Home / Romance / Eternally / Chapter 9

Share

Chapter 9

Author: RIAN
last update Last Updated: 2025-08-06 03:59:28
Bigla ang pamumutla ni Jia. Natutulalang napatingin sa kaibigan saka muling ibinalik ang tingin sa grupo ng mga mananayaw na nasa gitna ng kalsada para sa Regada Festival. Ang Basayawan Dance ay bahagi na ng tradisyon at kultura sa nasabing lalawigan para sa fiesta ng Patron na si San Juan at taon-taon itong isini-celebrate ng mga Caviteño.

Ang Bayan ng Cavite ay may malaking bahagi din sa kasaysayan ng Pilipinas at sa buhay ni Andres Bonifacio. Bagamat Tubong-Tondo ang Ama ng Katipunan, sa Cavite tumira ang Supremo sa panahon ng Himagsikan kasama ng iba pang mga katipunero na kaniyang pinamumunuan.

"Nandito siya," bulong na saad ni Jia habang nakatingin sa babaeng matamang nakatitig sa kaniya na nakatayo sa di kalayuan, sa gitna ng karamihan.

Sinundan naman ng tingin ni Jeyzel ang tinitingnan ng kaibigan saka napakuno't noo.

"Sino?" nagtatakang hinanap ng paningin ni Jeyzel ang tinutukoy nito.

"Yung babaeng nakablusa, nandito siya-nakatingin sa'kin." ani Jia na bumibilis
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Eternally   Chapter 18

    BINABAGTAS nina Jia ang daan patungo sa simbahan ng Parokya ng Bataraza gamit ang inarkilang Van na minamaneho ni Jeyzel. Tahimik namang nakamasid lang sa paligid si Macario. Bakas sa mukha nito ang pagkamangha sa mga nakikitang pagbabago ng kasalukuyan. "Dalhin mo kaya sa siyudad," mahinang saad ni Jeyzel saka kinindatan ang kaibigan. "Para saan?" kunot-noong tanong ni Jia sa kaibigan saka sinulyapan ang boyfriend. "Para malibang at mamangha pa." nakangiting wika ni Jeyzel. "Kapag nalibang 'yan sa panahon mo hindi na 'yan babalik sa pinanggalingan niyang panahon." pilyang biro nito. Napabuntong-hininga si Jia, s'yempre iyon ang gusto ng puso niya- aniya ng isip niya. Gusto niya itong makasama pa ng matagal. Pero may sariling buhay ito mula sa kahapon. Sa dami ng misteryosong nangyayari sa buhay niya, at kahit pa magulo at nakakakilabot. Hindi niya maitatangging si Macario ay bahagi na lang ng panahong hindi pa siya naisilang sa mundo kahit pa mahal na mahal niya ito, hindi niya i

  • Eternally   Chapter 17

    "Kay hirap maunawaan kung paano nagbuklod ang tadhana at himala upang likhain ang lahat ng ito." ani Macario na namamangha sa binasa ni Jeyzel sa libro. "Natutupad at nangyayari ang nilalaman ng akda mo, Jia." bulalas na Jeyzel. Tahimik lang na muling nagbukas ng pahina at nagbasa si Jia. Ang bawat pangyayari sa librong siya mismo ang nagsulat- nagaganap sa paraang mahirap maunawaan. "Totoo nga ang kapangyarihan ng kwentas, may sumpa." Natitigilang nagkatinginan ang tatlo. "Sinabi ba kung paano mapuputol ang sumpa?" ani Jeyzel na tiningnan ang pahina ng mahiwagang libro na nanggaling sa kura-paruko ng Bataraza. Lahat sila ay nakatingin sa nakasulat sa libro ngunit kapag nabasa na nila ang mga titik na nakatala ay kusa itong naglalaho. "Hindi uso ang backread?!" saad ni Jeyzel. "Para tayong nasa Engkantadya!" Huminga ng malalim si Jia saka tiningnan si Macario na mas higit na naguguluhan sa kanila ni Jeyzel. "Ayon dito, isang wagas na pag-ibig ang magiging daa

  • Eternally   Chapter 16

    Maaga pa lamang ay nagising na si Jia sa tunog ng kampana ng simbahan. Ang mahabang tunog nito ay umalingawngaw sa buong baryo, nagsasabing magsisimula na ang misa. Bumangon siya mula sa kanyang banig at inayos ang sarili. Inilugay niya ang kanyang buhok at isinuot ang kanyang lumang saya, pagkatapos ay tinakpan ng manipis na belo ang kanyang ulo—isang senyales ng paggalang kapag pupunta sa simbahan.Nakabalik na sila sa tahanan nina Matilda, ipinakilala ni Jia si Jeyzel bilang kaibigan na nagmula sa kabilang ibayo. Pagkatapos nang unang pagsiklab ng himagsikan, kinailangan nilang mamuhay ng normal upang hindi mahalata ng mga Espanyol na bahagi sila ng Katipunan. Sa may pintuan, naghihintay si Jeyzel-bihis na rin at may hawak na abaniko. “Ganito pala ang pakiramdam!” wika nito habang hawak ang maliit na basket na may lamang kaunting bigas para sa alay. "Feel na feel ko si Maria Clara." mahina nitong saad na napahagikgik pa.Inirapan ito ni Jia saka napailing. “Sshhh! Sabi ko 'di ba,

  • Eternally   Chapter 15

    Mula sa kinatatayuan, tanaw ni Jia ang malawak na bukirin sa ibaba ng burol. Nalalanghap niya ang mabangong simoy ng hangin mula sa ginintuang butil. Napakapayapa ng kapaligiran na nagdudulot ng kapahingahan ng pagod niyang kaluluwa. "Anumang marating ng liwanag ng iyong mga mata ay magiging bahagi ng iyong kaharian, iniibig kong paraluman, sapagkat sa iyo ko iniaalay ang lahat ng mayroon ako't magiging akin pa." Ngunit sa halip na maging masaya ay tila nakadama ang dalaga ng hindi maipaliwanag na lungkot. Hungkag na pakiramdam, puno ng kabagabagan. Hindi ang karangyaan ang makakapagpasaya sa kaniya kundi ang pumili ng lalakeng maaari niyang ibigin ng malaya. "Sa ating pagbubuklod sa harap ng Maykapal, ikaw ang magiging Reyna ng aking buhay — kabiyak ng aking kaluluwa. At sa piling mo, ang tuwa ay di kukupas, sapagkat ang ating sumpaan ay di magmamaliw, magpakailanman." Dumaloy ang luhang pinipigilan ni Jia, ni hindi niya magawang lumingon man lang upang salubungin ang tingin

  • Eternally   Chapter 14

    Hindi ang sariling silid kundi ang katamtamang laki na bakuran ng kaniyang Lola Corazon ang tumambad kay Jia. Inilinga niya ang paningin. Bakit ba pakiramdam niya ay hindi naman siya nawala sa lugar na iyon? Naririnig ng dalaga mula sa kinatatayuan ang mahihinang pagtawa sa loob ng tahanan ng abuela. Nagmadali siyang pumasok, tumambad sa kaniya ang pamilyar na bulto ng kausap ng kaniyang Lola Corazon. Sabay pang lumingon ang kaniyang lola at ang kaniyang ex-boyfiend na si Liam. Iniwas niya ang paningin sa mga mata ng binata saka lumapit sa abuela at humalik sa kamay nito. "Kanina ka pa hinihintay ni Liam," saad ng kaniyang lola. "Maiwan ko muna kayo." Langhap niya ang paboritong men's cologne ni Liam. Ang mabangong awra nito na dati ay gustong-gusto niya ay tila wala ng epekto sa kaniya. Pinagsalikop niya ang mga braso saka tiningnan ito. "N-nandito ako para makipag-ayos, sorry babe." ani Liam na masuyong tinitigan ang dalaga. Nakaupo na silang pareho sa magkaharap na up

  • Eternally   Chapter 13

    Sa isang masukal na bahagi ng Pugad Lawin, nagtungo ang daan-daang mga Katipunero sa pangunguna ni Andres Bonifacio. Dama sa hangin ang bigat ng desisyong kanilang haharapin — ang wakasan ang pananahimik at simulan ang armadong pakikibaka. "Panahon na!" sigaw ni Bonifacio habang hawak ang kanyang cedula. "Hindi na tayo alipin. Dito sa lupaing ito, tayo ang magtatakda ng ating kapalaran!" Isa-isang nilapitan ng mga Katipunero ang gitna ng pulutong. Buo ang loob. Mararahas ang kilos. Pinunit nila ang kanilang mga cedula — sagisag ng kanilang pagkakabit sa ilalim ng pamahalaang Espanyol. "Mabuhay ang Katipunan! Mabuhay ang Kalayaan!" sabay-sabay na sigaw ng mga rebolusyonaryo. Pormal nang sisimulan ang himagsikan laban sa kolonyalismong Espanyol. "Natatakot ako, Macario." pabulong na saad ni Jia kay Macario. "Ang puso ng handang lumaban ay batong di nadadama ang pangamba, tinibok ito ng pagnanasa, hindi ng budhi.”makabuluhang wika naman ni Macario. Sa pagkakataong iyon, hindi na maga

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status