Share

Chapter 28

"Boss, may nakasunod raw sa likod na kotse at kung hindi ako nagkakamali si Smael 'yun."

Napaangat ang mukha ko dahil sa malalim na pag-iisip ko dahil sa nangyari kanina sa amin ni Elisa, hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin para subukan na halikan siya. At naasar ako dahil siya lang ang tumanggi sa akin, gusto kong magalit pero hindi ko magawa.

"Siguraduhin niyo kung siya nga 'yun." Wala sa sariling sagot ko at muli kong binaling ang atensyon ko sa labas ng bintana.

Alam kong narito na si Smael kaya kailangan kong ilipat ng lugar si Elisa, kaya ngayon pa lang dadalhin ko na siya sa ibang lugar. Kilala ko si Smael, gagalaw na 'yun agad dahil hindi 'yun nagsasayang ng oras.

"Boss, kumpirmado na si Smael."

Napalingon ako at nakaramdam ng galit.

"Tangin* paano niya tayo nasundan!?" Malakas ang boses na wika ko kay Alex habang nagmamaneho ito at may kausap sa headset na suot niya.

"Hindi ko rin alam boss, sinugurado namin na walang nakakita o nakasunod sa atin. Pero hindi ko ito
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status