngayong Gabi

    Nakaupo man sila, ngunit ramdam ng dalaga ang panginginig ng kan’yang legs, pati na rin ang pamamasa ng nasa pagitan ng kan’yang hita.“H-Hindi na ako makahinga… please…”Sa pagmamakaawa niyang iyon, doon pa lang siya pinakawalan ni Rozen.“Haah…”Huminga nang malalim si Lianne habang nakakapit pa rin sa magkabilang braso ng lalaki. Halos nagluluha rin siya dahil sobrang sensitive ng kan’yang katawan.At imbes na maawa roon si Rozen, mas lalo lang nag-init ang pakiramdam niya. Gusto niyang nagkakaganito si Lianne ngayon dahil sa kan’ya.‘Gusto ko siyang halikan ulit,’ isip ni Rozen bago dinilaan ang pang-ibabang labi. ‘Fuck it.’Wala na siyang pakialam pa kung nasa labas ang kotse niya ngayon, o kung may kakatok man sa bintana niya maya maya.Kung may iistorbo man sa kanila ngayon ay siguradong malilintikan sa kan’ya!“I-Ikaw…” wika ni Lianne habang nakatitig sa binata. Kinagat niya ang ibaban

  • Entered The Wrong Room, Claimed By The Billionaire   Chapter 242: Sabihin Mong Nami-Miss Mo Ako, At Uuwi Ako Kaagad

    Huli na ang lahat nang mapag-isipan ni Rozen ang kan’yang ginawa, dahil na-send na niya kay Lianne ang mensahe.“Tangina,” napamura na lang ang lalaki dahil sa katangahang ginawa. “Dapat, hindi na lang ako nag-chat sa kan’ya.”Bibitiwan na sana ni Rozen ang kan’yang phone, pero natigilan siya nang makita ang reply ng dalaga.[Kailan ka babalik?]Noong una ay hindi pa mapaniwalaan ng lalaki na iyon talaga ang chat ni Lianne, kaya binasa niya ‘yon ulit.Hindi nawawala ang mensahe, kaya ibig sabihin ay totoo ang nababasa niya, at hindi isang panaginip.‘Nami-miss mo na ba ako, Lianne?’ isip ng binata bago mas lumawak ang kan’yang pagngiti. Nawala na ang lungkot na nararamdaman niya sa loob ng ilang araw.Parang mapupunit na nga ang kan’yang labi dahil sa pagngiti nang magtipa siya ng reply. Sa wakas, nag-initiate rin ang dalaga na mag-open up sa feelings nito.[Do you miss me?]Bahagyang gumalaw

  • Entered The Wrong Room, Claimed By The Billionaire   Chapter 241: Ano Dapat 'Yong Sasabihin Mo?

    Ikinuyom ni Rain ang mga kamay habang nagpipigil ng inis.‘Bakit sobrang cold niya sa akin kahit limang taon kaming hindi nagkita?’ isip niya habang nakatiim ang bagang.‘Kahit naman kakakita lang namin ulit, dapat hindi kami ganito kalayo sa isa’t isa. Magkaibigan pa rin naman kami…’Bigla tuloy siyang may naalala habang nagmumuni-muni. Ang araw ng kaarawan niya, five years ago.Sa tingin niya ay roon nagsimula na b-in-lock siya ni Lianne sa social media sites. Inimbita rin niya itong magpunta sa celebration niya, ngunit hindi dumating ang dalaga.‘Nangako siyang pupunta noong araw na ‘yon. She’s not the type of person na sisirain ang pangako niya,’ isip pa ng lalaki. ‘May narinig ba siyang kakaiba?’—Paglabas naman ni Lianne sa manager’s office at pagbalik niya sa kan’yang cubicle, kaagad na lumapit sa kan’ya si Jennica para makitsismis.“Anong nangyari sa loob? Bakit ang tagal mo roon?” tanong pa nito, may kuryosidad sa tono ng kan’yang boses.Ang alam niya kasi ay magpapasalama

  • Entered The Wrong Room, Claimed By The Billionaire   Chapter 7: May Boyfriend Na Ako

    Totoo naman ang sinabi ni Lianne. May plano talaga siya ngayong gabi.Niyaya siya ni Eunice sa isang dinner para makapag-catch up sa isa’t-isa. Matagal na rin kasi noong huli silang magkita.Nagkita sila sa isang restaurant.Habang kumakain, kinuwento ni Lianne ang pangha-harass sa kan’ya ng manage

  • Entered The Wrong Room, Claimed By The Billionaire   Chapter 6: Lahat Naman Ng Lalaki, Nagloloko

    Tumigil ang kotse sa harap ng isang mumurahing apartment.Hindi na hinayaan ni Lianne na ipag-drive pa siya ni Rozen hanggang sa parking lot. Baka kasi may makakita sa kanila na kakilala niya.“Okay na ako rito. Dito na ako bababa,” aniya.Pinagmasdan ni Rozen ang paligid. Kumunot ang noo niya. “Di

  • Entered The Wrong Room, Claimed By The Billionaire   Chapter 5: Gagawin Ulit Natin Ang Bagay Na Iyon?

    Nanlaki ang mga mata ni Lianne dahil sa narinig.“Saglit… bakit naging ikaw ‘yong agrabyado rito? First time ko iyon…”“At ako rin,” sagot naman ng binata sa malalim na boses. “Sa babae lang ba mahalaga ang first time nila? Sa tingin mo ay agrabyado ka, pero ako, hindi?”Nakakunot ang noo ni Rozen,

  • Entered The Wrong Room, Claimed By The Billionaire   Chapter 4: Hindi Ba Dapat Ay Panagutan Mo Ako?

    Pagkatapos bumili ng mga gamot, umalis na si Lianne sa clinic.Maganda naman ang panahon. Maaraw at maaliwalas ang hangin, pero bakit parang hinahabol siya ng kamalasan?Hindi lang niya nakasalubong ulit ang lalaki. Nagpanggap pa itong doktor at pinahubad pa ang pantalon niya para sa examination!K

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status