Share

Chapter 7

last update Last Updated: 2025-09-03 15:06:31

Hindi makapaniwala si Angela sa nakikita niya ngayon. Parang gusto na lang niyang bumalik sa classroom nila at hindi na lumabas. Wrong move pala ang naisip niyang bumili ng pagkain sa recess. Tama nga ang hinala niya na may gagawin na naman na naman ang kaibigan niya dahil hindi ito pumasok sa first subject nila. Eh kailanman ay ayaw talaga nitong um-absent dahil gusto nitong matataas ang grade nito. At kanina nga ay hindi ito pumasok.

Pagkalabas niya sa building ay sinalubong sila ng mga makukulay na balloons na nakatali sa mga upuan, may mesa na puno ng chocolates at bulaklak, at higit sa lahat—isang malaking banner na may nakasulat na:

"SORRY GEL, FRIENDS FOREVER?"

Parang gusto niyang lamunin ng lupa sa sobrang kahihiyan. Narinig niya pa ang mga pasimpleng hiyawan ng mga estudyanteng nakapaligid.

"Omgg, ang sweet!"

"Grabe, effort!"

"Sana all!"

At syempre, hindi mawawala ang mga bulungan na halos maulinig niya ang pangalan niya.

Parang gusto na lang niya ulit bumalik sa classroom nang makita ang kaibigan niya.

Si Heart, nakatayo sa gitna, hawak-hawak pa ang isang malaking stuffed toy na kulay pink. Nakangiti itong parang proud na proud sa sarili, na para bang isang bida sa teleserye na naghihintay ng standing ovation. Malaki pa ang ngiti nito nang makita siya. Samantalang siya ay hiyang-hiya sa ginagawa nito. Napatitig na lang siya dito na walang emosyon, hindi na niya talaga alam kung ano bang dapat gawin sa kaibigan niya.

Kung wala lang talaga itong kapatid na hambog, baka okay pa sila hanggang ngayon. Okay naman talaga sana kung hindi lang siya takot sa kapatid nito.

"Gel!" tawag nito sa kaniya sabay kaway. "This is for you!" Proud na proud pa nitong sabi. Para itong bata na pinapakita sa nanay nito ang mga stars na nakuha sa school.

Halos pumutok ang sentido niya habang tinitingnan ito. May gana pa talaga itong tawagin siya para ipakita ang kahihiyan na ginawa nito. Nilapitan niya ito agad, halos pabulong pero ramdam ang inis sa boses niya. Gusto niya itong kaladkarin palabas pero syempre ayaw niya rin na mapahiya ito kahit nakakahiya naman talaga.

"Heart, ano ba 'to? Bakit mo ba ginagawa to? Mas lalo mo lang pinapainit ang issue eh."

Ngumisi lang ito na parang walang narinig. Magkaiba talaga si Heart at ang kuya nitong ginagawang issue ang lahat. 

"Peace offering! Friends na ulit tayo, diba? Promise, hindi na ako gagawa ng kalokohan. Last na to." At alam naman pala nitong kalokohan ang ginagawa nito ngayon. "Please, bati na tayo."

Gusto niyang sabunutan ang sarili. Peace offering daw? Sa harap ng buong university? Hindi na ito simpleng kalokohan—ito ay open declaration ng gulo! Gulo against sa kuya nitong pinagsakluban yata ang langit at impyerno!

Napatingin siya sa paligid. Lahat sila nakatitig, nakangiti, kinikilig, may mga kumukuha pa ng litrato. Para siyang isang contestant na hindi alam na sumali pala siya sa contest. Pero may isang tao siyang hinahanap na sana hindi niya makita, walang iba kundi ang kuya ng kaibigan niya..

At bago pa siya makapag-react ay biglang nag-ingay ang paligid.

May malakas na yabag na papalapit na naglikha ng sunod-sunod na bulungan. At yon ang kinakatakutan niya.

"Si Brian 'yon..."

"Omg, Kuya ni Heart!"

"Ang gwapo!"

Parang biglang tumigil ang mundo niya. At ayun na nga, dumating si Brian, naka-puting polo lang at dark slacks, pero iba ang dating. Para bang isang eksenang pinadala lang para dagdagan ang kahihiyan niya. Ito na nga ba ang sinasabi niya. Mabilis na kumalat ang ginawa ni Heart ngayon at nakarating agad sa kuya nito. Ang bilis talaga ng chismis!

Napatingin siya kay Heart na para bang nanghihingi siya ng tulong pero bigo naman siya. Biglang nag-shrink ang ngiti nito na parang batang nahuli sa kalokohan. Bata na hindi alam kung paano ayusin ang gulong nilikha nito.

Pero imbes na pagalitan nito ang kapatid, lumapit si Brian diretso sa kaniya. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Hindi dahil sa kilig kundi dahil alam niyang may malaking eksena na namang mabubuo. Kahit nanginginig ang kamay ay hinawakan niya si Heart. Kung ano mang gawin ng kuya nito ay handa na siyang tumakbo para makalayo dito, at isasama niya ang kaibigan niya.

"Enough, Heart," malamig ang tono nito pero hindi naman sumisigaw. "Ako na."

Lahat ng tao napasinghap. Parang narinig ng lahat ang sinabi nito. Tumahimik kasi ang paligid nang magsalita si Brian na para bang dapat pakinggan ng lahat ang sinasabi nito.

At bago pa siya makatanggi, hinawakan nito ang kamay niya. Mainit, mahigpit, at parang sinelyuhan ang lahat ng tsismis na umiikot. Natahimik ang lahat at hinihintay ang susunod na sasabihin nito. Iba talaga ang isang Brian Del Rio.

Napatingin siya rito at halatang nagulat. "Ikaw ang nag-utos kay Heart?" hindi niya makapaniwalang tanong dito. Impossible!

Tumango ito at seryosong-seryoso ang mukha na sinagot siya. "Oo. Gusto lang kitang ligawan, Angela. Matagal na."

At ayun na nga ba ang sinasabi niya.

Halos sumabog ang paligid sa kilig. May mga nagsigawan ng "Ayyyieee!" May nagsipalakpakan pa, at kahit ang prof nila na nadadaan lang ay napangiti at pinapakita talaga na kinikilig. Para bang lahat ay naniniwala sa napapanood nilang eksena.

Pero siya?

Hindi makapaniwala at pakiramdam niya niloloko siya. Hindi niya maramdaman ang kilig na nararamdaman ng mga taong nakapaligid sa kanila. Hindi niya mahanap yon.

Tumingin siya kay Heart na biglang napayuko, tila nawala ang sigla. Nararamdaman din siguro nito ang ginagawa ng kuya nito. Kung meron mang mas nakakakilala kay Brian, walang kundi ang mismong kapatid nito. At alam niya na alam din nito na hindi totoo ang sinasabi ni Brian.

At heto si Brian, hawak pa rin ang kamay niya habang ang lahat ay kinikilig at naniniwalang totoo ang lahat. Napailing na lang siya kasi sa loob-loob niya, isang tanong ang paulit-ulit na nag-e-echo.

Ginagawa lang ba niya 'to para protektahan si Heart sa kahihiyan?

Natatakot siguro itong baka maging laman na naman ng chismis ang kapatid at maging usap-usapan pa na baka tomboy talaga ito. Pinilit niyang binabawi ang kamay pero lalo lang hinigpitan ni Brian ang pagkakahawak. Lumapit pa ito ng kaunti at bumulong sa kaniya.

"Simula ngayon, ako na. Ako na ang manliligaw sayo, naiintindinhan mo?"

Halos hindi siya makahinga, tila sumisikip ang dibdib niya. Kahit gusto niyang sabihin dito na hindi niya naiintindihan pero wala siyang lakas ng loob na sabihin iyon. Mas pinili niyang manahimik para na rin matigil tong eksenang to. 

Ang lakas ng sigawan ng mga tao sa paligid, parang nasa isang concert. Pero siya, pakiramdam niya para siyang nasa isang kulungan na hindi makaalis. Gusto na niyang matapos ang kalokohang to at isipin na lang na isa itong bangungot. Hindi niya gustong maging ganito ang unang panliligaw na mararanasan niya.

Kinagabihan, habang nakahiga siya sa dorm bed niya, hindi pa rin mawala sa isip niya ang mga nangyari.

Paulit-ulit bumabalik ang eksena. Ang banner. Ang balloons. Ang mukha ni Heart na pilit pa ring nakangiti kahit halatang hindi na totoo. At ang kamay ni Brian na mahigpit na humahawak sa kaniya.

Hindi niya alam kung alin ang mas matimbang—yung kaba, yung hiya, o yung guilt.

Pagpasok niya sa library kinabukasan, halos matunaw siya nang makita si Heart doon, nakatungo, hawak ang isang bukas na libro pero hindi naman nagbabasa.

Nagtagpo ang mga mata nila sandali. At sa tingin pa lang, alam niyang sugatan si Heart. Siguro nakokonsensiya ito sa ginawa nito na naging dahilan pa ng isang pagkukunwaring panliligaw. Alam nitong may ginawa itong mali sa kaniya pero hindi lang nito masabi sa kaniya.

Napayuko siya agad, hindi niya kayang panindigan ang tingin nito.

At sa bawat hakbang niya palayo, lalong lumalakas ang tanong sa isip niya:

Ano ba talaga ang laro ng magkapatid na 'to?

At higit sa lahat...

Handa ba siyang maging parte noon?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Especially For You   Chapter 17

    Year 2025Dalawang oras na ang lumipas ay hindi pa rin dinadalaw ng antok si Angela. Natigil na lang ang kaniyang pag-i-imagine nang makarinig siya ng mga pagkatok.Sunod-sunod na mga pagkatok iyon kaya ang plano niya sanang hindi ito pagbuksan ay hindi niya yata magawa.Sinuot niya ang kaniyang tsinelas at wala sa mood na binuksan ang pinto ng kaniyang kwarto.Imposible naman kung ito na ang tinutukoy ng kaibigan niya na bisita nito.Ang aga naman, bulong niya at kinuha ang tuwalya na nakasabit sa pinto at ipinalibot iyon sa katawan niya.Lumabas na siya ng kwarto matapos niyang suklayin ang buhok. Diretso na siya sa pinto upang pagbuksan ang taong patuloy pa rin sa pagkatok.Dios mio, alas singko pa lang.Kahit parang nahihilo pa siya dahil sa kulang siya sa tulog at masama pa ang pakiramdam niya ay pinilit niyang tumayo."Sandali." Hindi niya sigurado kung narinig ba siya ng tao sa labas pero patuloy pa rin siya sa paghakbang.Mahina niyang pinihit ang door knob ng pinto at binuksa

  • Especially For You   Chapter 16

    Nakita agad ni Angela si Brian nang lumabas siya sa main gate ng school nila. Hindi niya napigilan ang pag-igting ng kaniyang panga nang makita ang binata at naglabas ng isang malaking buntonghininga. Tandang-tanda niya ang sinabi ni Heart sa kaniya nong Friday na naging rason pa ng kaniyang pagkalito. Pero buo na ang desisyon niya na iwasan na ang babaerong to.Anong akala niya sakin? Nadadala sa kaniyang mga ngiti? Hindi na uy! Nakatayo ito roon, parang estatwa na hindi natitinag, may hawak na bouquet ng mga puting rosasat isang paper bag na halatang puno ng kung anong regalo. Sa unang tingin, maaari sanang kiligin ang kahit na sinong babae na bibigyan nito — isipin mo, isang Brian Del Rio ang naghihintay, mukhang seryoso at parang leading man sa pelikula dahil sa sobrang kapogian.Pero hindi siya. Hinding-hindi na siya papaloko pa. Ayaw niyang makasira ng relasyon. Ayaw niyang makasakit ng kapwa babae. Kaya kung ano man ang nararamdaman niya, kailangan na niyang pigilan.Sa halip,

  • Especially For You   Chapter 15

    Paglabas ni Angela sa gate ng campus, agad niyang napansin ang nakasandal na pigura sa poste. Kilalang-kilala na niya ang body figure nito, alam niyang si Brian iyon. Naka-black shirt lang ito at faded jeans, hawak ang helmet sa isang kamay habang panaka-nakang tumitingin sa relo. Kahit pa anong iwas niya, hindi niya maitago ang kaunting kilig na unti-unting kumakain sa sistema niya.Wake up, Angela! Anong kilig ang pinagsasabi mo! Iwasan mo yan!"Hatid na kita," walang paligoy-ligoy na sabi ni Brian nang makalapit siya. Para bang automatic na parte na siya ng hapon niya."Hindi na. Kaya ko namang umuwi, sanay na ako," mabilis niyang sagot, pero ramdam niya ang kaunting kaba sa dibdib. Bakit ba siya kinakabahan? Parang tanga naman tong damdamin niya.Brian smirked, bahagyang tinaas ang kilay. "Wala namang mawawala kung ihahatid kita diba? Nakalibre ka pa ng pamasahe. Mas safe din, at least may kasama ka sa daan."Gusto pa sana niyang sumagot dito pero nang iabot na nito ang helmet sa

  • Especially For You   Chapter 14

    Hindi mapakali si Angela kinabukasan. Halos buong gabi niyang iniisip ang nangyari kagabi. Kung paano naghintay si Brian sa labas ng gate, kung paano ito naglakad kasabay niya pauwi, at kung paano mabilis nakuha ng binata ang loob ng nanay niya. Para bang lahat ay perpektong naitakda para sa kaniya, pero sa puso niya, hindi siya makasabay. Parang ang dali-dali lang nitong kinuha ang loob ng nanay niya at feeling close pa ito. Hindi niya na orient ang nanay niya na acting lang ang lahat.Habang kumakain sila ng almusal, hindi niya naiwasan ang mga tingin ng kanyang ina. Kagabi pa nga ito pabalik-balik na mabait daw si Brian kesyo ganiyan. Ang dami nitong positive comment tungkol sa nanliligaw sa kaniya kuno. Samantalang siya ay hindi na natutuwa. Bakit pa kasi ito pumunta sa bahay niya para magpaalam na manliligaw daw ito sa kaniya, nakakuha pa tuloy ito ng kakampi."Magalang na bata 'yong si Brian, ah," ani ng Mama niya habang nagkakape. Naririndi na ang tainga niya, paulit-ulit na l

  • Especially For You   Chapter 13

    Paglabas ni Angela ng gate ng university, ang tangi niyang nasa isip ay makauwi agad at makahiga sa kama. Pagod siya sa dami ng activities ngayong linggo, at pakiramdam niya drained na drained ang utak niya sa kakaisip ng research proposal nila. Idagdag pa na parang siya lang naman ang gumagawa sa gruop nila.Halos malaglag ang bag niya sa balikat nang mapansin ang isang pamilyar na pigura na nakasandal sa poste malapit sa gate. Heto na naman ito, parang walang kapaguran sa pangungulit. Nakasuot ng puting polo si Brian, bahagyang nakabukas ang dalawang butones sa itaas, at halatang fresh kahit pa mainit ang panahon. Nakahalukipkip ito at parang ilang minuto na talagang naghihintay."Angela," tawag nito nang makita sabay kindat, para bang matagal na silang magkasama.Napahinto siya sa gitna ng lakad niya. Jusko po, heto na naman ako. Hindi ba pwede na magkaroon din ako ng day off kahit ngayong araw lang? Stress na stress po ako oh.Ramdam na naman niya ang mga mata ng ibang estudyanten

  • Especially For You   Chapter 12

    Tahimik lang si Angela habang naglalakad papasok ng campus. Tahimik na naglalakad pero ang puso at isip niya ay halos magsigaw na sa dami ng laman. Habang naglalakad siya ay ramdam na ramdam niya ang mga matang nakasunod sa kaniya, pati ang pabulong-bulong ng ilan. Hindi niya kailangang magtanong kung tungkol saan iyon, mula pa kahapon ay laman na sila ng chismis. Kahit siya nga din ay hindi mapakali, ang mga chismosa pa kaya?Humigpit ang kapit niya sa strap ng kaniyang bag habang pinipilit maging kampante ang mukha. Yong tipong hindi niya pakitaan ng kamalditahan ang mga marites sa paligid niya. Pero sa loob-loob niya, parang hinihila pababa ang dibdib niya. Hanggang kailan ko ba kakayanin ‘to? Hanggang kailan ko ba hahayaang gawin ni Brian ang gusto niya? Tama naman siguro ang ginawa niya na kahapon. Hindi niya alam kung makikinig ba si Brian pero gusto na niya talaga na tigilin na nito ang ginagawa nitong kabaliwan.Yes, kabaliwan naman talaga. Saan ka ba makakahanap ng tao na g

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status