Hindi na alam ni Angela kung ilang beses na siyang napa-buntong-hininga ngayong araw na to. Hindi pa niya nakakausap ang kaibigan niya tapos pakiramdam pa niya ay pinag-uusapan siya ng mga tao. Lahat kasi ng nadadaanan niya ay pinagtitinginan siya, minsan ay naririnig pa niyang binabanggit ang pangalan niya. At idagdag pa ang nararamdaman niya na para bang wala siyang makausap, kasi maski kaibigan niya ay tila ba iniiwasan siya. O baka hindi rin nito alam kung paano magsimula. Sobra din naman kasing naging wild ang eksena kahapon. Mula sa public gesture na ginawa ni Heart, ang banner, balloons, pati na rin ang mga kilig-kiligang sigawan ng mga kaklase nila. Hindi lang basta mga kaklase, kundi parang buong campus na talaga nila. Parang fiesta na hindi naman niya hiningi. At siyempre, hindi pa nakuntento ang tadhana dahil dumating si Brian at gumawa ng eksenang mas lalong nagpagulo sa isip niya.Hindi pa rin niya matanggap hanggang ngayon ang narinig niyang "confession" ni Brian. Oo, l
Last Updated : 2025-09-03 Read more