"Boss, may nakasunod raw sa likod na kotse at kung hindi ako nagkakamali si Smael 'yun." Napaangat ang mukha ko dahil sa malalim na pag-iisip ko dahil sa nangyari kanina sa amin ni Elisa, hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin para subukan na halikan siya. At naasar ako dahil siya lang ang tumanggi sa akin, gusto kong magalit pero hindi ko magawa."Siguraduhin niyo kung siya nga 'yun." Wala sa sariling sagot ko at muli kong binaling ang atensyon ko sa labas ng bintana.Alam kong narito na si Smael kaya kailangan kong ilipat ng lugar si Elisa, kaya ngayon pa lang dadalhin ko na siya sa ibang lugar. Kilala ko si Smael, gagalaw na 'yun agad dahil hindi 'yun nagsasayang ng oras."Boss, kumpirmado na si Smael."Napalingon ako at nakaramdam ng galit. "Tangin* paano niya tayo nasundan!?" Malakas ang boses na wika ko kay Alex habang nagmamaneho ito at may kausap sa headset na suot niya."Hindi ko rin alam boss, sinugurado namin na walang nakakita o nakasunod sa atin. Pero hindi ko ito
AN: Hello po sa lahat ng nagbabasa nito, nagpapasalamat po ako sa inyong lahat dahil nagustuhan niyo ang story na ito. Sana'y basahin niyo pa rin ang mga susunod ko na mga story n darating. 😘❤❤❤---------Napangiti ako at pinahiran ko ang luha ko dahil malinaw ko ng nakita si Smael kahit pa mediyo malayo siya sa akin, dahil siya mismo ang nagpapaandar ng motor boat na kinasasakyan niya. "Fuck you Smael! Bakit hindi ka pa mamatay!" Napalingon ako kay Javier dahil sa sinabi niya at napatingin ako sa ginagawa niya. May mahabang bag ito na binubuksan at ng makita ko ito ay isang mahabang baril. "J-Javier," sambit ko dahil natatakot ako sa balak niya. Tiningnan niya lang ako at lumapit siya sa puwesto ko, inaayos niya ang mahabang baril o hindi ko alam kung anong tawag doon dahil nakikita ko lang 'yun sa mga palabas. Kapag tinamaan ko no'n siguradong sasabog ka."Dapat ka ng mawala sa mundo, Smael!"Balak kong pigilan si Javier pero napaputok na niya ito at mabuti sa gilid lang tumama
Sobrang saya ko dahil marami man ang nangyari sa amin ni Smael, ito siya ngayon sa tabi ko. Pati ako ay naiyak dahil sa nakikita kong pag-iyak ni Smael habang hawak niya ang kamay ko. Ngayon lang ako nakakita ng lalaki na umiiyak at damang-dama ko 'yun."Smael," sambit ko sa pangalan niya dahil yumugyog balikat niya dahil sa pag-iyak."M-masaya lang ako." Sagot niya at dinampian niya muli ng halik ang kamay ko. Wala akong pasidlan ng saya dahil sa mga narinig ko kay Smael, inasikaso niya ako hanggang sa makalabas na ako ng hospital.--------Isang buwan ang lumipas ng i-uwi ako ng Smael muli sa bahay niya at tuwang-tuwa sila Nanay Emma at Brenda dahil sa pagbalik ko. Samantala, lagi namang busy si Smael at sabi niya trabaho lang daw. Nasa kusina ako habang busy sila Nanay Emma sa pagluluto, gusto kong tumulong ngunit ayaw nilang pumayag."Brenda, bakit nga pala umalis na lang bigla si Andrea?" Tanong ko dahil pagdating ko dito wala na si Andrea."Nako, ewan ko doon sa babae na 'yun
"Kailangan mo ba talaga sa Maynila ka pa magtrabaho?" Malungkot na tanong ko muli kay Francis na asawa ko kahit hindi pa kami kasal. Dahil yon na lang naman talaga ang kulang, hindi nga lang mangyari dahil sa maraming dumarating na pangyayari na mas dapat unahin. "Alam kong nauunawaan mo ako at ginagawa ko ito para sa atin at malay mo sa pag-uwi ko, makabuo na tayo ng anak natin." Pilit na ngumiti ako at muli ay niyakap niya ako ng mahigpit, pinigilan ko naman ang luha ko na huwag bumagsak. Matapos 'ay hinagkan niya ako sa labi at muling niyakap ulit. "Francis! Kanina ka pa hinihintay ng tricycle, aba'y ano pa ang ginagawa mo riyan?" Napalingon kami pareho sa malakas na boses ng mama ni Francis. "Sige na, baka mahuli pa ako sa terminal anong oras na rin. Mahirap na maghihibtay pa ako ulit, basta tandaan mo lang ang mga sinabi ko sa'yo." "Oo, tatandaan ko. Basta mag-iingat ka lagi doon at tatawagan mo ako kung ano na ang nangyayari sa'yo doon." Paalala ko pa at ako naman ang huma
Nagising ako at pakiramdam ko hilong-hilo ako, narinig ko na mediyo maingay dito. "Gising!" Napasigaw ako dahil sa pagbuhos ng tubig sa mukha ko at narinig ko ang ilang tawanan dito. Napatayo ako at napansin ko na may dalawang babae akong katabi at halos hubad na sila dahil sa ang natitirang suot nila ay ang dalawang damit na kung saan ay nakatago ang maseselan na katawan nila. Hindi ko alam kung nasaan ako, maraming lamesa at mga lalaki sa loob. May mga nakaupo sa harapan namin na ang iba 'ay halos matatanda na at may ibang lahi rin akong nakita. "Ano pang hinihintay mo? Hubarin mo na 'yang suot mo." Napalingon ako dito sa lalaki na may hawak na pang latigo, nanlalaki ang mata ko dahil sa sinabi niya at napailing ako. "Ano ang gusto mo? Ako pa ang maghuhubad sa'yo?" Nakangising sabi ng lalaki at humakbak na ito palapit sa akin. "H-huwag, huwag. Pakiusap," sambit ko at naiiyak na ako, umiiyak rin ang dalawang babae na kasama ko. Umikot ang mata ko sa paligid at napansin ko ang p
"Malinis na ang sugat mo, siguro magpahinga ka na muna." "Salamat po." Nakangiti ako kay Nanay Emma, matapos niyang gamutin ang sugat ko."Tapos ka na?" Napalingon ako sa may pinto banda at nakita ko si Brenda na mukhang nakapaglinis na ng katawan dahil nagpalit na ito ng damit."Oo, sige na. Brenda, ihatid mo na siya sa magiging kuwarto niya para makapagpahinga na siya." Sabi pa ni Nanay Emma habang nililigpit ang mga gamit na pinanggamot sa akin."Halika na Elisa, sasamahan na kita." Nakangiting aya ni Brenda sa akin, tumango ako sumunod sa kanya.Umakyat kami ulit, ngunit dito lang kami sa unang palapag. Hindi ko alam pero napatingin ako sa hagdan paakyat doon sa unang pinuntahan ko. Bigla kong naalala ang mukha ni, Smael."Dito ang magiging kuwarto mo, dating silid ito ni Ma'am Beatrix, mali pala. Dahil marami ng nag-may ari nito." Nangingiting sabi ni, Brenda."Talaga pa lang marami na siyang naging babae." Mahinang wika ko at lumingon sa akin si, Brenda. "Oo, pero lahat 'yun
"Elisa?" Dahan-dahan akong napamulat at hinanap ang tumatawag sa akin. Nakita ko si Nanay Emma na may dalang pagkain."Dinalhan na kita dito ng pagkain dahil alas diyes na ng umaga ngunit tulog ka pa. Hindi na kita pinagising dahil alam ko pagod ka." Marahan na inangat ko ang katawan ko, pero napapikit ako dahil ang sakit ng ibaba ko. "May masakit ba sa'yo?" "W-wala ho." Nahihiyang sagot ko at naalala ang nangyari kagabi.Napansin ko na nandito na ulit ako sa kuwarto ko. "Meron ka pala ngayon sandali at magpapakuha ako ng napkin." "H-ha? W-wala po akong--" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil nakita ko sa gilid na may dugo sa sapin at dahil puti ito kaya kitang-kita. "Sandali lang magpapakuha ako." Hindi ko na napigilan si Nanay Emma ng lumabas ito. Napansin ko na iba na ang suot kong damit. T-shirt na puti ito at malaki, naisip ako na kay Smael itong damit. Biglang nabalik ang alaala kagabi at napaiyak ako. Patawarin mo ako Francis, kasalanan ko ito. Nagpadala ako, nagin
Kinuha ko 'yung isa na damit na binili ni Smael, itim na bistida na hindi umabot sa tuhod ko. Ngayon lang ako nakasuot ng ganito at masasabi ko na mamahalin ito dahil sa pagkakayari. May mga make-up akong nakita dito sa mababang cabinet na may salamin na hindi kalakihan. Pinili ko maglagay ng face powder at manipis na lipstick na kulay pula, matapos 'yon ay sinuot ko ang isang pares ng sandals na narito at ngayon ko lang 'yun nakita. Hinayaan kong lumugay ang buhok ko na lagpas balikat, hindi man ako maputi pero bumagay sa akin ang suot ko at hindi ko inaasahan na ganito ang itsura ko.Pagbaba ako ng hagdan hinanap agad ng mata ko si Smael, ngunit wala ito doon. Nakababa na ako at nilibot ang paligid ngunit wala ito doon. "Elisa, nariyan ka pala. Umalis bigla si sir, wala siyang sinabi pero nakita ko na nagmamadali siya. Baka may importante siyang pupuntahan." Hindi ako sumagot kay Brenda at napaupo na lang sa sopa dahil sa hindi malamang dahilan parang may kung anong lungkot akong