Share

Chapter 53

Asper Reign Dahlia’s Pov

Ilang araw na din ang nakalipas ng ipaalam sa akin ni Miracle ang tunay niyang pagkatao. At mula noon ay hindi pa kami nag-uusap.

Si Pruska ang pinapapunta niya dito sa bahay para kunin ang mga product namin na kailangang i-deliver.

Hindi din ito pumapasok sa shop at wala din sa kanyang tinutuluyan. Ni hindi tumatawag sa akin kaya nagsisimula na akong mag-alala.

At alam kong isang tao lang naman ang maaari kong kausapin para malaman kung nasaan ang babaeng iyon ngayon.

“Asper?” Bakas ang gulat sa mata ni Jyn nang makita ako sa tapat ng front door ng mansyon niya. “Gabing-gabi na ah. May nakalimutan ka?”

Umiling ako. “Gusto ko sanang makausap si Rajiv.”

“Wala si Rajiv dito,” aniya. Nilakihan niya ang pagkakabukas ng pinto at tuluyan akong pinapasok sa loob na agad ko namang ginawa. “Ilang araw na din siyang hindi umuuwi.”

“Magkasama ba sila ni Mira?”

Bumuntong hininga siya. “To be honest, I don’t really know,” sagot niya. “Nagpaalam lang ang tarantadong iyon na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status