Share

Chapter 23

Asper Reign Dahlia’s Pov

“What the hell did you just do?” sigaw ni Mira matapos kong sabihin sa kanya ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw habang masyado siyang abala sa SweetHeart at hindi nakakapunta sa akin. “You…” Napasapo siya ng kanyang ulo. “Hindi mo ba naisip na sa ginawa mong iyan ay ibinulgar mo sa isang Jyn ang tunay mong pagkatao.”

Natigilan ako. “Wait…”

Gulat siyang napatingin sa akin pagkuwa’y napailing na lang. “Mukhang hindi mo nga iyon naisip.”

“Shit!”

Nakalimutan ko nga ang tungkol sa bagay na iyon dahil sa sobrang pag-aalala ko kay Easter at sa pag-iisip sa problemang nangyayari sa pamilya ko.

At siguro ay dahil masyado na din akong kumportable kina Jyn kaya hindi ko na naisip na baka magkaroon ako ng problema kapag nalaman nila ang tunay kong pagkatao.

Napakamot na lang ako ng ulo tsaka bumuntong hininga. “Well, hindi ko nga naisip iyon nang hingin ko ang pabor ni Jyn.”

“Halata naman.” Napailing na lang siya. “So, paano mo ngayon ipapaliwanag sa kanila ang tu
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status