Share

Chapter 2: Siya Na Naman?

Penulis: Starstellar
last update Tanggal publikasi: 2026-04-09 13:23:41

Pagkabalik sa inuupahang kuwarto, kaagad kumuha si Lianne ng tubig upang inumin ang pills na binili niya kanina.

Pagkatapos ay nag-shower siya at hinugasan nang sobra ang sarili, mula ulo hanggang paa.

Napansin niya ang balat na punong-puno ng marka galing sa lalaki. Maging ang hita niya ay hindi pinalampas nito.

Namula ang pisngi ni Lianne nang maalala ang mga nangyari. Hindi niya maiwasang isipin na aso ang lalaki dahil sa ginawa nitong pagkagat at pagsipsip sa balat niya.

‘Siguro nga ay aso talaga siya… Kasi hindi naman siya mag-iiwan ng ganitong mga marka kung hindi…’

Matapos maligo ay nagluto si Lianne ng instant noodles. Kinain niya iyon, at pagkatapos ay humiga na siya hanggang sa makatulog dahil sa sobrang kapaguran.

Gusto niya lang matulog nang mahimbing. 

Baka sakaling paggising niya, mapagtanto niyang panaginip lang ang lahat ng iyon.

“Sana nga… Panaginip lang ang lahat…” bulong ni Lianne bago muling ipinikit ang mga mata at nagpalamon sa antok.

—

Nakatulog nang mahimbing si Rozen, at hindi niya na maalala kung kailan ang huling beses na ganito kasarap ang tulog niya.

Siguro ay dahil napagod siya sa patuloy na paggalaw kagabi, o baka dahil sa katabi niyang babae na sobrang nakakaadik ang presensiya.

Ngunit nang magising siya, wala na ang babae sa tabi. Hindi na niya ito makita sa bawat sulok ng kuwarto.

‘Tumakas siya habang natutulog ako?’ hindi makapaniwalang tanong ni Rozen sa sarili. ‘Wala siyang hininging kapalit? Hindi niya hiniling na panagutan ko siya?’

‘May ganoong klase ba talaga ng babae?’

Kinuha ni Rozen ang cellphone niya at tinawagan ang kan’yang assistant.

“William, dalhan mo ako ng malinis na damit dito sa room 921,” utos niya.

“Masusunod po, President.”

Pagkapatay ng tawag, tumayo na siya at pupunta na sana ng banyo para mag-shower, pero napatigil siya nang may mapansin sa kama.

Dugo…

Dumilim ang paningin ni Rozen. ‘First time niya ito…’

—

Samantala, dumating din kaagad sa presidential suit si William dala-dala ang malinis na damit.

Nakita niya ang damit ni Rozen na nakakalat sa sahig. Magulo rin ang kama, at ang kakaibang amoy ng hangin… Alam na alam niya ang amoy na iyon.

Napanganga si William. ‘Ang president na wala pang nagiging girlfriend sa loob ng twenty-eight years… ay may naka-sex na?’

‘Sinong babae ang may kakayahang sirain ang panata niya?’

Bigla na lang bumukas ang pinto ng banyo, at lumabas ang lalaking nakatapis lang. 

Basa pa ang itim nitong buhok, at tumutulo pa ang tubig sa matikas nitong dibdib, sa kan’yang eight-pack abs, hanggang sa V-line nito na natatakpan na ng tuwalya.

Punong-puno ang dibdib at abs nito ng mga marka at love bites.

Pinamulahan ng pisngi si William bago tumikhim at nag-iwas ng tingin. “I-Ito na ang damit ninyo, President…”

Tumango lang si Rozen bago kinuha ang paper bag.

“I-check mo ang surveillance footage. Alam mo kung sino ‘yong babaeng pumasok sa kuwarto ko kagabi.”

Napanganga si William. “President, hindi n’yo kilala kung sino ‘yong babae?”

“Kung kilala ko, sa tingin mo ay ipapa-check ko pa sa iyo?” Kumunot ang noo ng binata.

Ang suspetsa niya ay ipinadala ang babae ng isa sa business partners niya.

Pero wala siyang ebidensiya.

“Naiintindihan ko. I-che-check ko rin kaagad.”

Mabilis na tumawag si William sa manager ng hotel at nag-request ng camera footage.

Ngunit ayon sa manager, sira ang CCTV cameras sa floor kung nasaan ang presidential suite, at hindi pa rin ito napapaayos.

Dahil doon, impossible nang malaman kung sino ang pumasok sa kuwarto ni Rozen noong gabing iyon.

Napabuntonghininga na lang si Rozen dahil sa disappointment. 

Ganoon pa man, hindi na siya nagpatuloy sa imbestigasyon.

‘Isa lang siyang babaeng nakasama ko nang isang gabi. Hindi ko kailangang maglaan ng maraming oras para lang imbestigahan siya.’

Hindi inakala ni Rozen na mai-involve siya nang husto sa isang babaeng nakikipag-sex lang sa lalaking hindi niya kilala.

—

Mahaba ang naging tulog ni Lianne, at nang magising kinabukasan ay masakit ang ulo niya.

Hinilot niya ito nang bahagya at napangiwi na lang sa sakit.

Pero may isang parte ng katawan niya ang sobrang sakit, at iyon ay ang gitnang bahagi ng hita niya. Paika-ika na rin ang paglalakad niya.

Dapat ay papasok siya ng trabaho, pero ano na lang ang iisipin ng mga katrabaho niya kapag nakita siyang ganito?

Matapos magmuni-muni, tumawag si Lianne sa kan’yang supervisor upang magpaalam na magda-day off muna siya.

Nagluto na rin siya ng simpleng breakfast at uminom ng gamot para sa lagnat, at pagkatapos ay nagtungo na sa ospital para sa check-up.

Bigla kasi siyang nakaramdam ng takot. Paano kung may sakit ang lalaking nakatalik niya, at nahawaan siya nito?

‘Hay, hindi na talaga ulit ako iinom ng alak,’ saad niya sa isip. ‘Kapag talaga nahawaan ako ng sakit… yari ako!’

Napa-search pa tuloy siya ng tungkol sa genital warts, syphilis, at HIV. 

At sa bawat research ni Lianne, mas lalo lang siyang nakaramdam ng takot. Mas lalo tuloy nanaig ang kagustuhan niyang makapagpatingin na sa doktor.

—

Nang makarating sa ospital, pumila na si Lianne para sa kan’yang appointment.

Nag-book siya ng appointment sa isang babaeng gynecologist, mas matanda at mas maraming experience. Alam kasi siyang awkward kung lalaking doktor ang titingin sa kan’ya.

Kung kakailanganin niyang hubarin ang pantalon para sa examination, alam niyang hindi naman maiilang ang lalaking doktor dahil trabaho nila iyon.

Pero si Lianne… Mahihiya siya nang sobra at hihilingin na sana lamunin na lang siya ng lupa.

Pagkatapos ng trenta minuto, sa wakas ay natawag na rin ang pangalan niya.

“Lianne Corporal… Kayo na po ang kasunod.”

“Okay po.”

Nakangiting pumasok si Lianne sa loob ng kuwarto, pero kumunot ang noo niya nang hindi makita ang babaeng doktor.

Imbes ay napansin niya ang anino sa likod ng puting kurtina.

‘Nagtatago ba roon si Doc?’ nagtatakang tanong ni Lianne sa sarili.

Dahan-dahang humakbang si Lianne papasok. “Doc?”

Ngunit hindi ito sumagot. Imbes ay naglakad ito hanggang sa hindi na siya nahaharangan ng kurtina.

Puting t-shirt, itim na pantalon, matangkad at matipunong katawan… Isa itong lalaki.

At hindi lang basta-basta lalaki. Nakasama na ni Lianne ang taong iyon kahapon lang.

‘Siya… Siya ba iyon? Ang lalaking nasa presidential suite kagabi?’

Dumako rin ang tingin ni Rozen sa dalaga, at kita rin ang pagkagulat sa mga mata nito.

Bigla na lang kinabahan si Lianne. Pinaglaruan nito ang mga daliri bago nagsalita, “Ako… Ikaw…”

Namula ang pisngi niya.

Napakaliit nga naman ng mundo. Paano nangyari na nakasalubong niya ulit ang lalaking nakasama niya noong gabing iyon?

‘Anong gagawin ko? Nakilala na ba niya ako? Tatakbo na ba ako o ano?’

Nagpa-panic na si Lianne at kung anu-ano na ang iniisip niya, pero pinilit niya pa rin magmukhang kalmado.

“Ah… sorry. Nag-book kasi ako ng appointment kay Doktora Jillian Montemayor. Nagkamali yata ako ng room na napasukan…”

Nakatitig lang si Rozen sa babaeng nasa harapan niya, pagkatapos ay gumalaw ang labi nito.

“No. Lumabas muna siya saglit. Ako muna ang pumalit sa kan’ya.”

Hindi nakasagot kaagad si Lianne. Nalintikan na.

Samantala, umupo na si Rozen sa swivel chair. 

Kumuha ito ng papel at ballpen bago muling sumulyap sa dalaga. “Umupo ka.”

Tumitig lang si Lianne sa lalaki. ‘Nakilala niya ba ako?’

Masyadong lasing si Lianne noong gabing iyon, at hindi niya alam kung paano nagsimula ang lahat. Natitigan lang niya nang mabuti ang mukha nito nang magising kinabukasan. 

Hindi sigurado si Lianne, pero dahil sa cold treatment nito sa kan’ya, sa tingin niya ay hindi siya nakilala nito…

Napabuntonghininga na lang siya bago umupo sa harap ni Rozen.

“Pangalan at edad,” saad ni Rozen nang sumulyap ulit sa babae.

“L-Lianne Corporal, twenty-two years old…”

Tahimik lang itong sinulat ni Rozen, pero sa loob nito ay kumakabog na rin ang puso niya.

‘Twenty-two… Nasa tamang edad na pala ito.’

Naaalala pa rin ni Rozen ang lahat, lalo na ang sobrang lambot na balat ng dalaga, maging ang baby face nito. Akala niya tuloy ay menor de edad pa ang nakaniig niya.

“At anong dahilan kung bakit ka magpapa-check-up?” tanong ng binata pagkatapos magsulat.

Nagdadalawang isip si Lianne. Lalaki ang kaharap na doktor. Naiilang tuloy siyang sabihin ang problema niya rito.

Pero dahil sa tingin ni Rozen na may malamig na ekspresiyon, nagsalita na siya.

“M-May masakit kasi sa pagitan ng hita ko…” Namula ang mukha niya.

Napahigpit ang hawak ni Rozen sa kan’yang ballpen, pero nanatili siyang kalmado. 

“Which part, specifically?”

Napakagat ang dalaga sa labi. ‘Paano ko ba ide-describe iyon?’

“Ano… Ano kasi…” 

Kiniskis niya ang magkabilang hita, na para bang binibigyan ang lalaki ang hint.

Tinitigan lang ni Rozen ang namumulang pisngi ng dalaga bago napalunok ng laway. Tila nag-init ulit ang katawan niya katulad ng gabing iyon.

Tumikhim siya at pinigilan ang nararamdamang emosyon bago pa ito tuluyang sumabog.

“Anong dahilan kung bakit iyan masakit?”

“A-Ano…” nautal na naman ang dalaga.

Kapag patuloy pa siyang nautal, mas lalo lang niyang nilalagay ang sarili sa kahihiyan.

“Sexual life?” tanong ni Rozen nang makitang hirap ang dalaga magsalita.

Hindi sumagot ang dalaga. Imbes ay tumango lang ito.

“Are you married?”

Umiling si Lianne. “Hindi…”

“How about a boyfriend?”

“Hindi rin…”

Napangisi si Rozen. ‘Hindi kasal at wala ring boyfriend.’

Isa lang ang ibig sabihin no’n. Siya ang dahilan kung bakit masakit ang pagkababae ni Lianne.

Noong gabing iyon, inangkin niya ang dalaga nang paulit-ulit. Sa tingin niya ay anim na beses iyon.

Napasobra siguro siya kaya nasaktan ito.

Nag-init na naman ang katawan ni Rozen nang maalala ang gabing pinagsamahan nila. 

Dumilim ang paningin nito bago nagsalita sa husky na boses, “Humiga ka riyan sa kama at hubarin mo ang pantalon mo. Kailangan kong i-check.”

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Entered The Wrong Room, Claimed By The Billionaire   Chapter 244: Gusto Kong Halikan Si Rozen

    Dahil na rin sa sobrang pagod ng dalaga sa araw na ‘to ay mabilis din siyang nakatulog. Naging mahimbing pa nga iyon dahil yakap siya ni Rozen, at ramdam niya ang init ng katawan nito. Ganoon din naman ang lalaki dahil ilang segundo pa lang ang nakalilipas, humihilik na kaagad siya.Umaga na nang magising si Lianne. Tumatama na kasi ang sikat ng araw sa kan’yang mukha kaya napadilat siya.Muli pa siyang pumikit dahil masakit sa mata ang biglaang sinag ng liwanag, pero maya maya ay naka-adjust din naman siya roon.‘Napasarap pala ang tulog ko…’ isip ng dalaga habang pumupungay ang mga mata.Tatayo na sana niya nang dumako ang tingin niya kay Rozen, na mahimbing ang tulog sa tabi niya ngayon. Tinitigan niya ito.‘Gising man o natutulog, ang guwapo niya pa rin.’Pinagmasdan niya ang features ng lalaki—isang bagay na ngayon niya lang kayang gawin dahil madalas ay nauunang magising si Rozen kaysa sa akn’ya.‘Grabe n

  • Entered The Wrong Room, Claimed By The Billionaire   Chapter 243: Sorry, Pero Kailangan Kita Ngayong Gabi

    Nakaupo man sila, ngunit ramdam ng dalaga ang panginginig ng kan’yang legs, pati na rin ang pamamasa ng nasa pagitan ng kan’yang hita.“H-Hindi na ako makahinga… please…”Sa pagmamakaawa niyang iyon, doon pa lang siya pinakawalan ni Rozen.“Haah…”Huminga nang malalim si Lianne habang nakakapit pa rin sa magkabilang braso ng lalaki. Halos nagluluha rin siya dahil sobrang sensitive ng kan’yang katawan.At imbes na maawa roon si Rozen, mas lalo lang nag-init ang pakiramdam niya. Gusto niyang nagkakaganito si Lianne ngayon dahil sa kan’ya.‘Gusto ko siyang halikan ulit,’ isip ni Rozen bago dinilaan ang pang-ibabang labi. ‘Fuck it.’Wala na siyang pakialam pa kung nasa labas ang kotse niya ngayon, o kung may kakatok man sa bintana niya maya maya.Kung may iistorbo man sa kanila ngayon ay siguradong malilintikan sa kan’ya!“I-Ikaw…” wika ni Lianne habang nakatitig sa binata. Kinagat niya ang ibaban

  • Entered The Wrong Room, Claimed By The Billionaire   Chapter 242: Sabihin Mong Nami-Miss Mo Ako, At Uuwi Ako Kaagad

    Huli na ang lahat nang mapag-isipan ni Rozen ang kan’yang ginawa, dahil na-send na niya kay Lianne ang mensahe.“Tangina,” napamura na lang ang lalaki dahil sa katangahang ginawa. “Dapat, hindi na lang ako nag-chat sa kan’ya.”Bibitiwan na sana ni Rozen ang kan’yang phone, pero natigilan siya nang makita ang reply ng dalaga.[Kailan ka babalik?]Noong una ay hindi pa mapaniwalaan ng lalaki na iyon talaga ang chat ni Lianne, kaya binasa niya ‘yon ulit.Hindi nawawala ang mensahe, kaya ibig sabihin ay totoo ang nababasa niya, at hindi isang panaginip.‘Nami-miss mo na ba ako, Lianne?’ isip ng binata bago mas lumawak ang kan’yang pagngiti. Nawala na ang lungkot na nararamdaman niya sa loob ng ilang araw.Parang mapupunit na nga ang kan’yang labi dahil sa pagngiti nang magtipa siya ng reply. Sa wakas, nag-initiate rin ang dalaga na mag-open up sa feelings nito.[Do you miss me?]Bahagyang gumalaw

  • Entered The Wrong Room, Claimed By The Billionaire   Chapter 241: Ano Dapat 'Yong Sasabihin Mo?

    Ikinuyom ni Rain ang mga kamay habang nagpipigil ng inis.‘Bakit sobrang cold niya sa akin kahit limang taon kaming hindi nagkita?’ isip niya habang nakatiim ang bagang.‘Kahit naman kakakita lang namin ulit, dapat hindi kami ganito kalayo sa isa’t isa. Magkaibigan pa rin naman kami…’Bigla tuloy siyang may naalala habang nagmumuni-muni. Ang araw ng kaarawan niya, five years ago.Sa tingin niya ay roon nagsimula na b-in-lock siya ni Lianne sa social media sites. Inimbita rin niya itong magpunta sa celebration niya, ngunit hindi dumating ang dalaga.‘Nangako siyang pupunta noong araw na ‘yon. She’s not the type of person na sisirain ang pangako niya,’ isip pa ng lalaki. ‘May narinig ba siyang kakaiba?’—Paglabas naman ni Lianne sa manager’s office at pagbalik niya sa kan’yang cubicle, kaagad na lumapit sa kan’ya si Jennica para makitsismis.“Anong nangyari sa loob? Bakit ang tagal mo roon?” tanong pa nito, may kuryosidad sa tono ng kan’yang boses.Ang alam niya kasi ay magpapasalama

  • Entered The Wrong Room, Claimed By The Billionaire   Chapter 240: Bakit Ang Cold Niya Sa Akin?

    Matagal man, ngunit hindi sumuko si Rain na hanapin si Lianne. Kapag nakita niya ang dalaga, gusto niyang magtanong kung bakit hindi ito nag-apply sa university kung saan dapat sila mag-aaral.‘Alam kong kaya niya ring pumasa roon. Matalino siya,’ isip pa ng binata. ‘At saka, bakit b-in-lock niya ako sa lahat, na para bang wala na siyang balak makipagkita sa akin kahit kailan?’Pero ngayong magkaharap na silang dalawa, halos hindi siya makapagsalita.Napagtanto niya lang kung gaano niya na-miss ang dalaga, at kahit pigilan niyang ilabas iyon ay nahihirapan siya.“Thank you…” ang tanging sagot ng dalaga at bahagya pang yumuko.Sa mga oras na ‘yon, natutop ni Rain ang hininga.‘Thanks?’ tanong niya sa isip. ‘Katulad pa rin pala siya ng dati. Mabait siya sa lahat, na para bang hanggang pagkakaibigan lang ang kaya niyang ibigay sa mga taong makakasalamuha niya…’“How have you been for the past years?” tanong ni Rain sa mababang tono.“Sakto lang,” maikling sagot ng dalaga.“Do you have…”

  • Entered The Wrong Room, Claimed By The Billionaire   Chapter 239: Pinaglalaruan Ba Ako Ng Tadhana?

    Lumingon si Lianne habang pumapalakpak, at napaawang ang kan’yang labi nang makita kung sino ang lalaking nasa harapan nila ngayon.“Hala, ang pogi!”“Totoo nga ang tsismis! Bata na nga, ang yummy pa!”“Talagang pinagpala tayo ng universe today! Ito na nga, magpapakabait na ako!”“Shit, ang pogi, mga ‘te. Nahuhulog na yata ang panty ko!”Ilan lang ‘yan sa mga bulungan ng ibang mga katrabaho ni Lianne nang makita rin nila ang lalaking katabi ng kanilang team leader ngaon.Nakasuot ito ng black suit at pants, at mayroon din itong eyeglasses na kulay silver ang frame, na nag-e-enhance lang ng features nito.

  • Entered The Wrong Room, Claimed By The Billionaire   Chapter 3: Sorry, Dadahan-Dahanin Ko

    Napanganga si Lianne. “Kailangan ko ba talagang hubarin ang pantalon ko?”“Paano ko mache-check ang kondisyon mo kung hindi ko makikita?”Napatango ang dalaga.‘May point siya roon, pero…’Hindi pa rin siya gumagalaw. Nag-aalangan siya. Paano niya iyon magagawa sa harap ng isang lalaki.At hindi la

  • Entered The Wrong Room, Claimed By The Billionaire   Chapter 7: May Boyfriend Na Ako

    Totoo naman ang sinabi ni Lianne. May plano talaga siya ngayong gabi.Niyaya siya ni Eunice sa isang dinner para makapag-catch up sa isa’t-isa. Matagal na rin kasi noong huli silang magkita.Nagkita sila sa isang restaurant.Habang kumakain, kinuwento ni Lianne ang pangha-harass sa kan’ya ng manage

  • Entered The Wrong Room, Claimed By The Billionaire   Chapter 6: Lahat Naman Ng Lalaki, Nagloloko

    Tumigil ang kotse sa harap ng isang mumurahing apartment.Hindi na hinayaan ni Lianne na ipag-drive pa siya ni Rozen hanggang sa parking lot. Baka kasi may makakita sa kanila na kakilala niya.“Okay na ako rito. Dito na ako bababa,” aniya.Pinagmasdan ni Rozen ang paligid. Kumunot ang noo niya. “Di

  • Entered The Wrong Room, Claimed By The Billionaire   Chapter 1: Ang Mainit Na Gabi

    Sa isang presidential suite, nakakalat ang damit ng isang lalaki at babae sa sahig, kasabay ng lumalagablab na init sa loob ng kuwartong iyon.Lumalangitngit ang kama sa bawat paggalaw ng lalaki, dahilan upang mapaungol nang malakas ang babae sa ilalim niya.Ilang oras na rin nang may mangyari sa k

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status