LOGINEULA
Habang pinagmamasdan ko si Sir Akio na nagpapakain ng kabayo ay hindi ko maiwasang mainggit sa kabayo. Kailan kaya niya ako papakainin? Napailing na lamang ako dahil sa walang kwentang bagay na pumasok sa isip ko. Ako lang ba yung nag-iisang tao na naiinggit sa hayop at hinihiling na sanay maging hayop nalang. Halos maglaway pa ako dahil sa pamamasa ng suot niyang sandong puti. Kitang-kita ang matipuno niyang katawan at ang walong tinapay sa kanyang tiyan. "Ang laway mo, malapit nang tumulo yan," Bigla kong naisara ang bibig ko dahil sa panirang dumating. Si Pancho na nakabusangot at hindi maipinta ang mukha. Pangit na nga, mas lalo pang nadagdagan. "Hindi ba nabubuo ang araw mo, kapag hindi ako napipikon?" Sinamaan ko siya ng tingin at lumayo sa kanya. Gustong-gusto niyang magkadikit kami palagi, hindi niya naman ako kakambal. "Buo na ang araw ko, kung wala lang asungot na lumitaw sa rancho," bulong niya kaya agad ko siyang kinunutan ng noo. Sino naman ang tinutukoy niya? "Si Sir Akio ba ang pinaringgan mo?" Nakataas-kilay na sabi ko. Anong karapatan niyang tawaging asungot ang asawa ko? Ang lakas ng loob niya, mukha naman siyang surot. Hindi naman niya ako sinagot at tumalikod na. Akala ko'y aalis na siya pero bigla na naman niya akong hinila. Mabuti na lamang ay alerto ako't nakabitaw agad ako. "Ano ba! A-aray ko, isa kapa!" Malakas na bulyaw ko dahil may humawak din sa kaliwang braso ko. Ano ako lubid? Tag of war ba to? Iritable kong tiningnan ang humawak sa kabilang braso ko at nanlaki ang mga mata ko. Si Sir Akio, masama ang mga tingin nito kay Pancho. Matagal silang nagtitigan kaya inisip ko na lamang na baka may gusto sila sa isa't isa pero agad akong umiling, hindi pwede. Akin lang ang asawa ko. "Bitawan mo siya, pare." Seryosong sabi ni Sir Akio. Agad naman akong binitawan ni Pancho kaya sinamaan ko siya ng tingin ng makitang namumula ang braso ko. Mabuti pa si Sir Akio, napakagentle niyang humawak. Nakita ko na lamang na tumalikod si Pancho habang nakakuyom ang mga kamao. "Hindi ba't sinabi ko sayong dumikit ka lang sa akin, kung saan-saan ka napupunta. Wala ka sa mall para mamasyal," Masungit na sabi ni Sir Akio sa akin. Napakunot na lamang ako ng noo dahil malapit lang naman ako sa direksiyon niya't hindi naman ako lumalayo. "Bilisan mo na diyan, mangangabayo tayo mamaya." Hindi ko alam kung mali lang ba ang pandinig ko o may nakabara na ditong tutuli. Kakabayuhin niya raw ako? Ay pak... gusto ko yan. "Saglit naman! Ang bilis mo na naman maglakad," Tumakbo ako ng mabilis para habulin siya. Hindi mawala ang mga ngiti ko sa labi dahil gusto nyang nakadikit ako parati sa kanya. BLAGGGG... "A-aray naman!" Bigla siyang tumigil sa paglalakad kaya nabangga ako sa malapad niyang likod. Gusto kong hawakan ang noo ko na nauntog sa kanya pero mas pinili kong hawakan ang likod niya. Ang sarap siguro nitong kalmutin sa gabi. Habang busy akong kalikutin ang likuran niya bigla na lamang siyang humarap kaya mabilis akong napaatras. "May gusto ka ba sakin?" Nakangising sabi ni Sir Akio. Agad akong nag-iwas ng tingin at nangapa ng sagot. "H-hindi, B-bakit naman ako magkakagusto sayo? Mahal ko ang trabaho ko, Sir, 'wag niyong lagyan ng malisya," pinagpapawisang sabi ko pero mas lalo lamang siyang natawa. "Tense na tense ka ha, sabihin mo lang, malay mo patulan kita," Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa mga sinasabi niya, lalo na't ang lapad ng ngiti niya na tuwang-tuwa na inaasar ako. "Biro lang, masiyado ka namang seryoso. Let's go!" Nag-iba ang tono ng pananalita niya kaya agad akong napahinga ng maluwag. Hindi na lamang ako umimik, mabuti na lamang ay mabilis naming narating ang kuwadra. Ang dami ng kabayo, ang lalaki ng...Ughh.. nevermind. "Saan mo gustong sumakay?" Nakangising sabi niya. Pwedeng sayo nalang? "Ano na? Kanina kapa nakatulala diyan," Nakakunot na tanong niya kaya naman agad akong bumalik sa wisyo. "S-sa K-kabayo, Sir?" Nauutal na sabi ko. "Alangan man saan, may nakita ka pa bang ibang sasakyan dito maliban sa kabayo? Unless, ako ang gusto mong sakyan," Feeling ko namumula na ako ngayon dahil sa mga sinasabi niya. "Tara na nga! Para ka namang tanga diyan," Huling sinabi niya bago kuhanin ang puting kabayo. Kapansin-pansin pa nga ang hindi niya pagiging komportable at parang natatakot pa siyang lumapit sa hayop. Napabuntong-hininga na lamang ako habang ikinakalma ang sarili. Nakakahiya kay Sir Akio, kung ano-ano na lamang ang pinagagawa ko, Hayyyss.. "Ano pa bang tinatayo mo diyan, sumakay kana!" Parang nawalan na siya ng pasensya sa akin. Hindi ko naman kasi alam kung saan ako sasakay. Isa lang naman ang kabayong kinuha niya. "Kailangan pa ba kitang buhatin para makasakay ka sa kabayo?" Nakangising sabi niya. Ang pogi niya talaga sa pwesto niya. Nakasakay na kasi siya sa kabayo, at pasimpleng pinalalakad-lakad ito sa harapan ko. "Huh? Saan ang kabayo ko?" Biglaang tanong ko. "Sumakay kana dito, bilisan mo, bago pa maubos ang pasensya ko sayo." Inis na sabi niya kaya mabilis akong pumunta sa kanya at tinulungan naman niya akong makasampa sa kabayo. Mabuti na lamang ay maalam ako sa ganito, may kalabaw kasi dati si papa, sinasakyan ko din iyon noong mga bata pa kami ng mga kapatid ko. Nalungkot ako sa pagbabalik-tanaw sa nakaraan. Kumusta na kaya si Mama, siguro nama'y sumasapat naman ang pinapadala ko para sa mga gamot niya. At paniguradong may sumusobra pa para sa pangmatrikula ng mga kapatid ko. Nasa ganoon ako ng pag-iisip ng bigla na lamang paluin ni Sir Akio ang kabayo, kaya kumaripas ito ng takbo. Sa gulat ko ay napahawak ako ng mahigpit sa kamay niya. Sa unahan niya kasi ako pinasakay, ramdam na raman ko ang pagyakap niya sa akin at ang pamumukol ng kung ano man sa suot niyang pang-ibaba. Hindi ko alam kung dala lamang iyon ng pag-indayog ng kabayo o talagang tumitigas ang sandata niya sa likod ko. Nanigas ang buo kong katawan nang ipatong niya ang baba niya sa balikat ko. Ramdam na ramdam ko ang paghinga niya malapit sa tenga ko. Ginapangan ako ng matinding kilabot at kasabikan.EULA Habang pinagmamasdan ko si Sir Akio na nagpapakain ng kabayo ay hindi ko maiwasang mainggit sa kabayo. Kailan kaya niya ako papakainin? Napailing na lamang ako dahil sa walang kwentang bagay na pumasok sa isip ko. Ako lang ba yung nag-iisang tao na naiinggit sa hayop at hinihiling na sanay maging hayop nalang. Halos maglaway pa ako dahil sa pamamasa ng suot niyang sandong puti. Kitang-kita ang matipuno niyang katawan at ang walong tinapay sa kanyang tiyan. "Ang laway mo, malapit nang tumulo yan," Bigla kong naisara ang bibig ko dahil sa panirang dumating. Si Pancho na nakabusangot at hindi maipinta ang mukha. Pangit na nga, mas lalo pang nadagdagan. "Hindi ba nabubuo ang araw mo, kapag hindi ako napipikon?" Sinamaan ko siya ng tingin at lumayo sa kanya. Gustong-gusto niyang magkadikit kami palagi, hindi niya naman ako kakambal. "Buo na ang araw ko, kung wala lang asungot na lumitaw sa rancho," bulong niya kaya agad ko siyang kinunutan ng noo. Sino naman ang tinutukoy niya?"S
AKIO Pagkarating namin sa rancho ay sinalubong kami nang napakaraming trabahador."Ang pogi ni Sir Akio...""Ihhhhhhh!"Nagtilian ang iilang kababaihan na nakakasalubong namin. Ang mga mata nila'y parang punyal na unti-unti akong hinuburan. Hindi naman ako santo para sambahin. "Tunay ngang may ipagmamalaki rin sa hitsura ang anak ni Don Iñigo,""Sana'y hindi siya kagaya ng ama niyang suplado at masungit."Iilan lamang yan sa mga naririnig ko mula sa kanila. Nakapamulsa akong lumapit sa kinaroroonan ni Tito Joaquin, na abala sa pagpapakain ng mga kabayo. Pinilit kong labanan ang sarili ko na huwag magtakip ng ilong. Ayoko namang masabihan ng maarte rito. "Tito!" Malakas na sigaw ko. Bumaling naman agad siya at sinalubong ako. "Finally, you're here Elixir," nakangiting sabi niya kaya agad akong napabusangot. "Tito naman, I told you not to call me Elixir, Akio nalang," nakangusong sabi ko. Inakbayan niya naman ako at tinawanan. "Hay naku! Ayaw na ayaw mo talaga sa pangalang ako mi
EULA"Sir!... Sir!" Pogi sana kaso bingi. Kanina pa kasi ako nakasunod sa kanya, at kanina ko pa siya tinatawag ngunit hindi naman niya ako naririnig. Ang hirap kaya niyang habulin, ang hahaba ng biyas niya. Halos mapugto ang hininga ko kakalakad-takbo mahabol lamang siya.Hindi na ko nakatiis, kaya binato ko na siya ng suot kong tsinelas. "What the heck!" Hawak ko ang dalawang tuhod nang lingunin niya ako, tagaktak ang pawis, at mas malinis pang tingnan ang badjao kumpara sa akin. Nanlalaki ang mga mata niya habang pinapasadahan ako ng tingin. "Pati ba naman dito sa gubat ay susundan mo ako?" Nakanuot ang noo nito habang pinupunasan ang damit na nadumihan, galing sa ibinato kong tsinelas."S-sorry S-sir, K-kanina p-pa k-kita t-tinatawag. N-napakabingi m-mo," nahihirapang sabi ko. Halos maubos ang hangin sa buo kong katawan dahil sa paghabol ko sa kanya.Doon ko lang napagtanto na naka-wireless earphone pala siya kaya hindi niya ako naririnig. Bahagya niyang tinanggal ang isang par
AKIOKnock! Knock!Narinig ko ang malakas na katok sa pintuan kaya agad ko itong binuksan, ngunit hindi siya ang babaeng gusto kong makita. "Good morning, Sir Akio. Ito na po ang pagkain niyo," nagpapa-cute na sabi niya ngunit naiinis ako sa pagmumukha niya. "Hindi ikaw ang inaasahan kong magdadala ng pagkaing 'yan sa'kin. Where's Eula?" seryosong sabi ko dahilan para matigilan siya. "S-sabi niya kasi, ako na po ang m-magdala," nauutal na sabi niya. "Lumabas ka at ibigay mo 'yan sa kanya. Kakainin ko lang 'yan kung siya ang magdadala," seryosong sabi ko at hindi na siya pinansin. Tinuon ko na lamang ang atensiyon ko sa cellphone dahil ang gulo ng mga kaibigan ko sa group chat. Puro mga nude pictures nang iba't ibang babae ang mga sini-send nila—mga siraulo talaga. "Sorry, Sir, lalabas na po ako," naiiyak na sabi ng babae ngunit hindi na ako sumagot. Narinig ko na lamang ang pagsarado ng pintuan.Ilang minuto rin ang inantay ko bago ko narinig ang muling pagkatok sa aking pintuan.
EULAAs I gazed at every detail of his face, I couldn't help but admire him. He had a perfectly shaped jawline, sparkling blue eyes, a high-bridged nose, and sexy lips. His hair wasn't too long, he had brown skin, and he had eight-pack abs. The black cross-shaped earring in his right ear also suited him perfectly. I stared at myself in the mirror, and the gap between us was enormous. Simpleng damit, at walang anumang palamuti sa aking katawan. Ang mga damit ko ay palaging gusot, at hindi ko alam kung paano magbihis ng maayos. Isa siyang bilyonaryo, samantalang ako ay isang ordinaryong tao lamang. Mayroon siyang malaking tirahan, samantalang ako ay nakikitira lang. Sinampal ako ng reyalidad na kahit kailan, hindi ako papansinin ng isang ELIXIR AKIO SULLIVANSa loob ng limang taong pamamalagi ko rito sa mansyon, dito na rin ako inabutan ng pagiging dalaga. Labin-tatlong taong gulang ako nang magsimula akong magtrabaho rito, at hanggang sa ako'y maging labingwalo, narito pa rin ako. Hind







