Home / Romance / Exclusive Wife Of A Billionaire / Chapter 1 - First Meeting

Share

Exclusive Wife Of A Billionaire
Exclusive Wife Of A Billionaire
Author: Anoushka

Chapter 1 - First Meeting

Author: Anoushka
last update Last Updated: 2025-01-09 18:30:23

Sa isang eleganteng silid, abala si Shayne sa pag-compute ng mga komplikadong problema sa harapan niya. Kahit nag-iisa siya sa malawak na lugar, hindi siya nakakaramdam ng inip dahil nakatutok ang isip niya sa pagresolba ng problema.

Isa siyang college student, na nasa 3rd year. Sa edad niyang kasing-ganda ng bulaklak, pinipilit siya ng lolo at ama niya na mag-blind date. Hindi naman siya nawalan ng karisma o hindi kaaya-aya, kaya hindi niya maintindihan kung bakit sila nagmamadali.

Napabuntong-hininga siya at itinapon ang lapis na hawak sa gilid. Madalas sabihin ng pamilya niya na nerd daw siya at wala siyang alam kundi mag-aral. Alam naman niya ang ibig nilang sabihin. Bilang anak ng pamilya Morsel, kailangan niyang mag-ambag sa pamilya kapag nasa adulting stage na siya.

Halimbawa, isang kasal na may kaugnayan sa negosyo. Katulad na lang ng pangalawa niyang kapatid na babae na ipinasal sa isang kalbong matandang lalaki ilang taon na ang nakalipas. Ngayon, mukhang siya naman ang sunod?

Naalala niya ang lalaking makaka-blind date niya, si Eldreed Sandronal. Balita niya, 32 na ito, mahigit sampung taon ang tanda sa kanya. Isang tipikal na "matandang baka na gustong kumain ng sariwang damo."

Napahawak si Shayne sa pisngi niya at ilang imahe ng isang matabang lalaking may malaking tiyan ang agad pumasok sa isip niya. Sa inis, kinuha niya ang lapis at sinimulang iguhit si Eldreed sa paraan ng kanyang malikot na imahinasyon.

May malaking tiyan, bilugang mukha, manipis na buhok, at mga maliit na matang parang monggo na kumikislap sa kakaibang liwanag. Mabilis niyang natapos ang drawing at sinulat ang malalaking salitang "Eldreed" sa ilalim. Masaya niyang itinabi ang lapis, pakiramdam niya'y natupad ang kanyang paghihiganti.

Biglang bumukas ang pinto, dahilan para siya'y magulat. Para bang nahuli siyang gumagawa ng kalokohan. Agad niyang pinunit ang papel at tiniklop ito sa isang bola, sabay hagis nito patungo sa basurahan malapit sa pinto.

Ngunit nagkamali siya ng tira. Ang papel ay dumapo nang direkta sa mukha ng lalaking pumasok. Nanlaki ang mga mata ni Shayne habang tinakpan ang bibig at napatingin sa papel na unti-unting gumulong pababa mula sa mukha ng lalaki. Lumitaw sa paningin niya ang malamig at mayabang na mukha ni Eldreed.

'Siya iyon... Paano nangyari ito?' Sa isipan niya.

Napatulala si Shayne, ang puso niya'y tila isang usa na nagtatatalon sa kaba. Ang alaala ng nakaraan ay parang rumaragasang alon sa isip niya. Akala niya'y nakalimutan na niya iyon, ngunit malinaw pa rin ang bawat detalye at kilos.

"Shayne?" Ang elegante at mahinhing boses ni Eldreed na parang tunog ng cello ay pumuno sa silid. Hindi niya inaasahang sasalubungin siya ng isang atake ng papel.

Kahit ang blind date na ito ay isang bagay na parehong pinagsang-ayunan ng kanilang mga magulang, iniisip niyang kung ayaw ni Shayne, hindi naman ito kailangang pumunta. Ngunit hindi niya inasahanna makita niya ito ngayon.

Nanginginig at hindi makahanap ng boses, sinubukan niyang magsalita, "Ikaw... Ikaw ba si Eldreed Sandronal?"

Halatang takot si Shayne at nanlalalim ang mukha sa kaba. Napansin ni Eldreed ang pag-aalangan niya at tiningnan siya nang malamig. Ang kanyang mga mata ay tila sumasaliksik sa inosenteng anyo ni Shayne.

Si Shayne, kahit walang makeup at kahit simpleng ayos lang, ay may taglay na purong kagandahan. Maliit at pino ang mga facial features niya. Walang masyadong kapansin-pansin sa unang tingin, ngunit kapag sinuri nang maigi, makikita ang kakaibang kagandahan ng kanyang mga mata. Ang mga mata niyang parang may hamog ay nagbibigay ng isang natural na alindog, hindi sinasadya ngunit nakakaakit.

Bagamat bata pa, malinaw kay Eldreed na may angking potensyal si Shayne na magdala ng gulo sa kanyang mundo.

"Ano, Miss Morsel, kilala mo ba ako?" Ang mabilis na pagkurap ng mga mata ni Shayne ay nagbigay ng bahagyang pagkailang kay Eldreed.

Ang mapaglarong tono ng boses niya ay nagdala kay Shayne pabalik sa kanyang normal na huwisyo. Huminga siya nang malalim, pinakalma ang mabilis na tibok ng puso niya, at itinaas ang kanyang tingin nang walang emosyon. Ang kanyang mga mata ay bumagsak sa lalaking nasa di kalayuan.

Suot ang isang kamay-gawang silver-gray na suit, bakas sa matangkad na pangangatawan ng lalaki ang pino at elegante nitong anyo. Ang gwapong mukha nito’y tila inukit ng isang magaling na artist, ngunit may malamig na aura. Ang manipis ngunit tamang-tama ang hugis ng mga labi ay maganda na may bahid ng panunuya. Ang mga itim na mata nito ay malalim at walang emosyon, parang may lihim na bagyo sa ilalim ng tahimik na panlabas na anyo.

Sa matalim na tingin ni Eldreed na parang agila, pilit pinanatili ni Shayne ang isang kaswal na ngiti. "Oh, paano kita hindi makikilala? Ikaw ang ka- blind date ko, hindi ba? Inalam ko muna kung sino ka."

Ang ngiti niya’y kaswal ngunit may bahid ng lamig at pino pa rin ang karisma. Bahagyang tinaas ni Eldreed ang kilay. "Narinig ko na si Miss Morsel daw ay isang nerd na hindi lumalabas ng bahay. Mukhang hindi kapani-paniwala ang mga tsismis. Kaya tama ang sinasabi ng marmi na mabuti nga palang makita kaysa sa magtiwala sa naririnig."

Sa tamad ngunit mapanuksong ngiti sa kanyang mukha, muling bumilis ang tibok ng puso ni Shayne, naalala niya ang gabing hinding-hindi niya makakalimutan, at mabilis siyang umubo nang mahina upang itago ang kanyang pagkalito. "Maupo na po, Mr. Sandronal."

Ngumiti si Eldreed at bahagyang tinaas ang gilid ng labi niya. Yumuko siya upang pulutin ang bola ng papel na naiwan ni Shayne. Nanigas ang mukha ni Shayne, at agad siyang nagmadaling abutin ang papel mula sa kamay nito.

"Anong klase ng sikreto ang nakasulat dito?" Umilag si Eldreed nang bahagya at balak sanang buksan ang papel.

Nang mahuli sa akto ng mismong taong ininsulto niya, parang pinagpawisan nang malamig si Shayne. Sa pagkakataong ito, dalawang beses na niyang na-offend si Eldreed. Kung maaalala pa nito ang nangyari noon, hindi niya alam kung paano niya mababayaran ang atraso niya.

‘Tatakas na lang ako!’ sa isip ni Shayne.

"Isara ang pinto." Malamig na utos ni Eldreed, parang nababasa ang iniisip ni Shayne.

Agad namang sinunod ng dalawang bodyguard na kasama niya ang utos at mabilis na isinara ang pinto. Nabigla si Shayne habang pinapanood ito. Sinubukan niyang buksan ang pinto, ngunit mahigpit itong hinawakan ng mga bodyguard sa labas. Kahit anong hila niya, hindi ito bumubukas.

Magdala ba naman ng bodyguard sa blind date? Kahit pa siya ang panganay na anak ng Sandronal family at presidente ng sikat na Sandronal Group, parang sobra naman ito.

Sa isipan ni Shayne ay ipinagyayabang nito ang kayamanan niya.

Dahil hindi siya makalabas, wala nang magawa si Shayne kundi umupo sa isang sulok, yumuko, at amining mali siya, parang batang estudyanteng nagkamali at naghihintay ng parusa.

Nang makita ni Eldreed ang pagiging tahimik niya, dahan-dahan niyang binuksan ang bola ng papel. Agad na bumungad sa kanya ang nakakatawang larawan ng isang matabang lalaki na may pangalan niyang nakasulat. Lumamig ang tingin niya habang tinitingnan si Shayne, na pilit binabawasan ang presensya niya sa sulok.

"Ako ba ito?" tanong ni Eldreed na may kasamang ngiti.

"Hindi." Mahinang sagot ni Shayne, mukhang talo na.

"Bulag ba ako o hindi marunong magbasa? Ha?" Dumilim ang mukha ni Eldreed. Ang dulo ng huling salita niya ay hinila, na nagdagdag ng bigat sa presyon ng kanyang presensya. Para bang tumigil sa paggalaw ang hangin sa silid.

"Mali ako." Taos-puso niyang inamin ang kanyang pagkakamali.

"What did you do?" Isang mapanuksong ngiti ang lumitaw sa labi ni Eldreed, mukhang hindi kontento.

"Hindi ko dapat ginuhit nang ganoon ang gwapo at kahanga-hangang tagapagmana ng Sandronal family. At... hindi ko dapat ginawa ang nangyari kalahating buwan na ang nakalipas..."

'Delikado! Halos nasabi ko na yata nang buo ang sikreto!’ sigaw niya sa isipan.

Masyadong malakas ang presensya ni Eldreed, at sa ilalim ng nakakakilabot na titig nito, parang kusa niyang nasasabi ang totoo.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Exclusive Wife Of A Billionaire   339 - END

    Pamilyar ang lugar. Parang déjà vu para kina Shayne at Eldreed habang papasok sila sa dating bahay, tila bumalik ang lahat ng alaala sa nakaraan.Bitbit si baby Elione, punô ng emosyon si Shayne. Paglapit sa pintuan, bigla siyang huminto.“Anong nangyari?” tanong agad ni Eldreed, kita ang pag-aalala sa mukha. “Masama ba pakiramdam mo?”“Hindi naman,” ngiti ni Shayne. “Parang hindi pa rin ako makapaniwalang nakabalik na ako rito. Medyo kinakabahan lang siguro.”Ngumiti si Eldreed at niyakap siya, nagbibigay ng lakas ng loob.Pagpasok nila sa bahay, naroon si Arellano, halatang matagal nang naghihintay. Napatingin ito kay baby Elione sa mga bisig ni Shayne. May kinang sa mga mata niya, puno ng emosyon.“Shayne, welcome back!” bati nito. Alam niyang malabong mapatawad pa siya, pero siya na ang kusang lumapit.“Lolo,” sagot ni Shayne, bahagyang ngumiti.Napapikit si Arellano at pinigilan ang luha. “Salamat... salamat at bumalik ka.”Ang loob ng bahay ay halos hindi nagbago. Lahat ng gamit

  • Exclusive Wife Of A Billionaire   338

    Mahigit sampung oras nang nag-aabang si Eldreed sa labas ng emergency room.Dahil sa sobrang pag-aalala, nagpa-book pa siya ng private plane para ipatawag ang ilang kilalang eksperto, pero halos pareho lang ang sagot nila, mula nang ipasok si Shayne sa ER, wala pang lumalabas. Lalo lang nitong pinatindi ang takot ni Eldreed sa kalagayan ni Shayne at ng bata.Maging si Skylar, na bata pa, tila naramdaman na may mali. Tahimik na humawak sa kamay ni Eldreed at halos maiyak.“It’s okay,” bulong ni Eldreed, pilit na pinapakalma si Skylar kahit siya man ay walang kasiguraduhan sa puso.Maya-maya, bumukas ang pinto ng ER. Lumapit agad ang doktor.“Mr. Sandronal,” sabi niya. “Congratulations! Nanganak na po si Ms. Amari, at lalaki ang anak ninyo.”Napatingin si Eldreed na may matinding pag-asa. “Ibig sabihin… ligtas si Shayne? At pati ang bata?”Tumango ang doktor. “Yes, both of them are safe. Honestly, it's a miracle. Hindi talaga sumuko si Ms. Amari, kaya namin sila nailigtas.”Hindi makapa

  • Exclusive Wife Of A Billionaire   337

    Habang naghihintay si Shayne sa ilalim ng lilim ng puno, palinga-linga siyang naghahanap kay Skylar. Bihira silang makalabas ng anak para mamasyal, kaya gusto niyang sulitin ito. Wala rin naman siyang kailangang alalahanin sa kompanya, ayos na ang lahat sa Amari Group, at pansamantala nang walang bangayan sa Sandronal Group.Pero lumipas na ang halos kalahating oras, at hindi pa rin lumilitaw si Skylar, pati ang mga bodyguard na kasama nito ay wala ring balita. Kinabahan si Shayne. Alam niyang may nangyari. O baka naman gumagawa lang ng kalokohan si Skylar?Agad siyang sumenyas sa mga tao sa paligid. “Hanapin n’yo si Skylar. Now.”“Shayne!” tawag ng isang pamilyar na boses mula sa likuran.Paglingon niya, si Eldreed ang bumungad. Agad siyang napakunot-noo. Ayan na nga ba ang kutob ko… Malamang si Skylar na naman ang tumawag dito.“Ano’ng ginagawa mo rito?” malamig na tanong ni Shayne, halatang inis. Parang hindi si Eldreed ang kausap niya kundi isang estranghero lang.Umupo si Eldreed

  • Exclusive Wife Of A Billionaire   336

    Sa pagkakataong iyon, pakiramdam ni Arellano ay parang bumalik siya sa pagiging sampung taong gulang, walang laban, walang kontrol.Hindi niya akalaing ganoon kalalim ang pagmamahal ni Eldreed kay Shayne. Iniwan nito ang Sandronal Group, isinantabi ang sariling buhay, lahat para sa isang babae. Lubos siyang nabigla.Ngunit sa kabila ng lahat, napagtanto ni Arellano na walang saysay ang mga negosyo kung kapalit naman noon ay ang kaligayahan ng kanyang apo. Kung magiging maayos lang si Eldreed, handa siyang isuko ang lahat.Nakaupo siya sa batong upuan sa likod ng hardin. Tahimik ang paligid maliban sa mga kasambahay na palakad-lakad sa di kalayuan. Si Eldreed, nitong mga araw na 'to, abala sa paghabol kay Shayne, sa paglalaro kay Skylar, at sa pag-aasikaso sa kompanya, ngunit ni minsan, hindi siya binisita. Alam niyang may tampo sa kanya ang apo.Bahagyang dumapo ang antok sa kanya habang nakahiga sa upuan, at kitang-kita sa kanyang mga mata ang kalungkutang hindi niya maitatago.Hindi

  • Exclusive Wife Of A Billionaire   335

    Pumasok si Shayne sa opisina gaya ng nakagawian. Mula sa kwento ni Andeline, nalaman niyang ligtas na si Eldreed. Sa wakas, nakahinga siya ng maluwag, kahit hindi halata sa mukha niya, mas magaan na ang kanyang pakiramdam.Ipinatigil na ng Amari Group ang lahat ng proyektong laban sa Sandronal Group. Isa iyong hakbang na parang pag-aabot ng kapatawaran, kahit pa marahil ay hindi na iyon kailangan, dahil kilala niya si Eldreed, alam niyang hindi ito madaling matibag.Habang umiinom ng kape si Shayne, napakunot ang noo niya sa mapait at matabang lasa. Papatawag na sana siya ng iba nang biglang bumukas ang pinto.Si Eldreed.Sandaling kumislap ang saya at gulat sa mga mata ni Shayne, ngunit agad din iyong nawala. Hindi man niya gustong makita si Eldreed, hindi rin niya maitatangging masaya siyang nakitang maayos na ito.“Shayne…” malambing na tawag ni Eldreed.Simula nang malaman niyang si Shayne ang nagbantay sa kanya habang wala siya sa malay, muling nabuhayan ng loob si Eldreed. Para

  • Exclusive Wife Of A Billionaire   334

    Bagama’t comatose pa si Eldreed, nararamdaman niyang may mga tao sa paligid niya. Naririnig niya ang tinig ni Shayne, ang mga hikbi at ang malungkot nitong salitang tila patuloy na humihingi ng tawad at... nagpapatawad.Nang marinig niya si Shayne na nagsabing pinatawad na siya, naramdaman niyang gumaan ang bigat sa puso niya. Alam niyang siya ang naging dahilan ng sakit ni Shayne noon. Kaya sa pagkarinig niya ng mga salitang iyon, labis ang naging tuwa niya, kahit hindi pa siya tuluyang gising.Ngunit habang lumilipas ang oras, napagtanto niyang hindi niya maigalaw ang katawan niya, hindi makapagsalita, at ni hindi mahawakan ang kamay ni Shayne para patahanin ito.At nang sa wakas ay maimulat niya ang kanyang mga mata, wala na si Shayne sa silid. Tahimik at walang laman ang paligid. Napatigil siya, akala ba niya ay andoon lang si Shayne?Napahawak siya sa batok niya. Halatang matagal na siyang naka-confine. Ngunit ang nakakagulat, wala na ang sakit ng ulo na dati niyang nararanasan d

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status