Tila bumilis ang tibok ng puso ni Damielle Astin sa narinig. Sa binitiwang salita ni Naya Faith ay nakasilip siya ng pag-asa na maaari pang maibalik ang naburang alaala ng kanyang kabiyak.
"Lasing na yata ako," mahinang usal ni Naya kasabay ng pagbitaw niya sa pagkakahawak sa pisngi ni Damielle Astin. Pagkatapos ay bumuntong-hininga ito at saka nito hinilot ang kanyang sentido habang nakapikit.
"I think I should stop drinking."
Napabuga naman ng hangin si Damielle Astin.
"Tingin ko nga rin. Mabuti pa siguro bumalik ka na sa kwarto mo."
Tumigil sa paghilot ng kanyang sentido si Naya, nagmulat siya ng mga mata at saka lumingon sa kanyang katabi sa upuan. Naging dahilan iyon upang magtamang muli ang kanilang mga mata.
"Please bring me to my room, Damie." Tila nagsusumamo ang mga mata nito.
Napakurap naman si Damielle. Hindi siya makapaniwala sa narinig.
Aniya, paano nito nagagawang utusan ang isang lalaki na dalhin siya sa isang silid? Nararamdaman kaya nito ang kanilang koneksyon kaya gano'n na lamang kakampante ang pakikitungo nito sa kanya? O
Sadyang nagbago na ang pag-uugali ng kanyang asawa?"Please, carry me."
Tila naman nanuyo ang lalamunan ni Damielle. Hindi naman nang-aakit ang tinig ng babae ngunit bakit parang kaysarap iyon pakinggan. Bakit parang naaakit siya? Tila ba binubuhay nito ang pagnanasa sa kanyang kaibuturan. Normal siyang lalaki at natural lamang sa kanya ang maakit sa tukso, bukod sa maganda at alindog si Naya ay dagdag pang labis niyang iniibig ang babae.
"Hindi ko na kayang maglakad. Nahihilo ako, Damie." Bumitaw ito ng tingin sa kanya at saka muling pumikit. "Do me favor, please."
Noon na nagising si Damielle Astin sa kanyang malalim na pag-iisip. Aniya, sadyang binigyan lamang niya siguro ng kulay ang tinuran ni Naya Faith. Napabuntong-hininga na lamang siya dahil sa uri ng pag-iisip na mayroon siya.
"Kumapit ka sa'kin." Kumilos siya upang pangkuin ang babae. Agad namang ipinulupot ni Naya ang kanyang mga kamay sa leeg nito. Nang sandali nasa matipunong bisig na ni Damielle ang babae ay hindi ni Naya inalis ang tingin sa kanya.
"Stop staring at me, Naya."
"Why?" Puno ng kainosentehan nitong tanong. Nanatili rin ang tingin nito sa kanya.
"I am not comfortable."
"Is it because of your scars?" Nang hindi umimik si Damielle ay muling nagsalita ang babae. "I don't care about how you look like. I don't care about your flaws, Damie."
Tila hinaplos ang puso ni Damielle sa narinig ngunit nagdesisyong siyang huwag na lamang umimik at mag-iwas na lamang ng tingin. Hahayaan na lamang niya ang babae sa gusto nitong gawin.
"But anyway, thank you, Damie." Sinserong turan ni Naya Faith nang tuluyan silang makapasok sa silid na kanyang inuukopa.
"It is part of my duty, Naya." Marahan niyang ibinaba ang babae sa kama nito. Bago siya makakilos palayo sa babae ay nagawang mahawakan ni Naya Faith ang kanyang braso.
"Would you believe if I tell you that I found you handsome?" Sinsero ang mga mata nitong nakatingin sa kanya ngunit hindi naging sapat iyon upang maniwala si Damielle Astin. Kung narinig niya ang mga salitang iyon bago ang trahedya ay agad siyang maniniwala ngunit iba na ngayon. Kahit siguro bulag ay sasabihing pangit siya. Totoo naman iyon, para siyang halimaw dahil sa pilat sa kanyang kanang pisngi.
"Lasing ka na nga talaga." Marahan niyang inalis ang kamay ng babae na nakahawak sa kanya.
Bahagya namang natawa si Naya.
"I know what am I saying, Damie. Lasing lang ako pero hindi ako bulag."
"Sa'yo na galing na nahihilo ka. Kung anuman 'yang nakikita mo ngayon, epekto 'yan ng alak, Naya."
"Okay fine, I'm drunk but my eyes are still functioning, Damie.”
Bago pa makaimik si Damielle ay umangat ang malambot na kamay ni Naya at lumapat iyon sa pisngi niyang may pilat.
"Despite of this, you are still good looking in my eyes. From your beautiful eyes--" bumaba ang tingin nito kasabay ng marahang pagdausdos ng daliri ni Naya Faith sa kanyang ilong, " to your aristocratic nose," muling dumausdos ang daliri nito sa labi ni Damielle, "to your sensual kissable lips."
Matamang nakatitig ang mga mata ni Naya sa mukha nito dahilan upang maalarma si Damielle. Sa ginawang iyon ni Naya ay tila nagising ang kanyang pagkalal*ki. At hindi siya maaaring magpatangay sa kanyang damdamin. Mabilis niyang hinuli ang kamay ng kanyang misis.
"Matulog ka na. May photo shoot ka pa bukas."
Napaungol naman ang babae na tila ba tumtutol sa kanyang sinabi. Hindi naman iyon inintindi ni Damielle.
"Good night, Naya." Akmang tatalikod na si Damielle Astin nang magsalita ang babae.
"Undress me, Damie." Naging dahilan iyon upang mapahinto si Damielle Astin. Awtomatiko rin siyang napalingon rito.
"Naya!" Tila pagalit niyang saway sa babae. Hindi rin niya napigil ang sariling mapakunot-noo. Anang sarili, hindi gano'n ang dating Naya Faith, kahit kasal sila noon ay nahihiya pa itong maghub*d sa kanyang harapan.
"Naiinitan ako. I am not comfortable. Baka mahirapan akong makatulog."
Napabuga na lamang ng hangin si Damielle Astin.
"You shouldn't be acting like this infront of any other men, Naya."
Lumapit siya sa electric fan na nasa silid at binuksan iyon. Nagkataon sira ang aircon ng bahay na tinuluyan nila, iyon na rin siguro marahil ang dahilan kung bakit nagrereklamo ang babae sa init.
"That's not enough, Damie. I want you to undress me and leave only my undies."
Lalo namang nangunot ang noo ni Damielle.
"Kasasabi ko lang na---" Hindi na niya nagawang tapusin ang dapat sana at sasabihin niya nang unahan siya ni Naya.
"Please, Damie. Undress me, please."
Napaawang na lamang ang labi ni Damielle Astin.
"Mapagkakatiwalaan naman kita, right?"
Napalunok na lamang siya.
"Yes, ofcourse. You can trust me."
Totoo iyon, walang duda. Pero hindi pa rin siya makapaniwala sa ginagawa ng kanyang asawa.
"Then help me remove my clothes.
Napahilamos na lamang ng mukha si Damielle dahil sa frustration.
"Please."
Buntong-hininga na lamang na lumapit si Damielle sa kanyang misis. Wala na rin naman siyang magagawa kundi sundin ito.
"Fine. But please, Naya, huwag mo na sanang uuliting hilingin ito sa ibang lalaki."
Umangat ang kamay nito sa strap ng suot nitong bestida. Napaiwas na lamang siya ng tingin nang simulan niyang ibaba iyon.
"Pinapagawa mo rin ba 'to kay Rio?" Mahina niyang tanong. Hindi rin niya naiwasang makaramdam ng galit at lungkot sa ideyang iyon.
"Not yet. Maybe soon."
Lihim namang nagngitngit ang kalooban ni Damielle. Pangako niya sa sarili, hindi niya hahayaan dumating ang araw na iyon. Babawiin niya si Naya bago tuluyang magtagumpay si Rio Costor na angkinin ang kanyang misis.
"C'mon, Damie! Kanina pa ako naiinitan. Do what you need to do. Hindi ka naman naiilang, right? Oh, c'mon! You already saw me wearing just a pair of thin undies. Don't act like a freakin' virgin." Naging dahilan iyon upang makuha ni Naya Faith ang atensiyon niya. Noon rin niya napansin na tumigil siya sa ginagawang pag-alis sa suot ng babae.
"Just don't be tempted." Gumuhit ang pilyang ngiti sa labi nito. "And never tempt me as well, Damie. Kahit lasing ako, hindi ako bibigay sa'yo."
Nangunot naman ang noo ni Damielle.
"Akala ko ba nahihilo ka, Naya?"
Nagkibit-balikat ang babae.
"I am but slowly getting good."
Napailing na lamang si Damielle Astin. Pakiramdam niya ay pinaglalaruan siya ng babae dahil sa pilyang ngiti nito. Hindi niya tuloy naiwasang mapaisip, normal ba sa may amnesia ang magbago ng ugali?
"Damie,"mahinang usal ni Naya dahilan upang tila bumalik sa huwisiyo si Damielle. Nang lumingon siya sa babae ay nagtama ang kanilang mga mata.
"Please continue."
Napabuntong-hininga na lamang si Damielle Astin. Lakas-loob niya inalis ang bestidang suot ng babae. Tama naman ang babae, nakita na niya itong halos walang saplot kaya hindi siya dapat mailang. At kung tutuusin, wala namang masama kung makita niya ang katawan nito dahil mag-asawa naman sila. Ngunit tila unti-unting nag-init ang kaibuturan ni Damielle nang tumambad sa kanyang harapan ang makinis at malaporselang balat ng babae. Naging dahilan iyon upang maalala ang mainit na gabing magkasalo sila noon. Tila sariwa pa sa kanyang alaala kung paano nila haplusin ang katawan ng isa't-isa.
"Huwag mo akong isusumbong kay Rio.
Don't tell him that I let my bodyguard undress me." Mahinang turan ni Naya dahilan upang muling itinuon ni Damielle ang tingin sa kanya."Hindi mo lang naman ako bodyguard, asawa mo ako, Naya." ugong ng kanyang isipan. Gustong-gusto niyang isatinig iyon ngunit alam niya sa sariling hindi pa iyon ang tamang panahon.
"Mangako ka, Damie."
Napabuga na lamang siya ng hangin.
"Huwag kang mag-alaala, hindi kita isusumbong. 'Di ba sabi ko naman sa'yo, sa'yo ako naglilingkod, Naya."
Gumuhit ang munting ngiti sa labi ni Naya Faith.
"Thank you. I will count on you. Good night," usal nito bago tuluyang pumikit.
Ilang sandali namang napatitig si Damielle sa magandang mukha ni Naya Faith.
Masuyo niyang hinaplos ang buhok nito. Para siyang maluluha habang nakatingin ng buong pagmamahal sa babae. Pakiramdam niya ay panaginip lamang ang lahat, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang buhay ang taong ilang taon na niyang pinagluluksa.
"Babawiin kita kay Rio," anang kanyang isipan.Ilang sandali lamang ay naging banayad na ang paghinga ng babae, tanda na siya ay tuluyan nang ginupo ng antok.
Marahan bumaba ang mukha ni Damielle sa mukha nito. Dumampi ang labi nito sa labi ni Naya Faith. Sandali lamang iyon ngunit kitang-kita sa mga mata nito ang labis na pagmamahal.
"Pangako, Naya. Gagawin ko lahat, maprotektahan ka lang. Promise, I won't fail this time."
"Mom! Dad! I'm home!" Ang malaanghel na tinig ni Hope ang kumuha ng atensiyon nina Raya Fae at Damielle Astin. Parehong napunta ang tingin ng mag-asawa sa kabubukas na main door ng bahay. Pumasok mula roon ang isang balingkinitan babae. Maputi at tila kaylambot ang balat nito. Natural na mapula ang may kakapalan nitong labi, matangos ang ilong at mapungay ang mga mata nitong natural na mahaba ang pilik mata. At agaw pansin ang mga mata nitong kulay abo. She is Hope Villacorda. Ang prinsesa sa kanilang pamilya. Agad na tumayo si Damielle Astin. Gumuhit ang labi nito habang nakatitig sa dalagang papalapit sa kanila ni Raya Fae. Lalo ring gumuhit ang ngiti sa labi ng dalaga nang makita ang ngiti ng kanyang mga magulang. "How's your school?" Graduating na ito sa kursong Business management. "It's fine, dad." Humalik ito sa pisngi ng kanyang ama. Sunod rin itong kay Raya Fae na nakatayo sa tabi ni Damielle Astin. "Good evening po, Tito, Tita." Gumuhit ang munting ngiti sa lalaking
"Mine." Yumakap si Damielle Astin sa beywang ng kanyang misis. Marahan niyang hinaplos ang tiyan nito. Malaki na ang umbok ng tiyan nito. Kabuwanan na nito at anumang oras ay maaari na nitong isilang ang kanilang anak. "Are you alright?" Humalik siya sa exposed na balikat nito. Sandali naman siyang liningon ni Raya. Pumatong rin ang kamay nito sa kamay ng kanyang mister. "Oo naman. Ayos na ayos lang ako." "Then why are you here?" Hindi pa rin naalis ang pag-aalala sa mga mata ni Damielle Astin. Agad naman siyang hinarap ni Raya Fae. "Binibisita ko lang siya, bigla ko siyang na-miss," gumuhit ang munting ngiti sa labi nito, "at saka para sabihin na rin sa kanya na magkakaroon na sila ng baby sister." "Yeah. Kung nandito siya, sigurong matutuwa siya katulad ni Damon. Well, except kay Devonne na ang gusto ay baby brother." "Devonne is such a loving person, hindi nga lang siya showy. Kahit sinasabi niyang baby brother ang gusto niya, I'm sure, magiging mabuting kuya pa rin siya."
Marahang hinahaplos-haplos ni Raya Fae ang ulo ng batang si Damon. Napapayag lamang niyang sumama ang mga bata sa kanila nang sabihin niya magkakasama silang pamilya. Sa huli pumayag na lamang siya sa gusto ni Damielle Astin na umuwi sa bahay kung saan siya nagising na kasama ito. Ayon sa lalaki, iyon daw ang bago nilang tahanan. Hindi nalalayo ang laki ng bahay sa dati nilang tahanan. Nangingibabaw ag kulay na puti at gold sa bahay kaya naman napakaaliwalas ng paligid. Mayroon na rin silid roon ang mga bata na may pintong konektado sa Master's bedroom. "Raya." Nakuha ng atensyon niya ang pagtawag ng kanyang mister. Nang mapunta ang tingin niya sa pinanggalingan ng tinig nito ay nakita niyang nakatayo ang lalaki sa pinto patungo sa Master's Bedroom. "Ngayong tulog na ang mga bata, pwede bang mag-usap tayo." Mahinahon ang tinig nitong nakikiusap. "Ano pang dapat nating pag-usapan? Pumayag na nag ako na umuwi dito sa bahay mo, 'di ba?" Hindi niya naitago ang pagsusungit sa kanyang
"Mga anak!" Naluluhang yumakap sa kanyang mga anak si Raya Fae. "Mommy." Mahigit na gumanti ng yakap sa kanya ang batang si Damon. Walang imik namang gumanti rin ng yakap sa kanya si Devonne. "Maraming salamat sa lumikha. Sa wakas, nahanap rin namin kayo." Hindi na napigil ni Raya Fae ang pagbuhos ng kanyang mga luha. "Mom." Tiningala siya ng batang si Devonne. Agad namang pinahid ni Raya Fae ang kanyang mga luha bago siya lumuhod upang mapantayan ang kanyang mga anak. "Kumusta kayo? Ayos lang ba kayo? May masakit ba? " Kitang-kita ang pag-aalala sa mga mata nito habang nakatingin sa mga bata. Muli ring nangilid ang kanyang luha habang hawak-hawak niya ang kanyang mga anak. "Please don't cry, mom." Kumilos ang kamay ng batang si Devonne upang tuyuhin ang kanyang luha. "We're okay, mommy." Segunda naman ng batang si Damon. "Please stop crying." Napasinghot naman ang si Raya Fae. Pinilit niya pinigil ang muling pagtulo ng kanyang luha. "Pasensya na, mga anak. Sobrang natutu
Napaungol si Raya Fae kasabay ng pagmulat niya ng kanyang mga mata. "Sa'n mo ako dadalhin?" Hindi niya naiwasang tanong habang nakatitig siya sa lalaking buhat-buhat siya. Sa halip na maghisterikal ay isiniksik niya ang kanyang mukha sa matipunong dibdib ng lalaki. Hindi niya mawari ngunit tila nakaramdam siya ng kapayapaan at seguridad sa bisig nito. "Please bring me home." Mahinang wika nito. "We're already home." Muli namang nagmulat ng kanyang mga mata si Raya Fae. Sinubukan nitong igala ang kanyang paningin ngunit tila umiikot naman ang kanyang paligid. Muli na lamang siyang napapikit upang mawala ang kanyang hilo. Pakiramdam niya ay nakadama siya ng kaginhawaan ng maramdaman niya ang paglapat ng kanyang katawan sa malambot na kutson. Sandali naman siyang pinakatitigan ng kanyang mister bago ito tumikhim. "I-I will undress you." Tila nagpapaalam namang wika ni Damielle Astin. Narinig naman iyon ni Raya Fae. Ngunit sa 'di mawaring dahilan ay hindi siya nakadama ng anumang
"Boss, bakit tayo nandito?" Hindi napigilang maitanong ni Thano Miguero kasabay ng paggala niya ng kanyang paningin sa loob ng bar. "I just want to unwind." Walang emosyong turan naman ni Damielle Astin sa kanyang tauhan. Nang umupo ang kanyang amo at umorder ito ng inumin ay wala na rin siyang nagawa kundi umupo na rin sa tabi nito. "Akala ko ba, boss, pupunta ka sa bahay nina Ma'am Raya." Napabuga naman ng hangin si Damielle Astin kasabay ng pag-iwas nito ng tingin. "Huwag na muna siguro. Baka ayaw rin lang naman niya akong harapin." Hindi na lamang umimik si Thano Miguero. Nang dumating ang order na alak ni Damielle Astin ay inialok nito sa kanya ang isang baso ngunit ngali-ngali siyang tumanggi. "Tingin mo ba, malabo na bang magkaayos pa kami ni Raya?" Tanong nito sa kanya matapos ang ilang beses na pagtungga ng alak. "Ewan ko, boss. Ikaw boss, ano sa tingin mo?" Nalukot naman ang mukha ni Damielle Astin. "You're not helping me, Thano." Napakamot naman ng ulo si Tha