Palabas na ng airport si Avigail. Sobrang kaba at taranta ang kaniyang nararamdaman, panay lingon siya upang iwasan ang lalaking ayaw niyang makita at laking pasalamat na lang niya na hindi na niya ito nakita pa. Huminga siya ng malalim habang hawak ang kamay ng dalawang anak, napapansin ng dalawang bata ang kakaibang kilos ng kanilang ina ngunit hinayaan na lang niya at sabay silang nanahimik dalawa.
"Avi!! Avigail! Dane at Dale!"
Isang pamilyar na boses ng babae ang narinig mula sa malayo.
Nang itaas nilang tatlo ang kanilang mga mata, nakita nila ang isang babaeng bihis na bihis at kumakaway habang papalapit sa kanila nang may ngiti.
Nang makita si Angel, ang puso ni Avigail ay unti-unting gumaan, at isang ngiti ang lumitaw sa kanyang mukha, “Angel! I miss you!"
Si Angel ay ang matalik niyang kaibigan mula sa kolehiyo at isa na ring doktor. Ngayon, siya na rin ang may-ari ng sariling ospital.
Lumapit si Angel sa mag-iina, niyakap si Avi, at ngumiti, "Ang tagal kong hinintay kayo! Miss na miss n'yo ako, 'no?"
Ngumiti si Angel at tumugon nang malumanay, "Oo, miss na miss din kita."
KAhit ang totoo ay palagi silang nagkakausap, karamihan sa mga iyon ay sa online lamang at bihira ang pagkakataong magkita nang personal.
Matapos ang mainit na yakapan, yumuko si Angel at niyakap ang dalawang bata. “Mga baby, miss n’yo rin ba si godmother?”
Ngumiti nang magiliw at sabay-sabay na sumagot sina Dale at Dane, "Oo naman! Lagi naming pinapangarap na makita ka, godmother! At napakaganda mo pa rin!"
"Ang tamis naman!"
Natuwa siAngel sa mga papuri ng mga bata at napangiti siya nang todo.
Ngunit kahit na masaya si Avigail hindi pa rin mawala ang kaba niya. Minsan pa siyang tumingin sa direksyon ng pintuan ng paliparan. "Halika na, umuwi na tayo nagugutom na din ako e.”
Tinulungan ni Angel ang kanyang kaibigan sa pagdala ng mga bagahe. Muli pang tumingin si Avigail sa pintuan ng airport.
Samantala, dumating si Dominic sa pintuan ng paliparan.
"Paki-ayos ng mga trabaho sa ibang bansa, i-cancel kung hindi mai-reschedule.”
Mahigpit na utos ng lalaki sa kanyang assistance na si Henry.
Tumango si Henry at sinabing, "Sir, pinalawak na namin ang paghahanap para sa batang babae. Hindi siya makakalayo. Huwag po kayong masyadong mag-alala."
Ang batang babae ay mahalaga sa pamilya, kaya't ang mga trabaho sa ibang bansa ay walang halaga kumpara rito.
Nagmukhang seryoso si Dominic at tahimik na sumakay sa kanyang sasakyan.
...
Makalipas ang isang oras, dumating ang kotse ni Angel sa isang villa na tinatawag na Casa de Mansyon.
Humiling si Avigail ang lugar na ito ilang araw pa lamang ang nakakalipas bago sila bumalik ng bansa.
Pagbaba nila ng sasakyan, nauna ng maglakad si Angel papasok ng bahay.
"Ang ganda ng lugar, gusto ko ‘to," tuwang-tuwa na sabi ni Avigail, saka bumaling sa kaibigan. "Hindi ko akalain na napakabilis mong kumilos."
Ngumiti si Angel at nagbiro, "Nakatira rin kasi ako sa tabi. Naisipan kong paglipatan mo, kaya ngayon pwede tayong magkita araw-araw."
Tumango si Avigail nang may ngiti.
Pagkatapos nilang ayusin ang mga gamit, eksaktong oras na para sa hapunan.
Inaya sila ni Angel na lumabas para maghapunan.
Sa parking lot ng restaurant, habang pa-parada ang sasakyan, biglang may batang babae na tumakbo mula sa dilim.
Napahinto si Angel sa preno at natulala sa batang babae na nakahandusay sa labas.
Nataranta rin si Avigail, agad niyang tiningnan ang kanyang mga anak sa likuran. Nang makita niyang ayos sila, agad siyang lumabas ng sasakyan.
Nang mapalapit, nakita niyang isang batang babae na nasa apat o limang taong gulang ang nakaupo sa lupa na mukhang nagulat.
Naramdaman ni Avigail ang lambot ng puso at dahan-dahang lumapit sa bata, "Iha, nasaktan ka ba?"
Ang batang babae ay may maputing balat, malinaw na mga mata, matangos na ilong, at mukhang napakaamo sa suot na pink na damit at dalawang maikling tirintas.
Nang marinig niya ang boses ni Avigail, dahan-dahang nag-angat ng tingin ang bata at umiling nang may pag-iingat.
Nang makita ang takot sa mga mata ng bata, lalo pang lumambot ang puso ni Avigail. Tumingin siya sa paligid at nang makitang walang sugat, huminga siya nang maluwag at inabot ang kamay upang tulungan ang bata.
Ngunit, nang makita ito ng bata, umatras ito at napuno ng takot ang kanyang mga mata.
Panandaliang natigilan si Avigail at nginitian ang bata upang maibsan ang takot nito, "Huwag kang matakot, tutulungan lang kita makatayo."
Pagkasabi niyon, muling tumingin si Avigail sa paligid, nagtataka, "Nasaan ang mga magulang mo? Bakit ka nag-iisa?"
Mahigpit na niyakap ng bata ang kanyang manika at hindi nagsalita, tumango lang sa kanya.
Napatitig si Angel sa bata at hindi malaman kung paano sisimulan ang pakikipag-usap.
Lumabas na rin ng sasakyan sina Angel at ang dalawang anak.
Napansin nina Dale at Dane ang katahimikan ng bata at nagtinginan nang may pagtataka.
"Ang cute ni ate, pero bakit tahimik siya? Baka pipi siya, Mommy?" wika nila na nagtataka.
Pagkalabas ng mansyon, diretso nang minaneho ni Luisa ang sasakyan patungo sa bahay ni Avigail.Nag-aayos si Avigail ng pananghalian kasama ang mga bata nang tumunog ang doorbell ng kanilang mansyon. Akala niya si Dominic ang dumating para bisitahin ang mga bata, o kaya si Angel para kumustahin ang kalagayan, kaya’t hindi na siya nag-isip nang husto. Ibinaba niya ang hawak at tinungo ang pinto.Pagbukas niya, natigilan siya.“Matagal na rin,” panimula ni Luisa, sinisipat siya mula ulo hanggang paa.Muling bumalik sa wisyo si Avigail at bahagyang yumuko. “Mrs. Villafuerte.”Isang malamig na tugon lang ang isinagot ni Luisa. “Ganito ba ang pagtanggap mo sa bisita? Pinapatayo lang sa pintuan?”Bahagyang kumunot ang noo ni Avigail at maingat na pinagmasdan si Luisa. Malinaw pa sa isip niya ang Allianawa nito noon sa research institute.Simula noon, hindi na sila nagkita. Bakit kaya siya nandito ngayon? At higit sa lahat, nandito si Skylie. Noong huli, winasak ni Luisa ang institute dahil
Napilitan si Manang Susan na magsinungaling at sabihing kukunin niya si Skylie—pero sa totoo, tumuloy siya sa study para hanapin si Dominic.Nang magkatabi na sila ng kanyang ina, alam ni Dominic na hindi na niya maitatago pa ang totoo.“Wala rito si Skylie,” diretsong sabi niya.Lalo pang sumama ang mukha ni Luisa. “Ano’ng ibig mong sabihin?”“Wala rito si Skylie ngayon, at hindi mo siya makikita,” ulit ni Dominic, kalmado ang tono.Pagkasabi niya noon, ibinaba ni Luisa ang tasa nang mariin, lumagapak ito sa mesa. “Nasaan siya?”May hinala na si Luisa, pero gusto pa rin niyang marinig mula sa anak mismo.Natahimik lang si Dominic, bahagyang nakakunot ang noo.“Kay Avigail ba siya?” Lalong nag-init si Luisa nang hindi sumagot ang anak. “Si Avigail na nga ang nagdulot ng sakit kay Skylie, bakit mo pa pinayagang sumama sa kanya?”Mas lalong tumindi ang kunot sa noo ni Dominic habang tinitingnan ang ina. Sigurado siyang may kakaiba sa biglaang pagpunta nito at sa agarang paghahanap kay S
“Paano mo nalaman na magkasama sila?” tanong ni Luisa.Handa si Lera sa sagot. “Simula nang mawala si Skylie noon, lagi na akong may tao para magbantay sa kanya kapag umaalis siya ng bahay.”Sa marinig iyon, tuluyan nang ibinaba ni Luisa ang depensa niya kay Lera at nagsimulang magtanim ng sama ng loob kay Avigail. Ilang beses ko na siyang binalaan na layuan si Skylie. Anong lakas ng loob niya para suwayin ako?Patuloy namang nagbuhos ng apoy si Lera. “Siguro nga, wala lang talagang masamang intensyon si Ms. Suarez at gusto lang niyang mamasyal kasama si Skylie. Hindi lang siguro niya naisip ang kondisyon ng paligid. Kaya ngayon… nag-aalala ako.”Muli siyang tumigil at hindi tinapos ang sinabi.Kumunot ang noo ni Luisa. “Nag-aalala? Ano’ng inaalala mo?”“Parang may nakuha siyang impeksyon. Hindi ko alam kung kumusta na ang pakiramdam niya ngayon.” Malumanay ngunit puno ng malasakit ang tono ni Lera.“Ano?” Kumunot ang noo ni Luisa. Sapat na ang galit ko na isinama ni Avigail ang apo k
Walang saysay ang patuloy na interogasyon kung ayaw niyang magsabi ng totoo at kung sino ang nasa likod niya. Kahit gaano kalaki ang Villafuerte Group, wala tayong magagawa kung walang ebidensya.Desidido si Dominic na unahin munang makuha ang ebidensya.Agad naintindihan ni Henry ang taktika nito. Hindi niya talaga pinakakawalan si Hanna—gusto lang niyang pakalmahin para makakuha tayo ng mas maraming ebidensya.Nang malinawan siya, unti-unti ring humupa ang galit niya. Agad niyang inutusan ang mga tauhan na sundan si Hanna.Samantala, nakahinga nang maluwag si Hanna pagkaraang makalabas ng lobby ng Villafuerte Group.Bilang beteranong imbestigador, marami na siyang narinig tungkol kay Dominic.Sabi sa mga balita, si Dominic ay walang puso at walang inuurungan.Kanina lang, sigurado na siyang hindi na siya lalabas nang buhay mula roon. Ang makatakas at makalakad paalis ay isa nang himala.Nang akala ni Hanna na maaari na siyang magpakampante, may napansin siyang kakaiba. Bilang isang
Nakaramdam siya ng matinding kaba.Napansin ni Dominic ang pag-aalinlangan ni Hanna; dumilim ang mga mata nito at bumigat ang presensya sa paligid. “Sige, ganito na lang. Sino ang nag-utos sa’yo na sundan siya?”Natigilan si Hanna. Pagkatapos ng ilang segundong pag-iisip, napilitan siyang sumagot, “W-Wala.” Simula noon, araw-gabi na siyang nagtatrabaho pero ni singkong duling, wala pa siyang natatanggap.Para sa kaniya, kahit malaman pa ni Dominic ang totoo balang araw, sulit pa rin—basta makuha niya ang perang ipinangako sa kaniya.Pero kung isusumbong niya si Lera ngayon, baka pati ‘yon ay mawala.Pagkatapos magsalita ni Hanna, bigla niyang narinig ang bahagyang kaluskos. Maingat siyang tumingala—at nakita si Dominic na tumayo mula sa mesa at naglakad papalapit sa kaniya.Kung nakaka-intimidate na si Dominic habang nakaupo, lalo pa ngayong nakatayo ito—mas ramdam ni Hanna ang bigat ng presensya nito, para bang hinihigpitan ang paligid ng hangin.Huminto si Dominic sa harapan niya, w
Pagkaalis ni Dale, sinimulang pag-aralan nina Avigail at Angel ang résumé ni Justine. Biglang nag-iba ang ekspresyon ni Angel nang makita niya ang pangalan ng isa sa mga institusyong pinagtrabahuhan ni Justine noon.Napansin iyon ni Avigail at agad nagtanong, “Ano ‘yon?”Itinuro ni Angel ang pangalan ng research institute sa screen at mariing sinabi, “Itong research institute na ‘to ay pagmamay-ari ng Ferrer Group.”Matagal nang nakabase si Angel sa maynila at halos lahat ng research institute sa Pilipinas ay nakatrabaho na niya. Kaya kabisado na niya ang background ng bawat isa. Dahil na rin sa gusot sa pagitan nina Avigail at Lera, mas naging maingat siya kapag may kaugnayan sa mga institusyong nasa ilalim ng Ferrer Group.At nagkataon, isa ito sa mga research institute na minsan na rin niyang nakatrabaho. Sa sinabi ni Angel, bahagyang napakunot ang noo ni Avigail.Masusing binasa ni Avigail ang impormasyon at may napansin sa petsa ng pagbibitiw ni Justine mula sa research institute