Share

Entwined Hands
Entwined Hands
Author: inkfeatherxx

Simula

Simula

"That's all for today. Class dismissed."

Walang gana kong iniligpit ang aking mga gamit sa mesa. Nagsitayuan na rin ang mga kaklase ko at kanya kanyang puntahan sa mga kaibigan. I slowly took my book for the next class. Dahil wala naman din akong gagawin pa, I decided to roam my eyes around the classroom. Nakapangalumbaba akong tumingin sa aking mga kaklase. Most of them are as usual, talking about how expensive their lipsticks are, where they went this weekend, their plans later, and so on. May iba naman na mabilis na naglabas ng kanilang mga gitara-magjajamming.

Inialis ko ang tingin sa mga abalang kaklase at ibinaling na lang ang atensiyon sa bintana. I looked at the blue sky at naghanap ng cloud formations.

While looking outside, my gaze went down. Naibaba ko ang aking aking kamay sa pagkakalumbaba nang makita ang pamilyar na pigura. My eyes squinted for a moment para mas matingnan pa ng maayos ang bulto ng katawan na siyang nakatingala sa deriksyon ko. But my attention immediately diverted at the classroom's door when one of my classmates shouted.

"Wala raw klase! May meeting 'yong mga teachers para sa Intrams!"

Napalingon ako nang marinig ang magandang balita. Iyon na kasi ang huli naming subject sa hapon kaya maaga akong makakauwi.

I looked again outside, but there's no sign of that person. Weird.

Napahinga ako ng malalim at mabilis nang inilagay ang aking libro sa bag. Agad kong isinukbit ang aking bag at nauna nang lumabas.

"Ayan nanaman ang weirdo. Grabe, two years na natin yang kaklase pero minsan ko lang marinig magsalita. Ni hindi ko napapansing may kaibigan yan," one of my classmates whispered habang palabas ako ng pintuan.

Hindi ko na lamang pinansin dahil sanay na ako na pinagbubulungan. Kung hindi sa ugali ko, damit ko naman ang pinag-uusapan.

Naglakad ako sa lobby at katulad pa rin ng dati, pinagtitinginan nanaman ako. I didn't mind though. Sanay na rin naman kasi ako. Sanay na akong pag-usapan. Iyan ang mahirap sa tao, they judge easily kahit hindi pa nila lubusang kilala. They easily believed in rumors and based themselves on what they see.

Isang tumatak sa akin ang nabasa ko sa The Little Prince when I was in Grade 7. What is essential is invisible to the eye. Hindi natin nakikita ang mahahalagang bagay sa mundo dahil nabubulag tayo sa kung ano lang ang nakikita ng ating mga mata. We can't see the goodness that lies within a person.

Nang makalabas sa Senior High building, bumungad sa akin ang napakalaking field ng Palawan State University Main Campus. A prestigious college here in Palawan. May iba't ibang branches ang PSU sa buong Palawan. Mayroon sa Norte at sa Sur.

Palawan State University Main Campus has Laboratory Junior and Senior High School, and of course hindi mawawala ang kolehiyo.

PSU's area is huge dahil sa napakaraming building especially ng college. Mayroong College of Arts and Humanities, College of Sciences, College of Teacher Education, College of Engineering, Architecture and Technology, at marami pa.

High standard ang Palawan State University kaya't hindi madaling makapasok dito. You need brain and talent.

Dito, walang diskriminasyong nangyayari. Whether you're rich or not high in status, as long as makapasa ka sa admission test? Congrats in advance.

I'm taking up General Academic Strand dahil hindi ko pa napagdesisyunan kung ano bang kukunin ko sa kolehiyo kaya ngayon pa lang tinitimbang ko na kung ano ba talaga'ng gusto ko.

Nagpaparamdam na ang ber months kaya malamig na. Alas tres pa lang pero marami na ang estudyante na siyang nagtitraining para sa nalalapit na Intramural Meet.

May mga naglalaro, tumatakbo, at nagpapractice ng cheerdance. May iilan ding nasa bench lang at nanunuod lang.

Sa aking paglalakad, naalerto ako nang biglang may sumigaw, and it's pointing at my direction.

"Miss, watch out!" a low and baritone voice filled my eyes.

Nanlaki ang aking mata nang makitang may tatama sa akin. Agad akong yumuko at isinangga ang aking dalawang braso. Mabuti na lamang at mabilis akong nakayuko kung hindi ay paniguradong tinamaan na ako sa ulo. My heart pounded because of shock.

I swallowed hard saka sinundan ko ng tingin ang bolang muntik nang tumama sa akin. Mikasa. Iyan ang nakalagay roon.

Tumayo na ako at tinitigan ang bolang ngayon ay mabagal nang tumatalbog.

I had the chance para lingunin ang lalaking sumigaw and to my surprise, he's the famous campus hottie and CEAT's volleyball captain, Anzo Ulises Solguero.

I panicked when he walked towards me. I stepped back once.

"Wai-" He was about to say something pero mabilis ko na siyang tinalikuran.

While walking, my heart pounded more. My breath hitched. Napalunok ako ng ilang beses at mas binilisan pa ang aking hakbang.

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin makayanan ang mga titig niya. Partida dahil hindi niya ako kinausap, pero ganito na ang epekto niya sa akin. Huminga na lamang ako ng malalim at pinakalma ang nagwawala kong puso.

Umiling ako at iwinaglit ang pag-iisip sa volleyball Captain.

He was and still my crush eversince Grade-10, I think? Alam ko na malabong magustuhan niya ako pero hindi ko maiwasang humanga sa kanya. He has it all. The looks, the body, the brain, and the personality. Sinong hindi mahuhulog?

Kahit na tahimik lang ako, aaminin kong isa ako sa libong babae na humahanga sa kanya.

Agad akong dumiretso sa aking medyo may kalakihang bahay. Ito ang tanging property na iniwan sa akin nina Mama at Papa.

Dalawang palapag ang bahay. Mayroong sampong kwarto; anim sa itaas at apat sa ibaba dahil madalas ay maraming bisita sina Papa noong nabubuhay pa. Mayroong malawak na sala at isang maliit na hardin sa labas.

Dalawa sana kami ni Auntie Felice na siyang natitira kong kamag-anak pero nangibang bansa siya dahil naroon ang kaniyang napangasawa, si Tito Ken. My Aunt Felice suggested to sell the house and of course I declined. This house is precious to me. Matagal ko nang kinumbinsi ang sarili na ito ang kahuli hulihang bagay na bibitawan ko. She also wanted me to come with her abroad pero mas pinili kong magpaiwan dahil narito ang ala-ala nina Mama at Papa.

Sa pintuan pa lang, sinalubong ako ni Patty, ang aking alagang pusa. She was the only pet I had simula pa no'ng nabubuhay sina Mama. I took care of her eversince. Most of my parent's memories were together with Patty, so she's too precious just like the house.

"Namiss mo ba ko, Patty?" tanong ko sa alaga at marahang tinapik ang kanyang ulo.

She meowed, and twirled her tail against my hand.

Ngumiti ako at mabilis na ipinagpag ang aking sapatos. Pumasok ako sa aking kwarto at mabilis na humiga sa kama.

Ganito ang nakasanayan kong buhay. Tahimik at sobrang lungkot. Pero sanay na ako. Compared to what I experienced, walang wala ito.

Tumingala ako sa kisame, putting the back of my hand on my forehead, at malalim na nag-isip.

How's Auntie Felice by the way? Is she doing good? I hope she is. She has become my mother since Mama died. Hindi pa rin kasi siya nagtetext sa akin.

Naipikit ko ang aking mga mata. I bit my lips when familiar faces appeared in my mind. Their faces are clear. I missed them but I hate them at the same time. I didn't know I can feel two emotions at once.

Saglit akong nagpahinga at nagpasya nang maligo. Napatingin ako sa orasan and it was already 4:30PM. Mukhang malilate pa ata ako.

Nagsuot ako ng loose shirt at pantalon. Naglagay rin ako ng bonet sa aking ulo dahil panigurado gagabihin nanaman ako ng uwi. Nang makuntento sa aking suot, nagpasya na akong umalis.

May part time job ako tuwing hapon hanggang gabi. Mag-isa na lang ako sa buhay dahil sa biglaang pagkawala ng magulang ko. Si Auntie Felice ang nagpapaaral sa akin na siyang kapatid ni Mama pero hindi naman sa lahat ng oras, e, aasa ako sa kanya.

Part-timer ako sa isang convenience store malapit sa Palawan State University, ang Happy Store. Alas sinco hanggang alas-nueve ng gabi ang shift ko. I'm just seventeen years old and yes, a minor, pero nagpumilit ako sa may-ari na kung pwede ba akong magtrabaho roon dahil kailangan ko talaga ng pera. Isa pa, ilang buwan na rin lang naman at tutuntong na ako sa tamang edad. Kilala ako ng pinsan ng may-ari na katulong niya sa store, kaya't wala rin siyang nagawa kundi ang tanggapin ako.

Full-time ako noong bakasyon pero ngayon, dahil may pasok, tuwing gabi na lang ang trabaho. Bale limang buwan na ako rito kaya't pinayagan na rin akong magcashier. Malaki ang utang na loob ko sa may-ari that's why I don't want this opportunity to go to waste.

"Good afternoon po, Sir Marco," I greeted politely.

"Magandang hapon rin sayo, Azerielle. O siya, kayo na ang bahala ni Micay dito, a? Babalik ako ng mga alas-nueve," saad ng may-ari ng convenience store na si Sir Marco Park habang hawak hawak ang kaniyang coat.

Tumango ako. Sir Marco smiled and patted my head. Sinundan ko man siya ng tingin hanggang sa nakalabas na ng glass door.

Tumungo na ako sa locker. Inilagay ko na ang aking bag at pagkuwa'y tumungo na sa kinaroroonan ni Ate Micay.

She's Michaela Parudia, at Ate Micay ang tawag sa kanya. Sa edad na 33, wala pa siyang anak. Late man sa tingin ng iba but if I remembered it correctly, iniwan siya ng kaniyang groom, at sa mismong simbahan pa.

Pero ngayon, tingin ko'y dumating na ang lalaking para sa kanya. She's engaged sa isang businessman. Maganda naman talaga si Ate Micay, maputi at madalas na nagsusuot ng salamin. Katamtaman ang haba ng kaniyang buhok at mas nagpaganda sa kanya ang suot niyang salamin- matured na matured. She's Sir Marco's cousin na siyang tumulong upang makapasok ako rito. Mabait siya at ako lang talaga ang mailap. Nasasanay na rin ako na makisalamuha dahil minsan nasa cashier ako at kailangan kapag babati ng customer.

"O, bakit nakabusangot nanaman iyang mukha mo? Ngumiti ka naman kahit kunti, Arielle," ngiti ni Ate Micay sa akin.

Matipid akong ngumiti katulad ng kanyang sinabi. Hindi naman talaga ako palangiti at hindi ko ba alam kung papaano ako napagtitiisan ni Sir Marco at Ate Micay, e, hindi naman ako sociable person.

"That's better. Ako na rito sa cashier. Magbantay ka na muna."

Tumango ako at pumunta na sa aking post. Habang nagbabantay, naisipang kong ayusin ang mga nagkalat na pocket books na nakalagay malapit sa pintuan. Glass wall ang buong convenience store kaya't kita ang labas. Makikita rin kaagad kung sino ang nasa loob at kung sino ang mga papasok.

Nang matapos, nagtungo ako sa food section. Naghalo halo na ang iba't ibang chichiria at bags ng biscuits. Napahinga ako ng malalim. Biscuits and crackers are scattered again. I shook my head and place the goods accordingly.

Marami rin ang mga costumers, karamihan ay mga estudyante ng PSU, kung hindi naman ay ang mga regular customer na nakatira sa malapit.

Pinagpapawisan na ako kaya't itinali ko ang aking buhok na hindi ko madalas ginagawa. Medyo mataas ang aking pagkakatali kaya't kitang kita ang aking batok. Minsan lang ako magtali ng buhok dahil nakasanayan ko nang ilugay.

Hindi ko namalayan na alas-otso na pala ng gabi. One more hour and I'm good to go.

"Arielle, pakilinisan muna iyong mga lamesa sa labas. May mga kabataan nanamang uminom at iniwan na lang ang mga nagkalat na lata ng beer."

"Sige po."

Nang makalabas, tama nga ang sinabi ni Ate Micay, maraming lata ng beer pati iilan pang pagkain. Napangiwi ako dahil ginawa na atang basurahan itong labas.

Kumuha ako ng malaking plastic at inilagay doon ang mga lata. Nagsimula ako sa pinakaunang mesa. Sigurado akong grupo nanaman ito ng mga college students na nag-inuman.

Nilinisan kong mabuti ang mesa at sinigurong hindi ito mang-iiwan ng kahit na anong amoy. Tagaktak na rin ang aking pawis sa noo at sa leeg at hindi na ako nag-abala pang magpunas dahil matatapos na rin naman ang shift ko.

Nasa pang-apat na mesa na ako nang makarinig ng tawanan patungo sa aking kinaroroonan.

"Damn, that girl was a total hottie! Halos ipakita na 'yong cleavage, pre! Pero itong si Cap, balewala!"

Napalunok ako ng ilang beses nang marinig ang pangalang iyon at madaling pinulot ang natitira pang lata.

"You know my type, Harper. Just mind your own business," baritonong boses nang lalaking alam na alam ko kung kanino galing.

Nakarinig pa ako ng halakhak. Mamaya pa, nag-iba bigla ang pinag-uusapan nila.

"Itong si Casper, tigang na tigang na! Ilang buwan na ba, ha?" tawa ng isang lalaki.

Pinamulahan ako ng mukha dahil sa narinig. Kahit Grade-12 pa lang ako, I know what they're talking about. Hindi ako inosente sa bagay na iyon!

They are all volleyball players dahil may mga dala itong mga bola na may tatak Mikasa. And they are still on their jerseys, halatang katatapos lang maglaro. Patuloy silang nagtatawanan at umupo sa pinakaunang lamesa.

"Gago! Huwag mo akong igaya sayo, Oleos!" sabat ng isa pang lalaki.

"Ikaw ang tigang!"

"What do you want? Gatorade? Beer?" tanong ng isang matangkad na lalaki na ngayon ko lamang nakita.

"Beer-in-can na lang sa amin."

"Alright."

Tumayo ang lalaking nagsalita at naglakad papasok. While walking, his gaze went to me at nakita ko kung paano tumaas ang sulok ng kanyang labi.

I blinked. O... kay. What was that?

"Ano, Cap? Kumusta 'yong nireto ko sayong taga-WPU? Maganda ba?"

Napantig ang tenga ko sa narinig.

Bago nanamang babae?

Nanatili akong naglilinis pero ang tenga ko'y nanatiling alerto, gustong marinig ang kasagutan niya.

"Not my type," the volleyball Captain said lazily.

"Tangina! High standard, pre! Not my type daw, e, papasa na yon sa model, a!" tawa pa ng isa niyang kaibigan.

"Ano bang tipo mo? Baka tugma sa mga kakilala ko nang maireto kita."

Napadako ang tingin ko kay Anzo and I was startled nang makitang nakatitig ito sa akin. Agad akong napaiwas ng tingin at itinuloy na lamang ang ginagawa.

"Gusto ko nang... mas bata sa akin," he said huskily.

Natabig ko ang plastic ng lata kaya't nakuha ko ang atensyon nila. My face flushed when I realized that they are gawking at me. I bit my lips and swallowed hard.

"S-Sorry."

Agad kong inilagay ang mga plastic sa cart at nagtungo na sa panghuling lamesa. Ngayon, nagsisi ako at hindi ako nagpunas ng pawis!

"Wew," narinig kong may sumipol na isa.

"Woah."

"I know. And look at that fucking buttocks."

Nag-iinit ang aking pisngi sa narinig. Alam ko na ako ang pinag-uusapan dahil ako lang naman ang nag-iisang babae sa labas. Isa pa, matured na ang katawan ko kaya't kadalasan ay pinagkakamalan akong nasa mid 20s.

"Shut up, Harper! Senior High pa lang yan!" narinig kong singhal ni Anzo.

"Tangina! Di nga?!" Napalakas ang sigaw ng Harper kaya't napatalon ako sa nagulat kaya't nabitawan ko ang aking hawak na pamunas. Napakurap ako ng ilang beses at nagpabalik balik ang tingin sa kanilang lima.

Siniko ng nagngangalang Casper ang kaibigang sumigaw. "Gago. Tinakot mo ata."

Napadako ang tingin ko kay Anzo na ngayon ay mariing nakatitig sa akin. Kumunot ang noo ko dahil nasa leeg ko ang kanyang tingin. Sa pawisan kong leeg!

Mabilis kong iniligpit ang mga nakaplastic na bag at inilagay ito sa malaking trash bin. Pumasok na ako sa loob at hindi na nagpasyang lumingon pa. Glasswall ang pagitan namin at ayokong makita nila ako.

"Ate Micay, may kukunin lang po ako sa locker."

Hindi ko na siya inantay pang sumagot at nagtuloy tuloy na patungo sa loob ng locker. Nang makapasok, agad kong hinawakan ang aking dibdib. Dumoble ata ang kabog at nahihirapan na akong huminga.

One thing na pumasok sa aking isipan, paano nalaman ni Anzo na Senior High pa lang ako? Ni hindi niya nga ako kilala. And his stare... Was it me or... Stop thinking, Arielle!

Mariin kong ipinikit ang aking mata at kinalma ang aking sarili.

Nang maging normal na ang aking paghinga, lumabas na ako at nakitang naroon pa rin sila sa labas.

"Mga taga PSU 'yang mga 'yan, hindi ba?" Tanong ni Ate Micay.

"Opo. Varsity players po."

Tumango tango si Ate Micay at nagkabit balikat. "I just hope na hindi sila katulad ng iba na basta basta na lang magiiwan ang kalat kagaya ng mga estudyante kanina."

Napaisip rin ako sa sinabi niya. Parang wala naman silang pinagkaiba dahil halatang mapaglaro silang lahat. Maybe I will extend my shift para maglinis ulit?

Again, they got my attention. All I can hear was their laughs and chuckles, halatang masayang masaya sa pinaguusapan.

Napagdesisyunan ko na ayusin na lang din ang nagkalat na goods kesa tumunganga. Isinalpak ko ang aking earphones at nakinig ng music. I love music and I'm good at it pero... matagal ko na iyong kinalimutan.

Sumilip ako sa labas at nakahinga ng maluwag ng makitang wala na sila roon. Lumabas ako and to my surprise, walang kalat na naroon. I smiled dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Who would have thought na ang mga playboy na katulad nila ay marunong palang magligpit?

I traced the table at nagpasyang umupo sa inupuan ni Anzo. I can even smell his perfume even though he's not here anymore. Napangiti ako dahil masarap langhapin ang pabango niyang 'yon. The scent that will surely turn you on.

Humikab ako at inihiga ang ulo sa lamesa. Hindi na ako nag-abala pang tanggalin ang aking earphones. Sampong minuto na lang rin naman at makakauwi na rin ako. It's okay na umidlip ako kahit limang minuto.

Dahan dahan kong ipinikit ang aking mga mata at tuluyan na akong nilamon ng antok.

Naalimpungatan na lamang ako dahil sa paggising sa akin ni Ate Micay.

"Arielle. Umuwi ka na. Nandito na si Marco."

Kinusot ko ang aking mata at umahon sa pagkakayuko. At that moment, bigla na lamang may nalaglag mula sa aking balikat. To my surprise, it was a jersey jacket. Pinulot ko ito at pinakatitigang mabuti.

Solguero. Iyan ang nakalagay sa likod ng jersey jacket.

No way. Could it be that he..? It's not even possible pero... siya lang ang may apelyidong Solguerong varsity na kilala ko.

"May lalaking naglagay sayo niyan at binilinan rin akong bantayan ka. Isa siya doon sa mga lalaking bumili rito kanina, 'yong mga varsity players."

Mabilis na kumalabog ang aking puso dahil sa kompirmasyong iyon. But why would he gave me this? Umalis na sila, hindi ba? Did he came back for... me?

Don't assume too much, Azerielle. Baka naawa lang sayo at sa labas ka natulog.

Nagpaalam na ako dahil tapos na ang shift ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na hawak hawak ko ang jersey jacket ng volleyball Captain ng CEAT.

Pagdating sa apartment, wala sa sarili akong umupo sa kama. From here, amoy na amoy ko ang pabango niya. Sa sobrang bango, hindi ka magsasawang amuyin.

Damn! I looked so obsessed.

It was quarter to ten pero pinilit kong labhan ang jersey jacket niya. I'm going to return this to him tomorrow. Ala-una pa rin naman ng hapon ang pasok ko bukas.

Nagising ako ng mga alas-otso ng umaga dahil na rin siguro sa pagod. Maingat kong kinuha ang jacket at medyo tuyo na ang itaas nito. Habang nakaupo, hindi mahiwalay ang tingin ko sa jacket thinking how am I supposed to return it? Kailangan ko pa ba ng thank you letter? Present?

Speaking of present, pwede na rin siguro iyong naiisip ko.

Natapos ko na ang aking ginawa at nagustuhan ko naman ang resulta. Cute. Napatingin ako ng orasan and it was almost 12:00nn.

Shoot! Mabagal pa naman akong kumilos. Mabilis akong naligo at nagbihis ng uniform. Hinagilap ko ang aking dadalhin at muntik ko pang makalimutan ang paperbag na may lamang jersey ni Anzo.

Napahinga ako ng maluwag nang makarating ako ng classroom at wala pang teacher. Mabuti naman.

Kahit sa klase, iniisip ko kung paano ko ito ibabalik sa kanya? I don't have his number, most importantly, wala akong cellphone. How about pumunta sa gymnasium na madalas nilang pagpraktisan? My classes end at 3:00 PM kaya't may ilang oras pa ako para maibalik ito sa kanya. At isa pa, hindi ko kailangang umuwi ngayon dahil may dala akong damit para sa trabaho.

Panay ang tingin ko sa aking relo na para bang anumang oras ay matatapos na ang klase. Pero bakit pakiramdam ko sobrang bagal ng pag-alis ng kamay ng orasan? Ngayon lang ata ako nainip ng ganito.

"Dahil sa darating na Intramural Meet na gaganapin mismo dito sa PSU, I want you all to decide sa magiging representative ng section niyo for... one particular contest," ngiti ng aming adviser na si Ma'am Villamor.

"Ma'am, anong klaseng contest po ba 'yon? Like beauty contest?" tanong ng isa kong kaklase.

"No, Hazel. It's not like those beauty contest na mayroong swimsuit or question and answer portion. It was kind of a talent contest, the most awaited, Star of the Night. The other colleges will be participating too. And of course, kasama ang mga taga-CCRD."

Nagsitanguan ang iba kong kaklase. "Ano pong prize, Ma'am?"

"Good question. Fifty thousand pesos plus gift certificates from SM ang mapapanalunan ng grand winner. The rest makikita niyo sa website na ipopost sa school page."

Fifty thousand para sa grand winner? Ang laki no'n a. Isang taon bago ako makaipon ng ganon kalaking halaga.

"So, I decided. Required kayong lahat na pumili ng representative niyo. At dahil Personal Development ang hawak ko sa inyo, kailangang pumili kayo ng isang kaklase na mahiyain at hindi gaanong nakikisalamuha but of course, mayroon dapat siyang talento. Whether singing or dancing o kahit ano pa yan. Your task is for you to boost his/her confidence. Meaning, nakasalalay sa magiging resulta ng representative niyong iyon ang grado niyo sa akin. How is it?" ngiting muli ni Ma'am Villamor.

Tumingin siya sa aking deriksyon at nakakalokong ngumiti. That evil smile of her. Alam ko na kung saan patungo ang usapang ito.

"U-uh, e-excuse po Ma'am! M-may kukunin lang po ako sa locker."

Mabilis akong tumayo at maglalakad na sana ngunit...

"Ma'am, bakit hindi na lang po si Arielle ang gawin nating representative tutal naman po, mailap po siya sa amin at hindi po siya gaanong nakikisama sa klase," ani ng aming Class President na si Francine.

"Tsk. Ano namang talento niya?" may pait na saad ng isa kong kaklase isang upuan ang layo sa akin. Hindi ko na lamang iyon pinansin.

Napabaling ako kay Ma'am Villamor na mapanuyang nakangiti sa akin. Halos lahat ng kaklase ko ay nakatingin na rin sa aking deriksyon. Ang iba ay tumatango tango pa.

"Oo nga po, Ma'am! Bakit hindi na lang po siya?"

Sunod sunod ang naging pagpayag ng aking mga kaklase na ako ang gagawing representative.

"Okay, it's settled then. Azerielle Ileira will be our class representative," bumaling sa akin si Ma'am. "Arielle, meet me at the office after this class. So, everyone, if you have any questions feel free to approach me or if not sa gc na lang. That's all, class dismissed."

Mabilis na umalis si Ma'am at nagsitayuan na rin ang iba samantalang ako'y naiwang nakatulala.

What is that? What did just happen? Ako? Representative ng klase sa isang talent show? You gotta be kidding me.

"Representative, huh? I will wait kung paano ka mapahiya sa harap ng maraming tao. It's your doom day so watch out... Ileira," mapait na saad ng isa kong kaklase at binangga ako. She rolled her eyes before walking out.

She's Gwyneth, my most trusted bestfriend. No, let me rephrase it, she's my... ex-bestfriend. We were so close back then, but everything changed. She abandoned me.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status