"May hindi magandang nangyari sa akin... kalahating buwan na ang nakalipas," mariing sambit ni Eldreed habang nakatitig kay Shayne. Dahan-dahan siyang lumapit, iniunat ang mahahaba niyang mga binti, hanggang sa halos magkalapit na ang kanilang mukha. Mas matangkad siya ng higit kalahating ulo kay Shayne, kaya't tumingin siya pababa, diretso sa halatang kinakabahan nitong mga mata.
Isang hinala ang sumagi sa isipan niya, kaya’t dahan-dahan niyang binigkas ang tanong—paunti-unti, puno ng tensyon.
“Noong gabing ‘yon… ikaw ba ‘yon, Shayne?”
Bigla ang naging sagot ni Shayne. “Hindi!”
Tumaas ang kilay ni Eldreed. “According to psychology, people who answer too quickly are usually hiding something,” malamig na sambit niya habang ang titig ay tila matalim na kutsilyong tumatagos sa mukha ni Shayne.
Napuno ng inis si Shayne at hindi na napigilan ang sarili. “Ngayon ko lang nalaman... sikat ka na nga, psychologist ka pa pala, Mr. Sandronal,” sarkastikong balik niya.
Hindi natinag si Eldreed, at sa halip ay nagsimulang magsalita sa mapaglarong tono.
“Si Shayne... ang nerd sa klase raw. Palaging mataas ang grades, tahimik, magalang, mahilig sa piano at pagpipinta. Sa paningin ng iba, siya ang perpektong anak. Pero ang Shayne na kilala ko...” Huminto siya sandali at ngumisi. “Mahilig sa martial arts. May third dan sa karate. Sa kabila ng inosenteng itsura, palaaway. Sinusuntok ang mga mandurukot sa bus. Naglalagay ng makapal na makeup para makapagtrabaho bilang singer sa bar. Gusto mo pa bang dagdagan ko?”
Parang binuhusan ng malamig na tubig ang puso ni Shayne. Unti-unti siyang nalulunod sa pakiramdam ng pagkabunyag. Hindi niya inakalang malalaman ni Eldreed ang mga lihim na itinago niya nang maigi. Lahat ng mga bagay na akala niya’y tagong-tago. Ngayon, parang nakabuyangyang na sa harap ng lalaking ito.
Ganito ba kalakas ang pamilyang Sandronal?
Noon, ipinagmamalaki niya ang galing niya sa pagpapanggap. Kahit ang matalino niyang lolo ay hindi siya kailanman pinagdudahan. Pero ngayon...
“Ang huwarang estudyante, ang mabait na anak, may secret life pala,” dagdag ni Eldreed, ang boses ay puno ng panunuya. “Miss Morsel, you're more impressive than the rumors say.” Ngumiti siya—isang nakakaakit, mapanganib na ngiti na parang nakakaakit ng kapahamakan.
Ito na ang ikalawang beses na inulit niya ang parehong komentaryo mula nang pumasok siya sa silid. Kung noong una ay tila biro lang, ngayon ay malinaw na panunukso.
Ngumiti rin si Shayne, pero may ibang liwanag sa kanyang mga mata. Hindi na siya nagtago. Ngayong nahuli na siya, wala na siyang dahilan para magpanggap.
Nagtaas siya ng tingin, at ang dating malamlam niyang mga mata ay tila nabalot ng manipis na hamog—misteryoso, mapanukso, at puno ng tapang.
“Really?” mahinang bulong niya, sabay titig sa mga mata ni Eldreed. “Gusto mo rin bang marinig kung ano’ng nalaman ko tungkol sa iyo?”
Ginaya niya ang mapaglarong tono ni Eldreed at dahan-dahang nagsalita.
“Eldreed Sandronal. Sa mata ng mga matatanda, ang mabait at magalang na pamangkin. Sa mga babae, ang ‘Golden Bachelor’; mayaman, matalino, guwapo, refined, caring. Kilala sa pagiging charitable, fair sa competition, at ‘di marunong manakit. Hindi pumapatay, at laging nag-iiwan ng daan para sa iba.”
Huminto siya sandali, saka mas lalong nilapit ang mukha sa lalaki.
“Pero ang Eldreed na kilala ko... malamig. Walang pakialam. May babaeng muntik nang tumalon mula sa 18th floor dahil sa’yo, pero ni hindi ka man lang kumurap. At ‘yung mga kalaban mo? Bigla na lang nawawala nang ilang buwan. Sino kayang may gawa niyon, hmm?”
Tumayo si Shayne sa dulo ng kanyang mga paa, at ang mapupula niyang labi ay halos dumampi sa tainga ni Eldreed.
“At isa pa,” mahinang bulong niya. “Eldreed Sandronal. Thirty-two years old. Virgin. At least, hanggang kalahating buwan na ang nakalipas.”
Matapos iyon, tumawa siya ng mahina, mabagal, malambing, at parang tunog ng pinong pilak na kumakalansing.
Unti-unting nagbago ang mga mata ni Eldreed. Mula sa mapaglaro ay naging malamig at puno ng galit ang kanyang titig. Wala nang bakas ng biro sa kanyang mukha.
Hinawakan niya ang baba ni Shayne, pinilit itong tumingala at tumingin sa kanya.
“Talaga bang ikaw 'yon?” madiing tanong niya.
“Ako nga,” mabilis na sagot ni Shayne habang isinuksok ang bangs sa gilid ng kanyang mukha. At kahit seryoso na ang sitwasyon, hindi niya napigilang mang-asar. “Your taste, Mr. President... not impressive. Nakakahiya, actually.”
“Shayne!” singhal ni Eldreed, mas diniinan pa ang pagkakahawak sa baba ng dalaga. “Magpakatotoo ka nga. Bakit mo ako pinagtripan? May plano ka ba talaga?”
Tila sinusuri niya ang mga mata ni Shayne, pilit binabasa kung may tinatago pa itong hindi sinasabi.
Ngunit sa kabila ng kirot sa baba, nanatiling kalmado si Shayne. Hindi siya umiwas ng tingin. Sa halip, bahagya pa siyang ngumiti at lumitaw ang kanyang mga dimples.
“Gusto lang kitang asarin kapag inis ka. Isn’t that enough?” sagot niya, tila wala lang sa kanya ang sitwasyon.
“Shayne, you better tell me the truth. Kasi kapag hindi... hindi mo kakayanin ang mga susunod na mangyayari.” Ang tinig ni Eldreed ay malamig at matigas, parang isang taong sanay mag-utos at hindi tinatanggihan.
Napangisi si Shayne. “Akala ko ba magaling ka sa imbestigasyon? Then go ahead, find out on your own.”
“Fine,” sagot ni Eldreed, ang boses ay puno ng poot pero kontrolado. “Malalaman ko rin lahat. Pero bago ‘yon, unahin na muna natin ‘to.”
Binitiwan niya ang baba ni Shayne, tumayo nang tuwid, at mabilis na lumapit sa pintuan. “Ibigay mo sa akin ‘yung dokumento na inihanda ko,” utos niya sa kanyang bodyguard.
Binuksan ng bodyguard ang pinto, kumuha ng isang papel mula sa bag, at inabot ito kay Eldreed. Nang makuha ito, agad isinara muli ang pinto.
“Pirmahan mo,” malamig na utos ni Eldreed habang inihagis ang dokumento sa mesa. Walang emosyon ang tono niya, matalim, tuwiran.
Lumapit si Shayne habang hinihimas ang masakit pa ring baba. Kinuha niya ang papel mula sa mesa at mabilis na binasa.
“Agreement... pagkatapos ng kasal?” tanong niya, kunot-noo.
“Tama,” sagot ni Eldreed, seryoso ang mukha.
Umupo si Shayne sa isang upuan, nagkrus ng braso, at ngumiti.
“Mr. Sandronal,” aniya, “mukhang may misunderstanding tayo. Wala akong balak pakasalan ka.”
“Wala ka nang choice,” sagot ni Eldreed. Muli siyang tumingin nang diretso kay Shayne, mataas ang tingin, parang alam niyang siya ang may kontrol.
“Sa kasal na ‘to, ang pamilyang Sandronal ang may hawak ng lahat. And if I tell Mrs. Morsel na mahal kita... knowing your image as the perfect daughter, do you think you’ll still say no?”
Tahimik si Shayne, pero makikita sa kanyang mukha ang unti-unting pagtaas ng tensyon.
Kapag usapan ay tungkol sa paghahanap ng kahinaan ng iba, si Eldreed ang tipo ng taong laging may alas. Marunong siyang magbasa ng tao at gamitin iyon sa tamang pagkakataon.
Pamilyar ang lugar. Parang déjà vu para kina Shayne at Eldreed habang papasok sila sa dating bahay, tila bumalik ang lahat ng alaala sa nakaraan.Bitbit si baby Elione, punô ng emosyon si Shayne. Paglapit sa pintuan, bigla siyang huminto.“Anong nangyari?” tanong agad ni Eldreed, kita ang pag-aalala sa mukha. “Masama ba pakiramdam mo?”“Hindi naman,” ngiti ni Shayne. “Parang hindi pa rin ako makapaniwalang nakabalik na ako rito. Medyo kinakabahan lang siguro.”Ngumiti si Eldreed at niyakap siya, nagbibigay ng lakas ng loob.Pagpasok nila sa bahay, naroon si Arellano, halatang matagal nang naghihintay. Napatingin ito kay baby Elione sa mga bisig ni Shayne. May kinang sa mga mata niya, puno ng emosyon.“Shayne, welcome back!” bati nito. Alam niyang malabong mapatawad pa siya, pero siya na ang kusang lumapit.“Lolo,” sagot ni Shayne, bahagyang ngumiti.Napapikit si Arellano at pinigilan ang luha. “Salamat... salamat at bumalik ka.”Ang loob ng bahay ay halos hindi nagbago. Lahat ng gamit
Mahigit sampung oras nang nag-aabang si Eldreed sa labas ng emergency room.Dahil sa sobrang pag-aalala, nagpa-book pa siya ng private plane para ipatawag ang ilang kilalang eksperto, pero halos pareho lang ang sagot nila, mula nang ipasok si Shayne sa ER, wala pang lumalabas. Lalo lang nitong pinatindi ang takot ni Eldreed sa kalagayan ni Shayne at ng bata.Maging si Skylar, na bata pa, tila naramdaman na may mali. Tahimik na humawak sa kamay ni Eldreed at halos maiyak.“It’s okay,” bulong ni Eldreed, pilit na pinapakalma si Skylar kahit siya man ay walang kasiguraduhan sa puso.Maya-maya, bumukas ang pinto ng ER. Lumapit agad ang doktor.“Mr. Sandronal,” sabi niya. “Congratulations! Nanganak na po si Ms. Amari, at lalaki ang anak ninyo.”Napatingin si Eldreed na may matinding pag-asa. “Ibig sabihin… ligtas si Shayne? At pati ang bata?”Tumango ang doktor. “Yes, both of them are safe. Honestly, it's a miracle. Hindi talaga sumuko si Ms. Amari, kaya namin sila nailigtas.”Hindi makapa
Habang naghihintay si Shayne sa ilalim ng lilim ng puno, palinga-linga siyang naghahanap kay Skylar. Bihira silang makalabas ng anak para mamasyal, kaya gusto niyang sulitin ito. Wala rin naman siyang kailangang alalahanin sa kompanya, ayos na ang lahat sa Amari Group, at pansamantala nang walang bangayan sa Sandronal Group.Pero lumipas na ang halos kalahating oras, at hindi pa rin lumilitaw si Skylar, pati ang mga bodyguard na kasama nito ay wala ring balita. Kinabahan si Shayne. Alam niyang may nangyari. O baka naman gumagawa lang ng kalokohan si Skylar?Agad siyang sumenyas sa mga tao sa paligid. “Hanapin n’yo si Skylar. Now.”“Shayne!” tawag ng isang pamilyar na boses mula sa likuran.Paglingon niya, si Eldreed ang bumungad. Agad siyang napakunot-noo. Ayan na nga ba ang kutob ko… Malamang si Skylar na naman ang tumawag dito.“Ano’ng ginagawa mo rito?” malamig na tanong ni Shayne, halatang inis. Parang hindi si Eldreed ang kausap niya kundi isang estranghero lang.Umupo si Eldreed
Sa pagkakataong iyon, pakiramdam ni Arellano ay parang bumalik siya sa pagiging sampung taong gulang, walang laban, walang kontrol.Hindi niya akalaing ganoon kalalim ang pagmamahal ni Eldreed kay Shayne. Iniwan nito ang Sandronal Group, isinantabi ang sariling buhay, lahat para sa isang babae. Lubos siyang nabigla.Ngunit sa kabila ng lahat, napagtanto ni Arellano na walang saysay ang mga negosyo kung kapalit naman noon ay ang kaligayahan ng kanyang apo. Kung magiging maayos lang si Eldreed, handa siyang isuko ang lahat.Nakaupo siya sa batong upuan sa likod ng hardin. Tahimik ang paligid maliban sa mga kasambahay na palakad-lakad sa di kalayuan. Si Eldreed, nitong mga araw na 'to, abala sa paghabol kay Shayne, sa paglalaro kay Skylar, at sa pag-aasikaso sa kompanya, ngunit ni minsan, hindi siya binisita. Alam niyang may tampo sa kanya ang apo.Bahagyang dumapo ang antok sa kanya habang nakahiga sa upuan, at kitang-kita sa kanyang mga mata ang kalungkutang hindi niya maitatago.Hindi
Pumasok si Shayne sa opisina gaya ng nakagawian. Mula sa kwento ni Andeline, nalaman niyang ligtas na si Eldreed. Sa wakas, nakahinga siya ng maluwag, kahit hindi halata sa mukha niya, mas magaan na ang kanyang pakiramdam.Ipinatigil na ng Amari Group ang lahat ng proyektong laban sa Sandronal Group. Isa iyong hakbang na parang pag-aabot ng kapatawaran, kahit pa marahil ay hindi na iyon kailangan, dahil kilala niya si Eldreed, alam niyang hindi ito madaling matibag.Habang umiinom ng kape si Shayne, napakunot ang noo niya sa mapait at matabang lasa. Papatawag na sana siya ng iba nang biglang bumukas ang pinto.Si Eldreed.Sandaling kumislap ang saya at gulat sa mga mata ni Shayne, ngunit agad din iyong nawala. Hindi man niya gustong makita si Eldreed, hindi rin niya maitatangging masaya siyang nakitang maayos na ito.“Shayne…” malambing na tawag ni Eldreed.Simula nang malaman niyang si Shayne ang nagbantay sa kanya habang wala siya sa malay, muling nabuhayan ng loob si Eldreed. Para
Bagama’t comatose pa si Eldreed, nararamdaman niyang may mga tao sa paligid niya. Naririnig niya ang tinig ni Shayne, ang mga hikbi at ang malungkot nitong salitang tila patuloy na humihingi ng tawad at... nagpapatawad.Nang marinig niya si Shayne na nagsabing pinatawad na siya, naramdaman niyang gumaan ang bigat sa puso niya. Alam niyang siya ang naging dahilan ng sakit ni Shayne noon. Kaya sa pagkarinig niya ng mga salitang iyon, labis ang naging tuwa niya, kahit hindi pa siya tuluyang gising.Ngunit habang lumilipas ang oras, napagtanto niyang hindi niya maigalaw ang katawan niya, hindi makapagsalita, at ni hindi mahawakan ang kamay ni Shayne para patahanin ito.At nang sa wakas ay maimulat niya ang kanyang mga mata, wala na si Shayne sa silid. Tahimik at walang laman ang paligid. Napatigil siya, akala ba niya ay andoon lang si Shayne?Napahawak siya sa batok niya. Halatang matagal na siyang naka-confine. Ngunit ang nakakagulat, wala na ang sakit ng ulo na dati niyang nararanasan d