Share

Chapter 12

last update Last Updated: 2025-09-09 15:14:26

Tahimik lang si Angela habang naglalakad papasok ng campus. Tahimik na naglalakad pero ang puso at isip niya ay halos magsigaw na sa dami ng laman. Habang naglalakad siya ay ramdam na ramdam niya ang mga matang nakasunod sa kaniya, pati ang pabulong-bulong ng ilan. Hindi niya kailangang magtanong kung tungkol saan iyon, mula pa kahapon ay laman na sila ng chismis. Kahit siya nga din ay hindi mapakali, ang mga chismosa pa kaya?

Humigpit ang kapit niya sa strap ng kaniyang bag habang pinipilit maging kampante ang mukha. Yong tipong hindi niya pakitaan ng kamalditahan ang mga marites sa paligid niya. Pero sa loob-loob niya, parang hinihila pababa ang dibdib niya.

Hanggang kailan ko ba kakayanin ‘to? Hanggang kailan ko ba hahayaang gawin ni Brian ang gusto niya? Tama naman siguro ang ginawa niya na kahapon. Hindi niya alam kung makikinig ba si Brian pero gusto na niya talaga na tigilin na nito ang ginagawa nitong kabaliwan.

Yes, kabaliwan naman talaga. Saan ka ba makakahanap ng tao na g
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Especially For You   Chapter 17

    Year 2025Dalawang oras na ang lumipas ay hindi pa rin dinadalaw ng antok si Angela. Natigil na lang ang kaniyang pag-i-imagine nang makarinig siya ng mga pagkatok.Sunod-sunod na mga pagkatok iyon kaya ang plano niya sanang hindi ito pagbuksan ay hindi niya yata magawa.Sinuot niya ang kaniyang tsinelas at wala sa mood na binuksan ang pinto ng kaniyang kwarto.Imposible naman kung ito na ang tinutukoy ng kaibigan niya na bisita nito.Ang aga naman, bulong niya at kinuha ang tuwalya na nakasabit sa pinto at ipinalibot iyon sa katawan niya.Lumabas na siya ng kwarto matapos niyang suklayin ang buhok. Diretso na siya sa pinto upang pagbuksan ang taong patuloy pa rin sa pagkatok.Dios mio, alas singko pa lang.Kahit parang nahihilo pa siya dahil sa kulang siya sa tulog at masama pa ang pakiramdam niya ay pinilit niyang tumayo."Sandali." Hindi niya sigurado kung narinig ba siya ng tao sa labas pero patuloy pa rin siya sa paghakbang.Mahina niyang pinihit ang door knob ng pinto at binuksa

  • Especially For You   Chapter 16

    Nakita agad ni Angela si Brian nang lumabas siya sa main gate ng school nila. Hindi niya napigilan ang pag-igting ng kaniyang panga nang makita ang binata at naglabas ng isang malaking buntonghininga. Tandang-tanda niya ang sinabi ni Heart sa kaniya nong Friday na naging rason pa ng kaniyang pagkalito. Pero buo na ang desisyon niya na iwasan na ang babaerong to.Anong akala niya sakin? Nadadala sa kaniyang mga ngiti? Hindi na uy! Nakatayo ito roon, parang estatwa na hindi natitinag, may hawak na bouquet ng mga puting rosasat isang paper bag na halatang puno ng kung anong regalo. Sa unang tingin, maaari sanang kiligin ang kahit na sinong babae na bibigyan nito — isipin mo, isang Brian Del Rio ang naghihintay, mukhang seryoso at parang leading man sa pelikula dahil sa sobrang kapogian.Pero hindi siya. Hinding-hindi na siya papaloko pa. Ayaw niyang makasira ng relasyon. Ayaw niyang makasakit ng kapwa babae. Kaya kung ano man ang nararamdaman niya, kailangan na niyang pigilan.Sa halip,

  • Especially For You   Chapter 15

    Paglabas ni Angela sa gate ng campus, agad niyang napansin ang nakasandal na pigura sa poste. Kilalang-kilala na niya ang body figure nito, alam niyang si Brian iyon. Naka-black shirt lang ito at faded jeans, hawak ang helmet sa isang kamay habang panaka-nakang tumitingin sa relo. Kahit pa anong iwas niya, hindi niya maitago ang kaunting kilig na unti-unting kumakain sa sistema niya.Wake up, Angela! Anong kilig ang pinagsasabi mo! Iwasan mo yan!"Hatid na kita," walang paligoy-ligoy na sabi ni Brian nang makalapit siya. Para bang automatic na parte na siya ng hapon niya."Hindi na. Kaya ko namang umuwi, sanay na ako," mabilis niyang sagot, pero ramdam niya ang kaunting kaba sa dibdib. Bakit ba siya kinakabahan? Parang tanga naman tong damdamin niya.Brian smirked, bahagyang tinaas ang kilay. "Wala namang mawawala kung ihahatid kita diba? Nakalibre ka pa ng pamasahe. Mas safe din, at least may kasama ka sa daan."Gusto pa sana niyang sumagot dito pero nang iabot na nito ang helmet sa

  • Especially For You   Chapter 14

    Hindi mapakali si Angela kinabukasan. Halos buong gabi niyang iniisip ang nangyari kagabi. Kung paano naghintay si Brian sa labas ng gate, kung paano ito naglakad kasabay niya pauwi, at kung paano mabilis nakuha ng binata ang loob ng nanay niya. Para bang lahat ay perpektong naitakda para sa kaniya, pero sa puso niya, hindi siya makasabay. Parang ang dali-dali lang nitong kinuha ang loob ng nanay niya at feeling close pa ito. Hindi niya na orient ang nanay niya na acting lang ang lahat.Habang kumakain sila ng almusal, hindi niya naiwasan ang mga tingin ng kanyang ina. Kagabi pa nga ito pabalik-balik na mabait daw si Brian kesyo ganiyan. Ang dami nitong positive comment tungkol sa nanliligaw sa kaniya kuno. Samantalang siya ay hindi na natutuwa. Bakit pa kasi ito pumunta sa bahay niya para magpaalam na manliligaw daw ito sa kaniya, nakakuha pa tuloy ito ng kakampi."Magalang na bata 'yong si Brian, ah," ani ng Mama niya habang nagkakape. Naririndi na ang tainga niya, paulit-ulit na l

  • Especially For You   Chapter 13

    Paglabas ni Angela ng gate ng university, ang tangi niyang nasa isip ay makauwi agad at makahiga sa kama. Pagod siya sa dami ng activities ngayong linggo, at pakiramdam niya drained na drained ang utak niya sa kakaisip ng research proposal nila. Idagdag pa na parang siya lang naman ang gumagawa sa gruop nila.Halos malaglag ang bag niya sa balikat nang mapansin ang isang pamilyar na pigura na nakasandal sa poste malapit sa gate. Heto na naman ito, parang walang kapaguran sa pangungulit. Nakasuot ng puting polo si Brian, bahagyang nakabukas ang dalawang butones sa itaas, at halatang fresh kahit pa mainit ang panahon. Nakahalukipkip ito at parang ilang minuto na talagang naghihintay."Angela," tawag nito nang makita sabay kindat, para bang matagal na silang magkasama.Napahinto siya sa gitna ng lakad niya. Jusko po, heto na naman ako. Hindi ba pwede na magkaroon din ako ng day off kahit ngayong araw lang? Stress na stress po ako oh.Ramdam na naman niya ang mga mata ng ibang estudyanten

  • Especially For You   Chapter 12

    Tahimik lang si Angela habang naglalakad papasok ng campus. Tahimik na naglalakad pero ang puso at isip niya ay halos magsigaw na sa dami ng laman. Habang naglalakad siya ay ramdam na ramdam niya ang mga matang nakasunod sa kaniya, pati ang pabulong-bulong ng ilan. Hindi niya kailangang magtanong kung tungkol saan iyon, mula pa kahapon ay laman na sila ng chismis. Kahit siya nga din ay hindi mapakali, ang mga chismosa pa kaya?Humigpit ang kapit niya sa strap ng kaniyang bag habang pinipilit maging kampante ang mukha. Yong tipong hindi niya pakitaan ng kamalditahan ang mga marites sa paligid niya. Pero sa loob-loob niya, parang hinihila pababa ang dibdib niya. Hanggang kailan ko ba kakayanin ‘to? Hanggang kailan ko ba hahayaang gawin ni Brian ang gusto niya? Tama naman siguro ang ginawa niya na kahapon. Hindi niya alam kung makikinig ba si Brian pero gusto na niya talaga na tigilin na nito ang ginagawa nitong kabaliwan.Yes, kabaliwan naman talaga. Saan ka ba makakahanap ng tao na g

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status