Share

Dominic Villafuerte

Penulis: Shea.anne
last update Terakhir Diperbarui: 2024-10-30 19:00:06

Ang max's sa ayala mall ang isa sa mga pinakasikat na restaurant sa manila. Naghahain sila ng mga masasarap na pagkain, maasikaso ang mga crew. Hindi sila tumatanggap ng walk in costumer dahil ito lang ang restaurant na nagpappa-reserve muna bago pumunta, minsan nga umaabot pa ng isang buwan dahil fully-book. Ang mga negosyante at matataas na uri ng tao ang madalas nagpapabook dito dahil sa pagkaing masasarap. Si Angel ang nag-book at nakahanap ng makakainang ito. 

Ang dekorasyon sa restaurant ay napaka-elegante rin. Ang bawat upuan ay may screen na naghihiwalay. May maliit na pintong kahoy sa harapan na walang kisame. Sa gabi, ang chandelier sa itaas ay nagbibigay ng napakagandang ambiance, na tila parang mga sinaunang tao na umiinom sa ilalim ng buwan.

Binuksan ng ilang tao ang pinto at umupo sa isang bilog na mesa.

Di nagtagal, dumating ang waiter dala ang mga pagkain.

Si Avegail ay nag-aalala na baka hindi makakain nang maayos ang batang babae sa tabi niya, kaya't nakatuon siya sa pagbibigay ng pagkain sa bata at paminsan-minsang pinupunasan ang kanyang bibig.

Si Dale at Dane  naman ay nakaupo sa kabilang gilid niya. Nakikita niyang cute ang pisngi ng munting babae sa tabi niya sa tuwing kumakain ito, kaya't masigasig siyang nagbabalat ng hipon para sa dito.

Ang batang babae ay hindi natitigil sa subo, naging masaya itong kumakain sa harap ng napakaraming pagkain. 

"Narinig niyo ba na nawawala ang nag-iisang prinsesa ng pamilya Villafuerte? Napakaraming tao ang pinadala sa buong bansa at mga airport para hanapin ito ngunit walang nakakita hanggang ngayon." bulong ng isang babae sa kabilang table na katabi nila Avegail. 

"Naku! Tingin mo kinidnap siya? pero hindi rin, dahil walang kahit sino ang susubokan kantiin ang isa sa mga miyembre ng pamilya Villafuerte, lalo na sa batang iyon. Sobrang halaga niya sa buong angkan." sagot ng kaharap na babae. "siguradong ang may kagagawan no'n ay pagod ng mabuhay."  dagdag pa nito. 

Nang marinig ni Avegail ang pangalan ni Dominic ay kinabahan siya. Nagdahan-dahan ang kaniyang kilos at medyo nawala ang isip sa pag-aasikaso ng bata. 

Nagpatuloy ang pag-uusap sa tabi, “Oo nga, kahit hindi nakakapagsalita ang prinsesita at hindi pa nagsalita ng matagal, hindi iyon makakapigil sa mga buhay ng iba. Ipinanganak lang siya sa tamang pamilya!”

Pipi?

Nagulat si Avegail at tumigil sa paggalaw.

Itinuturing ni Dominic na pipi ang prinsesita.

Ang batang babae na natagpuan niya ay hindi rin nakapagsasalita.

Ang ugali at pananamit ng batang babae ay akma nga sa estado ng pamilya Villafuerte.

At saka, ang boses ng lalaking nasa telepono kanina…

Pinipigilan ni Avegail ang sarili sa pagkagulat at tiningnan ang batang nakaupo sa kaliwa niya.

Napansin ng batang babae ang kanyang tingin at tumingala na puno ng pagtataka ang kanyang malalaking mata.

Nang magtagpo ang kanilang mga mata, pakiramdam ni Avegail ay tila binagsakan siya ng langit.

“Ang batang ito… siya kaya ang anak ni Dominic?”

Tumigil rin sa pagkain si Angel at tinitigan ang bata ng ilang segundo. Bumigat ang loob niya at bumulong, “Hindi naman siguro. Grabe naman ang pagkakataon kung ganoon.”

Bilang pinakamalapit na kaibigan ni Avegail, alam ni Angel ang lahat ng nangyari anim na taon na ang nakakaraan.

Ang batang ito ay parang nasa limang o anim na taong gulang, halos kaparehas ng edad nina Dale at Dane.

Kung ito nga ang anak ni Dominic, ibig sabihin matapos maghiwalay ang kaibigan niya rito, nagkaanak ito ng iba!

Sobrang pagkadesperado naman!

Iniisip lamang ni Angel, at naawa para sa kaniyang kaibigan.

Hindi alam ni Avegail kung ano ang iniisip ni Angel. Iniisip lamang niya ang mga nangyari simula nang matagpuan niya ang bata. Lalong naging malinaw sa kanya na ito nga ang anak ni Dominic.

Sandaling namutla ang kanyang mukha, “Mukhang ganito nga ang nangyari.”

Nang makita siyang sigurado, bumigat ang loob ni Angel, sinulyapan ang batang litong-lito at binulungan si Avegail, “Ano ang gagawin natin ngayon? Malamang papunta na si Dominic dito.”

Napuno ng gulat at pag-aalinlangan ang mukha ni Avegail.

Pagkatapos ng ilang saglit, inilabas niya ang kanyang telepono at iniabot ito kay Angel. “Hawakan mo muna ang telepono ko at sabihing ikaw ang tumawag. Aalis ako kasama sina Dane, Dale at pupunta kami sa parking lot, hintayin ka na lang namin doon.”

Tumango si Angel.

Sinulyapan ni Avegail ang batang babae sa tabi niya na hindi pa rin nagrereaksyon, ngunit hindi niya mapigilan ang lambot ng puso niya, “Ikaw na bahala dito sa batang ito.”

Pagkatapos magbilin, lumingon siya sa dalawang anak niya, “Tara na.”

Hindi nagtanong ang mga bata, at sumunod nang maayos.

Sa pagdaan nila sa batang babae, hinawakan ng maliit na kamay ang dulo ng damit ni Avegail.

Tiningnan niya ang bata nang may magkahalong damdamin.

Hawak ng batang babae ang dulo ng kanyang damit, ang kanyang malalaking mata ay puno ng takot.

Nang makita ang kanyang kaawa-awang tingin, hindi niya nagawang magpakita ng pagiging matigas.

Ano man ang nangyari sa pagitan nila ni Dominic, ang bata ay walang kasalanan.

Sa huli, pinakalma niya ang bata, “Aalis muna si Tita dahil may kailangan akong gawin. Ang Tita na ito ang mag-aalaga sa iyo. Maghintay ka lang dito nang maayos. Malapit nang dumating ang daddy mo.”

Pagkatapos, medyo marahas niyang inalis ang kamay ng bata sa kanyang damit at mabilis na lumabas ng kwarto kasama ang mga anak niya, hindi na lumingon pa.

Kasabay nito, si Angel ay nagmadaling pinatanggal ang tatlong dagdag na plato at kubyertos.

Di nagtagal matapos alisin ng waiter ang mga plato, bunukas ang pintong kahoy.

Pumasok ang grupo ng mga nakaitim na bodyguard, maayos ang pagkakalinya sa dalawang hanay, na may espasyo sa gitna.

Nang makita ito, awtomatikong inayos ni Angel ang kanyang sarili at tahimik na tinignan ang pintuan.

Nakita niya si Dominic na seryoso ang mukha at mabilis na naglakad papasok.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Anne_belle
niceeee naman
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Ex-wife Return: Love Me Again   As a Doctor

    Pagkalabas ng mansyon, diretso nang minaneho ni Luisa ang sasakyan patungo sa bahay ni Avigail.Nag-aayos si Avigail ng pananghalian kasama ang mga bata nang tumunog ang doorbell ng kanilang mansyon. Akala niya si Dominic ang dumating para bisitahin ang mga bata, o kaya si Angel para kumustahin ang kalagayan, kaya’t hindi na siya nag-isip nang husto. Ibinaba niya ang hawak at tinungo ang pinto.Pagbukas niya, natigilan siya.“Matagal na rin,” panimula ni Luisa, sinisipat siya mula ulo hanggang paa.Muling bumalik sa wisyo si Avigail at bahagyang yumuko. “Mrs. Villafuerte.”Isang malamig na tugon lang ang isinagot ni Luisa. “Ganito ba ang pagtanggap mo sa bisita? Pinapatayo lang sa pintuan?”Bahagyang kumunot ang noo ni Avigail at maingat na pinagmasdan si Luisa. Malinaw pa sa isip niya ang Allianawa nito noon sa research institute.Simula noon, hindi na sila nagkita. Bakit kaya siya nandito ngayon? At higit sa lahat, nandito si Skylie. Noong huli, winasak ni Luisa ang institute dahil

  • Ex-wife Return: Love Me Again   I respect

    Napilitan si Manang Susan na magsinungaling at sabihing kukunin niya si Skylie—pero sa totoo, tumuloy siya sa study para hanapin si Dominic.Nang magkatabi na sila ng kanyang ina, alam ni Dominic na hindi na niya maitatago pa ang totoo.“Wala rito si Skylie,” diretsong sabi niya.Lalo pang sumama ang mukha ni Luisa. “Ano’ng ibig mong sabihin?”“Wala rito si Skylie ngayon, at hindi mo siya makikita,” ulit ni Dominic, kalmado ang tono.Pagkasabi niya noon, ibinaba ni Luisa ang tasa nang mariin, lumagapak ito sa mesa. “Nasaan siya?”May hinala na si Luisa, pero gusto pa rin niyang marinig mula sa anak mismo.Natahimik lang si Dominic, bahagyang nakakunot ang noo.“Kay Avigail ba siya?” Lalong nag-init si Luisa nang hindi sumagot ang anak. “Si Avigail na nga ang nagdulot ng sakit kay Skylie, bakit mo pa pinayagang sumama sa kanya?”Mas lalong tumindi ang kunot sa noo ni Dominic habang tinitingnan ang ina. Sigurado siyang may kakaiba sa biglaang pagpunta nito at sa agarang paghahanap kay S

  • Ex-wife Return: Love Me Again   She Abandoned

    “Paano mo nalaman na magkasama sila?” tanong ni Luisa.Handa si Lera sa sagot. “Simula nang mawala si Skylie noon, lagi na akong may tao para magbantay sa kanya kapag umaalis siya ng bahay.”Sa marinig iyon, tuluyan nang ibinaba ni Luisa ang depensa niya kay Lera at nagsimulang magtanim ng sama ng loob kay Avigail. Ilang beses ko na siyang binalaan na layuan si Skylie. Anong lakas ng loob niya para suwayin ako?Patuloy namang nagbuhos ng apoy si Lera. “Siguro nga, wala lang talagang masamang intensyon si Ms. Suarez at gusto lang niyang mamasyal kasama si Skylie. Hindi lang siguro niya naisip ang kondisyon ng paligid. Kaya ngayon… nag-aalala ako.”Muli siyang tumigil at hindi tinapos ang sinabi.Kumunot ang noo ni Luisa. “Nag-aalala? Ano’ng inaalala mo?”“Parang may nakuha siyang impeksyon. Hindi ko alam kung kumusta na ang pakiramdam niya ngayon.” Malumanay ngunit puno ng malasakit ang tono ni Lera.“Ano?” Kumunot ang noo ni Luisa. Sapat na ang galit ko na isinama ni Avigail ang apo k

  • Ex-wife Return: Love Me Again   A gift

    Walang saysay ang patuloy na interogasyon kung ayaw niyang magsabi ng totoo at kung sino ang nasa likod niya. Kahit gaano kalaki ang Villafuerte Group, wala tayong magagawa kung walang ebidensya.Desidido si Dominic na unahin munang makuha ang ebidensya.Agad naintindihan ni Henry ang taktika nito. Hindi niya talaga pinakakawalan si Hanna—gusto lang niyang pakalmahin para makakuha tayo ng mas maraming ebidensya.Nang malinawan siya, unti-unti ring humupa ang galit niya. Agad niyang inutusan ang mga tauhan na sundan si Hanna.Samantala, nakahinga nang maluwag si Hanna pagkaraang makalabas ng lobby ng Villafuerte Group.Bilang beteranong imbestigador, marami na siyang narinig tungkol kay Dominic.Sabi sa mga balita, si Dominic ay walang puso at walang inuurungan.Kanina lang, sigurado na siyang hindi na siya lalabas nang buhay mula roon. Ang makatakas at makalakad paalis ay isa nang himala.Nang akala ni Hanna na maaari na siyang magpakampante, may napansin siyang kakaiba. Bilang isang

  • Ex-wife Return: Love Me Again   Don't speak

    Nakaramdam siya ng matinding kaba.Napansin ni Dominic ang pag-aalinlangan ni Hanna; dumilim ang mga mata nito at bumigat ang presensya sa paligid. “Sige, ganito na lang. Sino ang nag-utos sa’yo na sundan siya?”Natigilan si Hanna. Pagkatapos ng ilang segundong pag-iisip, napilitan siyang sumagot, “W-Wala.” Simula noon, araw-gabi na siyang nagtatrabaho pero ni singkong duling, wala pa siyang natatanggap.Para sa kaniya, kahit malaman pa ni Dominic ang totoo balang araw, sulit pa rin—basta makuha niya ang perang ipinangako sa kaniya.Pero kung isusumbong niya si Lera ngayon, baka pati ‘yon ay mawala.Pagkatapos magsalita ni Hanna, bigla niyang narinig ang bahagyang kaluskos. Maingat siyang tumingala—at nakita si Dominic na tumayo mula sa mesa at naglakad papalapit sa kaniya.Kung nakaka-intimidate na si Dominic habang nakaupo, lalo pa ngayong nakatayo ito—mas ramdam ni Hanna ang bigat ng presensya nito, para bang hinihigpitan ang paligid ng hangin.Huminto si Dominic sa harapan niya, w

  • Ex-wife Return: Love Me Again   Private investigator

    Pagkaalis ni Dale, sinimulang pag-aralan nina Avigail at Angel ang résumé ni Justine. Biglang nag-iba ang ekspresyon ni Angel nang makita niya ang pangalan ng isa sa mga institusyong pinagtrabahuhan ni Justine noon.Napansin iyon ni Avigail at agad nagtanong, “Ano ‘yon?”Itinuro ni Angel ang pangalan ng research institute sa screen at mariing sinabi, “Itong research institute na ‘to ay pagmamay-ari ng Ferrer Group.”Matagal nang nakabase si Angel sa maynila at halos lahat ng research institute sa Pilipinas ay nakatrabaho na niya. Kaya kabisado na niya ang background ng bawat isa. Dahil na rin sa gusot sa pagitan nina Avigail at Lera, mas naging maingat siya kapag may kaugnayan sa mga institusyong nasa ilalim ng Ferrer Group.At nagkataon, isa ito sa mga research institute na minsan na rin niyang nakatrabaho. Sa sinabi ni Angel, bahagyang napakunot ang noo ni Avigail.Masusing binasa ni Avigail ang impormasyon at may napansin sa petsa ng pagbibitiw ni Justine mula sa research institute

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status