Mag-log in"Iniiwasan mo ba 'ko?"
Natigil sa pagbabasa si Angela nang marinig ang pamilyar na boses na 'yon. Inayos niya muna ang pagkakatali ng buhok niya na isinasayaw ng medyo may kalakasang hangin dito sa oval. Gustong-gusto niyang tumambay dito dati pa, kaya dito niya rin dinadala si Heart kapag gusto nitong magbasa. Sobrang payapa kasi dito, iilan lang din ang tumatambay maliban sa mga nagpa-practice ng mga sports nila.
Hindi niya agad sinagot ang tanong ni Heart. May oras pa siyang isara ang libro na binabasa niya at pinagmasdan ang mga kahoy na nakapalibot sa ground.
KItang-kita sa gilid ng mga mata niya ang mga marahas na pagbuga ng hangin ni Heart. Nanggigigil ang mga titig nito pero hindi niya pinapansin na parang wala siyang naririnig o nakikita.
"Sagutin mo 'ko! Iniiwasan mo ba 'ko?"
Tiningnan niya ang kaibigan at hilaw siyang ngumiti. Paano niya kaya 'to iiwasan kung lahat ng mga pinupuntahan niya ay alam nito? Paano niya ito iiwasan kung pati takbo ng utak niya ay alam nito?
Sa loob ng isang sem na nakasama niya si Heart, parang alam na nito ang buong pagkatao niya. Para kasing ang bilis lang nitong kilalanin siya.
"Uy, Heart!" Ngumiti pa siya. "Wala tayong klase ngayon, ah. 'Di ka ba nagbasa sa GC?"
"Si Kuya Brian ba? Kinausap ka na naman ba niya?"
Hindi siya kinausap ng Kuya nito sa personal pero nag-text ito sa kaniya kagabi. Do'n lang niya nalaman na ang pamilya pala nito ang nagbigay ng scholarship sa kaniya sa college. Wala naman kasi siyang kaalam-alam dahil ang buong akala niya ay ang school nila mismo ang nagbigay pero dahil sa text ni Brian na may kasama pang pagbabanta, do'n lang niya nalaman ang lahat.
Mas pinili na lang niyang tumahimik at hindi na sabihin kay Heart ang nangyari. Kahit hindi niya talaga maintindihan ang point ni Brian kung bakit siya nito pinapalayo kay Heart ay susundin na lang niya alang-alang sa scholarship niya, baka totohanin pa ng mokong.
"Sorry," malungkot nitong wika. "Sorry kung ano mang ginawa sa'yo ni Kuya. Gano'n lang kasi talaga siya ka-protective sa'kin. Lahat ng maging ka-close ko pinagdududahan niya na baka ginagamit lang ako. Takot siyang may mangyari sa'kin."
Ginagamit?
Sabi na nga ba...
"Pero hindi naman 'yon totoo diba? Hindi ka naman katulad nila? Diba, Gel?"
Narinig pa niyang humikbi si Heart pero hindi niya ito nilingon.
"Marami ka pang pwedeng maging friends, Heart. Iba na lang ang kaibiganin mo, 'yong mga ka-level mo. Marami tayong mayamang mga classmates, sila na lang. Para hindi na magduda 'yang kuya mo."
"But I wanna be your friend. Ikaw lang ang gusto kong maging kaibigan--"
"Hindi pwede 'yan. Kailangan mo ring makihalubilo sa iba." Putol niya rito na mas lalong ikinalakas ng pag-iyak nito. Gustong-gusto niya itong yakapin.
Saksi siya kung paano pinilit ni Heart ang sarili para makipagkaibigan sa iba pero tama rin naman kasi ang kuya nito. Ang iba ay ginagamit lang din si Heart para maging malapit sila sa kuya nito.
"Sa tingin mo ba hindi ko ginawa? Pagod na pagod na nga ako, eh. Pagod na 'kong mag-adjust para makibagay sa kanilang lahat. Pero lahat na mga nakilala ko, lahat sila plastic. Lahat sila gusto lang nilang maging kaibigan ako dahil kay kuya. Kasi akala nila kapag naging kaibigan ko sila, mapapalapit din sila kay kuya.
"Pero ikaw? Iba ka, eh. Sa'yo hindi ko kailangang mag-adjust, hindi ko kailangang magkunwari. Sa'yo pwede kong ipakita kung sino talaga 'ko. Kapag ikaw ang kasama ko feeling ko pwede kong gawin lahat. 'Wag mo naman sanang ipagkait sa'kin 'yon, Angela. Ikaw lang kasi ang kaibigan ko, eh."
"Hindi mo ba naisip na baka katulad ko lang din sila? Na baka ginagamit lang din kita?"
Natigil ito sa pag-iyak at hindi siya sinagot.
"Umuwi ka na. Wala tayong pasok buong maghapon."
Tumayo siya at nilagpasan si Heart. Hindi na niya kayang panoorin itong umiiyak at magmamakaawang hindi niya ito layuan. Parang dinudurog ang puso niya. Parang may nakadagan doon at nahihirapan siyang huminga. Daig pa niya ang nakipaghiwalay.
"Gusto pa rin kitang maging kaibigan, Angela."
Binilisan na lang niyang maglakad para hindi nito mapansin ang pag-iyak niya.
"See you next week."
-----
Ang sinasabi pala nitong "see you next week" ay sobrang malala. Napasabi na lang si Angela ng mga malulutong na mura sa isip niya.
Hindi talaga siya makapaniwala sa mga ginawa ni Heart sa kaniya. Daig pa nito ang mga mayayaman na manliligaw ng mga classmates niya. Dalawa o tatlong beses pa itong magbigay ng mga chocolates at flowers sa kaniya na para talagang iniinis siya. At minsan pa bago sila umuwi ay magbibigay ito ng mga imported chocolates at stuffed toys sa kaniya, sa harap pa mismo ng mga kaklase nila.
Hindi niya alam kung ano ang dapat irereact sa mga oras na 'yon. Gusto niyang pagalitan si Heart pero kilala niya ito. Sa bawat pagpipigil na gagawin dito ay mas lalong gusto nitong gawin ang mga ipinagbabawal dito. Gano'n kalala ang utak ni Heart.
Pangtatlong araw na ni Heart sa ginagawa nito ay hindi na niya napigilan ang sarili niya. Napilitan siyang kausapin na ito para patigilin na sa ginagawa. Maliban sa malaking pera na ang ginagastos nito ay naging usap-usapan na rin sila sa university. At panigurado, umabot na ang chismis kay Brian.
"Hi!" Masiglang bati ni Heart sa kaniya at umupo ito sa tabi niya. "Finally, may balak ka pa palang kausapin ako."
Sa kabila ng mga ngiti ni Heart ay kabaliktaran naman ang ipinapakita niya rito. Mas malamig pa sa kinakain nitong ice cream.
"Gusto mo?" Aya nito sa ice cream. Alam talaga nito kung paano hulihin ang kiliti niya. Mahilig kasi siya sa ice cream, lalo na kapag mango flavor, at iyon pa talaga ang kinakain nito ngayon.
Anomang pilit niyang hindi ito pansinin ay hindi niya magawa. Kahit hindi na siya tumatabi ng upo dito ay panay naman ang sulyap niya para i-check kung okay lang ba ito. Miss na miss na niya talaga si Heart.
Nagpakawala siya ng malalim na hininga bago siya nagsalita. Gusto na niya talagang tigilin nito ang ginagawa nitong pagbibigay ng kung ano-ano sa kaniya.
"Gusto kong tigilan mo na ang ginagawa mong kabaliwan, Heart. Hindi ka na nakakatuwa."
Ngumiti lang ito at parang ipinapakita nito na hindi ito apektado sa sinasabi niya. Patuloy lang ito sa pagkain ng ice cream.
"Sure ka ba talagang ayaw mong kumain ng ice cream?"
Napapikit na lang siya nang mariin. Hindi niya talaga makausap nang matino si Heart.
"Pwede naman akong mag-order, madali lang naman akong kausap. Magsabi ka lang," patuloy pa nito.
"Ano ba talagang gusto mo?" Hindi niya napigilang sumigaw kaya napalingon na ang ibang estudyante. "Alam mo naman na siguro ang kumakalat na chismis diba?"
"Yup."
Inayos niya ang suot niyang salamin bago ito tinitigan ulit. Parang wala lang talaga dito ang nangyayari, samantalang siya ay naiinis na.
"Pinagkakalat nila na tomboy ako?" balewalang tanong sabi nito at kumain na naman. "Alam naman natin parehas na hindi 'yon totoo."
"Kahit na! Eh, totoo man o sa hindi, kailangan mo ng tigilan 'to. Ayokong maging usap-usapan dito sa school, Heart. Please lang, tigilan mo na 'to. Binalaan na 'ko ng Kuya mo, eh. Dapat pala nakinig na 'ko agad sa kaniya."
At labis na ipinagtataka niya ay tumuwa lang ang kaniyang kausap. "Alam mo, para ka ng si Kuya. Masiyado kayong seryoso sa buhay. Mabilis kayong tatanda niyan, sige ka."
"Heart!" Inuubos talaga nito ang pasensiya niya.
"Gusto lang naman kitang maging kaibigan, anong masama do'n?"
"Masama dahil nagiging toxic ka na. Masama dahil nabibigyan na ng ibang kahulugan ng mga nakakakita. Hindi mo ba naisip kung anong sasabihin ng iba sa mga pinagagawa mo? Mababa na nga ang tingin ng kuya mo sa'kin, eh. Dinagdagan mo pa."
"Narinig mo bang sinabi 'yon ni Kuya? Or opinion mo lang 'yan?"
Saglit siyang nahinto pero agad din naman siyang nakabawi. Kahit ano pang sabihin ni Heart, buo na ang desisyon niya.
"Tigilan mo na 'to. At 'wag ka ng magbigay ng mga kung ano-ano."
"Ayaw mo na ba talaga sa'kin?"
Tila kinurot ang puso niya sa tanong nito. Ayaw niyang sagutin ang tanong nito. Aminin man niya sa sarili niya o hindi, masaya siya na kasama si Heart. Gustong-gusto niyang maging kaibigan ito. Pero para sa ikapapayapa ng mundo niya, kailangan niyang lumayo dito.
Pinili na lang niyang lumakad palayo dito at nanatiling tanong na lang ang binitawan ni Heart. At habang papalayo siya, tumutulo rin ang kaniyang mga luha.
Goodbye, Heart.
Year 2025Dalawang oras na ang lumipas ay hindi pa rin dinadalaw ng antok si Angela. Natigil na lang ang kaniyang pag-i-imagine nang makarinig siya ng mga pagkatok.Sunod-sunod na mga pagkatok iyon kaya ang plano niya sanang hindi ito pagbuksan ay hindi niya yata magawa.Sinuot niya ang kaniyang tsinelas at wala sa mood na binuksan ang pinto ng kaniyang kwarto.Imposible naman kung ito na ang tinutukoy ng kaibigan niya na bisita nito.Ang aga naman, bulong niya at kinuha ang tuwalya na nakasabit sa pinto at ipinalibot iyon sa katawan niya.Lumabas na siya ng kwarto matapos niyang suklayin ang buhok. Diretso na siya sa pinto upang pagbuksan ang taong patuloy pa rin sa pagkatok.Dios mio, alas singko pa lang.Kahit parang nahihilo pa siya dahil sa kulang siya sa tulog at masama pa ang pakiramdam niya ay pinilit niyang tumayo."Sandali." Hindi niya sigurado kung narinig ba siya ng tao sa labas pero patuloy pa rin siya sa paghakbang.Mahina niyang pinihit ang door knob ng pinto at binuksa
Nakita agad ni Angela si Brian nang lumabas siya sa main gate ng school nila. Hindi niya napigilan ang pag-igting ng kaniyang panga nang makita ang binata at naglabas ng isang malaking buntonghininga. Tandang-tanda niya ang sinabi ni Heart sa kaniya nong Friday na naging rason pa ng kaniyang pagkalito. Pero buo na ang desisyon niya na iwasan na ang babaerong to.Anong akala niya sakin? Nadadala sa kaniyang mga ngiti? Hindi na uy! Nakatayo ito roon, parang estatwa na hindi natitinag, may hawak na bouquet ng mga puting rosasat isang paper bag na halatang puno ng kung anong regalo. Sa unang tingin, maaari sanang kiligin ang kahit na sinong babae na bibigyan nito — isipin mo, isang Brian Del Rio ang naghihintay, mukhang seryoso at parang leading man sa pelikula dahil sa sobrang kapogian.Pero hindi siya. Hinding-hindi na siya papaloko pa. Ayaw niyang makasira ng relasyon. Ayaw niyang makasakit ng kapwa babae. Kaya kung ano man ang nararamdaman niya, kailangan na niyang pigilan.Sa halip,
Paglabas ni Angela sa gate ng campus, agad niyang napansin ang nakasandal na pigura sa poste. Kilalang-kilala na niya ang body figure nito, alam niyang si Brian iyon. Naka-black shirt lang ito at faded jeans, hawak ang helmet sa isang kamay habang panaka-nakang tumitingin sa relo. Kahit pa anong iwas niya, hindi niya maitago ang kaunting kilig na unti-unting kumakain sa sistema niya.Wake up, Angela! Anong kilig ang pinagsasabi mo! Iwasan mo yan!"Hatid na kita," walang paligoy-ligoy na sabi ni Brian nang makalapit siya. Para bang automatic na parte na siya ng hapon niya."Hindi na. Kaya ko namang umuwi, sanay na ako," mabilis niyang sagot, pero ramdam niya ang kaunting kaba sa dibdib. Bakit ba siya kinakabahan? Parang tanga naman tong damdamin niya.Brian smirked, bahagyang tinaas ang kilay. "Wala namang mawawala kung ihahatid kita diba? Nakalibre ka pa ng pamasahe. Mas safe din, at least may kasama ka sa daan."Gusto pa sana niyang sumagot dito pero nang iabot na nito ang helmet sa
Hindi mapakali si Angela kinabukasan. Halos buong gabi niyang iniisip ang nangyari kagabi. Kung paano naghintay si Brian sa labas ng gate, kung paano ito naglakad kasabay niya pauwi, at kung paano mabilis nakuha ng binata ang loob ng nanay niya. Para bang lahat ay perpektong naitakda para sa kaniya, pero sa puso niya, hindi siya makasabay. Parang ang dali-dali lang nitong kinuha ang loob ng nanay niya at feeling close pa ito. Hindi niya na orient ang nanay niya na acting lang ang lahat.Habang kumakain sila ng almusal, hindi niya naiwasan ang mga tingin ng kanyang ina. Kagabi pa nga ito pabalik-balik na mabait daw si Brian kesyo ganiyan. Ang dami nitong positive comment tungkol sa nanliligaw sa kaniya kuno. Samantalang siya ay hindi na natutuwa. Bakit pa kasi ito pumunta sa bahay niya para magpaalam na manliligaw daw ito sa kaniya, nakakuha pa tuloy ito ng kakampi."Magalang na bata 'yong si Brian, ah," ani ng Mama niya habang nagkakape. Naririndi na ang tainga niya, paulit-ulit na l
Paglabas ni Angela ng gate ng university, ang tangi niyang nasa isip ay makauwi agad at makahiga sa kama. Pagod siya sa dami ng activities ngayong linggo, at pakiramdam niya drained na drained ang utak niya sa kakaisip ng research proposal nila. Idagdag pa na parang siya lang naman ang gumagawa sa gruop nila.Halos malaglag ang bag niya sa balikat nang mapansin ang isang pamilyar na pigura na nakasandal sa poste malapit sa gate. Heto na naman ito, parang walang kapaguran sa pangungulit. Nakasuot ng puting polo si Brian, bahagyang nakabukas ang dalawang butones sa itaas, at halatang fresh kahit pa mainit ang panahon. Nakahalukipkip ito at parang ilang minuto na talagang naghihintay."Angela," tawag nito nang makita sabay kindat, para bang matagal na silang magkasama.Napahinto siya sa gitna ng lakad niya. Jusko po, heto na naman ako. Hindi ba pwede na magkaroon din ako ng day off kahit ngayong araw lang? Stress na stress po ako oh.Ramdam na naman niya ang mga mata ng ibang estudyanten
Tahimik lang si Angela habang naglalakad papasok ng campus. Tahimik na naglalakad pero ang puso at isip niya ay halos magsigaw na sa dami ng laman. Habang naglalakad siya ay ramdam na ramdam niya ang mga matang nakasunod sa kaniya, pati ang pabulong-bulong ng ilan. Hindi niya kailangang magtanong kung tungkol saan iyon, mula pa kahapon ay laman na sila ng chismis. Kahit siya nga din ay hindi mapakali, ang mga chismosa pa kaya?Humigpit ang kapit niya sa strap ng kaniyang bag habang pinipilit maging kampante ang mukha. Yong tipong hindi niya pakitaan ng kamalditahan ang mga marites sa paligid niya. Pero sa loob-loob niya, parang hinihila pababa ang dibdib niya. Hanggang kailan ko ba kakayanin ‘to? Hanggang kailan ko ba hahayaang gawin ni Brian ang gusto niya? Tama naman siguro ang ginawa niya na kahapon. Hindi niya alam kung makikinig ba si Brian pero gusto na niya talaga na tigilin na nito ang ginagawa nitong kabaliwan.Yes, kabaliwan naman talaga. Saan ka ba makakahanap ng tao na g







