Share

Chapter Ten

Hindi alam ni Mico kung ano nangyari kay Ellaine. Bad mood nanaman. Bumuga nalang siya ng hangin at tsaka sinundan ito sa labas.

"Ellaine.." Tawag niya rito pero hindi lang siya nito pinansin at palinga-linga lang ito sa paligid.

Napapalatak nalang siya at hinila nalang ito.

"Ano ba!" Singhal nito sakanya.

"Alam mo, ang arte mo. Meron ka ba?" Biro niya rito.

Hinampas naman siya nito ng malakas sa braso. "Alam mo ang bastos mo!"

"Ano'ng kabastos-bastos sa sinabi ko?" Manghang tanong niya rito.

Patuloy lang niya itong hinihila.

"Saan ba tayo pupunta?! Tsaka pwede ba! Bitawan mo ko, hindi ako aso mo at kung hilahin mo ay para akong alaga mo!" Sigaw nito sakanya.

Tumigil siya sa paglalakad at nilingon ito. Padabog naman nito binawi ang kamay.

"Alaga kaya kita." Sabi niya rito.

Gulat na napamaang naman ito sakanya. "What?!" Sigaw ulit nito.

Naku, kung may masking tape lang siyang dala kanina niya pa nilagyan ang bibig nito. Napakaingay, nakakahiya sa mga tao. Pinagtitinginan pa
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status