Puno ng kumpiyansa, ganyan mailalarawan ni Damielle Astin si Naya Faith. Wala itong kahit anong make up ngunit litaw na litaw ang natural nitong ganda.
"Eye on the camera." Agad namang tumalima si Naya sa utos ng photographer. "Give me a fiercer look." Agad namang sinunod iyon ng babae.
Buong kumpiyansa itong nagpo-pose sa harap ng camera. "That's it! Nice pose!"Lihim na nangngitngit ang kalooban ni Damielle dahil halos wala nang itago sa katawan ang babae, tanging kulay gold na biniki lamang ang suot nito. Manipis iyon at bakat ang u***g nito na lalong nagpapatindi sa lihim na galit ni Damielle Astin.
Napailing na lamang siyang iniwas ang tingin sa babae. Aniya sa isip, ibang-iba na talaga ngayon ang kanyang misis. Sa mga binitawan nitong salita kanina ay masasabi niyang matapang na ngayon ang babae. Ibang-iba na rin maging ang estilo ng pananamit nito ngayon.
Hindi na ito ang Naya Faith na mahinhin at konserbatibo sa pananamit.
Tila ba sa isang iglap ay naging kabaligtaran ito ng Naya Faith na kanyang minahal at pinakasalan.
"Damie!"
Awtomatiko siyang napalingon sa babae dahil sa pagtawag nito. Nang lingunin niya ito ay wala na ito sa harap ng camera. Ang photographer naman ay abala sa pagkausap sa isa pang model na naroon.
"I need my robe."
Buntong-hininga na lamang na lumapit si Damielle kay Naya. Nang tuluyan siyang makalapit sa babae ay tumalikod ito mula sa kanya. Hudyat iyon na isuot nito sa kanya ang roba. Ngunit hindi niya naiwasang mapalunok nang tumalikod sa kanya ang babae. Tila lumaki at umumbok ang pang-upo nito at lumiit ang beywang nito. Tila ba mas naging kaakit-akit ito ngayon kumpara sa dati.
Wala nang nagawa si Damielle kundi dahan-dahang isuot ang roba sa babae. Nang humarap sa kanya ang babae ay nagtama ang kanilang paningin.
"Huwag mo akong pagnanasahan, isusumbong kita kay Rio." Tila naman naubusan ng kulay sa narinig si Damielle. Aniya, masyado bang halata na pinagnanasahan niya ang babae?
Unti-unti namang gumuhit ang ngisi sa labi ni Naya nang makita niyang umawang ang labi ni Damielle Astin dahil sa gulat. "Just kidding."Bago pa makaimik si Damielle ay nakuha ng pantawag ang kanilang atensiyon.
"Naya!"
Pareho silang lumingon sa pinanggalingan ng tinig. Mula iyon sa babaeng nakagupit panlalaki.
"She's my manager." Mahinang usal ni Naya na tila ba iniimporma siya.
"Momshi!" Masigla niyang tawag sa babae. Gumuhit rin ang matamis na ngiti sa labi ni Naya nang tuluyang makalapit sa kanila ang manager nito.
"May sasabihin sana ako sa'yo."
"What is it, momshi?"
Napunta naman ang tingin ng manager nito kay Damielle Astin. Tila naman naintindihan ni Naya ang nais nitong ipahiwatig.
"He is my newly hired bodyguard. Go ahead, momshi. Tell what you want to say. Don't mind him."
Muli namang napunta ang tingin ni Cristal kay Naya. Nag-iwas naman ng tingin si Damielle upang mas maging komportable ang dalawa sa pag-uusap.
"Nothing big deal naman. Gusto ko lang sanang malaman, just incase may mag-alok ng nude project, tatanggapin mo ba?"
"Ofcourse, momshi!" Mabilis na sagot ni Naya. Hindi tuloy naiwasan ni Damielle ang agad na mapalingon sa babae.
"What?" Hindi niya napigilang maibulalas dahilan upang parehong mapabaling sa kanya ang dalawa.
Napalunok na lamang siya nang makitang umawang ang labi ng manager. Samantalang bahagya namang nakataas ang kilay ni Naya Faith.
"I mean, that's too much. Baka hindi pumayag si sir."
Binawi ni Naya Faith ang kanyang tingin at sunod na bumaling kay Cristal.
"If someone offers and the price is right then accept it. Walang magiging problema kay Rio. At saka walang masama sa gano'ng project. Infact, I'll be happy and too excited to accept that kind of project."
Napakuyom na lamang ng kamao si Damielle Astin sa narinig. Hindi rin niya naiwasan ang pag-igting ng kanyang panga.
Pakiramdam ni Damielle ay papanawan siya ng ulirat sa mga desisyon ni Naya Faith. Kung maaari lamang niyang ipakita ang pagtutol ay kanina pa niya ginawa.
"Nice mindset, Hija."
Lalo namang tumamis ang ngiti ni Naya Faith.
"You know me, momshi. Wala akong inaatrasan."
Nang umalis sila sa photoshoot ay nanatili na lamang na walang imik si Damielle. Nagpupuyos pa rin ang kanyang damdamin at pilit lamang niyang kinokontrol ang kanyang sarili. Aniya, kung nasa dati lamang silang sitwasyon ay nuncang papayagan niya ang babaeng ibilad ang katawan nito sa publiko. Nagtikpi na lamang siya at hindi na nagtangkang umimik hanggang sa makarating sila sa bahay na tutuluyan nila.
"Kumain ka na lang. I'm on a diet today," imporma sa kanya ni Naya bago niya ito iwan upang nagbabad sa banyo.
May dalawang kwarto ang bahay na nakalaan para sa kanilang dalawa. May maliit na sala at kusina ang bahay at kumpleto naman iyon sa kagamitan.
Nang tuluyang mawala sa paningin niya ang kanyang misis ay nagdesisyon na lamang siyang maglabas ang alak at uminom. Nakakadalawang tagay pa lamang siya nang mapansin niyang namatay ang ilaw sa silid ng babae.
Nang bumaling siya sa kanyang relong pambisig ay nakita niyang pasado alas-otso pa lamang ng gabi.
Nagdesisyon na lamang siyang patayin na rin ang ilaw sa sala kung saan siya naroon at buksan na lamang ang lampshade. Tutal mukhang matutulog naman na babae at hindi na ito lalabas. Prente siyang nakasandal sa sofa nang dahan-dahan bumukas ang pinto ng silid ni Naya. Mataman siyang tumitig roon. Sa tulong ng malamlam na liwanag ay nagtama ang kanilang paningin.
"Shhhh." Inilagay nito ang hintuturo sa sarili niyang labi na tila nagsasabing huwag siyang magsasalita.
Napaawang na lamang ang labi ni Damielle Astin nang buong ingat na naglakad palapit sa kanya si Naya. Tila ba hangga't maaari ay ayaw nitong makagawa ng ingay. Wala nang nagawa si Damielle kundi sundan na lamang ng tingin ang babae hanggang sa maupo ito sa kanyang tabi.
"Share your drink with me, please." Mahinang turan nito. Bago pa makakilos si Damielle ay kinuha na ng babae ang hawak nitong baso na may alak at tinungga iyon.
"Naya--"
"May tao sa labas." Mahinang turan nito bago pa niya maituloy ang sasabihin. Awtomatiko namang kumilos ang kamay ni Damielle upang hugutin ang kanyang baril ngunit mabilis iyong nahawakan ni Naya.
"No need to worry. He is harmless. Nagsisilbing mata lamang iyon ni Rio na nakasunod sa atin."
Bago pa maimik si Damielle ay nakita niya ang pag-ilaw ng cellphone ni Naya. Kitang-kita nila pareho ang pagrehistro ng pangalang Rio Costor sa screen. Ngunit hindi kumilos si Naya upang sagutin iyon. Sa halip ay nagsalin siya ng alak sa baso at muling tumungga.
Nang matapos mag-ring ang cellphone nito ay napunta ang tingin nito kay Damielle.
"Siguradong ikaw ang susunod niyang kokontakin."
Bago pa makaimik si Damielle ay tumunog na ang kanyang cellphone. At tama nga ang tinuran ni Naya dahil ang sekretarya ni Rio ang tumatawag.
"Sabihin mong tulog na ako." Muling tumungga ng alak si Naya Faith.
Agad namang sinagot ni Damiella ang tawag.
"Hello, Miss Katriss?"
Tumayo siya mula sa pagkakaupo maingat na tinungo ang bintana ng sala. Sinikap rin niyang hindi siya makikita ng taong nasa labas na sinasabi ni Naya.
["Good evening, Damie. I just wanna check on Ma'am Naya."]
Napatingin si Damielle kay Naya bago magsalita.
"Maaga pong pumasok si Ma'am Naya sa kwarto niya. Patay na rin po ang ilaw roon. Paniguradong tulog na siya ngayon dahil sa pagod."
Iginala ni Damielle ang tingin sa labas ng bahay. Maliwanag ang kalsada dahil sa mga lamp post. Walang tao sa labas maliban sa lalaki sa kabilang kalsada na marungis ang suot at may tulak-tulak na kariton na may laman karton at kalakal. Mataman itong nakatitig sa bahay na inuukopa nila.
["Okay. Secure the perimeter, Damie. And always remember that Ma'am Naya's safety is your priority."]
"Opo, Miss."Kahit hindi iyon sabihin ni Katriss o ng kahit sinuman ay iyon ang kanyang gagawin. Ngayon nalaman niyang buhay ang kanyang misis ay gagawin niya ang lahat upang maprotektahan lamang ito. Sumpa niya sa sarili, hindi na mauulit pa ang nangyari noon. Hindi na ulit masasaktan ninuman si Naya. Hindi na ulit mawawala sa kanya ang babae.
["Okay. That’s good. I have to end this call now."]
Ilang sandali lamang matapos ang tawag kitang-kita ni Damielle ang paghugot ng lalaki ng cellphone sa kanyang pantalon. Umigting ang panga ni Damielle. Tama nga ang sinabi ni Naya, mayroong tauhan si Rio na nagmamatyag sa kanila.
Ilang sandali lamang ay tuluyan nang umalis ang lalaki sa kanyang pwesto.
"Umalis na siya," imporma niya kay Naya nang makabalik siya sa kanyang kinauupuan. Ngunit tila naman hindi iyon pinansin ni Naya Faith .
"Magkasama pa rin sina Rio at Katriss at this hour? Nice!" Puno ng sarkasmo niyang turan bago nito tumungga ng alak.
"Are you jealous with Katriss?"
Natawa naman si Naya sa tanong nito.
"Why should I be jealous with her. I am the fiancee. At kapag kasama ako, parang hangin lang naman ang babaeng 'yon."
“You don’t like her.”
Bumaling sa kanya si Naya.
“Should I?”
“Yes.”
Napailing naman ang babae bago ito tumungga ng alak.
"You know what, Damie, there's something in her. Pakiramdam ko may tinatago ang babaeng 'yon." Tumitig ito kay Damielle Astin bago nagpatuloy. " Parang ikaw Damie, ramdam kong may itinatago ka."
Napalunok si Damielle Astin.
Gano’n ba siya kahalata.
Ano kaya kung sabihin na niya kay Naya ang totoo.
Ipinilig niya ang kanyang ulo upang burahin ang tumatakbo sa kanyang isipan.
Aniya, kailangan muna niyang makiramdam. Hindi pa panahon para sabihin niya kay Naya ang totoo.
"Pakiramdam mo lang 'yan kasi hindi mo pa ako kilala."
Lalo siyang tinitigan sa mata ng babae.
"Then let me know you. Let's know each other's secret, Damie.”
Napalunok si Damielle. Ngunit bago pa siya makaimik ay muling nagsalin ng alak si Naya. Gumuhit ang ngiti sa labi nito bago niya itinaas ang basong hawak niya.
"Let's have a drink. Gusto kong mag-celebrate dahil sa wakas ay nakaalis din ako sa mansion."
Tila nabuhay ang pag-asa sa puso ni Damielle sa narinig niyang tinuran ng babae. Anang isip niya, may pag-asa pang mabawi niya ang kanyang misis kay Rio Costor.
Tama! Malaki pa ang pag-asang mabawi niya ang kanyang asawa.
"Tama na 'yan." Mahinahong saway niya sa babae nang makita niyang muli itong tumungga ng alak.
"Yeah. Lasing na yata ako." Iniabot niya kay Damielle ang baso na agad naman niyang tinanggap. Matapos iyon ay sumandal ito sa headboard ng sofa.
Buntong-hininga itong tumitig kay Damielle Astin.
"Huwag mo akong tratraydurin, Damie." Puno ng sinseridad ang mga mata nitong nakatitig sa kanya.
"I won't."
Hindi na muling umimik si Naya ngunit nanatili siyang nakatitig kay Damielle Astin. Hindi naman bumitaw ng tingin ang lalaki dahil sa emosyong nakaguhit sa mga mata ng babae.
Umangat ang kamay ni Naya at marahang hinaplos ang ang pisngi niyang may pilat. Sinubukang iiwas ni Damielle ang kanyang mukha ngunit muli iyon inabot ni Naya.
Muling nagtama ang kanilang paningin bago ito nagbitaw ng salitang nagpabilis sa tibok ng kanyang puso.
"Why do I feel like I've already known you before?"
"Mom! Dad! I'm home!" Ang malaanghel na tinig ni Hope ang kumuha ng atensiyon nina Raya Fae at Damielle Astin. Parehong napunta ang tingin ng mag-asawa sa kabubukas na main door ng bahay. Pumasok mula roon ang isang balingkinitan babae. Maputi at tila kaylambot ang balat nito. Natural na mapula ang may kakapalan nitong labi, matangos ang ilong at mapungay ang mga mata nitong natural na mahaba ang pilik mata. At agaw pansin ang mga mata nitong kulay abo. She is Hope Villacorda. Ang prinsesa sa kanilang pamilya. Agad na tumayo si Damielle Astin. Gumuhit ang labi nito habang nakatitig sa dalagang papalapit sa kanila ni Raya Fae. Lalo ring gumuhit ang ngiti sa labi ng dalaga nang makita ang ngiti ng kanyang mga magulang. "How's your school?" Graduating na ito sa kursong Business management. "It's fine, dad." Humalik ito sa pisngi ng kanyang ama. Sunod rin itong kay Raya Fae na nakatayo sa tabi ni Damielle Astin. "Good evening po, Tito, Tita." Gumuhit ang munting ngiti sa lalaking
"Mine." Yumakap si Damielle Astin sa beywang ng kanyang misis. Marahan niyang hinaplos ang tiyan nito. Malaki na ang umbok ng tiyan nito. Kabuwanan na nito at anumang oras ay maaari na nitong isilang ang kanilang anak. "Are you alright?" Humalik siya sa exposed na balikat nito. Sandali naman siyang liningon ni Raya. Pumatong rin ang kamay nito sa kamay ng kanyang mister. "Oo naman. Ayos na ayos lang ako." "Then why are you here?" Hindi pa rin naalis ang pag-aalala sa mga mata ni Damielle Astin. Agad naman siyang hinarap ni Raya Fae. "Binibisita ko lang siya, bigla ko siyang na-miss," gumuhit ang munting ngiti sa labi nito, "at saka para sabihin na rin sa kanya na magkakaroon na sila ng baby sister." "Yeah. Kung nandito siya, sigurong matutuwa siya katulad ni Damon. Well, except kay Devonne na ang gusto ay baby brother." "Devonne is such a loving person, hindi nga lang siya showy. Kahit sinasabi niyang baby brother ang gusto niya, I'm sure, magiging mabuting kuya pa rin siya."
Marahang hinahaplos-haplos ni Raya Fae ang ulo ng batang si Damon. Napapayag lamang niyang sumama ang mga bata sa kanila nang sabihin niya magkakasama silang pamilya. Sa huli pumayag na lamang siya sa gusto ni Damielle Astin na umuwi sa bahay kung saan siya nagising na kasama ito. Ayon sa lalaki, iyon daw ang bago nilang tahanan. Hindi nalalayo ang laki ng bahay sa dati nilang tahanan. Nangingibabaw ag kulay na puti at gold sa bahay kaya naman napakaaliwalas ng paligid. Mayroon na rin silid roon ang mga bata na may pintong konektado sa Master's bedroom. "Raya." Nakuha ng atensyon niya ang pagtawag ng kanyang mister. Nang mapunta ang tingin niya sa pinanggalingan ng tinig nito ay nakita niyang nakatayo ang lalaki sa pinto patungo sa Master's Bedroom. "Ngayong tulog na ang mga bata, pwede bang mag-usap tayo." Mahinahon ang tinig nitong nakikiusap. "Ano pang dapat nating pag-usapan? Pumayag na nag ako na umuwi dito sa bahay mo, 'di ba?" Hindi niya naitago ang pagsusungit sa kanyang
"Mga anak!" Naluluhang yumakap sa kanyang mga anak si Raya Fae. "Mommy." Mahigit na gumanti ng yakap sa kanya ang batang si Damon. Walang imik namang gumanti rin ng yakap sa kanya si Devonne. "Maraming salamat sa lumikha. Sa wakas, nahanap rin namin kayo." Hindi na napigil ni Raya Fae ang pagbuhos ng kanyang mga luha. "Mom." Tiningala siya ng batang si Devonne. Agad namang pinahid ni Raya Fae ang kanyang mga luha bago siya lumuhod upang mapantayan ang kanyang mga anak. "Kumusta kayo? Ayos lang ba kayo? May masakit ba? " Kitang-kita ang pag-aalala sa mga mata nito habang nakatingin sa mga bata. Muli ring nangilid ang kanyang luha habang hawak-hawak niya ang kanyang mga anak. "Please don't cry, mom." Kumilos ang kamay ng batang si Devonne upang tuyuhin ang kanyang luha. "We're okay, mommy." Segunda naman ng batang si Damon. "Please stop crying." Napasinghot naman ang si Raya Fae. Pinilit niya pinigil ang muling pagtulo ng kanyang luha. "Pasensya na, mga anak. Sobrang natutu
Napaungol si Raya Fae kasabay ng pagmulat niya ng kanyang mga mata. "Sa'n mo ako dadalhin?" Hindi niya naiwasang tanong habang nakatitig siya sa lalaking buhat-buhat siya. Sa halip na maghisterikal ay isiniksik niya ang kanyang mukha sa matipunong dibdib ng lalaki. Hindi niya mawari ngunit tila nakaramdam siya ng kapayapaan at seguridad sa bisig nito. "Please bring me home." Mahinang wika nito. "We're already home." Muli namang nagmulat ng kanyang mga mata si Raya Fae. Sinubukan nitong igala ang kanyang paningin ngunit tila umiikot naman ang kanyang paligid. Muli na lamang siyang napapikit upang mawala ang kanyang hilo. Pakiramdam niya ay nakadama siya ng kaginhawaan ng maramdaman niya ang paglapat ng kanyang katawan sa malambot na kutson. Sandali naman siyang pinakatitigan ng kanyang mister bago ito tumikhim. "I-I will undress you." Tila nagpapaalam namang wika ni Damielle Astin. Narinig naman iyon ni Raya Fae. Ngunit sa 'di mawaring dahilan ay hindi siya nakadama ng anumang
"Boss, bakit tayo nandito?" Hindi napigilang maitanong ni Thano Miguero kasabay ng paggala niya ng kanyang paningin sa loob ng bar. "I just want to unwind." Walang emosyong turan naman ni Damielle Astin sa kanyang tauhan. Nang umupo ang kanyang amo at umorder ito ng inumin ay wala na rin siyang nagawa kundi umupo na rin sa tabi nito. "Akala ko ba, boss, pupunta ka sa bahay nina Ma'am Raya." Napabuga naman ng hangin si Damielle Astin kasabay ng pag-iwas nito ng tingin. "Huwag na muna siguro. Baka ayaw rin lang naman niya akong harapin." Hindi na lamang umimik si Thano Miguero. Nang dumating ang order na alak ni Damielle Astin ay inialok nito sa kanya ang isang baso ngunit ngali-ngali siyang tumanggi. "Tingin mo ba, malabo na bang magkaayos pa kami ni Raya?" Tanong nito sa kanya matapos ang ilang beses na pagtungga ng alak. "Ewan ko, boss. Ikaw boss, ano sa tingin mo?" Nalukot naman ang mukha ni Damielle Astin. "You're not helping me, Thano." Napakamot naman ng ulo si Tha