Hindi mapakali si Angela buong weekend. Akala niya kasi magiging madali lang ang lahat kapag sinabi niya kay Heart na tigilan na siya. Akala niya kapag lumayo siya ay titigil na rin ito. Pero mali siya. Maling-mali siya ng akala. Iba talaga ang takbo ng utak nito, parang hindi niya masabayan.
Lunes pa lang ng umaga, sinalubong agad siya ng bulaklak sa upuan niya sa classroom. Hindi lang basta bulaklak kundi isang malaking bouquet na may kasamang maliit na card. “Smile, bestie! –H 💕”
Napailing na lang siya at kinuha ang bulaklak para makaupo siya nang maayos.
“Bestie, my foot,” bulong niya habang pinipilipit ang card at itinago iyon sa bag niya. Ramdam niya ang mga titig ng mga classmates niya. Yung iba ay kinikilig, yung iba naman nakita niyang nagbubulungan. Yung iba naman ay halatang nag-aabang lang kung ano ang magiging reaksyon niya.
Napapikit siya nang mariin. Paano ba niya ipapaliwanag sa mga ito na hindi siya involved dito? Paano niya sasabihin sa lahat na ang nakikita nito ay isa lamang kabaliwan ng kaibigan niya? Paano niya sasabihin sa lahat na pinagti-trip-an lang siya ng magkapatid?
“Uy, Angela!” may lumapit pang isa nilang kaklase parang hindi na nakayanan na manood lang. “Swerte mo naman kay Heart. Sana all may ganyang effort.” sinabayan pa nito ng tawa.
Alam niyang sarcastic yon pero nakisabay na lang siya sa pagtawa. Ang sarap nitong sagutin ng, "kung gusto mo sayo na lang".
Ngumiti na lang siya kahit gusto niyang magmura. Kung alam lang nila na gusto na niyang ipagtulakan si Heart sa jeep para matauhan. Ang sarap nitong iuntog sa pader kung pwede lang.
Pero syempre, hindi rin siya makatanggi. Lalo na nang makita niyang nakasilip sa pinto si Heart, nakangiti habang kumakaway pa sa kaniya. Para bang proud na proud sa ginawa nitong kabaliwan.
Napailing na lang siya at tinakpan ang mukha niya ng libro.
At doon nagsimula ang isang linggo ng kalbaryo niya.
Flowers. Chocolates. Cute na mga sticky notes sa libro niya. Milk tea na biglang may nakapangalan sa kaniya sa cup. At hindi lang basta simpleng effort, lahat ng ginagawa nito ay nakikita ng publiko. Lahat ng estudyante ay nakakita sa mga ginagawa nito. Kaya hindi nakapagtataka na ilang araw lang ay kumalat na sa buong campus ang ginagawa ni Heart. Ipinapalabas pa ng iba na nililigawan daw siya ni Heart. Hindi niya maiwasang umiling dahil alam naman niya ang katotohanan na hindi totoo ang chismis. Hindi naman ang tomboy ang kaibigan niya, may sayad nga lang.
Porque marami itong pera ay kaya nitong gumastos para pagtripan siya.
Hanggang sa isang hapon, habang palabas siya ng building ay biglang may humarang sa harap niya.
“Angela.”
Parang napako ang mga paa niya at hindi niya maigalaw. Ang boses na iyon, kilalang-kilala niya kung sino ang may-ari non. Mas malalim, mas malamig at mas nakakatakot kaysa sa mismong dean ng university nila. Pakiramdam niya ay may dumaan na bagyo dahil sa lamig ng boses nito. Daig pa ang naka aircon.
Si Brian.
Nakasandal ito sa pader at naka-cross arms pa. Nakaayos ang buhok nito, naka-poloshirt, at parang advertisement na naman ng men’s perfume. Pero sa halip na humanga siya ay gusto niyang magtago sa ilalim ng sahig. Lupa, lamunin mo muna siya kahit ngayon lang. Iluwa mo na lang siya kapag wala na si Brian.
“Brian.” halos pabulong niyang bati.
Lumapit ito ng dahan-dahan sa kaniya habang naka cross arms pa rin. Bawat hakbang nito ay may dalang kaba sa dibdib niya. “Hindi ba’t sinabi ko na sayo na layuan mo ang kapatid ko.”
“Hindi ko naman—” Naputol ang salita niya nang bigla itong maglabas ng cellphone at ipakita sa kaniya ang litrato nila ni Heart. Magkasama silang kumakain at may hawak pa itong bulaklak.
“Anong tawag mo rito?” malamig na tanong ni Brian.
Hindi siya nakapagsalita. Pakiramdam niya ay wala na siyang makitang salita sa dictionary niya.
“Listen, Angela,” tuloy nito. “Hindi ko hahayaang masaktan ang kapatid ko. She’s naive. Madali siyang maniwala kapag pinakitaan siya ng kabutihan, akala niya lahat ng nakikita niya ay totoo. At ikaw?” Lalo nitong tinitigan ang mga mata niya. “Hindi ko alam kung anong plano mo, pero tigilan mo na ang kapatid ko habang maaga pa.”
Naramdaman niya ang pamamanhid ng buong katawan niya. Hindi niya alam kung iiyak ba siya o sisigaw. Pero sa huli, tumango na lang siya sa sinabi nito. Gusto niya sanang isagot na hindi naman niya inuutusan ang kapatid nito. Gusto niyang sabihin na wala naman siyang planong lokohin ang kapatid nito dahil magkaibigan lang naman sila. Ang dami niyang gustong sabihin pero hindi niya magawa. Para lang siyang kahoy na hindi kayang ipagtanggol ang sarili.
“Good,” wika ni Brian bago siya tinalikuran.
Para siyang napako sa kinatatayuan niya. Kung dati ay galit lang ang nararamdaman niya kay Brian, ngayon parang… may halo nang takot. Pero parang mas lamang pa rin ang galit dahil hindi niya kayang ipagtanggol ang kaibigan niya.
Umuwi siya sa bahay na nasa loob niya pa rin ang poot. Bwesit na Brian!
Kinagabihan, habang nasa kwarto siya, bigla namang nag-text si Heart.
Heart: Gel, labas tayo bukas after class. Surprise! 💕
Pinagdikit niya ang palad niya sa mukha. Diyos ko, anong klaseng surprise na naman ’to? Baka isa na namang gulo ang gawin ni Heart at baka mas lalong magalit ang Kuya nito.
At hindi nga siya nagkamali.
Kinabukasan, pagkatapos ng huling subject nila, hinihintay na siya ni Heart sa labas ng building. Nakangiti, nakahawak sa likod na para bang may tinatago.
“Heart…” umpisa niya, halatang pagod na sa lahat ng kalokohan nito. “Ano na naman ba ’to?”
“Promise, matutuwa ka,” nakangiti pa rin nitong sagot.
Pero imbes na matuwa, parang lalo siyang kinabahan. Nakita pa niyang may ilang estudyanteng nag-aabang. Mahirap na. Minsan kasi, kapag si Heart ang bida, automatic trending na sa buong campus. Alam kasi ng lahat kapag ang isang Del Rio ang gumalaw ang bongga ito.
At bago pa siya makatanggi, inilahad na ni Heart ang kamay nito. May hawak itong maliit na paper bag na may ribbon.
“For you,” wika nito.
Napatingin siya sa bag, tapos kay Heart. “Ano na naman ’to?”
“Buksan mo muna,” masayang sagot nito. Para pa itong bata na excited buksan ang Christmas gift.
Napilitan siyang kunin. Pagbukas niya, isang maliit na box ng mango-flavored macarons ang bumungad sa kaniya.
Alam na alam talaga ni Heart ang kahinaan niya.
“Heart…” napa-iling siya. “Ilang beses ko bang sasabihin sayo na tigilan mo na ’to? Naiinis na ako.” aniya sa malamig na tinig.
“Bakit ka maiinis? Eh gusto lang naman kitang mapasaya,” nakangiting sagot nito, pero halata ang lungkot sa mga mata. “Masama bang magmahal ng isang kaibigan?”
Parang may kumurot sa dibdib niya. Gusto niyang sumigaw. Gusto niyang sabihing hindi ganon kadali ang lahat. Pero wala siyang nasabi.
At gaya ng inaasahan, eksakto ring dumating si Brian.
Nakatalikod pa lang siya pero alam na niyang si Brian yon. Yong presensya nito ay mabigat agad. Para na namang may bagyo na dumaan.
“Angela.”
Nanlamig ang buong katawan niya. Dahan-dahan siyang napalingon at doon nakita niya si Brian na nakatayo ilang metro ang layo, malamig ang tingin sa kanila.
“Kuya…” bulong ni Heart, agad na umismid. “Huwag mong sabihing susunduin mo na naman ako?”
“Halika na, Heart.” Hindi man lang ito tumingin sa kapatid, nakatutok lang kay Angela. “Uuwi na tayo.”
“Kuya naman!” reklamo ni Heart. “We’re just hanging out.”
Ngunit nanatili pa ring nakapako ang mga mata ni Brian kay Angela. “Ikaw,” mahinahon pero matalim ang boses nito. Lumapit pa ito sa kaniya at mahinang bumulong, “ilang beses ko bang uulitin? Layuan mo ang kapatid ko.”
Pakiramdam niya ay nilalamon siya ng lupa.
Gusto niyang ipaliwanag. Gusto niyang sabihing wala siyang ginagawang masama. Pero wala ring saysay. Kahit ano pa ang sabihin niya, si Brian lang at ang iniisip nitong protektahan ang kapatid ang mananalo sa dulo.
Kaya ang tanging nagawa niya ay tumango. Mahina. Halos hindi marinig.
“Good.” Tinalikuran na sila ni Brian. “Sumunod ka, Heart.”
“Kuya, wait lang!” reklamo ulit ng dalaga, pero wala na itong nagawa kundi sumunod.
At siya? Naiwan lang siyang nakatayo habang hawak pa rin ang paper bag ng macarons. Ramdam niya ang bigat sa dibdib na parang hindi na niya kayang buhatin.
Napaupo siya sa bench at wala siyang pakialam kung may makakita. Doon na rin bumigay ang luha niya.
“Bakit ba ganito?” mahina niyang tanong sa sarili. “Bakit parang kasalanan ko ang lahat?”
At sa tabi niya, nakaupo ang paper bag. Nakatingin lang siya roon, at pakiramdam niya iyon na ang pinakamabigat na regalo na natanggap niya sa buong buhay niya.
Year 2025Dalawang oras na ang lumipas ay hindi pa rin dinadalaw ng antok si Angela. Natigil na lang ang kaniyang pag-i-imagine nang makarinig siya ng mga pagkatok.Sunod-sunod na mga pagkatok iyon kaya ang plano niya sanang hindi ito pagbuksan ay hindi niya yata magawa.Sinuot niya ang kaniyang tsinelas at wala sa mood na binuksan ang pinto ng kaniyang kwarto.Imposible naman kung ito na ang tinutukoy ng kaibigan niya na bisita nito.Ang aga naman, bulong niya at kinuha ang tuwalya na nakasabit sa pinto at ipinalibot iyon sa katawan niya.Lumabas na siya ng kwarto matapos niyang suklayin ang buhok. Diretso na siya sa pinto upang pagbuksan ang taong patuloy pa rin sa pagkatok.Dios mio, alas singko pa lang.Kahit parang nahihilo pa siya dahil sa kulang siya sa tulog at masama pa ang pakiramdam niya ay pinilit niyang tumayo."Sandali." Hindi niya sigurado kung narinig ba siya ng tao sa labas pero patuloy pa rin siya sa paghakbang.Mahina niyang pinihit ang door knob ng pinto at binuksa
Nakita agad ni Angela si Brian nang lumabas siya sa main gate ng school nila. Hindi niya napigilan ang pag-igting ng kaniyang panga nang makita ang binata at naglabas ng isang malaking buntonghininga. Tandang-tanda niya ang sinabi ni Heart sa kaniya nong Friday na naging rason pa ng kaniyang pagkalito. Pero buo na ang desisyon niya na iwasan na ang babaerong to.Anong akala niya sakin? Nadadala sa kaniyang mga ngiti? Hindi na uy! Nakatayo ito roon, parang estatwa na hindi natitinag, may hawak na bouquet ng mga puting rosasat isang paper bag na halatang puno ng kung anong regalo. Sa unang tingin, maaari sanang kiligin ang kahit na sinong babae na bibigyan nito — isipin mo, isang Brian Del Rio ang naghihintay, mukhang seryoso at parang leading man sa pelikula dahil sa sobrang kapogian.Pero hindi siya. Hinding-hindi na siya papaloko pa. Ayaw niyang makasira ng relasyon. Ayaw niyang makasakit ng kapwa babae. Kaya kung ano man ang nararamdaman niya, kailangan na niyang pigilan.Sa halip,
Paglabas ni Angela sa gate ng campus, agad niyang napansin ang nakasandal na pigura sa poste. Kilalang-kilala na niya ang body figure nito, alam niyang si Brian iyon. Naka-black shirt lang ito at faded jeans, hawak ang helmet sa isang kamay habang panaka-nakang tumitingin sa relo. Kahit pa anong iwas niya, hindi niya maitago ang kaunting kilig na unti-unting kumakain sa sistema niya.Wake up, Angela! Anong kilig ang pinagsasabi mo! Iwasan mo yan!"Hatid na kita," walang paligoy-ligoy na sabi ni Brian nang makalapit siya. Para bang automatic na parte na siya ng hapon niya."Hindi na. Kaya ko namang umuwi, sanay na ako," mabilis niyang sagot, pero ramdam niya ang kaunting kaba sa dibdib. Bakit ba siya kinakabahan? Parang tanga naman tong damdamin niya.Brian smirked, bahagyang tinaas ang kilay. "Wala namang mawawala kung ihahatid kita diba? Nakalibre ka pa ng pamasahe. Mas safe din, at least may kasama ka sa daan."Gusto pa sana niyang sumagot dito pero nang iabot na nito ang helmet sa
Hindi mapakali si Angela kinabukasan. Halos buong gabi niyang iniisip ang nangyari kagabi. Kung paano naghintay si Brian sa labas ng gate, kung paano ito naglakad kasabay niya pauwi, at kung paano mabilis nakuha ng binata ang loob ng nanay niya. Para bang lahat ay perpektong naitakda para sa kaniya, pero sa puso niya, hindi siya makasabay. Parang ang dali-dali lang nitong kinuha ang loob ng nanay niya at feeling close pa ito. Hindi niya na orient ang nanay niya na acting lang ang lahat.Habang kumakain sila ng almusal, hindi niya naiwasan ang mga tingin ng kanyang ina. Kagabi pa nga ito pabalik-balik na mabait daw si Brian kesyo ganiyan. Ang dami nitong positive comment tungkol sa nanliligaw sa kaniya kuno. Samantalang siya ay hindi na natutuwa. Bakit pa kasi ito pumunta sa bahay niya para magpaalam na manliligaw daw ito sa kaniya, nakakuha pa tuloy ito ng kakampi."Magalang na bata 'yong si Brian, ah," ani ng Mama niya habang nagkakape. Naririndi na ang tainga niya, paulit-ulit na l
Paglabas ni Angela ng gate ng university, ang tangi niyang nasa isip ay makauwi agad at makahiga sa kama. Pagod siya sa dami ng activities ngayong linggo, at pakiramdam niya drained na drained ang utak niya sa kakaisip ng research proposal nila. Idagdag pa na parang siya lang naman ang gumagawa sa gruop nila.Halos malaglag ang bag niya sa balikat nang mapansin ang isang pamilyar na pigura na nakasandal sa poste malapit sa gate. Heto na naman ito, parang walang kapaguran sa pangungulit. Nakasuot ng puting polo si Brian, bahagyang nakabukas ang dalawang butones sa itaas, at halatang fresh kahit pa mainit ang panahon. Nakahalukipkip ito at parang ilang minuto na talagang naghihintay."Angela," tawag nito nang makita sabay kindat, para bang matagal na silang magkasama.Napahinto siya sa gitna ng lakad niya. Jusko po, heto na naman ako. Hindi ba pwede na magkaroon din ako ng day off kahit ngayong araw lang? Stress na stress po ako oh.Ramdam na naman niya ang mga mata ng ibang estudyanten
Tahimik lang si Angela habang naglalakad papasok ng campus. Tahimik na naglalakad pero ang puso at isip niya ay halos magsigaw na sa dami ng laman. Habang naglalakad siya ay ramdam na ramdam niya ang mga matang nakasunod sa kaniya, pati ang pabulong-bulong ng ilan. Hindi niya kailangang magtanong kung tungkol saan iyon, mula pa kahapon ay laman na sila ng chismis. Kahit siya nga din ay hindi mapakali, ang mga chismosa pa kaya?Humigpit ang kapit niya sa strap ng kaniyang bag habang pinipilit maging kampante ang mukha. Yong tipong hindi niya pakitaan ng kamalditahan ang mga marites sa paligid niya. Pero sa loob-loob niya, parang hinihila pababa ang dibdib niya. Hanggang kailan ko ba kakayanin ‘to? Hanggang kailan ko ba hahayaang gawin ni Brian ang gusto niya? Tama naman siguro ang ginawa niya na kahapon. Hindi niya alam kung makikinig ba si Brian pero gusto na niya talaga na tigilin na nito ang ginagawa nitong kabaliwan.Yes, kabaliwan naman talaga. Saan ka ba makakahanap ng tao na g