Share

Kabanata 1

Kabanata 1

Thank you

"Ma'am, hindi po ako pumayag sa desisyon ng klase. It was one versus thirty five."

Ma'am Villamor sighed. "Listen, Arielle. I did it on purpose. You need to somehow... change. You're the most silent type in your class. Hindi rin kita nakikitang nakikisalamuha, and you don't even have a friend to hangout with."

Napahawak ako ng mahigpit sa aking palda.

I gritted my teeth. "Ma'am, wala naman po sigurong problema kung tahimik po akong tao at wala pong kaibigan. Gusto ko po na walang gumagambala sa akin. I'm always alone and I'm used to it."

"Arielle, you're not alone. Ikaw lang ang nag-iisip niyan. You're locking yourself out. You think na tinalikuran ka na ng lahat ng tao, that everyone around will betray you."

"Ma'am, pasensiya na po pero may kalayaan naman po ako, hindi po ba? Hindi niyo po kayang pilitin ang isang tao lalo na kung ayaw niya. Please respect my decision, Ma'am. Hindi po ako sasali at hindi niyo po ako mapipilit. Pasensiya na po." Tumayo na ako at bahagyang yumuko. "Sige po, Ma'am, aalis na po ako."

Mabilis akong tumungo sa pintuan. I was ready to open the door when she suddenly spoke.

"You have the talent, Arielle. Why don't you show it to everyone?"

Napayuko ako at mahigpit na hinawakan ang doorknob.

"Matagal ko na pong kinalimutan ang pagtugtog, Ma'am. Hindi na po babalik ang dating Arielle na nakilala niyo. Mauna na po ako," saad ko at mabilis nang umalis.

I clenched my fists at binalikan ang aking naiwang gamit sa classroom.

Ma'am Villamor was one of my teachers sa isang music organization when I was in elementary. She's very fond of me dahil sa talentong mayroon ako. Mahiyain ako mula pa noon pero sa tuwing kasama ko siya, nagagawa kong ipakita kung sino ako. But... the old Arielle was gone at hindi na siya babalik pa.

Isinukbit ko ang aking bag at kinuha ang paper bag.

Napahinga ako ng malalim habang pinagmamasdan ang kabuuan ng classroom.

Alam ko na marami akong kaklase na siyang magagalit sa akin dahil sa makasariling desiyon ko but I can't risk this. Ayoko... ayoko nang balikan at alalahanin pa ang nakaraan.

Tumungo na ako sa gymnasium kung saan naglalaro ang volleyball team. It was just a practice game pero puno ang buong gym akala mo ay may totoong larong nagaganap. Matatangkad ang mga players ng volleyball team, halatang panlaban na sa STRASUC.

Unang sulyap ko palang sa court, kita ko na agad ang CEAT'S Volleyball Captain na si Anzo. Nanatili pa rin ang suplado niyang mukha. His hair was damp at mas lalo atang nagpagwapo sa kanya. Medyo basa rin ang bandang likuran ng kanyang puting white t-shirt. I saw how his sweat rolled down from the side of his forehead down to his neck. And I can't help but to swallow hard. Shit!

Napatalon ako ng bahagya nang makitang nakaspike siya. Anzo was left-handed which is unusual. That's his edge dahil maliban sa matangkad at mataas tumalon, secret weapon niya rin ang pagiging kaliwete. You shouldn't underestimate what a left-handed person can do.

Marami akong nakikitang babaeng college students, cheering for Anzo's group. Hindi na ako magtataka dahil maliban sa basketball team, makikisig at gwapo rin ang nasa volleyball team. To my point of view, mas nakakaattract ang lalaking naglalaro ng volleyball. Basta, I find it hot.

Napatayo na ako nang matapos ang laro, readying myself. Maybe pwede ko nang ibigay sa kanya itong jacket.

I thought it was easy na makalapit sa kanya but I was wrong. Napahigpit ang hawak ko sa paperbag at agad napaatras nang makitang may babaeng nag-abot sa kanya ng twalya at isang bottled water. Inilagay pa ng babae ang braso nito kay Anzo. Perhaps, his girlfriend dahil hindi man lamang siya umangal. Panay rin ang kantyaw ng kanyang team mates. I even saw the girl kissed his cheek.

Nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib. What is this feeling?

Nabalik lamang ako sa reyalidad ng may makabangga sa akin. "Oops, sorry."

To my surprise, it was Gwyneth once again. Natapon ang hawak nitong frapuccino sa aking puting blouse.

She smirked at me and played her lips

"Tumingin ka kasi sa dinaraan mo. Anyways, serves you right, bitch."

Hindi ako papatol at kahit kailan, hindi ako papatol. Pinalaki ako ng mga magulang ko nang maayos. I'm not that cheap. For me, silence is my way of vengeance. I won't stoop that low para patulan pa siya.

Huminga ako ng malalim at nagpabalik ang tingin kay Anzo at sa paper bag. Marami ang nakapaligid sa kanya and I can't show up like this. Isa pa, baka mafreak out lang 'yong ibang kasamahan nila that an unknown and silent Grade-12 student suddenly showed up. They might bully me.

Napabuntong hininga na lamang ako.

"Maybe next time," I whispered at nagpasya nang umalis.

Nagtungo ako sa likod ng gym kung saan naroon ang mga faucet. Inilagay ko muna saglit ang paper bag sa tabi at kinuha ang tissue sa aking bag.

I breathed heavily and stared at my uniform. Maging ang neck tie ko ay mayroon ding mantsa.

Gwyneth. She hates me that much? Nananahimik ako then biglang boom? She said it's not intentional but by the looks of it, sinadya niya!

Bumuntong hininga ako at binasa na lamang ang hawak na tissue.

"Magmamatsa 'to, panigurado. Ingat na ingat na nga ko sa uniform ko, e," I whispered and for the nth time, sighed heavily.

"That was heavy."

That voice. Mabilis na tumibok ang puso ko at nanlamig ang aking buong katawan. Namuo na rin ang pawis sa aking noo. I swallowed hard because of the tension I am feeling.

Agad akong napalingon sa nagsalita and I saw Anzo na siyang kabubukas lang ng gripo. Hinugasan niya ang kamay at binasa ang buong mukha. Agad niya rin itong pinunasan gamit ang puting twalya na nasa kaniyang kanang balikat.

Kailan pa siya dito?

"You're easy to read. Kanina pa ako nandito and you're very busy that you didn't even notice my presence." He licked his lips, and stared at me.

Nanuyo ang aking lalamunan. Masyado akong nagulat para makapagsalita pa. Kinagat ko ang aking labi saka siya tinitigan.

Pinasadahan niya ang kanyang basang buhok gamit ang daliri. Sinundan ko ng tingin ang kanyang galaw, at para akong hinihele. From his furrowed brows down to his moving adams apple. I was mesmerized by it all kaya napaatras ako ng bahagya. He's so manly that I think he's too much. He's too much for me. He's very intense na para bang mauupos ako.

"If it's not rude to ask... Are you scared of me?" biglaan niyang tanong habang nakakunot ang noo dahilan kung bakit ako natigilan.

He smirked.

"N-no... N-Nagulat lang ako," bawi ko at muling kinagat ang aking labi.

Kunot noong tumingin sa akin si Anzo, tila may inaanalisa. Pinasadahan niyan ako ng tingin mula ulit hanggang paa. Naging conscious ako roon.

"You look skinny. Hindi ka ba kumakain sa tamang oras?" tanong niya.

"I... uh..."

"You don't have to be nervous around me. Hindi ako nangangain ng tao."

Nakita ko ang bahagya niyang pagngiti. Amused, I guess.

"I'm n-not nervous."

Another smile plastered on his lips. "You are? But you're stuttering."

My face heated. You just stated the obvious, Arielle!

"By the way, don't tire yourself too much, especially gabi ang shift mo."

Napakurap ako ng ilang beses dahil para bang alam niya na night shift nga talaga ako sa trabaho.

Malamang Arielle, nandoon siya noong nakatulog ka sa labas. He even gave you his jacket nga diba?

Oh, damn!

Agad kong kinuha ang paper bag at inilahad ito sa kanya. Nanginginig pa ang aking kamay at sana lang ay hindi niya napansin iyon.

Nagtatanong ang kanyang mga matang tumitig sa akin.

"T-that's your j-jacket. T-thank you for lending it to me, l-last night," I stuttered.

God, Azerielle! Can you please calm down?!

Napahawak ako ng mahigpit sa aking palda dahil sa kaba. Hindi ko na alam kung ano ba ang gagawin. Dapat na ba akong umalis?

"What's this?"

The side of his lips rose suppressing a smile. I thought it was because of the jacket pero mali ako, it was because of the little box I made with a sticky note on top.

Kinuha niya ito sa loob ng paper bag. Naalerto ako dahil mukhang bubuksan niya na ata.

"N-no, wait! Just open it k-kapag nakaalis na ako. I-It was a simple g-gift, my way of s-saying thank you."

Wrong move, Azerielle!

He grinned na para bang mas lalo pang nacurious sa laman noon.

"Sandali la-"

I was too late dahil nabuksan niya na ito. Pinamulahan ako ng mukha at isang beses na umatras. No. I can't face him dahil masyadong nakakahiya.

Inilabas niya ang laman no'n gamit ang kanyang kaliwang daliri. Kumurap siya habang nakatitig sa hawak.

"I-It's me..." may paghanga niyang saad at ineksamina ang kabuuan non.

It was a personal made keychain, a chibi version of him, wearing his varsity uniform with his arms crossed. May kasama itong bola na may pangalang Mikasa.

"Y-You made these?"

Napakurap ako at dahan dahang tumango. Sobrang pula na ang aking mukha at tumaas na yata lahat ng dugo ko sa katawan.

He chuckled sexily nang makita ang ekspresiyon ng chibi. Kinagat ko ng mariin ang aking labi at tingin ko'y dudugo na ito sa sobrang diin. Ginawa kong suplado ang chibing iyon with creased eyebrows because that's my first impression on him.

He chuckled again but this time, dinig na dinig ko na dahilan kung bakit mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. It was my first time hearing him chuckled this close and... ang sarap sa pandinig.

"Ano yan, Cap?"

Nanlaki ang aking mga mata dahil sa biglaang pag-akbay ng isang lalaki sa kanya. It's his friend! No. It's not just one but the whole team!

"What's that?" tanong ng natatandaan ko'y Oleos. Napadako naman ang tingin sa akin ng iba pang kaibigan ni Alanzo tila inaalala kung saan ako nakita.

"Whoah! Ikaw 'yong sa..."

"Ikaw 'yong babae sa convenience store!" Napitlag ako at napapikit dahil sa sigaw na iyon ng naaalala ko'y si Harper.

"Gago, Harper! Tinakot mo nanaman," siko ng isang medyo chinitong lalaki.

Nahihirapan na akong huminga dahil sa kaba kanina kay Alanzo at ngayon nama'y nadagdagan pa dahil sa presensiya ng mga kaibigan niya.

Biglang nagseryoso si Alanzo dahil sa inasal ng mga kaibigan. Kinain niya ang distansiya namin at mabilis akong hinila.

"Hey, Anzo! Where are you going? May game pa!" sigaw ni Oleos.

"Babalik ako. Sandali lang 'to," simple niyang saad at nagpatuloy na sa paglalakad. Kumalabog lalo ang puso ko dahil sa magkahawak naming kamay.

Nang makarating kami sa gate, pinagtitinginan na kami ng mga estudyanteng dumadaan. This guy is popular pero hindi manlang siya naiilang!

He looked at his wristwatch before turning to me.

"It's almost 4:30PM, thirty minutes before your shift. Pasensiya na sa mga kaibigan ko. They're just... crazy."

"Ayos lang. M-medyo nagulat lang ako sa pagsigaw ng isang kaibigan mo, Anzo."

Tumaas ang gilid ng kanyang labi tila may nakakaaliw sa sinabi ko. Kunot noo ko siyang tiningnan saka lang rumihestro ang aking sinabi. I just called him by his name!

"Oh! I'm sorry. S-should I call you, Kuya? Kuya Anzo?" Napangiwi ako habang sinasabi iyon.

He chuckled. "Call me whatever you please, kung saan ka komportable."

"T-then, it's okay if I call you, A-Anzo? Without the Kuya?" I asked nervously.

"Yeah. Anzo will do." He suppressed a smile.

Hindi ko alam na sa mga simpleng pagpipigil niya ng ngiting iyon, he'll looked cute and handsome at the same time.

Napatango ako at napatingin sa aking relo. "I-I should go. M-malilate na ko sa trabaho."

Mabilis akong tumalikod at hindi na lumingon pa sa kanya. Nahihiya na rin ako dahil baka mamaya machismis pa siya. Dumarami na ang nag-uusisa!

Nailang ako at napahawak ng mahigpit sa hawakan ng aking bag. Mas lalong domoble ang tibok ng aking puso dahil maliban sa mga taong tumitingin, hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang kamay niyang nakahawak sa akin kanina.

"Azerielle Ileira..."

Agad akong napahinto at kinakabahang humarap sa kanya. He knew my name!

"Is it okay if I call you... Eira?"

Eira. That's sounds nice. Azerielle o Arielle ang kadalasang tinatawag nila sa akin but I didn't know Eira sounds good too.

"Call me whatever you please, kung saan ka komportable," gaya ko sa sinabi niya at matipid na ngumiti.

Tumaas ulit ang sulok ng kanyang labi nang mapagtantong binalik ko sa kanya ang kanyang sinabi kanina kaya't nagmistulang kamatis nanaman ang aking mukha.

"By the way, thank you for the keychain."

Tumango ako at mabilis ng tumalikod dahil kapag hindi ko pa ginawa, magmumukha akong baliw. I can't even talked properly at lagi na lang akong nauutal.

Nilingon ko siya ng isang beses and hindi pa siya umaalis sa kinatatayuan tila binabantayan ako sa pag-alis. My face heated at mabilis nang naglakad.

Hindi naman ako nalate sa trabaho dahil malapit lang naman ito sa PSU.

"Good afternoon, Ate Micay," bati ko.

"Ganundin sayo, Arielle. Siya nga pala, wala dito si Marco. Mawawala siya ng ilang linggo dahil may balak siyang magpatayo ng convenience store sa El Nido. Naghire din siya ng dalawa pang part timer. Nanggaling din sila sa PSU, they're inside. Puntahan mo na lang."

"Sige po."

Dalawang bagong part timer? Who could it be?

Pagbukas ko ng locker, dalawang hindi pamilyar na mukha ang siyang tumambad sa akin. Luckily, pareho silang babae. They're both beautiful at ang pinagkaiba lang ay ang kulay ng kanilang balat at style ng buhok.

Ang isa'y nakapusod at medyo morena. Matangkad ito at mahahalata mong palakaibigan. Ang isa nama'y straight at katamtamang haba ng buhok. Maputi at medyo hindi nalalayo ang tangkad sa akin. Katulad ng nakapusod ang buhok, palangiti rin ito. They're both friendly, I guess.

"H-hi?" saad ng may katamtamang haba ng buhok.

"H-Hello," balik ko.

Napangiti ang nakapusod na buhok sa akin at dahan dahang lumapit.

"You're Arielle, right? I'm Paige and this is Nelsine but you can call her Elsie."

Agad niyang inilahad ang kanyang kamay at mabilis ko rin itong tinanggap. Gayundin ang ginawa ng babaeng pangalan ay Nelsine.

"We're both second year college. Let me guess, you're on our batch or nasa third year ka na?" tanong ni Paige sa akin.

Pinamulahan ako ng mukha dahil for the nth time, napagkamalan nanaman akong college student!

"N-no, Grade-12 pa lang ako," nahihiya kong saad.

Nagkatinginan silang dalawa at hindi ata makapaniwala sa sinabi ko.

"No way. How old are you, anyway?"

"S-seventeen pa lang ako."

Agad siyang lumapit sa akin at ineksamina ang aking katawan.

"Woah. You like like in your mid 20s. Hindi ko aakalaing seventeen ka palang pero teka, minor de edad ka pa, a. Bakit ka pinayagan ni Sir Marco?" curious na tanong ni Elsie sa akin.

"K-kailangang kailangan ko kasi ng trabaho at isa pa, hindi naman daw mahahalata dahil sabi niyo nga mukha na akong bente."

Tumango tango si Elsie at nakumbinsi sa sinabi ko.

"Hindi pa rin ako makapaniwala. Perfect-shaped chest, flat waist, and big round butt."

Napitlag ako dahil mabilis na hinampas ni Paige ang aking pang-upo. Pinamulahan ako ng mukha at napaatras ng bahagya.

"You're cute, Arielle!"

"With your body and looks, papasa ka bilang model," manghang saad ni Elsie sa akin.

"I think I found my girl crush na, Elsie!" abot tengang saad ni Paige at agad lumingkis sa aking braso.

"Call me Paige and huwag nang ate, okay?"

"The same goes with me," ngiti pa ni Elsie.

Tulala akong nagbihis ng aking damit. Someone had touched my butt and they are talking to me as if I'm their old acquaintance. Mapapasubo ata ako.

Nang makalabas sa locker, nakita ko agad si Paige na kumaway sa akin. Agad namang bumaling sa akin si Ate Micay na nasa cashier.

"Good to see na nagkakamabutihan kayong tatlo. By the way, Arielle, sila ang makakasama mo sa panggabing shift. Medyo malaki rin kasi ang kita kaya't hindi na nag-atubili pa si Marco na i-hire ang dalawang 'yan. Maghahire din si Marco ng lalaking part timer, hindi ko lang alam kung kailan. Busy kasi 'yon sa El Nido. One more thing, there are times na wala kaming dalawa at kayong tatlo lamang ang maiiwan. But before that happens, imomonitor ko pa ang performance ng dalawang 'yan," ani ni Ate Micay sabay nguso sa dalawa.

"Ganon po ba? Pero kung tatlo po kami sa ala-sinco hanggang alas-nueve, sino po ang pangmadaling araw?"

This convenience store is 24 hours open kaya't kailangan ng kapalit namin at isa pa, maganda na na tatlo kami dahil mas mababantayan ang mga taong pumapasok. May nangyayari kasing insidente na kunyari bibili but the truth is, hindi naman talaga at alibi lang nila 'yon. Sinasamantala nila na walang nakatingin at ayon, pasimpleng nagnanakaw. Hustler na kumbaga. May CCTV nga pero hindi naman gaanong nababantayan dahil dalawa o tatatlo lang ang nagbabantay.

Marami ang bumibili kaya't kahit ako'y nahihirapan din. Sa sobrang dami, hindi ko alam kung nanakawan na ba kami o hindi.

"Kami na ang bahala roon ni Marco. But for now, ituro mo muna sa dalawang iyon ang gagawin. What's their name again? Paige and Nilisine?"

I chuckled. "Nelsine po pero I think, Elsie po ang palayaw niya."

"Hmm, Paige and Elsie. Okay. Go ahead, Arielle. Ikaw na'ng bahala sa kanilang dalawa, okay?"

Tumango ako at dahan dahang nagtungo sa kanilang dalawa na ngayon ay nasa book section.

"Hi, Azy!"

Azy? Did she just create a nickname for me?

"Waaah! Grabe. Hindi pa rin ako makapaniwala. Ang bata mo pa pero biniyayaan ka na ng napakandang regalo," saad ni Elsie na mariing nakatitig sa aking hinaharap. Naconscious ako kaya't peke akong ngumiti.

Mabait silang dalawa at halatang seryoso pagdating sa trabaho. May experience na sila kaya't it's easy for them to follow. Natatawa ako minsan dahil naaabutan ko si Elsie na hindi maiwasang tumitig sa akin. What's the deal sa ganitong katawan?

"Good evening, Sir! Welcome to Happy Store!" bati ni Paige sa bagong dating na customer.

Wow. She's very sociable. Ako nga hanggang ngayon e nauutal pa ako kapag babati ng customer. Maliban na lang kapag close ko na ang customer, kagaya ni Lolo Kiko at Ma'am Susan.

Napabaling ako sa kabuuan ng store. May lahing Koreano si Sir Marco Park, halata pa lang sa apelyido nito. That's why my touch of Korean style itong convenience store. May mga upuan at mesa sa labas samantala may nakakonekta ring mesa at upuan sa loob ng glass wall. Doon ang madalas kong pwestuhan dahil kita ang labas nito.

I was busy arranging the books and magazines. Bigla na lamang akong napahinto nang makarinig ng tawanan sa labas. Madali ko itong nakilala dahil sa glass wall.

It was once again, the volleyball team. Pero ang nakakuha ng atensiyon ko ay si Anzo na nakatitig sa akin at nagpipigil ng ngiti.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status