Share

Chapter Six

"Wala parin ba si Ellaine?" Tanong ni Manang Ising - ang matandang kasambahay ng mga Illustre. 

Umiling si Mico bilang pagsagot. Six pm na ng gabi pero wala parin si Ellaine sa hacienda. Kanina pa siya naghihintay rito sa may front door. 

"Ipahanap mo na kaya siya kela Densio?" Suhestiyon sakanya ni Manang Ising. 

Huminga siya ng malalim bago hinarap si Manang. "Kapag wala pa siya pagkatapos ng sampung minuto ako na po mismo maghahanap sakanya." Sagot niya. 

Tumango lang si Manang sakanya at tinapik ang balikat niya. "O siya sige, kapag dumating na siya pakainin mo kaagad. Nakahanda na sa hapag ang mga pagkain."

"Salamat po, Manang." 

Kanina niya pa gustong libutin ang buong rancho para hanapin ito. Pero pinigilan niya ang sarili dahil alam niyang babalik rin ito. 

Hindi niya maiwasang maalala ang pagkikita nilang muli after thirteen years. At totoong nagulat siya sa nakitang Ellaine. She's not the sweet,innocent and simple girl that he used to know. 

She changed.

Akala niya nung una nagbibiro lang ang Daddy at Ninong niya nang hingan siya ng tulong ng mga ito kay Ellaine. Dahil as far as he remember, hindi ang Ellaine na kababata niya ang nag-uuwi ng lalaki sa bahay, party animal at naglalasing tuwing gabi. She has always been the perfect daughter to her parents. 

And he guess he was wrong after all. After what happened.. alam niyang hindi malabong mangyari ito. 

Wala na ang Ellaine na kilala niya. 

And she became a new person to him all of a sudden. The selfish spoiled bitch. 

Pero alam niya.. alam niyang deep inside that spoiled Ellaine, naroon parin ang kababata niya. 

He saw it. 

Kaninang nasa farm house sila. Nakita niya. 

Nakita niyang tumulo ang mga luha nito bago pa man ito makatakbo palayo sakanya. 

------

****

Pumunta ang labindalawang taong gulang na si Mico sa playground ng bahay ng mga Manansala. Sinama kasi siya ng kanyang Daddy rito ulit. Hindi naman siya umaangal dahil kahit siya man ay gustong-gusto bumisita sa mga Manansala. May gusto kasi siyang makita. 

Paakyat na sana siya sa second floor nang madaanan niya ang sliding door sa sala at may napansin sa may playground. Naisipan niyang dumaan muna roon at nang makarating sa playground ay nakita niyang nakatalikod ang pitong taong gulang na si Ellaine at nakaupo lang sa may swing. 

Bigla namang gumana ang kapilyuhan niya kaya naman dahan-dahan siyang lumapit rito at tinulak ang swing. Napasigaw si Ellaine dahil siguro sa gulat. Natatawang tinigil naman niya ang swing sa paggalaw at tsaka umikot sa harap nito. 

Nagulat siya nang makita itong umiiyak nanaman. At parang napindot nito ang ON button niya at umiral ang pagkaprotective niya rito. He squatted infront of Ellaine at pinunasan ang pisngi nito. 

"Hey, what happened? Bakit umiiyak ang sweetie ko?" Masuyong tanong niya rito. 

Sumisinghot naman ito at nanatiling nakayuko lang. "K-Kasi kuya, p-pinagalitan ako ni Mommy."

Inipit naman niya sa likod ng tenga nito ang buhok na tumatabing sa mukha nito. "Bakit naman? Hindi naman siguro magagalit si Ninang kung walang dahilan." Mahinahong sabi niya. 

She wiped her tears before she looked at him. Namamaga ang mata nito but he finds it cute. "K-Kinuha ko kasi iyong bike ko tapos nagbike lang naman ako saglit. Pagdating ko sa house pinalo ako ni Mommy kasi daw hindi daw ako naggawa ng homework muna bago magplay." Pagsusumbong nito. 

Napangiti naman siya rito. Kinuha niya ang panyo niya sa bulsa at pinunasan ang mukha nito. "Hayaan mo na. Ninang just wants you to prioritize your studies first. Tahan na, ang pangit mo na." Asar niya rito. 

Pinalo naman siya ni Ellaine. "Kuya!"

"Ayan, mainis ka nalang sakin kesa namang umiyak ka diyan. Oh, singa." Itinapat naman niya sa ilong nito ang panyo niya. 

Natatawa namang inilayo ni Ellaine ang panyo niya. "Ano ba!"

Ginulo niya ang buhok nito. "Nagawa mo na ba mga homeworks mo?"

Umiling ito at ngumuso. "Ang hirap eh."

Kinurot naman niya ang ilong nito. "Papatulong ka lang eh. Tara na, tutulungan kita." Tumayo na siya at kinuha ang kamay nito. Sabay silang umakyat at ginawa ang homework nito. 

****

-----

They were very close back then. Tagapagtanggol siya lagi ni Ellaine sa mga nambubully rito sa school. Hindi kasi palaban noon si Ellaine. Pupunta lang ito madalas sa tahimik na lugar at iiiyak nalang ang sakit na naraamdaman. 

At marahil, ito rin ang ginawa nito ngayon. 

Napatayo siya ng tuwid mula sa pagkakasandal nang matanaw niya si Ellaine na yakap ang sarili at halatang nilalamig. 

Mabilis na nilapitan niya ito at inakay papasok sa hacienda. Hindi naman ito umangal dahil halata sa mukha nito ang pagod at halatang-halata sa mga mata nito na umiyak ito. Nanlalagkit rin si Ellaine dahil siguro sa gatas na tumilapon rito, pero napansin niyang iika-ika itong maglakad. 

Walang sabing binuhat na niya ito. Nagulat man ito, ay hindi na rin nagsalita at naramdaman niyang sinandal nalang nito ang ulo sa balikat niya. 

Sinalubong naman sila ni Manang Ising nang paakyat na sana sila sa itaas. 

"Ano'ng nangyari?" Nag-aalalang tanong nito. 

"Pakidalhan nalang po si Ellaine ng pagkain sa kwarto niya."

Nang makapasok sila sa kwarto nito ay dahan-dahan niyang inihiga ito sa kama. Tumagilid nalang ito at ipinikit ang mga mata. 

"Hindi ka man lang ba magpapalit? Ang lagkit mo." Tanong niya rito. 

"Just get out." Mahinang sabi nito. 

"Saan ka ba nanggaling? Kanina pa kami nag-aalala rito. Papatayin ako ni Ninong kapag may nangyari sa'yo!" Sermon niya rito. 

Padabog naman itong umupo at pinanlisikan siya ng mata. "Pwede ba!! Pagod ako, iwan mo na ako! Tsaka, hindi ka papatayin ni Daddy kung sakaling madisgrasya man ako dahil kahit na madisgrasya ako, they don't care! Kaya ikaw, tumigil ka na rin! Stop acting that you also care!" 

"But I do care, Ellaine! Lahat kami nag-aalala sa'yo! Kaya nga narito ka eh.." 

"Nandito ako kasi sawa na sila Mommy at Daddy sa akin! They never loved me, okay? Naiintindihan mo ba iyon? Huh, sabagay paano mo nga naman maiintindihan dahil katulad ka lang rin nila." 

Naguguluhan si Mico sa sinasabi nito. Hahawakan niya sana ito pero pinalis lang nito ang kamay niya. Tumayo ito at tinulak siya. 

"Ellaine..that's not true." Tawag niya rito. 

Sunod-sunod lang na iling ang ginawa niya. "No! It's true! Simula nung nangyari eight years ago, everything changed! Hindi nila makalimutan ang ginawa ko! Hindi niyo makalimutan ang ginawa ko!! Kaya don't act that you understand me.. don't act that you care for me. Kasi alam ko, alam ko na isa ka rin sakanila. Alam ko na hindi mo rin makalimutan ang ginawa ko! And I'm sorry for that. Pinagsisisihan ko lahat." Napahagulgol ito sa mga palad nito. 

He wanted to comfort her. Tell her that everything's gonna be fine.

Pero hindi niya magawa. 

Dahil somehow, totoo ang sinabi nito. 

That he can't forget what happened eight years ago. 

Pero hindi siya galit kay Ellaine. Hindi niya kayang magalit rito. Ellaine was precious to him. 

At sa nakikita niya ngayon, alam na niya kung bakit nagkakaganito si Ellaine. And that is because of what happened. 

He felt that he's close to tears when he remembers that day. 

Napapikit siya ng mariin habang inaalis sa isip niya ang pangyayaring iyon. Dahil bumabalik ang sakit. 

"M-Magpahinga ka na.. Ipapahatid ko kay Manang ang pagkain mo. Please Ellaine." Pakiusap niya rito bago lumabas. 

Dumiretso siya sa kwarto niya at napasandal sa pinto. Tiningnan niya ang nasa bedside table niya at napangiti siya ng mapait. 

At hindi na niya napigilang mapaiyak. 

--------

NEXT CHAPTER IS THE BIG REVELATION. BWAHAHA! 

Hulaan ninyo nga ang nangyari eight years ago. Let's see if you can guess it. ;))

VOTE AND COMMENT PO KAYO! FOLLOW ME! 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status