Share

Chapter 5

Author: BM_BLACK301
last update Last Updated: 2023-03-03 01:57:56

Kinuha ko 'yung isa na damit na binili ni Smael, itim na bistida na hindi umabot sa tuhod ko. Ngayon lang ako nakasuot ng ganito at masasabi ko na mamahalin ito dahil sa pagkakayari. May mga make-up akong nakita dito sa mababang cabinet na may salamin na hindi kalakihan. Pinili ko maglagay ng face powder at manipis na lipstick na kulay pula, matapos 'yon ay sinuot ko ang isang pares ng sandals na narito at ngayon ko lang 'yun nakita. Hinayaan kong lumugay ang buhok ko na lagpas balikat, hindi man ako maputi pero bumagay sa akin ang suot ko at hindi ko inaasahan na ganito ang itsura ko.

Pagbaba ako ng hagdan hinanap agad ng mata ko si Smael, ngunit wala ito doon. Nakababa na ako at nilibot ang paligid ngunit wala ito doon.

"Elisa, nariyan ka pala. Umalis bigla si sir, wala siyang sinabi pero nakita ko na nagmamadali siya. Baka may importante siyang pupuntahan."

Hindi ako sumagot kay Brenda at napaupo na lang sa sopa dahil sa hindi malamang dahilan parang may kung anong lungkot akong naramdaman.

Umalis na si Brenda at nagtungo sa kusina, pinili ko na lang umakyat sa kuwarto para matulog na lang ulit.

---------

Nagising ako at nakaramdam ng gutom, napansin ko na madilim sa paligid. Lumabas ako ng kuwarto at nagtungo sa kusina, tahimik na at talagang mga tulog na mga tao dito.

Ininit ko ang pagkain na nasa ref at naupo muna, matapos yon nagsimula na akong kumain. Nasa kalagitnaan na ako ng pagkain ng makarinig ng ugong ng sasakyan. Nagmadali akong kumain at halos mabulanan pa ako para lang hindi ako abutan ni Smael na kumakain sa ganitong oras ng gabi.

Hinuhugasan ko ang pinagkainan ko ng pumasok si Smael dito, nagsalubong pa ang mata namin at nakita ko sa seryoso niyang mata ang pagkagulat ng makita ako. Ngunit agad rin itong nawala at nagtuloy-tuloy sa ref, kumuha ng tubig at parang uhaw na uhaw na inubos nito ang isang bote ng tubig ng mineral. Nilapag lang nito ang lagayan sa lamesa at umalis na parang hindi ako nakita, hinayaan ko na lang at pinagpatuloy ang ginagawa ko.

Nagpasyang umakyat na ako matapos kong mahugasan ang mga pinagkainan ko. Habang naglalakad ako at malapit na ako sa may pintuan, napatingin ako sa may kalapit ng pinto ng kuwarto ko, iniisip ko kung kaninong silid 'yun. Binalewala ko na lang at pumasok na sa loob ng kuwarto.

----------

Nagising ako dahil nakarinig ako ng malalakas na boses na tila galit ito, doon ko lang napansin na bukas pala ang bintana ko. Tumayo ako at napayakap sa sarili dahil sa pagihip ng hangin, balak ko na sanang isarado ang salamin na bintana ng makarinig ako ng ilang putok. Napatakip ako sa dalawang tenga ko, hanggang sa sundan pa ito ng dalawang magkakasunod na putok. Tila ba galit na galit ito.

Matapos 'yon ay natahimik na at doon lang ako nakahinga. Kabadong dahan-dahan akong sumilip ulit akon sa labas at doon sa ibaba ay nakita ko ang dalawang lalaki na nakahandusay sa damuhan at duguan ang mga ito. Magkatulong na binuhat ito ng dalawang lalaki hindi ko makita kung sino 'yun dahil nakatalikod sila banda sa akin. Pero halos lumundag ang puso ko ng humarap yung isang lalaki at walang iba kung hindi si, Smael.

Napakapit ako sa bibig at iniwasan na makagawa ng ingay, ngunit naramdaman ata ni Smael na may nakamasid sa kanila kaya nagtama ang mga mata namin. Hawak nito ang baril na kasalukuyan na pinupunasan na nito ng puting tela.

Tumakbo ako agad papunta sa higaan dahil sa takot. Nanginginig ang kamay ko habang binabalot ang katawan ng kumot.

Pumapatay siya? At walang alinlangan niya yung ginawa.

Tulala ako sa pag-iisip ng biglang bumukas ang pinto napalingon ako at dire-diretsong lumapit sa akin si Smael, hinawakan ako agad sa braso.

"Tumayo ka, magbihis ka at aalis tayo."

Sabi nito sa galit na boses, napatingin ako sa pagkakahawak niya sa braso ko dahil halos bumaon ang kamay niya sa balat ko sa higpit ng hawak niya. Ngunit inalis nito agad ang kamay at napaupo ako muli sa kama.

"Hihintayin kita sa labas. One more thing... Huwag kang magpapakita ng takot sa akin."

Matapos niyang sabihin 'yon ay lumabas na ito ng pinto, naguguluhan na napapaisip ako sa sinabi nito. Walang nagawa at kumilos ako upang magpalit ng damit.

Habang pababa ng hagdan ay nakita ko agad si Smael na seryosong nakaupo sa mahabang sopa habang pinagmamasdan ang pagbaba ko. Hanggang sa makababa na ako at tumayo ito. Alanganin na sumunod ako sa kanya paglabas ng bahay dahil parang wala naman siyang pakialam.

Hanggang sa kotse nito ay tahimik ako, mayamaya'y may inabot ito na kahon at nakita ko na cellphone ito. Nagtatanong ang mga matang tiningnan ko siya.

"Gamitin mo 'yan para may kuntak ako sa'yo."

Hindi ako sumagot at nilagay niya ang cellphone sa hita ko. Nanatiling tahimik ako hanggang sa huminto na ang kotse niya.

Pagbabasa ng kotse ay halos lumandag ang puso ko ng hawakan niya ako bigla sa bewang habang naglalakad. May kung anong kuryente ang gumapang sa buong katawan ko, parang napapaso ako, hanggang sa pumasok na kami sa entrance.

Doon ko lang napansin na mga shop pala ito ng mga damit at talaga namang mamahalin ang mga itsura pa lang. Pumasok kami sa may maraming naka-display na damit sa mga babasagin na salamin. Naupo lang si Smael habang hinayaan niya akong mamili. Pero hindi ko magawang mamili dahil ramdam ko ang mga matang nakamasid sa akin.

Matapos mamimili ng damit na halos siya ang namili dahil hindi ko alam kung alin ang pipiliin ko. Karamihan ay kita ang gitna ng dibdib at likod, gayondin ang hita ko.

Para na rin akong n*******d sa mga damit na pinili niya.

Pinadala lang ni Smael ang lahat ng mga damit na binili nito sa kotse at muli niya akong hinatak sa ikalawang palapag. Doon naman ay puro mga alahas, namangha ako sa mga nakikita ko dahil ang gaganda lahat at kumikinang.

Naramdaman ko na lang ang paghawak ni Smael sa kamay ko at hinatak ako. Pinatalikod niya ako at may sinuot sa akin, para bang sinasadiya nito na tagalan ang pagkabit sa lock ng kwintas. Napapikit akondahil sa mainit na hininga niya sa may batok ko.

Naramdaman ko ang unti-unting pagdaos-dos ng kamay nito sa braso ko papunta sa bewang ko. Halos malapit na rin ang kamay nito sa may puson ako at nag-aalala ako na may makita sa amin.

"Mr. Chavez, kukunin niyo na po ba iyang kwintas?"

Doon lang ako nabalik sa realidad at sa tingin ko ganon rin si Smael, humarap na ako habang kapit ang pendant na gold na may bato sa gilid-gilid nito. Nilingon ko si Smael na kausap 'yung babae habang patingin-tingin sa akin.

Matapos makipag-usap ni Smael ay muli siyang kumapit sa bewang ko. Karamihan sa nasasalubong namin ay napapatingin sa amin. Alam ko naman na gwapo si Smael kaya hindi na nakapagtataka na pagtinginan siya.

Paglabas namin sa may entrance ay natigilan ako at nanlaki ang mata ko sa nakikita ng dalawang mata ko. Ang lalaking kaytagal ko ng gustong makita ay nasa harapan ko na ngayon,  si Francis at may kasama itong babae at nakaalalay siya doon. Lumagpas na sila sa akin at hindi ko alam kung hindi ba niya ako nakita. Bigla akong natauhan at lumingon, nakita ko na pumasok na si Francis pati ang babae na kasama nito doon sa pinanggalingan nila kanina ni, Smael.

Pumihit ako at patakbong bumalik doon sa entrance, pagpasok ko sa loob 'ay agad na hinanap ng mata ko si Francis. Nakita ko sila na papasok sa isang shop, tumakbo ako upang makalapit agad sa kanya.

"Francis!"

Malakas na tawag ko at lumingon naman siya sa akin, gulat na gulat ang bumalatay sa mukha niya ng makita ako at alam kong nakilala niya ako.

"Who's that girl?" Mataray na tanong ng babae na kasama ni Francis ng makalapit na ako.

"M-My friend."

Parang kinurot ang puso ko dahil sa sinabi ni Francis. Pilit na ngumiti ako tumango doon sa babae.

"Mauna ka na sa loob, susunod na lang ako sandali lang." Sabi ni Francis doon sa babae, tiningnan pa ako nito simula ulo hanggang paa.

"Fine." Sagot ng babae at nauna na itong pumasok.

"Elisa, masaya akong nakita kita ulit." Namumula ang mata nito habang nakatingin sa akin.

"A-Ako rin," naiiyak na sagot ko, gusto ko siyang yakapin ng mahigpit pero parang wala na akong karapatan sa kanya.

"Si, Christine. A-asawa ko."

Kahit dama ko na may relasyon sila hindi ko muna yon inisip dahil gusto kong marinig mula sa kanya.

"P-Patawarin mo ako at--"

"Hindi mo kailangan humingi ng tawad sa akin, kung ano man ang nangyari sa'yo. Siguro talagang iyon ang tadhana natin, m-may a-asawa ka na. Masaya ako para sa'yo at kahit paano matatahimik na ako dahil alam ko na nasa maayos ka." pinahid ko ang luha ko na babagsak na muli.

Tumalikod na ako at kahit tinatawag ako ni Francis, hindi na ako lumingon. Wala rin naman akong dapat na sabihin pa sa kanya. Dahil wala rin akong karapatan na magsabi ng kung ano man sa kanya dahil ako rin may nangyari na rin sa akin sa ibang lalaki.

Natigilan ako at napahinto sa paglalakad ng makita ang tao na nakatayo sa harapan ko. Si Smael, seryosong nakatingin sa akin habang nakapamulsa.

"Let's go." Wika niya at nagpunta na ito sa kotse na nakaparking lang dito sa labas ng store na pinuntahan namin.

Tahimik na sumakay ako sa loob ng kotse, pasimply na pinahiran ko ang mata ko. Walang nagsasalita kahit na sino sa amin hanggang sa makarating kami sa bahay, diretso ako sa kuwarto at binagsak ko agad ang katawan ko sa higaan. Dito malaya kong pinakawalan ang luhang kanina ko pinipigilan. Hindi ko alam kung ilang oras akong nag-iiyak.

Natigilan ako ng makarinig ako ng tumunog, napatingin ako sa may table malapit dito sa higaan ko dito nakalaagy ang box na may laman na cellphone. Napabangon ako at kinuha ang box, binuksan ko yun dahil walang tigil sa pagtunog. Maingat na inalis ko sa lagayan dahil sobrang nipis nito. Nakarehistro sa screen ay pangalan ni, Smael. Sinagot ko at pinahiran ang gilid ng mata ko na may luha pa.

"Bumaba ka dito at magsuot ka ng panligo."

Yon lang ang narinig ko pagkasagot ko at nawala na ito sa kabilang linya. Gusto kong sabihin na wala ako sa mood pero wala akong nagawa dahil binabaan niya na ako agad.

Natagalan ako sa mamili ng isusuot dahil halos lahat ay panty at bra lang ang nandito na puro terno, at ang ninipis pa nito. Kapag sinuot ko ang panty malamang labas ang kalahating pisngi ng puwet ko.

Napaangat ang balikat ko ng muling tumunog ang cellphone, walang nagawa at sinuot ko na lang ang kahit ano doon. Sinuot ko ang puting roba saka ako bumaba na dahil baka tumawag na naman 'yun.

Pagdating doon sa swimming pool bumagal ang paglakad ko dahil sa parang nag-slow motion ang pag-ahon ni Smael sa tubig habang ang mga tubig sa magandang katawan nito ay tumutulo sa semento.

"Maupo ka."

Utos nito at bigla akong gumalaw dahil para akong na-istatwa kanina, may kadiliman na kaya mas gumanda ang swimming pool dahil umiilaw ang ilalim nito. Nag-aalangan pa akong umupo, hanggang sa umikot siya sa likuran ka at tinanggal niya ang pagkakabuhol ng roba na suot ko at dahan-dahan niya itong pinadaos-dos pababa semento. Napapikit ako dahil sa ginawa niya.

Hindi ako nagsalita at nakiramdam ako sa gagawin niya dahil mukhang pinagmamasdan nito ang likuran niya. Hanggang sa naramdaman ko ang init ng balat niya sa likod ko lalo na ang ibaba nito sa may puwetan ko. Gumapang ang kamay nito sa bewang kobat hinihimas ito, paakyat sa itaas ng dibdib ko. Pinong hinalik-halikan nito ang balikat ko paakyat sa leeg ko.

"H-Huwag baka may makakita sa atin dito." Sabi ko at lumayo ako sa kanya nagpunta ako sa tubig at nag-dive ako.

Nakita ko na parang may binubulong ito at habang nakaupo, nagsalin siya alak sa baso habang nakatingin sa akin. Hindi ko 'yun pinansin at nilubog ko ang ulo ko sa tubig. Nakailang pabalik-balik ako upang maibsan ang init na nararamdaman ko kanina.

Gusto ko munang mag-isa, napilitan lang akong pumunta dito dahil na rin sa takot na kung ano ang gawin niya sa akin. Pero ano pa ang kinatatakot ko? Nag-iisa na ako ngayon, wala na akong magulang at pati ang nag-iisang karamay ko ay wala na dahil may nagmamay-ari ng iba kay, Francis. At ako naman pag-ari ni Smael.

Nasa isip ko ito habang pabalik-balik ako sa paglangoy. Saka nahihiya rin talaga ako dahil hindi lang kami ang tao dito, paano kung dito niya mismo gawin 'yung gusto niyang gawin sa akin.

Halos mapasigaw ako sa pag-angat ng mukha ko 'ay nakita ko si Smael na nakatayo sa semento sa tapat ko at walang kahit na anong saplot sa buong katawan. Pakiramdam ko tinuklaw ako ng ahas dahil hindi ako magalaw at parang huminto ang paghinga ko. Ang tayung-tayo niyang pagkalalaki ang umagaw sa atensiyon ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Exclusive For Him   Chapter 30

    Sobrang saya ko dahil marami man ang nangyari sa amin ni Smael, ito siya ngayon sa tabi ko. Pati ako ay naiyak dahil sa nakikita kong pag-iyak ni Smael habang hawak niya ang kamay ko. Ngayon lang ako nakakita ng lalaki na umiiyak at damang-dama ko 'yun."Smael," sambit ko sa pangalan niya dahil yumugyog balikat niya dahil sa pag-iyak."M-masaya lang ako." Sagot niya at dinampian niya muli ng halik ang kamay ko. Wala akong pasidlan ng saya dahil sa mga narinig ko kay Smael, inasikaso niya ako hanggang sa makalabas na ako ng hospital.--------Isang buwan ang lumipas ng i-uwi ako ng Smael muli sa bahay niya at tuwang-tuwa sila Nanay Emma at Brenda dahil sa pagbalik ko. Samantala, lagi namang busy si Smael at sabi niya trabaho lang daw. Nasa kusina ako habang busy sila Nanay Emma sa pagluluto, gusto kong tumulong ngunit ayaw nilang pumayag."Brenda, bakit nga pala umalis na lang bigla si Andrea?" Tanong ko dahil pagdating ko dito wala na si Andrea."Nako, ewan ko doon sa babae na 'yun

  • Exclusive For Him   Chapter 29

    AN: Hello po sa lahat ng nagbabasa nito, nagpapasalamat po ako sa inyong lahat dahil nagustuhan niyo ang story na ito. Sana'y basahin niyo pa rin ang mga susunod ko na mga story n darating. 😘❤❤❤---------Napangiti ako at pinahiran ko ang luha ko dahil malinaw ko ng nakita si Smael kahit pa mediyo malayo siya sa akin, dahil siya mismo ang nagpapaandar ng motor boat na kinasasakyan niya. "Fuck you Smael! Bakit hindi ka pa mamatay!" Napalingon ako kay Javier dahil sa sinabi niya at napatingin ako sa ginagawa niya. May mahabang bag ito na binubuksan at ng makita ko ito ay isang mahabang baril. "J-Javier," sambit ko dahil natatakot ako sa balak niya. Tiningnan niya lang ako at lumapit siya sa puwesto ko, inaayos niya ang mahabang baril o hindi ko alam kung anong tawag doon dahil nakikita ko lang 'yun sa mga palabas. Kapag tinamaan ko no'n siguradong sasabog ka."Dapat ka ng mawala sa mundo, Smael!"Balak kong pigilan si Javier pero napaputok na niya ito at mabuti sa gilid lang tumama

  • Exclusive For Him   Chapter 28

    "Boss, may nakasunod raw sa likod na kotse at kung hindi ako nagkakamali si Smael 'yun." Napaangat ang mukha ko dahil sa malalim na pag-iisip ko dahil sa nangyari kanina sa amin ni Elisa, hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin para subukan na halikan siya. At naasar ako dahil siya lang ang tumanggi sa akin, gusto kong magalit pero hindi ko magawa."Siguraduhin niyo kung siya nga 'yun." Wala sa sariling sagot ko at muli kong binaling ang atensyon ko sa labas ng bintana.Alam kong narito na si Smael kaya kailangan kong ilipat ng lugar si Elisa, kaya ngayon pa lang dadalhin ko na siya sa ibang lugar. Kilala ko si Smael, gagalaw na 'yun agad dahil hindi 'yun nagsasayang ng oras."Boss, kumpirmado na si Smael."Napalingon ako at nakaramdam ng galit. "Tangin* paano niya tayo nasundan!?" Malakas ang boses na wika ko kay Alex habang nagmamaneho ito at may kausap sa headset na suot niya."Hindi ko rin alam boss, sinugurado namin na walang nakakita o nakasunod sa atin. Pero hindi ko ito

  • Exclusive For Him   Chapter 27

    Hindi ko inaasahan na makikita ko si Elisa sa kasiyahan ni Mr. Ferrer, kilala ko siya ngunit hindi niya kilala ang pagkatao ko. Lihim ang pagkatao ko sa iba, kaya naman malaya akong nakapunta sa okasyon na 'yun. Ang balak ko ay kumalap ng balita o makakuha ng impormasyon kay Javier at iniisip ko rin na pupunta ang Javier na 'yun dito. Ngunit hindi ko inaasahan na isasama nito si Elisa.Sa pagdating pa lang nila nakaabang na kami ni Alex, nakita ko si Elisa pagbaba nito sa sasakyan. Naasar ako kay Javier at kung puwede lang ay binaril ko na ito dahil sa pagkakahawak nito kay, Elisa. Nagpigil ako dahil hindi ako puwede gumawa ng hakbang na ikakapahamak namin lalo na ni, Elisa.Hindi biro ang pinasok ko na lugar at kunting pagkakamali lang tapos ang plano ko. Naghanap ako ng pagkakataon upang malapitan si Elisa, wala akong balak na magpakilala sa kanya gusto ko lang siya malapitan. Pero hindi ko inaasahan ang paghalik niya sa akin. May kung ano akong naramdaman sa dibdib ko kaya hindi ak

  • Exclusive For Him   Chapter 26

    AN: Maraming salamat po sa lahat ng mga nag-abang at nagalit sa akin dahil binitin ko kayo. 😂 Char! Love you all guys! Now, di na kayo mabibitin dahil tatapusin ko na ito, enjoy fucking reading! 😘-------------Smael...Sambit ng isipan ko at bigla na lang tumulo ang luha ko dahil kahit nakatakim ang kalahati ng mukha niya alam kong siya 'yun. Kilala siya ng puso ko, kumilos ang isang kamay ko at marahan na humaplos sa pisngi niya, sumunod ang isa ko pang kamay. Dinama ng dalawa kong palad ang magkabilaan niyang pisngi, tiningnan ko ang labi ang ilong niya sumunod ang mata niya. Kusang lumapit ang mukha ko at hinagkan ko ang labi niya, wala akong pakialam kung marami pang tao dito na makakakita sa akin. Hindi siya gumagalaw pero hinayaan ko lang dahil sobrang miss na miss ko na siya.Pinahiran ko ang luha ko matapos ko siyang siilin ng halik. "Smael, alam kong ikaw 'yan at--""Hindi ka dapat nakikipagsayaw kung kani-kanino lang." "J-Javier, sandali." Wika ko ng hatakin niya ako n

  • Exclusive For Him   Chapter 25

    "Javier," sambit ko at dahan-dahan siyang lumapit sa akin at napatalikod ako paharap sa salamin. Dahil halos makita na ang dibdib ko, hanggang sa makita ko na si Javier sa likod dahil sa salamin. "Bagay na bagay 'yan sa'yo." Hindi ko alam pero may kung ano akong naramdaman sa klase ng pagsasalita ni Javier, naramdaman ko ang hininga niya sa batok ko. "Aa... Javier, halika na tapos naman na akong pumili ng damit, u-umuwi na tayo." Wika ko at umiwas ako sa kanya dahil naiilang ako.Wala naman akong narinig na salita sa kanya at nagpalit na ako ng damit dahil lumabas na siya. Paglabas ko hindi ko nakita si Javier, hinanap siya ng mata ko at nagulat na lang ako ng may humawak sa kamay ko. "Halika na." Sabi niya habang bit-bit ang paper bag. Hindi ko na nagawang mag-react pa ng hatakin na niya ako sa kamay, gusto ko man alisin ang pagkakahawak niya sa kamay ko hindi ko na ginawa. Hanggang sa makarating na kami ulit sa kotse niya.Tahimik na kami ulit dito sa loob, pansin ko ang katahi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status