LOGINAKIO
Pagkarating namin sa rancho ay sinalubong kami nang napakaraming trabahador. "Ang pogi ni Sir Akio..." "Ihhhhhhh!" Nagtilian ang iilang kababaihan na nakakasalubong namin. Ang mga mata nila'y parang punyal na unti-unti akong hinuburan. Hindi naman ako santo para sambahin. "Tunay ngang may ipagmamalaki rin sa hitsura ang anak ni Don Iñigo," "Sana'y hindi siya kagaya ng ama niyang suplado at masungit." Iilan lamang yan sa mga naririnig ko mula sa kanila. Nakapamulsa akong lumapit sa kinaroroonan ni Tito Joaquin, na abala sa pagpapakain ng mga kabayo. Pinilit kong labanan ang sarili ko na huwag magtakip ng ilong. Ayoko namang masabihan ng maarte rito. "Tito!" Malakas na sigaw ko. Bumaling naman agad siya at sinalubong ako. "Finally, you're here Elixir," nakangiting sabi niya kaya agad akong napabusangot. "Tito naman, I told you not to call me Elixir, Akio nalang," nakangusong sabi ko. Inakbayan niya naman ako at tinawanan. "Hay naku! Ayaw na ayaw mo talaga sa pangalang ako mismo ang nagbigay sayo," Hindi parin siya tumitigil sa pagtawa habang binibigyan ako ng dayami sa kamay. Pinakatitigan ko lamang iyon dahil baka may uod, mangati pa ako nang wala sa oras. "Kailangan mo matutunang magpakain ng kabayo, baka mamaya niyan kapag ikaw na ang namumuno rito, mamatay silang lahat." Natatawa paring sabi niya kaya wala akong nagawa kundi sundin ang sinabi niya. Kinuha ko ito at hindi ko maiwasang mapapikit habang inilalapit ang mga kamay sa kulungan kung saan nag-aabang ang mga gutom na kabayo. Nakakabading man ito sa paningin niyo ay wala na akong pakialam. Natatakot din naman ako, mamaya niyan makagat pa nila ang kamay ko, sayang ang mga daliri ko kung di magagamit sa tamang kweba. "Eula!" Nabaling ako sa isang lalaking halos madapa na kakatakbo makapunta lamang sa direksyon ni Eula. Napakunot ako ng noo ng bigla nalang itong umakbay sa babae. "Aray..." Dahil sa matinding katangahan ay nahiwa ako ng matulis na damo sa palad. "Anong nangyari sayo?" Nagtatakang tanong ni Tito kaya ipinakita ko na lamang ang dumudugo kong palad sa kanya. Umiling lamang siya at nagtawag pa ng ibang tao para gamutin ako. "Pancho!" Malakas na sigaw nito. Agad namang tumakbo palapit sa akin ang lalaki at hindi ko maiwasang makaramdam ng pagkainis sa kanya. Siya iyong umakbay kay Eula. Siya rin siguro ang tinutukoy niya na manliligaw. "Anong nangyari Sir, Akio?" Lumapit sa direksiyon namin si Eula at hinawakan ang kamay ko. "Dapat nagdadahan-dahan kayo," Nag-aalalang sabi nya habang pilit na hinihipan ang sugat ko. Natawa ako ng bahagya dahil sa pagkataranta niya. Dumating si Pancho na may hawak na bulak at alcohol. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin na para bang ayaw niya rin sa presensya ko. "Ako na ang gagamot sa kanya, akin na nga, Pancho!" Iritableng sabi niya at inagaw ang first aid kit na dala nito. Iginaya niya ako sa upuang kahoy sa lilim ng isang punong mangga. "Dapat mag-iingat kayo palagi, paniguradong magagalit sa inyo si Senyora." Umiiling pa na sabi niya. Ito ang unang beses at unang tao na nagkaroon ng pakialam sa akin. Sa mansyon ay nabuhay ako na lahat ay limitado, bawat kilos ay alam dapat ng tatay ko. Lahat ng desisyon ay sila dapat ang nagpapasya. Minsan hindi na ko natutuwa at nagsisisi na ako na pinanganak akong may gintong kutsara sa bibig, ngunit nakakulong naman sa hawla. Matapos niyang malagyan ng bandage ang palad ko ay pinakatitigan niya ako. Sakto namang nakatingin ako sa kanya kaya siya ang naunang umiwas ng tingin. "Eula! Tapos kana siguro diyan, samahan mo naman ako mamitas ng mais," Nakangusong sabi ni Pancho na parang aso. Bakit si Eula ang gusto niyang isama, andami-daming mga kalalakihan diyan. "Ayoko nga, pumunta ako rito para bantayan ang amo ko. Hindi para maging tuta mo," Masungit na sabi ni Eula, kaya bahagya akong natawa. Sinamaan ko ng tingin ang lalaki pero mas masama ang tingin nito sa akin. Sino ba siya't sinasalungat niya ang mga tingin ko? "Ano, okay na ang sugat mo pamangkin?" Tanong ni Tito na agad kong tinaguan. "Mabuti naman, nga pala si Pancho- pinsan mo," Parang ayaw tanggapin ng tenga ko ang sinabi niya. Sa tagal kong namalagi sa mansyon, bakit hindi ko nalamang may pinsan pala ako. Kaninong anak siya? Ang alam ko'y walang anak si Tito Joaquin. "Anak siya ng Tito Gino mo. Bata pa lamang ay iniwan na siya sa akin ng magaling kong kapatid," Bakas sa mga tinig ni Tito ang matinding galit sa kapatid. Si Tito Gino ay nalulong sa sugal at sumama pa sa kabit. Hanggang ngayon ay hindi namin alam kung nasaan siya o kung buhay pa ba siya. Tumango na lamang ako at ngumiti sa pinsan ko kuno pero hindi niya ako pinansin. Hinablot niya ang braso ni Eula na agad ko namang hinila pabalik. "Ano ba kayo! Mapuputol na ang braso ko, bitawan niyo nga ako!" Iritableng sabi ni Eula na mukhang nasasaktan na. Ako na lamang ang unang bumitaw dahil mukhang walang balak bumitaw si Pancho. Ano bang problema niya? "Ano, Pancho! Bingi ka ba?" Iritableng sabi ni Eula at pilit na tinatanggal ang kamay ng lalaki sa kanyang braso. "Mabuti pa'y bumalik kana sa pag-aani ng mais, Pancho." Seryosong sabi ni Tito. Agad namang tumalikod ang lalaki at umalis habang nagdadabog. "Huwag sanang maulit sa inyo ang nangyari sa Daddy mo at Tito Gino mo," Seryosong sabi ni Tito na hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin. Ano bang nangyari sa kanila? Parang walang nakukwentong iba sa akin si Mom. "Ano pong ibig niyong sabihin Tito?" Nagtatakang tanong ko pero nginitian niya lamang ako't bumalik na sa pagpapakain ng kabayo. Naiwan kaming dalawa ni Eula sa upuan, namumula ang kanyang mga braso. "Bwisit na Pancho yun, wala na siyang ginawa kundi badtripin ako," Nakangusong sabi niya. "Mukhang patay na patay sayo ang lalaking iyon." Tumatawang sabi ko pero sa loob-loob ko ay naaasar ako. Hindi ko alam kung bakit, pero parang nagseselos ako na hindi dapat mangyari lalo na't may kasintahan na ako. "Talaga! Malapit ko na iyong patayin," Galit na sabi niya. Hindi ko maiwasang mapatitig sa mukha niya habang nakabusangot. Aminin ko man o hindi, siya lang ang nakita kong pinakamagandang babae rito sa lugar.EULA Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil sa malakas na sigaw mula sa sala. Nagkusot muna ako ng mata at tiningnan si Nanay kung tulog pa, pero nagulat ako dahil tanging ang dalawang kapatid ko lang ang nandito sa higaan. Tumakbo ako ng mabilis palabas ng pintuan. Nasa may hagdan pa lamang ako nang makita ko na kung anong nangyayari sa baba. Anong ginagawa nila kay Nanay? "Hindi ka dapat nakikialam sa mga gamit dito. Tingnan mo, nabasag mo ang mamahaling vase na galing pa sa kaibigan ko na nakatira sa Australia!" galit na sigaw ni Doña Beatrice kay Nanay, na nakatungo lang at walang ibang ginawa kundi ang humingi ng paumanhin. "P-pasensya na po, Ma'am. Hindi po ako ang nakabasag niyan—iyong katulong niyo po," sabay turo ni Nanay kay Manang Des, na ngayon ay nakakunot na ang noo. "Bakit ako ang sinisisi mo? Kung hindi ka pakalat-kalat sa daan, sa tingin mo ay mabibitawan ko iyon?" masungit na sabi ng matandang babae. Noon pa man ay ayaw na nito sa akin. Palibhasa'y nanay ni Ira
AKIO Here we are again, at the rest area near the pool. My father sat with his legs crossed and arms folded, waiting for my arrival. His face was blank, clearly displeased by my presence. I stood before him, awaiting his words, but he remained silent, just looking at me. I was the one who finally broke the silence between us. "Anong pag-uusapan natin, Dad?" kaswal na tanong ko. Ayoko namang magmukhang mahina sa harapan niya. "That helper must be incredibly special to you, since you even have to take in her whole family!" galit na sabi niya kaya hindi ko maiwasang mapakuyom ng kamao. Wala ba siyang pakialam sa mga tauhan niya? "My help to her means nothing else. It's up to you if you want to impute malice to it," seryosong sabi ko habang pinipilit na kumalma. Ayokong sabayan ang init ng ulo niya dahil paniguradong hindi rin naman ako mananalo sa bandang huli. "Besides, they never showed me anything bad when I stayed with them," dagdag ko pa, na mas lalong nagpakunot sa kanyang noo.
EULA Pagdating namin sa mansiyon ay sari-saring mga mata ang pumalibot sa amin. May mga matang nagtataka, natutuwa, at nagagalit. Sinalubong kami ni Auntie Nessy, nakakunot ang noo nito. "Nahihibang ka na ba, Eula? Bakit mo isinama ang pamilya mo dito? Magagalit si Doña Beatrice at Don Iñigo," Bakas ang matinding pag-aalala sa mukha ni Auntie Nessy. Bigla tuloy dumistansya sila Nanay nang marinig ang sinabi niya. Nagkamot lang ako ng ulo at itinuro si Sir Akio. "Siya ang nagpumilit na isama ko sila Nanay," tila isang bata na nagsusumbong na sabi ko. Natahimik si Auntie Nessy nang tingnan siya nang seryoso ni Sir Akio. Mabilis siyang umalis sa harapan namin at mabilis na pumunta sa kusina. Nang makita namin ang pagbaba ng dalawang matanda sa hagdan ay bigla na lang nagsi-alisan ang mga katulong na kanina pa nakatingin sa amin. "Mabuti naman at naisipan mo pang umuwi!" Galit na sabi ni Don Iñigo kay Akio. Hindi niya ako pinansin kaya akala ko absuwelto na ako at maglalakad na
AKIO Today, we're returning to the mansion with Eula's family. I don't know what my Dad will say, but I'm sure he'll be extremely angry with me. "Sigurado ka ba, Sir, na isasama natin ang pamilya ko? Baka kasi magalit si Don Iñigo at Doña Beatrice," nag-aalalang sabi niya. "Anong magagawa ng galit nila sa galit ko?" natatawang sabi ko. Idinaan ko na lamang sa pagyayabang ang takot, kahit alam kong mamaya ay pihadong mababasag ang eardrum ko. "Aalis na ba tayo?" tanong ni Serafino habang dala-dala ang bag na kapag nilagyan pa ng maraming bagay ay paniguradong mapipigtal sa sobrang luma na. Eula and I nodded simultaneously, and he suddenly jumped with joy. But before we could leave, Eula's supposed father suddenly appeared in front of us. He was carrying a bottle of "kwatro kantos" (a local liquor) and chugging it as he walked unsteadily. "M-may outing pala kayo—hik—Di niyo man lang ako sinabihan," sabi nito nang makarating sa pwesto namin. Tiningnan ko si Eula; bakas ang galit
EULA Kanina ko pa gustong pagtutusukin ang mga mata ng mga nakatingin sa katawan ni Sir Akio. Kung bakit pa kasi siya naghubad ng damit—pwede namang hindi. Ako lang ang may karapatan na makakita niyan. Nakakaasar naman talaga. Hanggang sa pag-uwi ay bitbit ko pa rin ang mainit na ulo, at halos sumayad na rin ang nguso ko sa lupa. "Ate, lalo kang pumapangit kapag nakabusangot ka. Ano ba kasing problema?" tanong sa akin ni Serafino. Mas lalo pang kumunot ang noo ko. Sinabihan lang naman ako ng kapatid ko na pangit, eh magkamukha lang din naman kami. Nauna lang akong lumabas kaysa kanya. "Tigilan mo ako, Koykoy. Ibabalik kita sa sinapupunan ni Nanay kapag sinabihan mo pa akong pangit," nakangusong sabi ko. Koykoy ang palayaw ni Serafino. Tumakbo lang siya ng mabilis, dala ang dalawang maliit na galon na may lamang tubig galing sa bukal. Napabuntong-hininga na lamang ako habang tinatanaw ang kapatid kong nakalayo na. "Baka naman masira na yang damit mo sa sobrang gigil mo?" natatawan
AKIO Ang unang beses na naisip kong gawin kaya ako sumama sa kanya ay aralin ang buhay na meron sila. Pero isang araw pa lamang ng pamamalagi ay nahihirapan na ako. Walang kahit na anong gamit sila maliban sa lutuan na gawa sa bato; kahoy ang tanging panggatong. Limitado rin ang pinggan na meron sila—sapat lang para sa kanila. Walang kahit anong electric fan; karton lang ay sapat na sa kanila. Kaya naman ang titibay ng braso nila. Ang unan ay hindi kasing lambot ng nasa mansiyon, at ang higaan ay napakatigas—banig kung tawagin nila. Kapag nahiga ka, paggising mo ay babakat na ang bawat hugis nito sa bawat parte ng katawan ko. Nakakaawa man isipin ang buhay nila, pero nakikita ko naman kung gaano sila kasaya. "Where are you—I mean, saan kayo pupunta?" tanong ko kay Serafino. May dala siyang dalawang maliit na galon. Nasa labas kasi ako nagpapahangin dahil sobrang init ng panahon. Parang gusto ko ngang mag-swimming ngayon. "Sa bukal, Kuya. Mag-iigib po ako ng tubig," nakangiting sabi







