LOGINRINIG na rinig ng apat na bata ang sagutan mula sa kabilang linya ngunit wala na silang ibang makita pa sa screen kundi tanging black na lamang. Napuno ng galit ang mukha ng batang si Annie at hindi niya na napigilan pang mapasigaw sa galit. “Hoy bakit mo inaaway ang Mommy ko?! Kapag nakita kita sisipain kita!” galit na sigaw niysa cellphone. Nang marinig ni Beatrice ang boses ng bata ay kaagad na nagsalubong ang kanyang mga kilay. Sino ang tinutukoy nitong Mommy? At tama ba ang narinig niya o namali lang siya ng rinig? Bigla niyang inilibot ang kanyang tingin sa paligid at doon nga ay napansin niya ang nakataob na cellphone ni Bella sa sahig dahilan para mapangisi siya, so doon galing ang boses ng bata? Napatingin siya rito na puno ng pang-uuyam ang mga mata. “So nagkaanak ka pala? Kawawang inutil na bata, walang ama.” sabi niya rito.Nagpanting ang mga tenga ni Bella nang marinig niya ang sinabi ni Beatrice. Binitawan niya ang baunan kung saan nakalagay ang kinakain niya at tumayo
ANO bang sinasabi ng lalaking ito? Kung may isinend ito sa kaniya, hindi ba dapat at naroon ang chat nito sa kaniya? Kaagad niyang inilabas ang kanyang cellphone at binuksan niya ang conversation nila ng lalaki at hinanap doon ang sinasabi nito ngunit wala naman siyang nakita. “Sir, wala po talaga.” sinubukan niyang ipaliwanag dito ang lahat ngunit malakas lang nitong hinampas ang mesa dahilan para mapapikit siya sa gulat.“Kahit na nakalimutan kong sabihin sayo diba dapat ay nagtanong ka at nilinaw ng maayos ang lahat?” galit na tanong pa rin nito sa kaniya. Sa sobrang sama ng mukha nito habang nakatingin sa kaniya ay hindi na niya napigilan pa ang hindi mapa atras ng mga oras na iyon dahil sa takot. Dahil dito ay naisip niya na baka nga kasalanan niya talaga at mali niya na hindi siya nagtanong ng maayos kaya sinubukan niyang kausapin ito ng maayos bago pa lumaki ang lahat dahil lang sa pagkakamali niyang iyon. “Kung gusto niyo sir ay bibili na lang ako ulit para huwag na kayong m
MULA sa taas, nakatayo si BEatrice sa tabi ng floor to ceiling window ng kanyang opisina kaya kitang-kita niya ang eksena sa baba. Kaagad na nawalan ng kulay ang kanyang mukha at naging malamig ang kanyang mga mata dahil sa galit. Napuno naman ng lungkot ang mga mata ni Kyle habang nakatingin kay Bella. “Wala naman sigurong masama kung aayin lang kita sa pagkain hindi ba? Isa pa, kapatid ka niya kaya kung tutuusin ay pamilya tayo.” sabi nito sa kaniya.Tumaas ang sulok ng mga labi ni Bella. “Kapatid pa rin ba ni Beatrice ang tingin mo sa akin?” puno ng panunuya na tanong niya rito. Alam niyang hindi iyon ang tingin nito sa kaniya at ramdam niya iyon. Nakasulat sa mukha nito ang emosyon. Hindi ito nakasagot sa tanong niya at kahit na hindi pa ito sumagot ay alam na niya kaagad kung ano ang sagot sa tanong niya. Minsan na siya nitong tinalikuran at naniwala ito sa sinabi ni BEatrice kaya wala na siyang balak pa na balikan ito. Idagdag pa na tuluyan nang naglaho ang nararamdaman niya p
MAS lalo namang naging matalim ang mga mata ni Beatrice nang makita niyang tuloy-tuloy sa paglalakad si Bella at hindi man lang tumigil. Sa kanyang inis ay dali-dali siyang bumangon ngunit nang tumayo siya ay muli lang siyang nadulas at sa pagkakataong iyon ay mas malakas pa ang kanyang pagbagsak. Halos mapamura siya sa sakit.Dahan-dahan siyang kumapit sa pader at kung hindi niya pa iyon ginawa ay baka hindi na siya makatayo dahil sa sakit ng kanyang pang upo. Ito kasi ang tumama sa sahig. Sa unang pagkakataon ay nangyari ito sa kaniya at si Bella pa talaga ang may gawa! Humanda ka talaga! Malamig na bulong niya sa kanyang isip.Akala niya ay makakatayo na siya ngunit muli lang siyang nadulas at sa pangatlong pagkakataon at muli siyang bumagsak sa sahig. Napakadulas ng sahig sa totoo lang. Ilang sandali pa ay bigla niyang nilingon ang dumadaan na kasamahan niya at sinamaan ito ng tingin. “Anong tinitingin tingin mo diyan? Hindi mo ba nakikitang hindi ako makabangon?! E kung tulungan
PAGKATAPOS kumain ng hapunan ay ginawa ni Bella ang kanyang mga normal na gawain. Pinaliguan niya ang kanyang mga anak at tinanong ang mga natutunan nila sa araw na iyon sa kindergarten at pinasulat niya rin ang mga ito ng ilang beses ng mga pangalan ng mga ito. Nag mag-alas otso na ng gabi ay pinatulog na niya ang mga ito. Dahil wala naman na siyang ibang gagawin pa at maaga pa naman ay muli niyang inilabas ang kanyang sketchbook kung saan ay inumpisahan niyang mag disenyo ng mga damit na pumapasok sa isip niya. Sa totoo lang ay pangatlong sketchbook na niya iyon dahil ang dalawa ay napuno na niya at kung susumahin ay mga nasa isang daan na siguro ang nagawa niyang design ng mga damit. Kapag may naiisip siya at wala naman siyang ginagawa ay palagi niyang hawak ang sketchpad niyang iyon. Pero mas may oras siya sa gabi.Inipon niya ang lahat ng iyon dahil sabi niya sa sarili niya na baka balang araw ay magamit niya rin ang mga ito dahil baka may maka-discover sa kaniya. Baka mas sakal
NGUMITI lang naman ito sa kaniya. “Ano ka ba hija, huwag mong isipin iyon isa pa, meron naman akong pera at wala akong alam na pagkakagastusan ko kaya hayaan mo lang akong tulungan ka.” sagot nito sa kaniya. Napakagat labi naman si Bella nang marinig niya ang sinabi nito dahil naantig ang kanyang puso. Kung may tatlong demonyo sa kanyang pinapasukan, mabuti na lang at may natitira pang anghel sa buhay niya. Ilang sandali pa ay huminga siya ng malalim. “O siya magluluto na muna ako para sa ating hapunan, gawin niyo muna ang inyong mga assignments!” sabi niya at sabay-sabay naman na tumango ang mga ito bago nagsitakbuhan patungo sa kwarto ng mga ito. Ilang sandali pa ay sinulyapan niya ang matanda. “Pasensya na po kayo aling Ruth kung medyo malilikot ang apat, kakulitan pa lang po kasi nila. Pinahirapan po ba nila kayo kanina?” maingat niyang tanong dito ngunit mahina itong napailing.“Hindi naman hija kaya wala kang dapat ipag-alala.” nakangiti nitong sagot sa kaniya. “Isa pa, napaka
HINDI namalayan ni Addie na maging siya ay nakatulog na habang yakap-yakap ni Sevi. nang magising siya ay halos palubog na ang araw. Hindi niya akalain na makakatulog siya ng ganun katagal habang nakatabi si Sevi. dahan-dahan siyang bumangon sa takot na baka magising niya ito dahil alam niya na han
PAKIRAMDAM ni Addie ay napaka espesyal ng araw na iyon dahil hindi lang siya ipinagluto ni Sevi kundi hindi rin siya nito hinayaang maghugas ng plato. Ito ang gumawa ng lahat ng iyon kahit na pinilit niya pa itong tulungan ito kaya sa huli ay naroon siya at nakaupo habang pinapanood itong maghugas
PAGDATING ni Addie sa villa ay kaagad na sumalubong sa kaniya ang napakatahimik na kapaligiran. Isang linggo lang siyang nawala doon pero pakiramdam niya ay isang taon na. Napabuntong hininga siya. Kahit na napakaikli pa lang ng panahon na pananatili niya roon ay talagang naging pamilyar na siya ri
KATULAD nga ng napagkasunduan nila ni Sevi ay pinayagan siya nitong umuwi sa probinsya. Mabuti na lang talaga ay nagawa niyang makumbinsi ito dahil kung hindi ay hindi niya na naman sana nakasama ang kanyang mga anak.Ngayong araw nga ang huling araw niya doon dahil mamayang gabi lang ay babyahe na







