Share

Chapter 4

"Elisa?"

Dahan-dahan akong napamulat at hinanap ang tumatawag sa akin. Nakita ko si Nanay Emma na may dalang pagkain.

"Dinalhan na kita dito ng pagkain dahil alas diyes na ng umaga ngunit tulog ka pa. Hindi na kita pinagising dahil alam ko pagod ka."

Marahan na inangat ko ang katawan ko, pero napapikit ako dahil ang sakit ng ibaba ko.

"May masakit ba sa'yo?"

"W-wala ho." Nahihiyang sagot ko at naalala ang nangyari kagabi.

Napansin ko na nandito na ulit ako sa kuwarto ko.

"Meron ka pala ngayon sandali at magpapakuha ako ng napkin."

"H-ha? W-wala po akong--" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil nakita ko sa gilid na may dugo sa sapin at dahil puti ito kaya kitang-kita.

"Sandali lang magpapakuha ako." Hindi ko na napigilan si Nanay Emma ng lumabas ito. 

Napansin ko na iba na ang suot kong damit. T-shirt na puti ito at malaki, naisip ako na kay Smael itong damit. Biglang nabalik ang alaala kagabi at napaiyak ako.

Patawarin mo ako Francis, kasalanan ko ito. Nagpadala ako, naging mahina ako. Napakasama kong babae.

"Ito na Elisa at--"

"Iwan niyo na lang po diyan, salamat po." Wika ko at tumalikod ako ng higa upang itago ang pag-iyak ko. Narinig ko ang pagsara ng pintuan, alam kong nauunawaan ako ni Nanay Emma.

Nakatulog ako sa pag-iyak ko at hindi ko na nagawang kumain.

-------

Nagising ako dahil ramdam ko ang mga matang nakatingin sa akin habang nakapikit ako.

"S-Smael," nasambit ko bigla dahil nagulat ako na nandito siya at nakatayo lang siya.

"Why didn't you eat your food?" Seryoso na tanong niya.

Bumangon ako at umupo, tiningnan ko ang pagkain na natuyo na dahil sa tagal na nandoon lang.

"P-pasensiya na, masama kasi ang pakiramdam ko at--

"Did you hurt?" Seryoso na tanong nito at hindi ko alam kung alin ang tinatanong niya na masakit. "I'm sorry."

Natigilan ako dahil sa sinabi niya at nakita ko sa malamlam niyang mata ang katotohanan.

"Hindi mo kailangang mag-sorry, dahil--"

"Because, you like it too? I'm right?"

Tiningnan ko siya at tumango lang ako at yumuko. Nakita ko na tumalikod na siya at lumabas ng pinto, napasandal ako at malalim na napaisip.

Ano ba ang nangyayari sa akin? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Hindi ito tama, pero bakit parang...

Mariin na napapikit ako at pilit na winawaksi sa isipan ang mga naganap. Tumayo ako na ako upang ibaba ang pagkain, natigilan ako ng maalala na wala pala akong pang-ibaba. Napatingin ako sa may dulo ng higaan at saka ko lang napansin na may mga paper bag doon. Sinilip ko ang mga laman no'n puro damit at ang gaganda.

Si Smael kaya ang may dala nito?

Nakakita ako ng short doon na malambot kaya yung na lang ang sinuot ko. Hindi ko na hinubad ang t-shirt ni, Smael. Pagbaba ko sa hagdan nasa kalagitnaan pa lang ako ng matanawan ko sa may labas na may naliligo doon sa may swimming pool. Nakita ko dahil salamin ang mga dingding ang karamihan dito.

Hindi ko na muna 'yun pinansin at dumiretso ako sa kusina, naabutan ko doon si Nanay Emma at Brenda na mukhang busy.

"Elisa, ikaw pala. Sandali, nagugutom ka ba?" Tanong agad ni Nanay Emma pagkakita sa akin.

"Sandali, hindi mo nakain 'yang pagkain mo?" Takang tanong naman ni, Brenda.

"Ha? O-Oo, nakatulog kasi ako ulit pasensiya na." Sagot ko.

"Ano ka ba wala 'yun, Elisa. Sige na ilapag mo na 'yan diyan ako ng bahala, ipaghahanda na lang kita ng bago. May mga niluto kami ngayon dahil may bisitang dumating dito."

"Bwesita kamo, Nanay Emma." Inis na sagot ni, Brenda.

"Sino po ang bisita?" Takang tanong ko sa kanila. Nagkatinginan naman silang dalawa.

"Sino pa ba, ang huling naging babae ni sir na sobrang arte, si ma'am Beatrix."

"Hinaan mo lang ang boses mo mamaya marinig ka." Sawa ni Nanay Emma kay Brenda.

"Hay nako, napakapiling naman kasi ng babae na 'yan. Tapos na si sir sa kaniya tapos lagi pang nandito." Halatang hindi gusto ni Brenda yung babae na 'yun.

"Siya kumain ka na, Elisa. Huwag kang magpapabaya sa pagkain at isa pa para naman magkalaman ka." Nakangiting sabi ni Nanay Emma.

"Salamat po." Sagot ko lang at sinimulan ko ng kainin ang hinanda ni Nanay Emma.

"Nanay Emma, luto na daw ba ang pagkain?"

Napatingin ako kay Sonya na basa ang buhok at naka-roba ito mukhang kakagaling lang sa pagligo.

"Yes, madam. Luto na po," umiikot ang itim na mata ni Brenda sa pagkakasabi niya.

"Anong problema mo naman?" Puna ni Sonya kay Brenda.

Tahimik na nakatingin lang ako sa kanila.

"Wala po, Sonya." Mapang-asar na ngiting sagot ni, Brenda.

"Tumigil na kayo, luto na ang pagkain. Dadalhin na ba doon?" Tanong ni Nanay Emma.

"Hindi na ako na lang nakakahiya naman sa inyo." Halata sa boses ni Sonya ang pagkaasar.

Lumabas na si Sonya at natapos na rin akong kumain.

"Akyat lang po ako sa itaas salamat po ulit." Paalam ko sa kanila at tumango lang sila sa aki.

Tahimik na umakyat na lang ako at nagpunta sa aking kuwarto, naligo ako at matapos 'yun sinuot ko ang isa sa bistida na nandito sa paper bag. Walang bra akong nakita sa paper bag puro panty lang, hinayaan ko na lang, balak kong matulog ngunit hindi ako makatulog. Kaya naisip kong mamintana na lang, lumabas ako sa may bintana at doon tumambay sa may terrace. Maaga pa kaya medyo malamig ang hangin, napayakap ako sa sarili ko ng mapatingin ako sa ibaba.

Sumalubong sa mata ko ang walang emosyon na mata ni Mr. Chavez, may katabi itong dalawang lalaki at mukhang seryoso ang kanilang pinag-uusapan. Ako na ang unang umiwas ng tingin at naisip ko na lang pumasok na ulit sa loob.

Humiga at pilit na iwinawaksi sa isip ang mga matang seryosong nakatingin sa akin, hanggang sa makarinig ako ng mahihinang katok.

"Elisa? Natutulog ka ba?"

Napabangon ako at bumukas ang pintuan, pumasok si Brenda.

"Pinapababa ka ni sir,"

Nagtataka man ay tumango ako, nagsuklay lang sandali ng buhok at saglit na tumingin sa salamin, sinuot ko ang roba na medyo makapal dahil mukhang malamig doon. Dahil naka-bistida lang ako na puti at wala akonh suot na bra, mabuti at may roba dito.

Pagdating ako doon ay nakita ko ang papalapit sa akin, si Sonya na may dalang tray na wala ng laman. Balak ko sanang batiin ito ngunit nakasimangot ito sa akin at nilagpasan lang ako.

Hinayaan ko na lang  ito at nagpunta na doon sa lamesa kung saan mga nakaupo sila, nag-aalangan pa akong lumapit dito.

"S-Smae-- papasensya na, Mr. Chavez pala." Kinakabahan na wika ko at lumingon siya sa akin.

Hindi ko inaasahan ang ginawa niya dahil hinatak niya ako sa kamay at pinaupo sa tabi niya. Ang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa hawak pa rin niya ang kamay ko. Parang may kung anong kuryente akong naramdaman.

"Boss, mamaya dadalhin ang mga deliver sa atin mula sa probinsiya sa bisayas. Mga alas dose ng gabi ang daong ng barko."

Narinig kong sabi ng lalaki na naka-jacket na balbas sarado, katabi nito 'yung isang lalaki na nakilala ko na Alex kahapon.

"Ipunin mo ang mga tauhan bago maghating gabi, Alex. Kayo na muna ang mag-asikaso may gagawin ako."

Napansin ako ang pagtataka sa mga mata ng dalawang lalaki lalo na yung tinawag na Alex, sabay na napatango na lang silang dalawa.

"Kamusta ang pakiramdam mo? Siya nga pala anong pangalan ng lalaki na hinahanap mo?"

Nagulat pa ako ng bahagya dahil sa tanong nito sa akin habang humihigop ito ng kape. At hindi ko inaasahan ang sinabi niya kahit hindi niya direktang sinabi na asawa ko alam kong yon ang ibig niyang sabihin.

"A-ayos na ako, Francis Lasero ang pangalan niya." Masayang sagot ko dahil hindi ako makapaniwala na tutulungan niya ako.

"May alam ka ba na lugar kung saan siya maaaring makita?" Muling tanong niya.

"Sa De La Villa, Hotel & Restautant. Yun ang pangalan at doon siya nagtatrabaho. Please, tulungan mo akong makita siya." Nagsusumamo na sabi ko at tahimik lang siya habang malalim ang iniisip.

Nag-uusap sila ulit at hindi ko maintindihan ang mga pinag-uusapan nila kaya naisip kong tumayo at maglakad-lakad sa gilid ng pool. Habang nakayakap ako sa sarili ako, nalibang naman ako sa pag-ikot dito sa swimming pool dahil ang laki at ang ganda.

"Marunong ka bang lumangoy?"

Napalingon ako sa likod ko at nakita ko si Sonya na may hawak na bote ng alak.

"Oo, doon sa probinsiya lagi akong naliligo sa ilog at dagat." Nakangiting sagot ko na kinasimangot niya.

Akala ko may sasabihin pa siya pero naglakad na siya kaya binaling ko ang atensiyon ko ulit sa tubig, pero nagulat na lang ako ng bigla akong mahulog sa tubig.

"S-Sorry, Elisa. Nadulas ako, sorry talaga."

Narinig ko habang hinahawi ko ang buhok na tumabing sa mukha ko. Gusto kong magalit sa kaniya dahil halata sa mukha niya na nagsisinungaling siya. Napatingin naman ako kay Smael na nandito na at nagtatanong ang mata na nakatingin sa akin.

"Si-Sir, hindi ko sinasadiya na masagi ko si Elisa, patawad." Nakayukong paliwanag ni, Sonya.

"Back to your work." Mahina pero ma-awtoridad na wika ni Smael, hindi ko alam kung galit ba siya o hindi dahil hindi ko mabasa sa mga mata niya.

Umalis na si Sonya, habang ako ay nakayuko at nagsimula na akong maglakad upang umahon na.

"Come on."

Natigilan ako sa kamay niya na nakalahad sa akin napatingin ako sa mga mata niya, dahan-dahan na inabot ko ang kamay niya. Mabuti at marunong akong lumangoy kung hindi malamang kung ano ang nangyari sa akin. Kaso sobrang lamig ng tubig at naramdaman ko ang panginginig ng katawan ko ng makaahon na ako sa tubig. Pero mas kinagulat ko ang ginawa niya dahil binuhat niya ako. Tulalang napatingin na lang ako sa seryoso nitong mukha at napayuko. Pinasok niya ako sa loob ng bahay at hindi nito alintana ang basang katawan ko na nababasa na siya.

"A-Anong nangyari sa'yo Elisa? Bakit basa ka?"

Nag-alalang salubong ni Nanay Emma  sa ami bago ako i-akyat ni, Smael.

"Ihanda niyo ang damit niya para makapagpalit siya agad." malamig ang boses na utos nito.

Naramdaman ko na humakbang na si Smael, rinig na rinig ko ang tibok ni puso niya. Pati ang mga bisig nito na matitigas ang malapad na dibdib nito na para bang safe na safe ako sa kaniya.

Dahan-dahan na nilapag ako sa higaan at tinanggal ang pagkakabuhol ng roba na suot ko. Pinigilan ko naman siya dahil naiilang ako. Ngunit inalis nito ang kamay ko at pinagpatuloy ang ginagawa niya, lihim na napakagat labi ako.

"Sir ito na ho, ako na ang magpapa--"

"Iwan mo na lang diyan ako na ang bahala."

Natigilan ako gayon rin si Nanay Emma, napatango na lang ito at lumabas na ng kuwarto. Maingat na tinanggal nito ang roba at hinulog lang nito sa sahig. Mas lalo akong gininaw ng mawala na ang roba at naramdaman ko ang pagkabuhay ng dibdib ko, dahil namilog ito ng husto at bumakat sa bistida na suot ko ang korona ko.

Napatingin doon si Smael, ngunit nagbawi agad ito ng tingin at dahan-dahan na inangat ang laylayan ng bistida ko. Doon ay napatayo na ako na kinagulat niya.

"A-ako na lang ang magpapalit." nauutal na sabi ko dahil iba ang nararamdaman ko. Nakatayo lang ito sa harapan ko at nakapamulsa habang pinapanood ako.

"Isuot mo ang damit na binili ko aalis tayo ngayon."

Napaawang ang bibig ko dahil sa sinabi niya at saka lang ako natauhan ng buksan na nito ang pinto at lumabas na ito.

Bakit ba ganito ang nararamdaman ko sa tuwing natitigan ko ang mata niya at kapag magkasama kami. Hindi ko dapat ito nararamdaman dahil may lalaki na sa buhay ko at 'yon ay walang iba kung hindi si, Francis.

Natigilan ako dahil sa naisip ko dahil parang mali na isipin ko na may lalaki ako sa buhay ko dahil sa ginawa ko ngayon. Hindi ako mapapatawad ni Francis, patawarin mo ako.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status