Share

Chapter 14 : Ghost Ryder

"Nasaan ang mga magulang mo?" tanong ko kay Ryder ng dalhin n'ya ako sa bahay n'ya.

Inilibot ko ang tingin ko sa loob. It felt empty and lonely. Para bang matagal na panahon itong hindi tinitirhan dahil sa malungkot at malamig na ambiance nito.

"Abroad," sagot n'ya saka s'ya ngumisi sa akin na para bang may naiisip s'yang pilyong ideya.

"Ryder, hindi ako sumama sa'yo para makipagbahay-bahayan o sabayan ang kalandian mo," pagtataray ko pero wala talaga 'yong epekto sa kanya dahil mas lalo lang lumawak ang ngisi n'ya.

"Then why did you come with me?" tanong n'ya sa akin.

"Ayoko lang na makita ka ng kaibigan ko. Ayokong may isipin s'ya patungkol sa ating dalawa kaya sumama ako," paliwanag ko.

Tama. Iyon lang ang dahilan kaya sumama ako sa kanya. Nakakairita rin ang kakulitan n'ya kanina kaya napilitan akong magpatangay sa lalaking 'to.

"Really?" May pagdududang tanong n'ya na nagpasalubong ng mga kilay ko.

"Don't get your hopes up, Ryder. Walang ibang ibigsabihin ang pagsama ko
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status