Share

Chapter Seventeen

"Ellaine.."

"Oh?"

"Huy!"

Ilang ulit na niyang tinawag si Ellaine pero sagot lang ito ng sagot pero hindi naman siya tinitignan at pinapansin.

"Tignan mo kaya ako." Naiinis na sabi niya. Kanina pa kasi niya ito kinakausap pero tila wala itong naririnig.

Kanina nang ibigay niya ang regalo ni Ellaine ay akala niya siya ang yayakapin nito. Pero imbes na siya ang bigyan ng yakap nito ay ang regalo niya ang niyakap ni Ellaine ng mahigpit.

Tinignan naman siya ni Ellaine nang siguro'y maulingan nito ang bahid ng inis sa boses niya.

"Naiinis ka ba?" Nakangiting tanong sakanya ni Ellaine.

"Tingin mo?"

"Ang sungit mo naman." Natatawang sabi ni Ellaine.

"Hindi ka pa nga nagte-thank you sa'kin eh." Nakangusong sabi niya rito.

Pinalo naman siya ni Ellaine tapos ay sumiksik sa tabi niya. Laking gulat niya nang bigla siyang yakapin ni Ellaine.

Sa wakas.

"Thank you, Mico! Nagustuhan ko talaga iyong gift mo."

Niyakap naman niya ito pabalik. Tinignan niya ito. "Basta ako una mong ipinta ah?"

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status