Share

Kabanata 2

Kabanata 2

Reality

Agad akong nailang, hindi makayanan ang titig ni Anzo. Napaiwas ng tingin. Pinakiramdaman ko ang sarili at mabilis nanaman ang kabog ng dibdib ko. Kailangan ko na atang magpacheck up dahil hindi na normal ang tibok ng puso ko. Wala naman siguro akong heart disease, hindi ba?

Pumasok ang kaibigan niyang si Harper at agad tumungo sa akin.

"Arielle, hindi ba?" tanong niya agad sa akin na medyo nahihiya.

Napakurap ako dahil hindi ko inaasahan ang biglaan niyang paglapit.

"O-oo."

"I'm Harper. Pasensiya na pala kung natakot kita kanina. Uh, I forgot my manners," paghingi niya ng tawad at kinamot ang batok tila nahihiya.

Napangiti ako ng bahagya. "Ayos lang, naiintindihan ko."

Nakitaan ko ng gulat ang kaniyang mga mata dahil sa biglaan kong pagngiti kaya't napaayos siya ng tayo. Namula siya at napaiwas ng tingin.

"S-sige. I better go. Sorry ulit." Nagmadali siyang naglakad patungo sa section ng mga inumin.

"What the!"

Agad akong naalerto dahil sa biglaang pagsigaw ni Elsie. Agad akong tumungo sa kinaroroonan niya and to my surprise, nakaturo siya sa lalaking kaibigan ni Anzo.

"What the heck are you doing here?!" singhal ni Elsie.

The guy grinned and unti unting inilapit ang mukha sa kanya.

"Obvious ba? Bibili ako. Ano bang ginagawa sa convenience store? Magpapagupit?" He smirked. "Hmmm. By the way it's nice to see you here, Elesi."

Nanlaki ang mata ni Elsie at namula ang mukha dahil sa galit. "It's Elsie not Elesi!"

Naningkit ang mata noong lalaki at ngumisi. "I prefer calling you Elesi and you don't have a say on that."

Mabilis na lumapit ang lalaki sa kanya at mabilis siyang hinalikan sa labi.

Nanlaki ang aking mata at napatakip ng bibig. Nakarinig ako ng hagikgikan sa labas and there, I saw Anzo's group na siyang nanunood rin pala. May iba pang nag-aapir, even the captain grinned.

Bumalik ang tingin ko kay Elsie at nakitang pulang pula na sa galit ang kanyang mukha. Sisigaw na sana siya kung hindi lang dumating si Ate Micay.

"Anong kaguluhan 'to?"

I swallowed hard. Nagkatinginan kaming tatlo nina Elsie at Paige. If Ate Micay found out na ganito sila sa customer e paniguradong hindi sila aabutan ng linggo rito.

"U-uh, m-magkakilala po kasi sila k-kaya nagbatian ng hali-" Nakagat ko ang aking labi kaya't napahalakhak iyong lalaki.

"I-I mean, nagkabatian po sila. D-diba, Elsie?" pangungumbinsi ko.

Ngumiti naman ng pagkatamis tamis si Elsie at hinawakan sa bewang iyong lalaki.

"Opo! Magkaibigan po kami at matagal nang hindi nagkita, hindi ba Calvin?" Pinandilatan ni Elsie iyong lalaking nanghalik sa kanya at pasimple itong kinurot sa likuran.

"Ara-Ah haha. Opo!" pekeng ngiti ni Calvin na ngayo'y hindi na maipinta ang mukha.

Kung hindi lang dahil sa customer na magbabayad baka nangusisa pa si Ate Micay.

"Magkaibigan pala, huh?" asar ni Calvin at nakakalokong ngumiti.

"Mamaya ka na makipaglambingan diyan, Calvin. Gutom na kami!" sigaw ng kaibigan ni Anzo na nagngangalang Oleos na nasa may pintuan na pala.

"Later, babe," saad ni Calvin at mabilis nanamang hinalikan sa labi si Elsie. Kumindat pa ito bago tumakbo palabas. Samantala, namula naman si Elsie at gusto na atang saktan si Calvin.

"Ugh!" snghal niya at mariing pinunasan ang labi.

"Arielle!" mangiyak ngiyak na saad ni Elsie saka lumapit sa akin.

"Thank you! Baka maaga kaming nasesante sa trabaho kung hindi dahil sayo! Sorry at nakita mo pa yun. Malalagot talaga sa akin 'yong unggoy na Calvin na yun!"

Panay ang hingi ng tawad sa akin ni Elsie. Medyo hindi ko lang naintindihan ang part kung bakit siya hinalikan ni Calvin, though I'm curious what's their score, pinalampas ko na lang 'yon. Abala si Elsie sa pagkukwento ng makita ko si Lolo Kiko na ngayon ay patawid na ng pedestrian lane. May dala itong tungkod at hindi makatawid dahil sa wala namang traffic light na naroon.

"Sandali lang, Elsie."

Patakbo akong lumabas kaya't nakuha ko ang atensyon ng volleyball boys na ngayon ay umiinom at ang kumakain ng cup noodles.

Hindi ko na lang sila pinansin at nagtuloy tuloy na sa pagtakbo. Mabuti na lang at walang sasakyang dumaraan kaya't madali akong nakatawid.

"Lolo Kiko, bakit kayo lang po? Asan po si Linda?" tukoy ko sa kanyang apong babae na madalas niyang kasamang bumili.

"O, Azerielle, ikaw pala. Wala si Linda, may pinuntahan," ngiti ni Lolo Kiko at inayos pa ang kanyang salamin.

"Lolo Kiko, sana po inantay niyo na lang siya. Mahihirapan po kayo sa pagtawid."

"Malakas pa ako, Azerielle," pagyayabang niya kaya't napahinga ako ng malalim.

"Tara na po, Lolo Kiko. Sasamahan ko na po kayo," ngumiti siya bilang ganti. Inalalayan ko siyang naglakad at pinapara ang iilang sasakyan na dumaraan.

Nang makarating sa harap ng convenience store, pinamulahan ako ng mukha nang makitang nakatingin ang volleyball boys sa akin pati na rin si Elsie at Paige. Kinalma ko ang aking sarili at pinaupo na si Lolo Kiko, dalawang mesa ang layo sa grupo ni Anzo.

"Ako na po ang bibili, Lolo Kiko. Dito na lang po kayo sa labas maghintay. May dala po ba kayong listahan?" tanong ko.

May kinuha siya sa kanyang bulsa at inilahad sa akin ang isang papel na nakatupi. Sa loob no'n ay ang perang pambayad.

"Saglit lang 'to, Lolo." Ngumiti ako at agad tumungo sa loob. Kumuha ako ng tray na nasa tabi lamang ni Paige.

"Lolo mo, Azy?" tanong niya sa akin.

"H-hindi, Paige. Regular customer siya rito. Hindi niya nga lang kasama iyong apo niya."

"Si Lolo Kiko ba 'yon, Arielle...?"

I saw Ate Micay around the corner na patungo sa akin.

Agad akong tumango sa kanya. "Opo. Wala po si Linda kaya't mag-isa lang siyang pumunta rito."

"Ganun ba? Sandali lang, puntahan ko lang. Ikaw na muna ang bahala," dagdag niya pa.

Nagtungo na ako sa food section. Tiningnan ko ang listahan at napahinga ng malalim. Naningkit ang mata ko sa nabasa. Bakit ang hilig ni Linda sa pancit canton? Hindi ba't masama iyon kay Lolo Kiko kapag inaraw-araw ang kain no'n? Last week, ganito rin ang binili nila.

Wala na akong nagawa kundi ang sundin na lang ang nasa listahan. Siguro nama'y alam na rin ni Linda na masama ito sa kanyang lolo.

Nagtungo na ako sa counter at kinuwenta ang lahat. Dinoble ko na ang plastic dahil may balak akong ihatid si Lolo Kiko.

Naabutan ko siya sa labas na kausap si Ate Micay. Napadako ang tingin ko sa kanilang lamesa at naroon pa rin sila. How long are they planning to stay here? Kanina pa sila dito a.

"Azerielle, ako na ang maghahatid kay Lolo Kiko. Bantayan niyo na muna itong tindahan. Magtatricycle na lang kami."

Tumango ako at ibinigay kay Ate Micay ang dalang plastic.

"Siya nga po pala, Lolo Kiko. Pakisabi po kay Linda na huwag po kayong masyadong pakakainin ng noodles. Masama po iyon sa kalusugan niyo," paalala ko.

Napangiti si Lolo Kiko. "Sasabihan ko siya, Arielle. Salamat ng marami."

"Walang anuman po iyon, Lolo. Sa susunod po, huwag po kayong umalis ng walang kasama, a."

Hinatid ko sila sa gilid upang mag-abang ng tricycle. Medyo malayo ang bahay nila Lolo Kiko kaya nakakatakot kapag mag-isa lang siya tutungo rito.

Kumaway ako habang sinusundan sila ng tingin. Maya-maya pa nakaramdam ako na may lumingkis sa aking hita.

"Ate Arielle..."

Napangiti ako sa maliit na batang nakangiting nakatitig sa akin. At sino nanaman ang kasama niyang tumungo rito? Hapon na, a.

Sumilip ako baka kasama niya ang kanyang yaya o kuya pero wala akong nakita.

"Aidan..." Ngumiti ako at binuhat siya.

He smiled sweetly showing his deep dimple on his right cheek. He's Aidan, a three year old baby boy. Madalas siyang pumunta sa Happy Store upang kumain ng ice cream o kung hindi naman, he'll going to stay dahil babantayan niya raw ako. I don't know pero magaan talaga ang loob ko sa batang ito.

He's very fond of me at madalas siyang tumatakas sa kanila para lamang makapunta rito. Minsan nga ay natatakot ako dahil baka kung mapano pa siya.

"Tumakas ka nanaman ba sa inyo?" tanong ko sa kanya.

Cute siyang tumango kaya't pinisil ko ang kanyang pisngi.

"I'm going to buy ice cream!" he said happily. I chuckled at hinawakan ang kanyang kamay. Iginiya ko siya sa loob.

Pinaupo ko siya sa loob at harap ng glasswall at hindi talaga ako nag-iisip dahil kaharap pa namin ang grupo ni Anzo.

What's with them? Wala ba silang balak umalis? I mean, wala namang problema pero... they've been here for almost one hour already at wala na rin silang kinakain o iniinom. Ginawa pa ata nilang tambayan itong convenience store.

"I want cookies and cream flavor, Ate Arielle!!" pang-aagaw ng atensiyon ni Aidan.

"Okay, baby boy. One cookies and cream, coming right up," saad ko sa kanya na ngayon ay siyang tuwang tuwa.

Aalis na sana ako pero agad niyang nahawakan ang laylayan ng aking loose shirt. Ngumuso siya at may kinuha sa bulsa. Inilahad niya iyon sa akin at nagulat ako dahil twenty pesos iyon!

Hindi ko na napigilang mapahalakhak. May dala siyang pera! Goodness! This child is something!

Ngayon kang siya tumungo dito na may dalang pera.

"Where did you get this?" I chuckled.

"That's my ipon. Kuya gave me piso coins and I saved it to buy dito po."

Napangiti ako dahil sa batang nasa aking harapan. Ang kuripot talaga ni Raven sa kapatid niya.

"O, sige. Wait here, okay? I will get your ice cream."

Nakangiti akong tumungo sa ice cream section.

"Uy, Arielle. Sino yung poging batang 'yon? Kapatid mo?" Elsie curiously asked.

"Hindi ko kapatid 'yon. Kapatid ng kakilala ko. Regular customer din sila dito," pagpapaliwanag ko at kinuha ang maliit na cup ng cookies and cream flavored ice cream.

"Ang gwapo at ang bibo ng batang iyon, a," manghang saad ni Elsie

Napansin ko si Paige na palapit din sa aking kinaroroonan. "Azy, bakit andyan pa yang mga 'yan? Tambay ang peg? Kanina pa sila, a."

"Hayaan niyo na, mukhang pagod na pagod dahil sa training. Maiwan ko na muna kayo. Hatid ko lang 'to," paalam ko sa kanila.

Napakurap ako ng hindi ko nakita si Aidan sa upuan na siyang pinagiwanan ko sa kanya. Nanlaki ang mata ko ng makitang naroon siya sa grupo ni Alanzo. Anong ginagawa niya roon?

Dali-dali akong nagtungo sa kinaroroonan nila. Nang nasa may pintuan, naabutan kong aliw na aliw na nanood ang mga barkada niya.

"Why do you keep on staring at Ate Arielle, po?! Do you like her?" tanong ni Aidan na may nanlilisik na mata. Nanlaki ang aking mga mata dahil nakaturo siya kay Anzo!

"Why, young man? Do you like her too?" Anzo grinned.

"I love her!" saad ni Aidan habang nakakuyom ang dalawang kamao.

"Ohhhh," asar ng mga kaibigan ni Anzo. May iba pang napapailing at natatawa.

Yumuko ng bahagya si Anzo upang magkatapat sila ni Aidan.

"What's your name?" tanong ni Anzo sa bata.

"I'm Aidan! And I will marry Ate Arielle when I grew up, po!" Aidan exclaimed with brows creased.

"If you want to marry her, then you must protect her at all cost."

Anzo smiled at ginulo ang buhok ng bata.

"Y-you're not angry po?"

Alanzo suppressed a smile. "Why would I?"

"Because you said, you like her too po!" bawi ni Aidan ngunit ngumiti lang ng bahagya si Anzo.

"Take care of her, okay?" ani ni Anzo at isinukbit na ang kaniyang body bag.

"We'll be going. Nice to meet you, Aidan," paalam ni Anzo at muli nitong ginulo ang buhok ng bata.

"When you grow up, matutulad sa akin 'tong batang 'to. Napakapossessive," iling ni Oleos.

"Apir tayo! From now on, vibes na tayo. Call me Kuya Harper!"

"V-Vibes?" takang tanong ni Aidan.

Ano bang tinuturo nito sa bata?!

"Basta friends na tayo! Here's your Kuya Calvin, Kuya Abran, Kuya Casper, Kuya Oleos, and that man you talked to earlier is your Kuya Anzo," ngiting pakilala ni Harper sa mga kaibigan.

Sa lahat talaga, si Harper ang pinakamadaldal. Napadako ang tingin ko sa ipinakilala niyang Abran. Right! Siya yung lalaki na ngumiti sa akin noong unang pagpunta nila rito.

"Here, Aidan. You like ice cream, right? Treat na namin. Eat all the ice cream you want."

Nakatulalang tinanggap ni Aidan ang perang ibinigay ni Harper. May binulong pa ito sa kanya at itinuro so Anzo. What was that?

Ngumiti si Harper at nakipag-apir sa bata. Maya maya pa ay lumakad na silang anim paalis. Sinundan ko sila ng tingin and they are all smiling at si Alanzo na nagpipigil ng ngiti habang nakapamulsa. They are talking about Aidan, I knew it.

"Aidan..!" agad akong lumapit sa kanya. "Are you okay?"

"Ate Arielle..! Yes, po!"

Lumuhod ako upang magkatapat kami. Tumingin siya sa akin sa perang nasa kanyang kamay. "What did Kuya Harper tell you?"

"H-He said i-protect and i-watch daw po kita sabi ni Kuya Anzo."

What? Ano daw? Kinuntsaba ba nila ang bata? At bakit naman?

Umiling ako at tumayo na kahit may agam-agam pa rin sa akin. "Let's go inside, Aidan. Matutunaw na ang ice cream mo."

Tumango siya at hinawakan ko ang kanyang kamay at iginiya sa loob.

"Anong nangyari, Azy?"

"Wala, Paige." Matipid akong ngumiti at kumuha ng panibagong ice cream. Hindi ko pa rin lubusang makalimutan ang sinabi ni Anzo kanina.

Stop it, Arielle! Assuming ka lang. There's no way na magkagusto si Anzo sayo. Pinagkakaisahan ka lang nila. Wake up!

Dahan dahan kong sinampal ang aking mukha upang magising sa katotohanan.

"Aidan!"

Napalingon ako at nakita si Raven na hapong hapo halatang galing sa pagtakbo.

"Kuya!" ngiti ni Aidan sa kapatid.

"Why did you left? Hindi ba sabi ko, antayin mo 'ko?"

"Yes, Kuya but I want to see Ate Arielle na po," ngiti ni Aidan.

Humarap sa akin si Raven at nagulat nang makitang nakatingin ako sa kanya. Lumunok siya ng isang beses.

"Sorry, Arielle. Naabala ka ba nitong si Aidan?"

Lumapit ako at ibinigay ang kinuhang ice cream. "Hindi naman nakakaabala si Aidan, Raven. Masaya ako na nandito siya."

"Kuya! May vibes na ko!" ngiti muli ng bata.

Kunot noong tumingin si Raven sa kapatid. Maybe he's wondering where he got that word.

"Uh, may mga nakipagkilalang college students sa kanya kanina. Narinig niya ang word na vibes kaya naadapt niya siguro. By the way, Raven, may bago akong kasamahan dito. That girl is Paige and the other one is Elsie," ngiti ko sabay turo sa dalawa.

"Good to hear na may kasama ka na dito."

We talked about stuffs. Studies and about Aidan. Hindi ako palakaibigan pero kapag may nag-approach sa akin, siyempre kinakausap ko naman. Depende naman kasi sa tao.

Kalaunan, nagpaalam na rin sa akin si Raven at Aidan na uuwi na. Panay naman ang usisa ni Elsie kung boyfriend ko daw ba si Raven kaya't napahalakhak ako. Kaibigan lang ang turing ko kay Raven at hanggang doon lang. At isa pa, I heard na may nililigawan siya na estudyante ng PSU Main.

Kinabukasan, sa pagpasok ko sa klase, nakamamatay na tingin ang ipinukol nila sa akin. Hindi na ako nagulat dahil alam kong dahil iyon sa pag-ayaw ko sa contest.

"Masyadong choosy, kala mo naman maganda."

"Wala kasing talent kaya umayaw," rinig kong nakangising saad ni Gwyneth, maging ang kanyang mga kaibigan.

"Arielle, pwede ba kitang makausap?" wika ng aming Class President.

Tumango ako at sumunod sa kanya. "Kinausap ako ni Ma'am Villamor. Hindi ka ba talaga pwede?"

"Sorry, Francine, pero hindi talaga. Mapapahiya ko lang ang buong klase. Kaya habang maaga pa, pinaalam ko na kaagad. Ayokong umasa kayo."

"Think of it, Arielle. Baka makatulong ang contest na 'to sayo. Baka dito ka magkaroon ng maraming kaibigan."

"Pasensiya na pero maghanap na lang kayo ng iba. Hindi na talaga magbabago pa ang isip ko."

Hindi na rin ako napilit ni Francine dahil buo na talaga ang desisyon ko. Ayokong mainvolve sa Intrams o kahit sa Star of the Night kung maaari.

After two days, may napili na rin silang panibagong representative, ang aming muse na magaling kumanta, si Tanya. Tanya is beautiful and tall at pwedeng panlaban sa beauty contest. Medyo may pagkamahiyain din siya kagaya ko.

For those two days, walang palyang tumungo ang grupo ni Anzo sa convenience store para magpahinga o di kaya'y kumain at uminom. Iyon nga lang, hindi nila kasama si Anzo. Kagaya ngayon, nasa labas silang lima without Anzo's presence. Hindi ko rin siya nakikita o napapansin sa campus. I wonder why.

"Damn that guy, hindi pa rin sumasagot sa tawag ko!" Harper exclaimed while holding his phone.

"Busy masyado si Anzo, Harper. His dad want him to take over the company after graduation kaya maraming inaasikaso," Oleos commented.

"Yeah. But I heard ayaw niyang tanggapin. He wants to make his own name without his father's help. Alam niyo naman 'yon. Besides, hindi niya na kailangan pang manahin ang kompanya ni Tito Alerio. Maraming nang negosyo 'yong lalaking yun! Tatalunin pa ata 'yong mga bachelor ngayong taon," Calvin stated.

I know it's bad to eavesdrop but I'm really curious kung anong nangyari kay Anzo.

"Check this out, man! Damn that mother fucker! Ibang babae nanaman ngayon! Akala ko ba busy sa kompanya?!"

"Tangina. Si Tiffany Madrigal 'yan diba? Gago! Akala ko ba hindi niya type?!" si Calvin na ngayon ay nakangisi.

Si Abran naman ay nakangisi rin at paminsan minsang sumusulyap sa akin...

"Speaking of the devil!"

Biglang tumunog ang hawak na cellphone ni Harper. Agad niya naman itong sinagot.

"What the fuck, Cap! Bakit ngayon ka lang tumawag? I've been calling you pero hindi mo sinasagot!"

Ngumisi si Calvin. "Loudspeaker mo, Harper!"

"I'm busy," he said lazily na para bang kagagaling lang sa pagtulog.

"Fuck, Captain! Busy? Sa kompanya o baka busy sa babae? Tangina, may post si Tiffany Madrigal sa i*******m. Ano yun? Busy pero nasa club? Huwag mong sabihing kinama mo?!"

Alanzo just chuckled kaya nakumpirma kong kasama niya nga ang Tiffany Madrigal na tinutukoy nila. He slept with a woman?

I bit my lips because of the slight pang in my chest.

"Hindi ako tumawag para pag-usapan ang bagay na 'yan," Anzo blurted but I can tell he's enjoying the conversation.

"Akala ko ba gusto mo ng mas bata sayo?" Oleos joked.

Napantig ang tenga ko sa narinig at inihinto ang ginagawa. I want to hear his answer.

"And you believed me? Ayoko sa mas bata sa akin, Oleos. You knew me. I prefer older women. Kahit kailan hindi ako papatol sa bata."

Naikuyom ko ang aking kamao at mabilis na tinapos ang pagpupunas sa estante ng mga libro. Mabilis akong umalis at nagtungo sa rest room. Isinara ko ang pintuan at humarap sa salamin. Hanggang ngayon ay mabilis pa rin ang tibok ng puso ko at ilang beses akong napalunok dahil ayaw tanggapin ng sistema ko ang sinabing iyon ni Anzo.

He doesn't like younger woman. Younger woman? Am I considered to be called like that? I'm just a mere 17 years old. At isa pa, sa bibig niya na mismo nanggaling. Ayaw niya sa mas bata sa kanya.

Napatingin ako sa aking repleksyon and I saw my eyes turned misty.

I like him and I was hurt dahil hindi ko matanggap ang katotohanan. All his rumored dates and girlfriends are all beautiful and rich. Kung hindi model ay artista. Kahit saang anggulo tingnan, sobrang layo ng pinagkaiba ko sa mga babae niya, sobrang layo. Ni wala pa ako sa kalingkingan. I'm just seventeen and a minor. Hindi nanggaling sa marangyang pamilya at wala rin akong maipagmamalaki. Neither parents na dapat sana'y sumusuporta sa akin. Wala akong magagandang gamit at mamahaling bag. Ni cellphone ay wala ako.

Masyado yatang napako ang isip ko sa pagkahumaling kay Anzo kaya't hindi ko na naiisip ang kahihinatnan ng pagkakagusto kong iyon sa kanya.

Anzo is my dream guy, manly and very matured. But sadly, the reality says it all.

He will never like me. He will never be.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status